You are on page 1of 2

Dolce Amore

“Have you ever been inlove?” Minsan ba may nagtanong na saiyo ng ganito kabigat na tanong
tapos hindi mo kaagad nasagot? Yung tipong apatnapung minuo ka nag- isip tapos natawa ka lang
bigla? Alam ko kung bakit bakit ganoon ang reaksyon mo. Malamang hindi mo naintindihan ang
tanong kasi Ingles ‘yun. Natawa ka bigla kasi bigla kasi pakiramdam mo, galing sa Mars ang kausap
mo. Pero ang totoo? Dapat alam na alam mo ang sagot sa taong na iyon. Simple lang naman ang ibig
sabihin noon. Kumbaga sa Tagalog, “Nakakain ka na ba ng isaw?” at kung sa Filipino, “Naranasan
mo na bang maligo?”. Ganyan lang kasimple. Kung OO ang sagot mo, sigurado akong na-Inlove ka
na nga. Sigurado akong naranasan mo na ang diwa ng “Dolce Amore”.

Kung ang iniisip mo na ang kathang ito ay iikot sa pag- iibigan nina Tenten at Serena sa
teleseyeng Dolce Amore, nagkakamali ka. Ayaw kong umasa ka dahil alam kong napakasakit ng
pakiramdam ng pinaasa.

Dolce amore. Sweet love. Tamis ng pag-big. Dayaday na pagkamoot. Kaygandang pakinggan
ng bawat salita. Tila ito musikang bumubuhay sa ating katawang lupa. Ngunit, alam ba natin ang ibig
sabihin nito? Marahil ay may kanya-kanya tayong pagpapakahulugan sa makapangyarihang salitang
ito.

Kung ikaw ay naniniwala na ang ninuno mo ay unggoy, na ang mga tao ay dating may buntot,
pangil at balahibo, marahil ay naniniwala ka rin na the feelings and behaviors associated with falling
inlove definitely have a neurobiological basis, but much about what love means is constructed in
mind.Ibig sabihin, mas naniniwala ka na ang pagmamahal ay may siyentipikong eksplinasyon, na ang
pag- ibig ay dulot lamang ng brain hormones tulad ng “endorphins” at “oxytocin”. Sa madaling salita,
isa kang taong unggoy na matalino at kahanga-hanga dahil alam mo ang spelling ng “endorphins” at
“oxytocin”. Isang palakpak para saiyo sapagkat naniniwala ka ng kayang turuan ng utak ang puso na
makaramdam ng makapangyarihang emosyon at kaya mong bigyan ng simpleng paliwanag ang
pinakakomplikadong bagay. Isa kang henyo kaibigan!

Kung ikaw naman ay naniniwala na ang lahi mo ay nagmula sa angkan nina Eba at Adan, sigurado
ako na naniniwala ka rin na nagging ganap kang tao dahil sa pagmamahal ng Diyos at ng mga
magulang mo.Na nagging ganap kang tao dahil na rin sa mga taong nakapaligid at nagmamahal saiyo.
Ganyan nga ang tunay na pag- ibig. Sabi ng ni Emilio Jacinto, sa lahat ng damdamin ng puso ng tao
ay wala ng mahal at dakila gaya ng pag- ibig. Ang pag- ibig ang pinakamakapangyarihang lakas sa
mundo, ang susi ng buhay at ang pinakamagandang regalo ng Diyos sa mga tao. Dahil sa pag- ibig,
lahat ay maaring magbago… sa mas mabuti, maganda at kapakipakinabang na paraan.

Dahil nga ang pag- ibig ay mahirap bigyan ng eksaktong pagpapakahulugan, inuri sa apat
ang makapangyarihang salita na ito.

