You are on page 1of 5

Balagtasan

Upang Makaahon Sa Hirap, Alin Ang Mas Dapat Unahin: Pagtatrabaho O Pag-Aaral?
Ni: REINA ANTONETTE, BSED

Lakandiwa:
Sa lahat ng nangarito sa aking harapan
Sa mga guro, magulang, estudyantet kabataan
Isang mapagpalang araw po, mga kaibigan
Ang makitat makasama kayoy isang karangalan
Kaming inyong mga lingcod, dito sa tanghalan
Ay magbibigay linaw sa isyung pagtatalunan
Magiliw na inihahandog ang isang balagtasan
Upang maipamalas ang husay sa pangangatwiran
Paksa natin ngayoy ordinaryot luma na
Ngunit karaniwang pinagmumulan ng mga dilemma
Ng ating mga kabataang hitik sa problema
Lalo na yaong mga kapus-palad sa pera
Alin nga ba ang mas dapat pagtuunan ng pansin
Upang makaahon sa kahirapan, alin ang uunahin
Ngayong araw ay ating titimbangin
Dalawang papipilian, ating titimbangin
Sa ating pagsisimula, narito sa aking gawing kanan
Tagapagtanggol ng edukasyon, binibining makatwiran
Pag-aaral muna ito ang kanyang ipaglalaban
Ang mas dapat daw unahin higit sa anupaman.
Pag-aaral:
Pagkat akoy lumaki at nahubog sa paaralan
Naniniwala akong edukasyon ang dapat pagtuunan
Higit na bigyang pansin bago ang pagkakakitaan
Pagkat sa panahon ngayon, dapat ay may pinag- aralan
Ako nga po pala ang inyong butihing lingkod
Antonette Franco po, pag- aaral ang ikakayod
Samahan ninyo akong itatak ng buong lugod
Ang mga kaisipang sasambitin, sa inyong diwang pagod
Lakandiwa:
Ayan mga kaibigan, inyo nang namataan
Anyo ng unang makata dito sa labanan
Kilalanin naman natin ngayon, pangalawang makikipagtagisan
Trabaho Muna ang sagot niya sa kahirapan
Pagtatrabaho:
Bago ang lahat, nais ko munang magpugay
Sa mga nangaritoy binabati ko ng magandang buhay
Sa mga ganitong paksa, wala ng dapat pang pag- usapan
Pagkat maliwanag pa sa araw, trabaho ang kailangan

Upang makaahon sa hirap, Reina Franco nga po pala


Panig sa pagtatrabaho upang makaipon ng pera
Sa tulad nating mahihirap, di nga bat mas praktikal pa?
Ang makahanap agad ng trabaho para sa pamilya.
Lakandiwa:
Ngayon nagpakilala na ang magkabilang panig
Inyo nang nasilayan ang kanilang unang tindig
Kayat di na natin patatagalin pa, tensyon sa paligid
Atin nang simulan balitaktakang taglay ang himig
Naway kayong lahat ay mataimtim na makinig
Upang maunawaan ipinaglalaban ng bawat panig
Limiing mabuti ang bigat ng bawat tinig
At mga gintong kaisipay iukit na sa dibdib.
Pag-aaral:
Pag-aaral muna ang dapat pagtuunan
Kapag may pinag-aralan, trabahoy madali lamang
Di nga bat edukasyon raw ang susi sa kaunlaran?
At upang magkaroon ng magandang kinabukasan
Mga pangarap ay madali nang matutupad
Kung bawat isay pag-aaral ang inaatupag
Sa tulad nating mahirap, di na dapat pang matulad
Sa mga nagtrabaho agad ngunit di naman umunlad
Sa panahon ngayon, diploma ay kailangan
Upang makuha ng trabaho, iyon na ang batayan
Pagkat mas lamang, ang may malawak na karunungan
At yaong nahasa ng husto wastong kasanayan.
Paano ka magtatrabaho kung wala kang nalalaman?
Makapasok ka man ngunit pawing mga panandalian lamang.
Trabahong mahihirap at walang kasiguraduhan
At tiyak walang mararating ang iyong pinaghirapan
Mas mabuti pa kung ikay nagtiyaga at nagtanim
Pagkat kalaunan iyo ring aanihin
Bunga ng pinaghirapan di ka bibiguin
Kayat sa kahirapan ay makakaahon rin.
Pagtatrabaho:
Paano naman yaong kapus-kapalaran?
Ni hindi nga natutustusan ang mga pangangailangan
Paano pa kaya ang mga gastusin sa paaralan
Mas mabuti pang magtrabaho nang may pagkakitaan
Ang mga pangarap ay di naman natutunaw
Ang paaralan, hindi ka naman tatakasan
Ngunit ang mga gastusin sa pang-araw araw
Iyan ang problema sa kasalukuyan.

