You are on page 1of 18

I.

PAMAGAT NG NOBELA: ANG TUNDO MAN AY MAY LANGIT DIN

II. MAY AKDA: ANDRES CRISTOBAL CRUZ

III. TAON NG PAGKALATHALA

IV. BUOD

KABANATA 1
Tumawag si Flor kay Victor del Mundo sa telepono. Kinausap niya ito sapagkat nais niyang makipagkita kay Victor sa
Quiapo at pumayag naman si Vic. Habang papunta na si Victor sa Quiapo naalala niya ang pagkakasuntok sa kanya ni
Estong nangipagtanggol niya si Flor. Ito ay dahil si Flor at si Victor ang paborito ng mga guro sa kanilang eskwelahan
lalo na ni Miss Quilala, mahal na mahal niya silang dalawa sila kasi ang madalas utusan ni Miss Quilala at nang mga iba
pang guro, ito ang kinaiyamutan ni Estong kaya nagawang suntukin si Victor at sinabi pang magtulong pa silang dalawa
ni Flor. Naging dahilan naman ito upang magalit ng husto si Victor at buong tapang na lumaban. Kapwa parehas
nagtamo ng suntok ang dalawa. Inawat naman sila ni Tandang Siyanong Agwador. Ang pakikipaglaban yaon ni Victor ay
hindi lamang para sa sarili. Isang taong nang mahigit ang hindi pagkikita nila ni Flor. Nang nakarating na si Vic
nangamusta siya kay Flor at bila niyang nagunita ang malabong balangkas ng Looban ng Tundo. Umorder si Vic ng
serbesa at kapeng walang gatas naman para kay Flor. Nagkamustahan sila at nag-usap tungkol a isa’t isa. Kinumusta
niya kay Flor si Tonyo.

KABANATA 2
Nalaman ni Vic na may suliranin si Flor dahil sa hindi pag-imik nito. Habang tinatanong niya si Flor napansin niya ang
singsing ni Flor. Naalala ni Victor ang kaklase niyang si Alma na naghihintay sa kanya. Naipagtapat ni Flor na siya‘y
mahigit dalawang buwan nang nagdadalang-tao. Naliwanagan si Victor na maselan ang suliraning inihihinga sa kanya ni
Flor. Naikwento ni Flor ang babaeng nagpunta sa inuupahan nilang apartment sa Ermita nang si Tonyo ay wala doon.
Nahintakutan si Flor kung talagang totoo na may asawa at anak na si Tonyo. Nagpasalamat si Flor kay Victor sa pag-
unawa nito sa kanyang suliranin. Habang tinitingnan ni Victor na pauwi na si Flor nalarawan naman sa kanyang isipan
ang naghihintay na namang si Alma na nakaupo sa upuang marmol. Nagpaalam na si Vic kay Flor at pinaalalahanan
niya itong isipin ang batang kanyang dinadala. Samantala si Alma Fuertes na naghihintay kay Vic ay nagbabasa ng El
Fili. Nailahad dito ang paniniwala ni Victor "sa pagkakaalam ko sa karanasan ko nasa tao ang gawa at nasa Diyos ang
awa". Napalapit na ang loob ni Alma kay Victor. Nang nakarating na si Vic nag-usisa si Alma kung bakit nahuli ang
dating niya pero hindi sinasabi kung ano ang tunay na dahilan.

KABANATA 3
Pasulyap-sulyap si Alma sa katabi niyang si Victor. Iniabot niya ang librong El Filibusterismo. Wala sa loob ni Victor
naipatong ang libro sa sala nitong inilapag sa kaliwang dulo ng upuang marmol. Nag-usap silang dalawa. Naisipan at
ipinasya ni Alma ng huwag sumagot ni kumibo. Titikisin niya si Victor. Iisipin nitong siya‘y talagang nagtatampo.
Tumungo na silang dalawa sa lobby para sa kanilang susunod na klase.Nang nagkaklase na sila, hindi mapakali si
Alma. Wala nang nagawa si Alma hanggang matapos ang klase kundi tumingin minu-minuto sa kanyang relong
panggalang. Nagtungo na sa labas ng silid ang mga estudyante, naunang lumabas si Victor, iniiwasan siya ni Alma.
Naglalakad siya sa Azcarraga patungong Avenida Rizal, wala siyang tiyak na paroroonan. Naalala ni Victor ang
kagandahan ni Flor, naalala din niya ang pagkukulitan at pagbibiruan nila ni Flor. Napangiti na lamang si Victor sa
kanyang nagunita. Napabuntong hininga si Victor, nasa Plaza Santa Cruz na siya, sa ibang araw na dadalawin ni Victor
si Flor sa apartment nito. Tiningnan ni Victor ang mga malalaking litrato ng mga pinanonood sa maliit na sinehang
mailaw at pinapasok ng mga lalaki lamang. Dumukot na siya‘t pipila upang bumili ng tiket. Ngunit nagbago ang kanyang
isip pupuntahan na lamang niya si Flor. Tumawid muli sa Plaza Sta. Cruz. Ang tanging nasa isip niya‘y ang nag-iisang si
Flor sa sariling apartment nito sa Ermita.

