You are on page 1of 2

Name: Age: Grade & Section:

School: Teacher:

Pretest: Posttest: Level: Set: Date:

KAPALIGIRAN
Dumaan ang habagat sa Luzon. Nagdulot ito ng pinsala sa tao. Maraming lugar sa Maynila,
Pampanga, Quezon, at Aurora ang lumubog sa baha. Nagmistulang malaking karagatan ang mga
ito. Lumutang din at natangay ng baha ang tambak na basura. Malaking halaga ang nawala sa libo-
libong mamamayan. Maraming pananim ang nasira sanhi ng malakas at patuloy na pag-ulan.
Marami ring buhay ang nakitil. Nasira ang mga bahay, tulay, at malalaking gusali. Isang dahilan nito
ay ang pagguho ng lupa o landslide.
Maiiwasan sana ang pagguho ng lupa sa mga kabundukan kung isasagawa ng mga tao
ang programa ng Kagawaran ng Pangangalaga sa Kapaligiran at Likas na Yaman. Ang muling
pagtatanim ng puno sa gubat o reforestation sa mga nakalbong kabundukan ay makatutulong sa
pag-iwas ng pagguho ng lupa.
Malaki ang magagawa nating mga kabataan. Iwasan natin ang paggamit ng mga plastik
at ang pagtatapon ng basura kung saan-saan.Mag-umpisa tayong maglinis ng paligid at magtanim
ng mga puno sa mga bakanteng lupa ng ating bakuran. Gawin itong luntian upang maging maganda
ang kapaligiran.

MGA TANONG:

1. Ano ang sanhi ng paglubog ang mga bahay 3. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakitil
at pananim? sa binasang seleksyon?

A. Natumba ang mga puno. A. naalanganin

B. Malakas ang hanging habagat. B. nagkasakit

C. Dumaan ang habagat sa maraming lugar. C. nagulo

D. Nagmistulang dagat ang maraming lugar. D. Nawala

2. Ano ang pangunahing ideya na tinalakay sa


seleksyon? Tinalakay sa seleksyon ang 4. Ano kaya ang sanhi ng pagguho ng lupa?
_______________________________. A. Walang bakod ang mga lupain.
A. sanhi ng habagat B. Maraming mga puno ang pinuputol.
B. mga tinamaan ng habagat C. Kulang sa paghahanda ang mga tao.
C. pangangalaga sa habagat D. Hindi agad nasabi ang pagdating ng habagat.
D. habagat at ang mga dulot nito

5. Bakit kailangang alagaan ang kapaligiran?


Kailangang alagaan ang kapaligiran upang
__________________________.

A. maiwasan ang habagat

B. maiwasan ang pagbabaha

C. makatulong sa komunidad

D. maitayo ang nasirang mga bahay

You might also like