Mga karunungang iyong ipinagmamalaki


Hindi lang naman yan sa paaralan mahuhuli
Maraming paraan upang ikay maging intelehente
At samahan na rin ng ibayong pagpupursige.
Nag-aaral ka nga ngunit di naman matiyaga
Maalam ka nga ngunit di naman hinahasa
Mas mabuti pa ang magtrabaho nang may mahita
Inaalam mo pa lang, akin nang ginagawa.
Lakandiwa:
Pahiram muna ng sandal mga kaibigan kong makata
Hinga-hinga muna ng malalim at baka magkahika
Pareho naman kayong may katwiran ukol sa paksa
Kayat nasa inyong dalawa ang aking lubos na paghanga
Paninindigang matatag tila di yata matitibag
Mga puntong magagaling, bubuyog na mabibihag
Mga tagapakinig na sa katotohanay di bulag
Maaakit sumang-ayon kahit sa kaloobay labag.
Pag-aaral:
Ngunit paano ka uunlad sa mga pipitsuging trabaho?
Natanggap ka nga ngunit bilang service crew
Magkano na lang ba ang sasahurin mo?
Kung puro pang- animang buwan lang ang kontrata mo.
Ang punto ko lang naman ay iyong pag-isipan
Kapag propesyonal kay mas maganda ang kinabukasan
Permanente ang trabaho kung may pinag-aralan
At di ka basta basta masisipa nang among mayaman.
Kapag di ka nagtapos at nagtrabaho agad
Kahit tumambling ka pay di ka uunlad
Kakarampot na kita, yan lang ba ang iyong hangad?
Mangangarap ka rin lang bat di pa isagad?
Kung panustos lang ang iyong katwiran
Problema sa salapiy medaling solusyunan
Maraming mga tao na yan din ang pinagdaanan
Ngunit nagtapos pagkat diskarte lang ang kailangan
Pagtatrabaho:
Diskarte! Yan ang narinig kong sinambit mo.
Sa palagaymo bay hindi yan ang ginagawa ko?
Kaya nga magtatrabaho upang mabuhay sa mundo
At nang makapag-impok, trabaho agad ang diskarte ko.
Maraming nakapag- aral na ngayon ay namomroblema
Walang trabaho at sa bahay ay tambay muna
May diploma nga ngunit di naman nakakapasa
Tinalo pa ng mga walang pinag-aralang kakompetensiya

Oo, ikaw ngay armado ng kaalaman


Ngunit mas pinipili pa rin ang may karanasan
Pagkat tayong mga tao, natututo di lamang sa paaralan
Maging sa labas, maraming matututunan
Sinabi mong di uunlad yaong di nakapag-aral?
Buksan mo iyong mga mata at magmasid sa kapaligiran
Hindi mo ba nakikita na ngayoy mas nakaka-angat pa sa buhay
Mga taong nagsimula sa mababa ngunit kalaunay nagtagumpay
Maraming nakapagtapo na di sapat ang kaalaman
Ni hindi alam kung aling deriksyon ang pupuntahan
Diplomang papel tangi lamang pinanghahawakan
Na wala ring halaga sa gunting ng kaalaman.
Lakandiwa:
Bakit ganun? Ako yatay mas lalong nalito
Tila gusto kong lagnatin sa init ng pagtatalo.
Ramdam na ramdam ko bigat ng bawat punto
Magkaibang katwiran, hugot mula sa puso
Pag-aaral:
Kaalamang natutunan mula sa pag-aaral
Maaari pang ipagsanggalang sa lupit ng buhay
Sa mga pang-aapiy di basta basta bibigay
Pagkat alam ng mabuti kung saan lulugar
Mga di nakapag-aral at nagtrabaho agad
Inaapi- api at yuko ulo kung maglakad
Sa utos ng iba ay agad agad pumapayag
Pagkat kalakaran sa mundo sila ay bulag.
Pagtatrabaho:
Ngunit pakatandaan, hindi lahat ay mangmang
May mga taong di nakapagtapos ngunit patuloy ang laban
Sa buhay ay nanagana at kahit walang pinag-aralan
Pagkat sipag at tiyaga ang ipinuhunan
Kaya ka rin lang nag-aaral ay upang makapagtrabaho
At mabilis na makaahon sa hirap ng buhay sa mundo
Ki mag-aral ki magtrabaho, ang hahantungay pareho
Kayay bakit pa mag-aaral kung yun lang din ang dulo?
Pag-aaral:
Ngunit aking katunggali, nais ko lamang ipaalala
Na kapag nakapagtapos kay pag-asensoy sigurado na
Mas mataas na posisyon, mas malakas ang kita
Na ibig sabihin, magandang kinabukasay abot kamay na.
Sa konting panahon lamang na gugugulin
Magastos man sa turing kahit pa balibaliktarin
Maliit na ipinuhunan, triple ang balik sa atin
Sakripisyo ng pamilyay masusuklian din.

Pagtatrabaho:
Di nga bat sakripisyo rin ang pagtatrabaho muna?
Isinakripisyo ang pag-aaral para din sa pamilya
Ngunit mas nakapag-impok at sa buhay ay nanagana
Umahon sa kahirapan at buhay ay nag-iba
Kung uunahin ang pag-aaral, wala namang mahihita
Pagkat araw araw ay sa gastusin mamomroblema
Ni walang panlaman sa tiyan pagkat walang kuwalta
Maapektuhan ang lahat pati pokus sa ginagawa
Lakandiwa:
Matapos ninyong mapakinggan ang dalawang makata
Nasa inyong mga kamay ang paghatol ng pasya
Tayog ng katwiran ay hindi maisasansala
Parehong may punto na makaahon sa dalita
Mga binitiwang salita naway maging inyong gabay
Lalo na ng mga kabataan sa pagdedesisyon sa buhay
Pagkat iyon ang inyong susi sa pagkamit ng tagumpay
At sa patuloy na pagkapit sa baging na matibay
Hanggang ditto na lamang mga kaibigan
Pansamantalay kami munay magpapaalam
Naway nagustuhan munti naming balagtasan
Magandang araw pot sumainyo ang buhay ng kasaganaan.

You might also like