KABANATA 4
Nagbalak na pumunta si Vic sa apartment ni Flor. Si Flor ay nag-iisa lamang sa kanyang apartment, siya ay walang
malamang gawin, wala siyang ganang kumain, hindi siya dalawin ng antok,kung ilang tasang kape na ang kanyang
naiinom, walang ganang magbasa ng mga babasahin na uwi ng kanyang asawa tungkol sa moda at pagpapaganda.
Ayaw ni Tonyo na magkaanak sila ni Flor, muli niyang naalala ang babaeng bumisita sa kanyang apartment at
nagpakilala bilang asawa ni upang linawin na mas may karapatan ang pamilya nito kaysa kay Flor. Tinanong ni Flor si
Victor kung kumain na siya at sabi naman ni Victor ay hindi pa at sabay yakag sa labas at sinabing pangiblo-blow- out
daw niya si Flor.

KABANATA 5
Hinawakan ni Victor si Flor sa magkabilang balikat upang huwag mapasubsob sa kanyang balikat. Hinigpitan niya ang
pigil sa dating katipan. Pinigilan ni Victor ang maaaring mangyaring pananamantala ng bawat isa. Nagtungo sa
kusinerya si Flor upang itago ang kanyang pagluha hindi naman ito napansin ni Victor. Lumapit si Victor sa radyong-
ponograpo at nahugot niya ang paborito nilang tugtuging tango na gasgas at lumang-luma na. Nagpauyuhan pa silang
dalawa kung sinong magpapatugtog nito. Lumakad siya papalayo at umupo hindi malapit sa kinauupuan ni Victor isang
panibagong luha na naman ang nangingilid sa mga mata ni Flor. Nilapitan siya ni Victor at inakbayan sa balikat.
Kailangan pa rin niyang pigilan ang kanyang nararamdaman. Matapos ang mahaba nilang pagdidiskusyon, napag-isipan
na ni Victor na magpaalam atumuwi na. Madali siyang pumanaog sa hagdan at lumabas sa gusaling kinaroroonan ng
aparment na tinitirhan ni Flor. Nang makarating na si Victor sa Tondo narinig niya ang malakas natawag ng kanyang
kuya Lukas. Niyaya siyang makipag-inuman sa iba pa nitong kaibigan. Nagkainitan ang apat na kasama ni Victor pati
ang taga-sawmill. Narinig na lamang ni Victor na nabasag ang isang bote sa mesa. Nangingislap ang matatalim na
ngipin ng boteng nabasag sa kamay ni Lukas.

KABANATA 6
Nagkainitan ang mga taga saw mill at ang kasama ni Lukas kaya nagkagulo sa restawran. Ang kanya namang kapatid
ay buong dipa ang pag awat sa kanila. Huminahon na si Lukas masama ang tingin sa kapatid. Itinanong niya sa weytres
na si Pasing kung natakot ba siya sa ginawang panggugulo ng mga taga sawmill at ipinakilala niya ang kanyang kapatid
na si Victor dito. Gusto nang umuwi ni Victor ngunit ayaw pa siyang paalisin ng mga kainuman. Pero hindi umuwi si Vic
dahil ayaw niyang mapahiya ang kanyang kuya sa kasama. Nagpatuloy ang pagtagay ni Vic ng serbesa. Isang babaeng
nakakamisola lamang ang pumasok sa restawran ito’y ang asawa ni Paeng Gasti dahil gusto na nitong pauwiin ang
asawa. Nagyaya si Tatong Bamban ng isa pang raun pero napilit ni Vic ang mga kainuman na itigil na nila ang pag-
iinom. Nang pauwi na ang magkapatid sa madilim na kalye papuntang Looban ay pinag-uusapan nila ang kailang pag-
iinuman kanina. Tinanong ni Lukas si Vic kung ano ang napapala niya sa kanyang barkada. Hindi nagustuhan ni Lukasa
ng sagot ng kapatid kaya sinuntok niya ito pero nakailag naman si Victor. Natigil lang ang pag suntok sa kanya nang
may narinig silang anasan sa dulo ng tambakan. Inaabangan sila ng apat na kalalakihan. Pinasibat ni Lukas ang
kanyang kapatid at sinabing siya na ang bahala.