Pagmamahal sa pagitan ng magkaibigan o ‘Philia’


Ito ang uri ng pagmamahal na ipinararamdam ng magkakaibigan sa isa’t isa na may
iisang layunin sa buhay. Ang pagkakaibigang binuo at naging matatag sa paglipas ng
panahon. Ito ang tipo ng pagmamahal na lahat ay gagawin para sa isang kaibigan, susuporta
sa lahat ng bagay at magbibigay ng payo kung kinakailangan. Ang pagmamahal sa pagitan ng
magkaibigan ang siyang nagbibigay daan sa mas mapayapa at maunlad na buhay.

Pagmamahal sa pamilya o “Storge”


Ito ang pagmamahal sa pagitan n gating mga mahal sa buhay, magulang, kapatid at
kapamilya na anging dahilan ng ating pagkabuhay sa mundo at lumikha ng malaking
impluwensiya sa ating buhay. Bukod sa Diyos, ang pamilya ang unang nagparamdam ng
pagpapahalaga at pagmamahal sa atin. Ito ang tipo ng pagmamahal na anuman ang mangyari,

REINA ANTONETTE P. FRANCO Page | 1


magunaw man ang mundo, mananatiling nagkakaisa, nagtutulungan at nagkakabuklod-
buklod ang bawat isawalang pag-iimbot at walang halongpagkukunwari sapagkat ang
pagmamahal na ito ay mananatili hanggang sa huling sandal n gating buhay.

Pagmamahalan sa pagitan ng dalawang tao o “Eros”


Ito ang uri ng pagmamahal na nararamdaman natin sa mga taong minsan lang nating
nakilala ngunit kalauna’y hindi na natin kayang mabuhay ng wala sila. Ito ay tumutukoy sa
pagmamahal ng isang lalaki sa babae at pagmamahal ng isang babae sa isang lalaki. Ito ay
isang uri ng pagmamahal na marubdob at tapat. Yaong gagawin ang lahat, sumisid sa Arctic
ocean, umakyat sa nagyeyelong Mt. Everest, tumawid sa disyerto ng Rub’al khali o hanapin
man ang kinaroroonan ng bundok Tralala, masunod lamang ang itinitibok ng puso.

Pagmamahal ng Diyos para sa tao o “Agape”


Ayon sa bibliya, Juan 3:16, “Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa
sanlibutan, na ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak, upang sinuman sa kanya ang
sumasampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Ito
ang pagmamahal kung saan kinalilimutan ng nagmamahal ang sarili sa kabila ng maraming
hirap at pasakit na dinanas, maiparamdam niya lang ang kanyang pagmamahal ng walang
hinihintay na kapalit. Iyan ang tunay at wagas na pag-ibig. Ang pag- ibig ng Maykapal sa
kanyang nilikha. Ang pag-ibig na walang hanggan. At ang tunay na Dolce Amore.

Sabi nga nila, walang kapangyarihan ang higit pa sa pag- ibig. Ang pag- ibig ay matiyaga at
magandang loob, hindi nanaghili, nagmamapuri o nagmamataas, hindi magaspang ang pag-
uugalihindi makasarili, hindi magagalitin o mapagtanim sa kapwa. Hindi nito ikinatutuwa ang
gawang masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag- ibig ay mapagbata, mapagtiwala,
puno ng pag- asa at nagtitiyaga hanggang wakas (1 Corinto 13: 4- 7). Iyan ang tunay na tamis ng pag-
ibig. Dapat nating tandaan, sabi nga ni Jose Corazon de Jesus, ang pag- ibig ay may mata, ang pag-
ibig ay ‘di bulag, ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak. Ngunit ang umiibig ay mga
paruparong sa ilawan ay lumiligid, kapag umibig, haharapin ang panganib at ang mga pakpak ay
masusunog sa pag- ibig. Sa madaling salita, gaano man kasarap ang pakiramdam at kasiyahang dulot
ng pag- ibig, asahan na nating kakambal ng bawat tamis at ligaya ang lungkot, pait at pagdurusa.

REINA ANTONETTE P. FRANCO Page | 2

You might also like