You are on page 1of 3

Ang Di- Pormal na Sanaysay o Impormal na Sanaysay ang mga

pananalita sa sanaysay na ito ay parang pinag uusapan lamang, parang


usapan lamang ng magkakaibigan ang may akda ang tagapagsalita at
mga mambabasa at ang tagapakinig kaya ito ay madaling maintindihan.
Ito ay may tonong palakaibigan at simple lamang ang mga paglalahad ng
mga kaisipan. Maaaring ito ang mga dahilan kung bakit malapit sa
mambabasa ang ganitong uri ng sanaysay sapagkat madali itong
maintindihan na waring nakikipag-usap lamang.

Ipinasa ni:
RALPH CULIBRA
Mag-aaral
“KAPANGYARIHAN NG PAG-IBIG”
Akda ni Anthony Rosales Sarino

Wala nga daw perpektong bagay sa mundo. Walang kasiguraduhan, oo


nga at mayroon tayong patutunguhan at mayroon ding dahilan ang lahat
ngunit wala man ni isa sa ain ang nakakaalam ng kahihinatnan.

Pag-ibig ako ay naniniwala na ito ang dahilan ng lahat ngbagay, ang puso
ang nagdidikta ng nararapat sa ating sarili. Isang pagmamahal na
makukuha sa iisang tao na inilaan ng Diyos sa atin at magtuturo nang
tamang kahulugan ng buhay.

Saan ka man makarating ang pag-ibig ay makikita at iyong madarama.


Kahit sa mga simpleng bagay na espesyal at kung minsan nga ay sa mga
bagay na walang halaga ay naroon ang pag-ibig. Ang pag-ibig ay
makapangyarihan kung titingnan natin ito sa mas malawak at mas
malalim sa kung ano ang dapat ipakahulugan nito. At lahat tayo ay mag
aasam nan a sana ay isang araw ay dumating ang taong magiging
kabiyak ng ating puso.

Ang pag -ibig ay wala sa edad,kasarian at klase ng pamumuhay hanggat


mayroong pagmamahal na namamagitan . hindi na nakakagulat ngayon
ang pagmamahalan ng isang mayaman at matanda, matanda at bata,
maging dalawsang lalake man o babae.

Isa pa sa kapangyarihan ng pag-ibig ay ang tadhanan. Wala ng tatalo pa


sa pagtatagpo ng dalawang puso Napakasarap isipin na may dalawang
tao na nagiging masya sa kapangyarihan nito naghihintay ka o
naghahanap ngunit may isang bagay na nakagagawa nito sa isang iglap
lamang nakakatawa man ngunit ito ang katotohanan.

Pero kung minsa hindi lang puro kasiyahan ang dulot ng pag-ibig.
Pumapasok din ang ibat-ibang suliranin at problema. Kasawian at
kalungkutan bunga nito. Kung minsan negatibong tinuturing ang pag-ibig
sa mga taong takot na masaktan at magmahal. May iaba naman na
naniniwala na kaylangan nating sumugal sa pagmamahal , Manalo ka
man o hindi bumalik mkan o tuluyang mawala iyong itinaya natin wala
tayong dapat na pagsisihan. At iyon ang tinatawag na Unconditional Love.

You might also like