KABANATA 7
Hindi alam ni Victor kung ano ang gagawin. Hindi na siya nakatakbo. Inabutan na sila ng mga nag-aabang. Nagkaroon
ng rambolan at matapang na hinarap nina Vic at Lukas ang apat nakalakihan. Naging mainit ang pakikipagbabakan ng
magkapatid sa apat na umabang sa kanila, naramdaman ni Victor na natuklap ang kanyang kilay dahil sa daplis na
suntok sa kanya ng isa. Napagtagumpayan naman nilang magkapatid na matalo ang apat na kalalakihan. Tiningnan ni
Victor ang putok sa kanyang kilay at binigyan pa ni Lukas ng flashlight upang maaninag ito at sabi pa’y hindi ito
masyadong malalim. Nang nakauwi na sila, ang kanilang ina ay walang kibo ni imik ay hindi magawa. Natanong ni Vic sa
sarili kung bakit hindi magawang magalit ng kanyang ina. Nausisa ni Victor ang ngiti mula sa maninipis na labi ng
kanyang tatay na pumanaw nailang taon na ang nakalilipas. Namatay siya dahil sa pagtatanggol sa isa niyang tauhan.
Nang nasa lugar na si Victor, inusisa siya ng isang kaopisina kung anong nangyari sa kanyang kilay, hindi niya sinabi
ang totoo. Nang mag-aalas sinko na,naalala niya si Alma na naghihintay na naman. Nalaman nito na nakipagkita si
Victor kay Flor. Ngunit paulit-ulit na iniiba ni Victor ang usapan. Niloloko ni Victor si Alma na baka nagseselos siya.

KABANATA 8
Hindi maputol- putol ang pagtawa ni Victor. Nabigla si Alma nasabi niyang hindi ang klase ang ipinagseselos niya.
Nauna na si Victor sa gusali ng Education. Nagngingitngit namang sumunod si Alma, nilakhan na lamang niya ang
kanyang hakbang upang masundan niya si Victor. Nagsisisi si Alma na sana hindi na lamang niya nalaman ang totoo.
Hindi inabutan ni Alma si Victor, magkatabi sila ng upuan sa likuran ng nasa klase na sila. Hindi na nakatiis si Alma,
pumilas siya ng isang dahon sa kwaderno at sumulat sa papel na humihingi ng kapatawaran kay Victor ngunit hindi
naman ito pinansin. Natapos na ang klase. May bakante silang tatlumpung minuto, silang dalawa ang huling lumabas ng
kwarto. Niyaya ni Alma si Victor sa canteen.Nakilala ni Alma si Flor mula sa bibig ni Victor. Nagpaliwanag si Victor sa
nangyaring pagkikita nila ni Flor at ang tungkol sa sugat niya sa kilay. Patuloy silang nag-usap sa buong bakante na oras
nila hangga't sa sumapit na ang alas-siyete. Papunta na silang dalawa sa gusali ng Liberal Arts para sa susunod nilang
klase. Napilitang umamin si Alma na nagselos nga siya kay Flor at humahanga siya kay Victor.

