You are on page 1of 10

PANANAMPALATAYA

Ni: Philip Salvador

Walang halaga ang buhay ng isang tao kung wala siyang pananalig sa Diyos. Ang buhay
ay walang saysay kung walang pananampalataya. Sana kahit minsan ay maalala natin ang
Panginoon at huwag kalimutang siya ang lumikha ng bawat nilalang at siya rin ang natatanging
pag-asa ng mundo. Lagi tayong magdarasal at sana hindi lang kapag may problema tayo kundi
pati narin sa mga masasayang sandal. Ang buhay natin ay ipinahiram lang ng Diyos kaya sana
ingatan natin ito at sana bago man lang niya bawiin ang ipinahiram niyang buhay ay makagawa
tayo ng mabuti kahit na maliit na paraan.
Ang pananampalataya sa buhay natin ay napakahalaga dahil kung tayo ay may tiwala sa
Diyos hindi tayo madaling mawalan ng pag-asa . Kapag may pananalig tayo sa kanya ay
magkakaroon tayo ng lakas at nspirasyon para harapin ang bawat hamon at pagsubok sa buhay.
Mahalaga ang pananampalataya sa buhay ng tao, dahil isa ito sa mga salik para hindi tayo
mawalan ng pag-asa sa buhay. Ang pananampalataya sa Diyos ay napakatibay at napakatama
gawin natin ito para mas malampasan mo natin ang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay.
Pag tayong mga tao may pananampalataya tayo sa Diyos hindi ka natatakot na harapin ang lahat
ng pagsubok dahil hndi ka pababayaan ng Diyos. Ganyan kahalaga ang pananampalataya sa
buhay ng tao dahil ito ang nagpapaalala na hindi natutulog ang Diyos nating buhay.
PASAKIT NA PAG-IBIG
Ni: Philip Salvador

Ang pag-ibig kung minsan ay mahirap maintindihan. Gagamitin ang puso mo para
paiibigin ka. Kapag nahulog ka na ng sobra-sobra saka ka naman pahihirapan. Bakit ganun bakit
nagagawa nitong paglaruan ang puso mo? Nagmahal ka naman ng totoo. Bakit kung kalian naging
makulay na ang mundo mo at nanging matamis na ang dating matabang na buhay mo saka
naman darating ang panahon na masasaktan ka ng todo? Ganito ba talaga ang tadhana, sadyang
mapagbiro?

Tama nga na sa loob ng isang minuto lang ng posibleng magkakagusto ka na sa isang


tao. At sa loob ng isang oras, posibleng mahalin mo na siya. Pero pag dumating araw na
magkakahiwalay kayo, hindi magkakasya ang habang-buhay mo para makalimutan ang taong ito.
Maaring ang pag-ibig na namamagitan sa inyo noon ay mawawala at makakalimutan mo. Pero
siya na minsan ay naging bahagi ng buhay mo, mahirap kalimutan kahit pa anong gawin mo.

Kung mayroong pagmamahalan, mayroong ding sakit. Kung mayroong tamis, mayroon
ding pait. Halos lahat ng bagay dito sa mundo ay nasisira, lalo na kapag hindi mo iniingatan. At
kabilang na dyan ng puso mo. Ang puso mo kapag nasaktan, madalas sabihin ng mga kaibigan
mo “mag-move-on ka na’’. Madali lang ihakbang ang mga paa mo, para makaalis ka sa
kinaroroonan mo. Ang mahirap gawin ay ang kalimutanang isang tao na minsan naging bahagi na
ng buhay mo. Madaling sabihin ngunit mahirap gawin, sabi nga ng iba.

