You are on page 1of 10

To

E. S. P. Class
Modyul 1
Pagtupad
sa Pangako,
Isang
Pananagutan
Aralin 2
KAHALAGAHAN
NG ISANG
SALITA O
PALABRA DE HONOR
NILALAMAN NG ARALIN
Ang pangakong binibitawan kung walang katuparan
ay walang halaga at walang saysay. Ang pangako
ay paninindigan, isang “Palabra de Honor” (salitang
tinutupad) na katumbas ng iyong buhay.

May dalawang bahagi ang Pangako:

1. Salita o Palabra de Honor na binibitawan sa isang tao.


Ito ay salitang inaasahan na tutuparin.
2. Pagtupad/Pananagutan sa binitiwang salita. Ito ay
komitment o pag-asa na ang salitang binitiwan ay
gagawin. Dagdagan pa ang kaisipang ito na ang
pangako ay inaasahan. Kapag hindi natupad ang
pangako, may mga epektong maaaring hindi maganda
ang maaasahan tulad ng sumusunod:
1. KALUNGKUTAN 2. GALIT

5. PAGKAPUTOL NG
PAGKAKAIBIGAN

3. PAGKASIPHAYO/ 4. PAGKAWALA NG TIWALA SA


DISAPPOINTMENT TAONG NANGAKO
TANDAAN
Ang pangakong binibitawan sa sinuman ay isang
pananagutang hindi dapat kalimutan. Ito ang nagbubuklod sa
isang mabuting pagsasamahan at pakikipagkapwa-tao.
Ang pangakong binibitawan kung walang katuparan ay
walang halaga at walang saysay kaya dapat ay magkaroon ng
paninindigan, isang Palabra he honor (salitang tinutupad).
Ang pangako ay may kaakibat na isang malaking
responsibilidad na dapat mong gampanan sapagkat may taong
umaasang tutuparin mo ito. Dito nakasalalay ang kanyang buong
pagtitiwala sa iyong mga sinabi dahil kapag ikaw ay tumutupad
sa iyong mga pangako, magiging masaya ang taong iyong
napangakuan.
Ang pangako ay pananagutan ding pansarili para sa ibang tao.
Ang pangako ay pananagutan hindi lamang sa sarili kundi maging
sa kapwa-tao. Ipinakikita nito kung gaano kahalaga ang salita at
ang pagtupad nito para sa kapwa. Ang paninindigan at pagtupad
sa pangako ay pagmamalasakit sa kapwa.
Pangwakas na pagsusulit
Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin at isulat ang titik ng
pinakatamang sagot

1. Kaarawan ng iyong nakababatang kapatid, naipangako mo na


bibilhan mo siya ng isang regalo. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hayaan na lamang ang kapatid.
B. Sasabihin ko na bumawi nalang sya sa susunod na
kaarawan niya.
C. Tutuparin ko ang naipangako ko sa aking kapatid.
D. Di ko ito tutuparin at hahayaan na lang na magalit siya.
2. Ano ang pinagtitibay ng “Palabra de honor “?
A. Pagsunod sa utos.
B. Pagtupad sa pangako.
C. Pagbabago ng pasya.
D. Pagmamalaki sa magagawa
3. Paano tinutupad ang isang pangako?
A. May pagpapahalaga at pagtitiis.
B. Walang interes at pagpapakasakit
C. May pagkukulang at pag-aalinlangan.
D. May hinihintay na kapalit na kabayaran.
4. Nangako ka na maagang umuwi, ngunit nagyaya ka
sa isang birthday party. Ano ang gagawin mo?
A. Sasama ako ngunit magpapaalam kaagad.
B. Sasama ako at gagawa ng dahilan sa magulang.
C. Hihingi ng paumanhin sa kamag-aral at
ipapaliwanag kung bakit hindi ako makakasama.
D. Gagawa ako ng paraan upang makapunta sa
birthday party nang hindi alam ng magulang.
5. Sino ang makikinabang kapag ikaw ay marunong tumupad
sa isang usapan?
A. Sarili mo lang C. Walang makikinabang
B. Ang iyong kapwa D. Ikaw at ang iyong kapwa.
PAGNINILAY ( Homework )
Kompletuhin ang pahayag upang mataya ang natutuhan mo sa
modyul na ito. Ilagay ito sa iyong kwaderno.

NATUTUNAN KO NA:
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
___________________________________________________________

You might also like