KABANATA 9
Habang naglalakad si Alma at si Victor iba ang naramdaman ni Alma na ang kasabay niyang iyon ay mas mas malaki sa
kanya. Hindi na niya maitanggi ang paghangga niya kay Victor. Nais bumili ni Alma ng talaarawan bago sila pumasok ni
Victor sa silid. Magulo sa loob ang babae at lalaki. Si Mendoza ang komiko ng klase ay ginagaya ang kanilang propesor
na payat pa sa Butiki, ginaya rin niya ang mabagal na pagbabasa nito. Si Victor ang tagabantay nito kung darating na
ang propesor. Hindi na niya nasabihan ang pagdating ng propesor na may kasamang panauhin alyas Agila na hindi
magkandauga-ugaga sa pagdadala ng maninipis na mga libro. Nagsalita na ang propesor maging si Agila para hikayatin
ang mga estudyanteng bilhin ang kanyang libro. Halos lahat ay hindi nakikinig maging si Victor. Sabi pa ng isa, "bakit ka
makikinig pa kung bibili ka rin?". Nang matapos sa pagsasalita si Agila, nagkusa ng nagsalita si Victor ukol sa kanyang
mga libro. Sinabi niya na ang mga nilalaman ay mga maiikling sinopsis lamang ng mga naunang libro na lathang mga
Amerikano. Nagkaroon ng alitan ang estudyanteng si Victor at ang panauhing si Agila. Bunga ng pagsasalita ni Victor
tungkol sa mga libro, ni isa ay walang bumili nito. Nang tumunog na ang bell, pinapunta ni Propesor Butiki si Victor sa
kanyang deparment.

KABANATA 10
Hinihintay ni Victor si Alma na lumabas ng silid bago siya pumunta sa Department ng propesor. Tinanong niya si Alma
kung bakit niya ginanyon si Agila, nangatwiran naman si Victor na "magandang negosyo ang kanilang ginagawa ngunit
masamang libro". Dumiretso na si Victor sa tanggapan kung saan naghihintay si Propesor Butiki at ang nabuko niya sa
negosyo na si Agila. Hindi na nasabi ni Alma ang balak niyang sabihin kay Victor, "malalaman din naman niya" pakli pa
nito. Naramdaman na naman niya ang pag ibig. Madaling lumabas siya sa kanilang pamantasan upang bumili ng
talaarawan.Nagbalik na sa lobby si Alma kung saan lagi niyang hinihintay si Victor, sinimulan niyang sulatan ang diary
ngunit wala siyang mapiga sa kanyang isipan. Habang si Victor naman ay nasa tanggapan na, sinabi ng propesor na
dapat humingi ng patawad si Victor sa ginawa niyang pagpapahiya kay Agila, galit ito. Ngunit tumanggi si Victor at
pinanindigan niyang ang kanyang mga sinabi. Pinatunayan niyang ang mga nilalaman ng aklat nila ay mga ginagad,
kinopya sa mga naunang librong sinulat ng mga dayuhan. Nagkainitan si Victor at si Agila. Lumabas na siya at nakita
niya si Alma na naghihintay. Ibinalita nita kay Alma ang lahat ng nangyari at inaya siya ni Alma pumunta sa palamigan.

KABANATA 11
Natulog si Alma nang gabing iyon na nakaunan ang pisngi sa hawak niyang talaarawan. Ipinagdarasal niya si Victor at
nangakong ipagdarasal parati simula nang oras na iyon. Dinatnan siyang tulog na ng kanyang ama't ina na dati ay
parating nadaratnan pa siyang gising. Nag-usap ang mag-asawa kung bakit kaya maagang nakatulog si Alma, inisip ni
Mrs. Fuertes na baka may problema ito o may dinaramdam. Nagsawa na sila sa pagpapaalala kay Alma at baka lalo pa
itong mapasama, at kung bakit nagpumilit pa itong lumipat sa pribadong pamantasan gayong tatlong taon na itong nag-
aaral sa eksklusibong paaralan ng mga madre. Tumigil na ang mag-asawang Fuertes sa pagtatalo dahil alam nilang
mauuwi lamang ito sa pagsisihan ng bawat isa. Nanaginip si Alma ukol sa kanyang ama at dati nilang labanderang si
Dolores. Nagising si Alma at naitanong sa sarili kung nasaan si Dolores. Ibig niyang malaman kung naisilang ni Dolores
at kung buhay ang bunga ng pagkakapariwara nito sa kamay ng kanyang ama. Nalaman niya ito nang kita niya sa
kanyang panaginip ang pag-abot ng madaming pera ng kanyang ama sa isang babae. Nais ng magulang ni Alma na
ibalik siya sa dating pagiging luho at masosyalin. Simula ng bumili siya ng talaarawan ay naging absent-minded siya.
Marami na siyang naisulat sa talaarawan.