Kapag nagmahal ka kasi, huwag mo ibigay lahat. Magtira ka ng para sa sarili mo. Para
kung hindi man kayo para sa isa’t isa, siya lang ang mawawala mo hindi maawala pati sarili mo.
Sa mga pinagdadaan mo ngayon , sana matuto kana. Sana matutunan mo din na mahalin ang
sarili mo. Dahil kailangan mo din yan, kailangan din ng sarili mo ang pagmamahal mo

Lagi niyong tatandaan na “Ang pag-ibig ay hindi lang ipinaglalalaban, minsan isinusuko
din, kung kinakailangan.”
TAAS NOO SA MGA OFW

Ni: Philip Salvador

Marami sa ating mga kababayang Pilipino ang nangingibang bansa upang kumayod at
maging OFW (Overseas Filipino Workers). At masasabi natin na ang kanilang pagtatrabaho sa
malayong lugar ay isang sakripisyo. Minsan ito rin ay isang paraan ng pagbubuwis ng kanilang
buhay.

Iniiwan ng ating mga kababayang OFW ang kani-nilang pamilya, mga ari-arian o
kabuhayan, at kung mayroon man, ang kanilang dating trabaho, para lamang sa oportunidad na
makapaghanap buhay sa ibang bansa. At may mga pagkakataong, pagbalik nila sa kanilang bayan
ay wala na pala silang maabutan. Karamihan sa mga OFW ay hindi pamilyar sa mga lingguwahe
at kultura ng mga taong naninirahan sa mga pinupuntahan nila.Mahirap ang manirahan sa ibang
bansa, at lalo naman ang makisalamuha sa mga tao doon. Maari kang maloko at maabuso sa iba’t
ibang mga paraan.

Maari silang madamay sa mga kaguluhang nagaganap sa ibang bansa, lalo na sa mga
giyera. Dahil sa mga hidwaan ng mga bansa, maraming mga tao ang napapahamak at nasasawi.
Ilan lamang ito sa mga taong ay mga OFW. Inaasahan ng kani-kanilang mga pamilya na sila’y
babalik kasama ang pag-asa ng pag-asenso sa buhay ngunit iba ang kanilang matutunghayan
isang kabaong na laman ang bangkay ng kanilang mahal sa buhay.

Malaki ang aking paghanga sa mga kababayang kong OFW. Inaamin ko sa aking sarili na
wala akong tapang upang makipagsapalaran sa ibanag bansa nang walang katiyakan ng pag-
asenso. Saludo ako sa ating mga kababayang OFW. Naniniwala akong sila nga talaga ang tunay
na bayani sa pamilyang Pilipino.
PANGAKONG NANAPAKO

Ni: Philip Savador

Lahat ng kandidato ay inaaming dumarami ang naghihirap na mga Pilipino. Ito ang
katotohanang hindi nila kayang itago. Isang katotohanan na lagi na lang may “solusyon” sa
panahon ng kampanya ng eleksyon. Katotohan na ang “solusyon’’ diumano ay kung si ganito
ganyan ang mananalo at makaupo sa pwesto. Laging ganito ang naririnig at nababasa ng
taumbayan, laluna sa mga mangagawa at maralita tuwing sasapit ang halalan.

“Malinis na pamahalaan” , “matino at tapat na taong nasa pwesto”, “walang kurakot na


gobyerno”, “libreng trabaho”, “tamang pasahod”, “ libreng pabahay” yan lamang ang mga salitang
binibitiwan ng mga tumatakbong kandidato. Iniikot nila tayo sa mga napakabibong mga
pangako.Sasamantalahin ang pag-iisip natin para lamang sa boto. Karamihan sa mga kandito ay
hanggang salita lang sila at kapag nakaupo na sila sa kanilang pwesto ay wala na silang kilalang
taong mahirap. Hindi na nila naisip ang ginawa ng mga tao para maluklok sa pwesto ang mga
tumakbong kandito. Inuuna pa nila ang kanilang sarili na magpayaman kaysa tumulong sa mga
mahihirap

Sa nalalapit na eleksyon ay piliin natin ang mga tapat na manunungkulan sa gobyerno.


