You are on page 1of 1

PHIL IRI (PROGRAMANG AKBAY-BASA) YUGTO 3

PANGALAN: __________________________________ Puntos:______/6


SEKSYON:_____________________ Oras ng Pagbasa (Gaano katagal):___________

GALING SA JAPAN
Sabik na sabik na si Jose. Darating na kasi ang Nanay niyang si Aling Malou.
Dalawang taon ding nawala si Aling Malou. Galing siya sa Japan.
Sumama si Jose sa Tatay niya sa paliparan. Hiniram nila ang lumang jeep ni Tito
Boy para makapunta roon. Susunduin nila si Aling Malou.
Pagdating sa paliparan, naghintay pa sila. Hindi pa kasi dumarating ang eroplanong
sinakyan ni Aling Malou. Hindi nagtagal, may narinig na tinig si Jose.
“Jose! Lito!” malakas na sigaw ni Aling Malou nang makita ang mag-ama.
“Inay!” sigaw din ni Jose, sabay takbo nang mabilis palapit kay Aling Malou.
“Marami akong pasalubong sa iyo, anak,” simula ni Aling Malou. “May jacket, bag,
damit at laruan.”
“Salamat, ‘Nay,” sagot ni Jose. “Pero ang mas gusto ko po, nandito ka na! Kasama
ka na namin uli!”

(Bilang ng Salita: 134)

Mga Tanong.
PANUTO. Bilugan ang iyong sagot.

1. Sino ang darating sa paliparan? (Literal)


a. si Jose b. si Tito Boy c. si Aling Malou

2. Ilang taon sa Japan si Aling Malou? (Literal)


a. dalawa b. lima c. isa

3. Ano kaya ang ginawa ni Aling Malou sa Japan? (Pagsusuri)


a. nagbakasyon b. nagtrabaho c. namasyal

4. Ano kaya ang naramdaman ni Jose habang naghihintay sa pagdating ng nanay niya? (Paghinuha)
a. nasasabik b. naiinip c. naiinis

5. Bakit kaya maraming pasalubong si Aling Malou kay Jose? (Pagsusuri)


a. gusto niyang iparamdam ang kanyang pagmamahal
b. gusto niyang gastusin at gamitin ang kanyang pera
c. hindi niya gusto ang mga gamit dito sa Pilipinas

6. Ano ang kahulugan ng sinabi ni Jose na “Salamat, ‘Nay. Pero ang mas gusto ko po, nandito ka na!
Kasama ka na namin uli!” (Paghinuha)
a. ayaw niya ng mga binigay na pasalubong
b. di niya kailangan ng mga laruan, damit at bag
c. higit na mahalaga si Nanay kaysa pasalubong

You might also like