KABANATA 12
Lumapit si Alma sa kanyang Mommy at Daddy. Tinanong niya kung pwede ba siyang mag party. Sumang-ayon naman
kaagad ang kanyang Daddy. Dagdag pa niya na ang party ay para sa mga kaklase lamang at hindi nangungumbida
ng barkada. Pinipilit ng kanyang magulang na kumbidahin rin niya ang kanyang mga ka-gang ngunit ayaw ni Alma.
Pumayag naman ang kanyang mga magulang sa gusto nito at may naiisip pa silang surpresa. Tanging ang mag
asawang Fuertes lang ang nakakaalam. Nagtungo si Alma sa kanyang kwarto sa itaas ng bahay. Nagsulat siya sa
kanyang talaarawan at pagkatapos ay binasa niya ang ilang talata dito kung saan muntik na niyang masabi ang tungkol
sa kanyang masamang panaginip. Ang pagkakasulat niya sa talaarawang iyon ay malinis at magandang tingnan kaya
hindi agad mahahalata na kanya ang diary na iyon.Itinago na niya ito sa tukador na may kandado. Bago
matulog,nagdasal muna siya at kasama sa kanyang panalangin si Victor.Kinabukasan, pagdating sa silid aralan, nag-
anyaya na si Alma sa mga kaklase. Dumating na ang huling araw ng eksamin. Nagbasa nang maigi si Victor at Alma.
Pagkatapos mag-review, kinumbida ni Alma si Victor na pumunta sa party. Hindi sigurado si Victor dahil baka bisitahin
niya si Flor sa araw na iyon.

KABANATA 13
Hindi pa maniwala si Alma na makikipagkita siya kay Flor sa araw ng kanyang party. Pilit niyang pinapupunta si Vic sa
kanyang party. Nagdadalawang-isip na pumunta si Victor ngunit kailangang kailangan daw siyang makipagkitang muli
kay Florsa apartment nito ng tumawag sa telepono. Hinihintay ni Nick, Johnny at Monching sa lobby silang dalawa.
Nagtuloy na sina Victor at Alma sa silid na pagdarausan ng kanilang huling eksamen. Minasdan ni Victor ang mga taong
nakapaligid na animoy gustong gustong ipasok sa utak ang lahat na natutunan sa loob ng tatlong buwan. Tama ang
hinala ni Victor ukol sa uring eksamin, isa itong objective test na sumusukat kung gaanong karaming impormasyon ang
iyong nasaulo. Madaling nakatapos si Victor at unang lumabas ng silid. Nagpausok siya sa labas at hinintay si Alma.
Naasapan ng usok ng sigarilyo ang isang mata ni Victor. Nangilid ang mga luha ni Victor ngunit hindi ang usok ang may
dahil nito kundi ang kanyang ama. Naglabasan na ang iba pang nakatapos, parang namatayan si Alma nang siya'y
lumabas. Natapos na ang oras ng eksamen, naglabasan na rin ang iba. Pinaaalalahanang muli ni Alma ang kaklase at si
Victor tungkol sa party. Ngunit di tiyak na sumagot si Victor dahil may "date" ito kay Flor. Nauna nang pumunta si Victor
sa lobby kung saan naghihintay sina Minnie, Nick at Monching. Hinabol siya ni Alma at hindi na ito nahiyang humabol.
Naabutan niya ito sa lobby. Hinawakan ni Alma si Victor a kamay at nabigla si Victor.

KABANATA 14
Inunawa naman ni Victor ang pagpisil ni Alma sa kanyang kamay. Wala na siyang dapat alalahanin. Nag-usap ang
kanilang mga mata, bumitaw na si Victor sa kamay ni Alma. Hindi pa nila na papansin ang tatlo. Hindi na sumama si
Victor sa panonood nila ng sine at dumating na nga sila. Napansin ni Victor ang pagsulyap ni Alma at Monching sa isa‘t
isa. Nagpaalam na siya sa grupo at umuwing iniisip- isip ang pagsasamahan nila ni Alma. Hindi siya makapaniwalang
pag-aaksayahan siya ng panahon ng katulad ni Alma. Dumating ang araw ng Sabado. Ang party ni Alma. Umuwi na si
Victor upang magbihis. Binati siya ng kanyang kapatid. Sinabi ni Lucas ―mukhang maaga ang
tandahan-sayawan. Nagtungo na sa apartment ni Flor si Victor. Wala nang ibang tao doon. Si Tonyo ay pumapasada na
habang ang yaya nila‘y kaniyang pinagsine. Pinakumusta ng ina at ni Lukas kay Victor si Flor. Buong akala ni Flor ay
lalabas sila kaya ito nakabarong tagalog. Tinanong niyo Victor si Flor kung bakit nito gustong makipaghiwalayan sa
asawa gayung sinisustentuhan naman siya nito. Sapat na sapat ang sustentong ibinibigay ni Tony o kay Flor. Ipinaspas
niya ang libreta sa bangko sa harap ni Victor at sinabing muling libre na siya, libre na silang dalawa.