Huwag tayong pananaig sa mga salitang kanilang binibitiwan na wala namang kasiguraduhan. Ang
isang boto ay napakahalaga para sa mga tumatakbong kandidato kaya dapat piliin natin ang tapat
at subok na sa serbisyo.
ANG AKING INSPIRASYON

Ni: Philip Salvador

Maraming dahilan kung bakit tayo ay magkaroon ng inspirasyon sa buhay. Ang isa sa mga
dahilang ito ay ang katotohanang sila ang nagbibigay ng ibayong lakas sa atin upang malampasan
ang mga hamon sa araw-araw.

Ang aking pamilya ang itinuturing kung inspirasyon sa aking buhay. Sila ay nagsusumikap
para lang mapagtapos ako sa aking pag-aaral. Sila ngayon ang dahilan kung bakit ako nag-aaral
ng mabuti at sila ang dahilan kung bakit nais kong makapagtapos ng aking pag-aaral. Gagawin ko
lahat ng aking makakaya , hindi ko ipapakita sa kanila na nahihirapan ako sa aking pag-aaral o
anumang bagay, dahil kailanman ay hindi nila ipinakita sakin na nahihirapan sila sakin. Alam ko sa
sarili ko na makakabawi ako sa lahat ng paghihirap na ginagawa nila sakin dahil hindi ko sila
bibiguin sa mga pangakong aking binitawan.

Ang aking pamilya ang pinakamahalagang biyaya sa akin ng Panginoong Diyos. Dito sa
aming tahanan nabuo ang isang masaya at simpleng pamilya na may takot sa Diyos. Lagi silang
gumagabay at nagpapaalala sa akin ng mga bagay na dapat at hindi dapat gawin. Tunay ngang
masarap mabuhay na kasama ang buong pamilya. Sila ang inspirasyon ko at lahat ng pagsisiskap
ko na maabot ang pangarap ko ay inaalay ko sa kanila. At nagpapasalamat ako dahil sila ang
ibinigay sa akin ng Panginoong Diyos.

Sa pagdating ng araw na ako ay magiging magulang ay nais kong tularan sila sa pagiging
mapagmahal at responsable na magulang sa aking magiging anak.
ALON NG BUHAY

Ni: Philip Salvador

Ang buhay ay puno ng saya, lungkot, mga pagsubok at tagumpay. Ang buhay ay parang
alon minsan malakas, minsan ay banayad, masarap sumabay sa agos ngunit dapat handa ka kung
saan ka dadalhin ng along iyong sinasabayan.

Pagmasdan ang dagat tahimik at payapa ngunit hindi mo alam kung saan hanggang saan
ang lalim. Tulad ng buhay natin hindi natin alam kung hanggang saan tayo at kung anong
malalalim na pagsubok at malalalim na kasiyahan pa ang darating sa ating buhay. Tulad ng along
patungo sa pampang ang buhay natin lahat ay may patutunguhan.Tanging Diyos lamang ang
nakakaalam kung saan ang pampang ng bawat isa. Sa ngayon matutuhan lang natin manalig at
ibigay ang lahat sa kanya.

Ang pampang ng kaligayahan at kasaganahan ay makakamit natin. Kung sakaling


maalon ang buhay maging malakas lamang tayong at umasang may Diyos na buhay na gagabay
sa ating pagsabay sa alon ng buhay.
KAIBIGANG WALANG BUHAY

Ni: Philip Salvador

Marahil ang karaniwang nasa isip ng tao’y ang papel ay isang bagay lamang na hindi
ganoon kaimportante lalo na kung hindi mo naman ito kailangan sa iyong pang-araw-araw na
gawain. Hindi naiisip ng karaniwan sa atin na ang papel ay maaring maging isang matalik na
kaibigan, o hindi kaya’y sandalan. Sa papaanong paraan? Dahil pwede mong ilabas kung ano man
ang nasa loob mo sa paamagitan ng papel.

