You are on page 1of 3

St.

Marys’ Academy of Palo


Bonifacio St. Brgy. Sta. Cruz Palo, Leyte

Unang Buwanang Pagsusulit sa Filipino 9


(Sa Lahat ng Seksyon sa Baitang 9)
Hulyo 10-11, 2019

Pangalan: _____________________________ Baitang at Seksyon: ______________ Petsa_________Markha:

I. Pagpipilian (20 items)


Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Miserable ang buhay na naranasan ni Lian-chiao sa buhay ng kanyang asawa na si Li Hua. Ang salitang nakasalungguhit
ay nangangahulugang _________________.
a. Masaya b. Maginhawa c. Mahirap d. Nakakabagot
2. Sa mga gabing hindi makatulog si Lian-chiao ay iniluluha na lamang niya ang lahat ng pagod, sama ng loob, at sakit ng
katawan sa piling ng asawa. Ano kaya ang ipinapakitang katangian ni Lian-chiao?
a. Matiisin b. Pagkayamot c. Matatakutin d. Masayahin
3. Sinabi ni Ah Yue sa ina na siya na ang magsasampay sa kanilang mga nilbhan kahit napakaliit pa niya at kinakailangan
pang tumuntong sa bangkito upang maabot ang mataas na sampayan? Anong katangian ang ipinapakita ng tauhan?
a. Pagkainis b. Pagkayamot c. Masayahin d. Matulungin
4. Ito ang tawag sa pisikal o pasalitang pananakit sa mga kababaihan o kabataan?
a. Pagmamahal b. Pag-aaruga c. Pang-aabuso d. Maayos na pagtrato
5. Nagpatalo si Li Hua ng dalawampung dolyar sa sugalan subalit hindi niya binigyan ng hinihinging isang dolyar ang asawa
na kakailangan sa pagbili ng mga itlog na gagamitin niya sa panganganak. Ano ang ipinapakitang katagian ng tauhan sa
kuwento?
a. Mapagpakumbaba b. Maramot c. Mapagbigay d. Matiisin
6. Nararapat bang tratuhin ng masama ni Li Hua ang kaniyang asawa na si Lian-chiao?
a. Oo, dahil hindi niya ito mabigyan ng anak na lalake.
b. Hindi, dahil may mga anak na sila.
c. Oo, dahil ipinagkasundo lamang sila ng kanilang mga magulang.
d. Hindi, dahil may karapatang pantao parin si Lian-Chiao na nagbabawal sa pang-aabuso sa mga kababaihan.
7. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Lian-chiao, ano ang iyong gagawin kung nakararanas ka ng pang-aabuso sa iyong
tahanan o domestic violence?
a. Mananatiling tikom ang bibig.
b. Hayaan na lamang ang paulit-ulit na pang-aabuso.
c. Magsusumbong sa kinauukulan upang makahingi ng nararapat na tulong.
d. Gaganti sa asawa sa pamamagitan ng panananakit.
8. Bakit pinamagatan ang maikling kuwento na “Tahanan ng Isang Sugarol?”
a. Dahil ang mga naninirahan dito ay mga sugarol.
b. Dahil ang kuwento ay umiikot sa ama ng tahanan na inuuna pa ang pagsusugal kaysa pamilya.
c. Dahil ang kuwento ay isinulat ng mga sugarol.
d. Dahil lahat ng mga tauhan ay mahilig sa pagsusugal.
9. Ito ay tumutukoy sa maayos o masinop na daloy ng magkakaugnay na pangyayari sa isang kuwento.
a. Banghay b. Proseso c. Balanghay d. Pagkakasunod-sunod
10. Ito ay bahagi ng banghay na tumutukoy sa pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang
kanyang suliranin?
a. Panimula b. Papataas na Pangyayari c. Kasukdulan d. Kakalasan
11. Sa bahaging ito nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang suliraning magpapasidhi sa interes o kapanabikan.
a. Panimula b. Papataas na Pangyayari c. Kakalasan d. Wakas
12. Sa bahaging ito ipinapakilala ang mga tauhan, tagpuan at suliraning kakaharapin.
a. Panimula b. Kasukdulan c. Kakalasan d. Wakas
13. Maluwat ng magkaibigan sina Bill at Andres. Ang salitang nakasalungguhit ay nangangahulugang _______?
a. Nagmamadali b. Nakatupi c. Matagal d. Mahirap
14. Ako ay may “pagkahampas-lupa,” wika ni Andres. Ang salitang nakasalungguhit ay nangangahulugang _________.
a. Amoy lupa b. Galing sa taniman c. Mahirap d. Matanda
15. Siya ang may-akda ng nobela na pinamagatang “Timawa.”
a. Agustin Fabian b. Agustine Fabiane c. Alejandro Fabian d. Rustia Carpio
16. Ito ay tumutukoy sa literal na pagpapakahulugan ng mga salita?
a. Konotatibo b. Tayutay c. Denotatibo d. Slang
17. Ito ay tumutukoy sa di-tiyak na pagpapakahulugan ng mga salita, maaaring batay sa karanasan o sariling opinyon.
a. Denotatibo b. Konotatibo c. Tayutay d. Slang
18. Ang tunggaliang ito ay tumutukoy sa tao laban sa kanyang sarili.
a. Sikolohikal b. Panlipunan c. Pisikal d. Wala sa Nabanggit
19. Ito ay tumutukoy sa tao laban sa kapwa tao o ang tao laban sa lipunang kanyang ginagalawan.
a. Sikolohikal b. Panlipunan c. Pisikal d. Wala sa Nabanggit
20. Ang puting kalapati ay sinisimbolo ng ______________.
a. Kapayapaan b. Kaginhawaan c. Kayumihan d. Kaugalian

II. Sanaysay (30 items)


1. Isulat sa loob ng kahon ang iyong sariling pananaw/ opinyon o pagkakaunawa sa pangungusap na nasa kahon. Gumamit
ng mga salita na ginagamit sa pagpapahayag ng opinyon (Sa aking palagay, Sa aking pananaw, Kimbinsido ako).
(10 puntos)

Aralin 2: Timawa ni Agustin Fabian


“Ang madalas na mauntog ay natututong yumuko.”

2. Ibigay ang DENOTATIBO at KONOTATIBONG pagpapakahulugan ng salitang nasa loob ng kahon. (10 puntos)

Denotatibo Konotatibo

DIPLOMA

3. Sumulat ng isang saknong na TULA. Ang tula ay may kaugnayan sa pagiging MALAYA ng bawat kabataang Pilipino. (10 puntos)

Tema: Pagiging Malaya

III. Repleksyon o Pagninilay-nilay


1. Sa anong partikular na aralin o topic maiuugnay ang mensahe mula sa Bibliya.
"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng
kapahingahan.”
- Matthew 11:28-30

“Ang buhay ay hindi tungkol sa paghahanap sa sarili. Bagkus ang buhay ay tungkol sa paglikha sa ninanais na maging.”
George Bernard Shaw (Isinalin ni G. Clamosa)
Inihanda ni:
G. EUGENIO S. CLAMOSA JR.
Guro sa Filipino 9

You might also like