KABANATA 15
Nabigla‘t nangilabot si Victor sa maliwanag naiminumungkahi ni Flor. Malaya na silang dalawa. Ngunit kitang-kita sa
katawan ni Flor ang bunga ng kapusukan at ng kanyang bulag na paghihimagsik sa buhay Tondo. Hinawakan agad ni
Victor si Flor sa magkabilang balikat upang hindi mangyari ang mungkahi ni Flor. Hinayaan niyang ilabas ni Flor ang
lahat ng nasa dibdib niya habang nakasubsob kay Victor. Inilayo niya ito sa pagkakahawak. Tinanong ni Flor kung bakit
ayaw ni Victor. Mahaba ang kanilang naging pagdidiskusyon.Naisip ni Flor na gumawa ng malaking kasalanan ang
ipalaglag ang kanyang dinadala. Ngunit hindi nangailam si Victor dahil buhay naman ito ni Flor at sinabing huwag umasa
mangyari ang gusto niyang mangyari sa kanilang dalawa. Tinanong nito si Flor kung bakit hindi siya bumalik sa Looban
at doon palakihin at imulat ang kanyang anak. Hindi malaman ni Victor ang gagawin. Nangangamba si Victor na baka
gumawa ng kasalanan si Flor. Napatingin siya sa orasan, naalala niya si Alma at ang party nito. Gusto na niyang
matapos ang pag-uusap nila ni Flor. Ngunit gusto nitong siguraduhing walang gagawing masama si Flor bago siya
umalis. Nagtimpla siya ng kapeng walang gatas para kay Flor. Nasiyahan si Victor sa mga sinabi ni Flor para sa
kanyang anak. Biglang tumunog ang doorbell, si Tonyo agad ang pumasok sa ulo ni Victor.

KABANATA 16
Muling tumunog ang doorbell. Nagkatinginan si Flor at si Victor. May ngiting di maunawaan ni Flor si Victor. Ang kaba ng
dibdib niya‘y lalong sumasal. Pumasok ang isang babae, ito ang maid ni Flor. Inutusan ni Flor si Dolores, ang kanyang
katulong na magluto at dagdagan ito. Pero humindi si Victor, paliwanagniya ay may pupuntahan siyang party.
Nagkasabay ang kamay ni Flor at Victor sa hawakan ng pinto at nagpasalamat si Flor. Pagkaalis ni Victor sa apartment
ni Flor at habang patungo siya sa address na ibinigay sa kanya ni Alma, iniisip-isip niya kung bakit ganon na lamang ang
pag-aalala niya kay Flor. Nang nasa lugar na si Victor kung nasaan ang party, sinalubong siya ni Nick. Nagulat si Victor
sa sobrang dami ng tao. Tinanong si Victor ng mga kaklase niya kung bakit noon lamang siya. Dalawang party ang
naganap; ang isa ay para sa mga kaibigan ni Alma at ang isa ay para sa mga kaklase lamang. Nagpakilala si Victor sa
iba pang kaibigan ni Alma. Inalok siyang tumagay ng state-side, at pinaunlakan naman niya ito. Mabababa ang kanilang
pagkukuwentuhan. Nagsipag-uwian na ang iba dahil malalim na ang gabi. Nagpaalam na rin si Victor. Nilapitan siya ni
Alma at humingi ng paumanhin dahil hindi na siya naasikaso. Lumapit ang mga kaibigang babae ni Alma at ipinakilala ito
kay Victor. Ipinagpaalam na lang ni Minnie kay Alma ang pag-alis ni Victor. Hanggang sa makasakay na siya sa isang
bus patungong Quiapo. Hindi maubos maisip niya kung bakit parang mapapaiyak at suyang-suyang tumakbo si Alma
patungong bahay.