Marami sa atin ay natatakot na magsabi ng saloobin. Wala silang boses dahil takot silang
mahusgaan ng iba. Hindi naman natin masisisi dahil ang iba ay talagang mapanghusga. Upang
maiwasan mo ang iyong kinatatakutan, maari kang magsabi sa iyong matalik na kaibigan si papel.
May pagkakataon nga na sinusubukan ko to. Ako kasi ang tipong tao na ayaw ipakitang malungkot
hangga’t maari. Ang mga matalik kong kaibigan, pati na rin ang sarili kong pamilya’y tingin sa’kin
ay matatag at malakas na lalake. Akala nila’y walang problemang makapagpapatumba sakin.
Ngunit dumating ang hindi inaasahang panahon, naharap ako sa isang malaking pagsubok.
Masyado itong pribado kaya hindi ko maaring ibigay ag partikular na sitwasyon. Wala akong
malapitan dahil kahit ang aking mga kaibigan ay may problemang dinadala. Nagbukas ako ng
kwaderno, kumuha ng panulat at sinulat ang aking saloobin. Habang sinusulat ko ang aking
nararamdaman, tumutulo ang aking luha. Makalipas ang ilang minuto’y natpos ko ang aking
pagdadrama. Biglang naliwanagan ang aking isipan. Para bang, nakita ko ang langit. Nakita ko
ang positibo sa aking problema. Maramig salamat sa papel dahil nalabas ko ang aking saloobin ng
walang humuhusga sa akin.

Napatunayan ng karanasang iyon na hindi lahat ng materyal na bagay ay hindi


makakatulong sa iyong problema. Halimbawa nalang ang papel. Kahit sabihin mo sa lahat sa
kanya hindi ka mahuhusgaan. Maaring wala itong buhay upang magsalita , ngunit may buhay ito
upang mapagaan ang iyong loob.
MAPAGKUNWARING NILALANG

Ni: Philip Salvador

Ang mundong ito ay punong-puno ng mga mapagkunwaring nilalang. Magagarang damit


sa labas ngunit daing ang inihahanda sa hapag. Kung humarap ay panay astag parang santo at
santa, ngunit kapag tumalikod ay lumalabas ang totoong sila. Upang mapansin at sambahin
ikinukubli nila ang kanilang totoong pagkatao. Pinipilit nilang magustuhan sila ng iba na siyang
kahit kailan ay hindi naman nila ikinaunlad, ikinasama pa tuloy nila

Napakapormal at presentable ang isinusuot. Araw ng linggo at pupunuin na naman nila


ang simbahan at doo’y maghahasik ng lagim. Habang nagsasalita si Padre ay hahayaan nilang
maglakbay ang kanilang mga mata sa paligid upang mapansin ang kapintasan ng iba. Totoo nga
na talagang napakataksil ni kaaway at sa mismong kaharian ng Panginoon ay nagagawa ang
ganitong krimen. Pagkatapos na samba ay naglalakad na may ngiting pagkasamba-samba.
Masayang narinig ang salita ng Diyos? Hindi! Masayang malaman na sila parin ang
pinakamaganda/pinakagwapo at may pinakamagarang suot.

Ito namang si Maria ay laging sa mall ang punta kasama ang mga barkada. Turo roon,
turo rito, inuubos ang perang bigay ni inang labandera. Grabi pa kung magsaya samantalang si
inay, katawan ay nangangalay. Minsan pa ngay parang donya kung umasta sa barkada. Walang
nagawa si inay kundi sumunod at umiyak ng patago.

Ito naman si totoong kaibigan sobrang tahimik nagkukunwaring walang pakialam. Ngunit
sa likod ng ganitong kaugalian ay nagkukubli ng kakaibang nilalang. Siya natila walang alam ay
may maraming sinasabi. Naka maskarang nakikipag-usap sa kaharap, naglalantad ng katangian
kapag nakatalikod. Napakasipag ding maghatid ang mga usap-usapan. Buhay ng iba’y
pinapakialaman at ang sakanya’y kinakalimutan.