KABANATA 17
Patakbong umakyat sa paikot na hagdan si Alma. Hindi na niya pinansin ang mga nagsasayaw sa salas. Hindi na rin
niya hinarap ang mga pinagkukumbida ng kanyang mga magulang sa telepono. Humiga siya sa kanyang kama at
nagsulat muli sa kanyang talaarawan ng kanyang katuwaan at hinanakit. Pumasok si Minnie sa kwarto ni Alma, sinabi
niyang umalis na si Victor, tinanong din niya kung bakit umalis na siya sa kanyang party. Muling bumaba si Alma at
bumati siyang ang mga ngiti‘y pilit at pabalat bunga. Lasing na lasing ang kapatid ni Alma na si Pocholo. Inihatid ito ni
Monching sa kanyang kwarto. Nagpaalam na si Monching kay Alma. Tinanong niya ito kung bakit di na ito sumama sa
kanilang barkada, at ibang-iba na si Alma. Iniwasan ni Alma na makipag- usap sa kanyang mga magulang ng gabing
iyon. Nagdaan ang mga araw. Isang umaga nagkita sila Victor sa kantina ng eskwelahan. Inasikaso nila ang kanilang
pagtatapos.Naalala ni Alma ang kanyang sinulat sa talaarawan. Nag-usap sila tungkol sa mga taong nagmamartsa ng
dahil lamang sa diploma at ito ang ayaw na ayaw ni Victor. Nasambit ni Victor na talagang mahirap magturo. Tinanong ni
Alma si Victor kung sasama ito sa martsa. Sinabi ni Alma na mas mas maganda at mas mahusay magmartsa. Sinabi ni
Victor na mas mahusay magmartsa sa altar. Napatingin si Alma sa kanya. Kinabahan siya.

KABANATA 18
Tinitigan ni Victor si Alma at sinabing ―kung martsa lang sa graduation ay martsa na lang sa altar. Binati ni Victor si
Almasa pagmartsa nito sa entablado sa sa kanya sa altar. Nakurot ito ni Alma. Masayang naghiwalay ang dalawa.
Inihatid muna ni Victor si Alma sa pinaghihintayan nito ng sasakyan. Habang daan ay iniisip ni Victor kung talagang
magkakaroon siya ng pagkakataong makapagturo. Naalala niya si Alma. Nang nasa kalye na siya papuntang Looban,
binate siya ni Tonying dahili binalita sa kanya ni Lukas. Hinintay ni Lukas si Victor sa entreswelo para ibigay ang
ipinatahi niyang toga at cap. Umakyat na si Victor. Sinukat niya ang toga, medyo maluwag itong kaunti. Masaya si Victor
dahil makakadalo na siya sa baccalaureate sermon upang makinig sa huling tagubilin ng mga guro. Iniharap ni Victor
ang kanyang ina sa salamin. Sumingit sa isang tabi si Lukas. Nasa gitna si Victor at sinabing silang tatlo ang ga-
graduate. Nangingilid ang kani-kanilang luha dahil sa lubos na kasiyahan. Naghain na ang kanilang ina. Lumabas si
Victor sa kapirasong likurang-bahay sa tabi ng estero. Doon nakita niya ang maiingay na kabayo, iyak ng bata at ang
maruming estero. Naalala ni Victor si Flor at ang kanilang mga pangarap na binigo ng pangangailangan, pangungulila‘t
kakulangan ng pagtitiwala. Nagulantang siya sa pagbubulay-bulay sa tabi ng estero nang tawagin siya ni Lukas.
Pahangos na nagsisipasok noon sa pasilyong patungo sa entreswelo sina Paeng Gasti, Tatong Bamban at Pilo.