Iilan lamang ito sa mga di kaaya-ayang gawain ng karamihan sa atin. Ang hindi
pagtanggap sa sarili at ang pagkukunwari. Kahit kailan hindi ikasasaya ang pagkukunwari,

ADMINISTRASYONG DUTERTE
Ni: Philip Salvador

Babae o lalaki lahat ng tao ay nasa peligro sa panahon natin ngayon. Rape,paggamit ng
droga,extrajudicial killings,kahirapan at iba pa. Ilan lang sa ating suliranin sa ating lipunan. Lalo na
ang tinatawag na extrajudicial killings, ang pagpatay sa mga tao nang hindi man lang dumadaan
sa korte.
Marami ng kaso ang pagpatay dito sa ating bansa at marami nading taong bayan ang
nagrereklamo dito ngunit ang ating kasalukuyang pangulo ay hindi man lang makinig sa mga
hinaing ng mga Pilipino tanging kangyang kagustuhan lang ang laging nasusunod. Sa ating bansa
laganap na ang transakyon ng droga at utos ng ating pangulo na patayin lahat ng mga “druglords”.
Maraming balita tungkol sa extrajudicial killing at ang kadalasang biktima dito ang mga sangkot sa
droga. Mga puls mismo ang pumapatay sa mga taong ito na dapat ang kanilang tungkulin ay
protektahan ang mga mamamayan. Para sa akin ito ay hindi tama at wala tayong karapatan na
bawiin ang buhay ng isang tao sabi nga sa ating Bibliya “Masama ang pumatay ng kapwa.” Ngunit
sa ating henerasyon ngayon kay dali dali ng pumatay ng kapwa. Madami ng humihingi ng hustisya
lalo na ang batang si Kian na binaril ng mga pulis kahit ito ay wala namang kasiguraduhan na siya
ay sangkot sa droga. Bago tayo magputok ng bala sana’y siguraduhin muna natin ang magiging
kahihinatnan nito dahil hindi naman natin mababalik ang buhay na nawala.
Paano tayo magkakaisa kung mismo ating gobyerno ay di nakikiisa sa taong bayan? Ang
ating bansa na puno ng kababalaghan at problema. Paulit-ulit na isyu ngunit hindi man
masolusyuan ng gobyerno. Kaya ikaw simulan mo ang pagbabago at makiisa sa ating bansa.

AKO BILANG ISANG BULAKLAK


Ni: Philip Salvador

Lahat ng bagay dito sa mundo ay mahalaga, maging ang buhay natin ay napakahalaga din.
Maraming beses man tayong madapa sa mga pagsubok ng buhay ay pinipilit pa din natin magpakatatag.

Ako bilang isang tao, maihahantulad ko ang aking saril sa isang bulaklak. Isang bulaklak na
naghahanap ng hardin, isang tao na naghahanap ng lugar dito sa mundo. Ako bilang isang tao naghahanap
ng lugar dito sa mundo. Ako bilang tao, ikaw bilang tao, tayo bilang ng mga tao ay may kaniya-kaniyang
ganda at natatanging kakayahan. Ang bawat bulaklak ay may sariling kagandahan, at may sariling
kakayahan din upang magpasaya. Ang isang bulaklak din ay nangangailangan ng pag-aalaga ganun rin ang
mga tao. Ang pag-aalaga ng ating magulang ay walang kapantay. Kaya dapat nating mahalin ang ating
magulang. Sila ay laging nandyan para sa atin. Lahat ay gagawin nila upang mapalaki tayong mabuti. Ang
isang hardinyero o isang simpleng tao ay inaalagaan ng mabuti ang isang halaman upang mamunga ng
magagandang bulaklak at maging malusog. May mga bagay na sadya talagang hindi mo mapapansin.
Tulad ng isang bulaklak na maari palang maihambing sa buhay ng tao natin.

Sa bawat bagyo na dumadating, ang isang matatag at alagang alaga na bulaklak ay mananatilig
matatag. Sa bawat problema na dumadating sa buhay natin, tayo ay magpakatatag, maniwala sa
Panginoon at magtiwala sa sariling kakayahan. Dahil ang bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang
kagandahan na kailangang pagyamanin.

You might also like