KABANATA 19
Nagtatawanan sa ilalim ng bahay ni Aling Inggay sina Paeng Gasti, Tatong Bamban, Victor, Pilo at Lukas. Inabot kay
Victor ang kahong karton na nakabalot nang maganda at may laso pa. Barong tagalog ang laman ng kahon na para
sa graduation niVictor. Naglabas ng alak si Pilo at sila‘y nagsalu-salo habang pinag uusapan ang graduation ni Victor.
Pag alis at paglipas ng katuwaan, naiwan si Victor na nakatingala sa langit. Ang isipan ay nasa langit, na ang Tundo ay
nasa ilalim nito na may pag asa pa roon. Ito ay pagsisikapang maunawaan at matagpuan. May katapat na langit ang
lahat, “Ang Tundo Man, May Langit din”, ang sabi ni Victor. Si Alma ay nakatingala din sa langit nang sandaling iyon.
Binabalikan ang mga naisulat sa talaarawan tungkol sa pagtatangi kay Victor. Iniisip niya kung anong ireregalo niya kay
Victor. Ang langit ding iyon ay tinitingala ni Flor mula sa kanyang silid. Inisip niya si Victor habang nagbabasa pahayagan
ang pagtatapos nito. Nanghihinayang siya sa mga bigong pangarap nilang dalawa ni Victor na kanyang tinalikuran dahil
sa kakulangan niya sa pagtitiwala sa paniniwala ni Victor na ang Tundo man ay may langit din. Nagsisisi siya sa
kanyang kapusukan at kahinaan ng loob. Ang naging bunga na dala niya sa kanyang sinapupunan ang handog niya sa
graduation ni Victor.

KABANATA 20
Papasok si Victor sa opisina at magpapaalam sa kayang hepe na si Mister del Pilar na kalahating araw lamang siya.
Dadalo sya sa baccalaureate at kukunin niya ang kanyang toga. Kumalat na sa opisina na siya‘y magtatapos na.
Maraming bumati kay Victor. Nagpainom si Mister del Pilar para kay Victor. Biglang tumawag si Alma habang nasa
opisina si Victor. Napag-usapang magkikita sila sa eskwelahan, sa baccalaureate. Bumili siya ng ibibigay kay Alma.
Isang bagong dating na antolohiya o katipunan ng mga tulang kinatha sa iba‘t ibang panahon at ibang sulok ng daigdig
ang kanyang binili. Sa pagdalo sa baccalaureate, ipinaalala na ang edukasyon ay hindi natatapos sa pag-abot ng
diploma. Ito ay pananagutan at layunin sa lipunan. Sa kanyang pakikinig, naalala niya ang kanyang ama. “Mag-isip ka
anak, sikapin mong mapanuto ka sa buhay, ang inyong kaligtasan ay nasa iyong pagsisikap”. Matapos pagdalo,mayroon
pang salu-salo kung saan nagkita si Alma at Victor. Nagbigayan sila ng kanya kanyang mga regalo nagkwentuhan silang
dalawa. Kaya dadalo ng graduation si Victor ay sa kadahilanang, “Wala akong karapatang magkait sa kanila, lalo na sa
ina’y ng kaligayahang maidudulot ng aking pag-abot sa tuwirang salita ay kapirasong papel lamang. “ Habang
nagsasalaysay si Victor, si Alma naman ay nasa dibdib niya‘y naghahari ang isang pagtatalo. Ito ang pagtatapat ng lihim
tungkol sa ama. Tulad ni Victor, wala siyang karapatang magkait sa kanyang magulang ng kaligayahan pagtuturo.
Dumalaw si Tonyo kay Flor. At nuon ibinalita ni Flor kay Tonyo ang tungkol sa anak ni Dolores. Napatingin si Flor kay
Tonyo.
KABANATA 21
Hinihintay ni Victor na magsalita si Alma. Nang paparating na sina Minnie at Monching, nagsalita si Alma. Mapalad raw
si Victor na dadalo ang ina at ang mahal a kaibigan nito sa graduation. Magtapat na sana ng lihim si Alma na tungkol sa
kanyang panaginip na bumabagabag sa kanya ngunit dumating na sina Minnie. Niyaya si Victor na ihahatid na lamang
siyagamit ang malaking kotse ngunit tumanggi ito. Oras na nang graduation. Ang araw na hinihintay ng mga
magsisipagtapos, oras na lamang ang hinihintay sa pag-abot ng diploma. Naghanda at inihatid si Victor ni Lukas at iba
pang kasama sa eskwelahan gamit ang kotseng nahiram nila. Ikinagulat ito ni Victor. Tuluy-tuloy pa rin ang pagbati sa
kanya ng mga nasa Looban. Nakadama ng kaliitan si Victor ng marinig niya ang, “Arya, Bata” mula sa kanilang kapitan,
ganoon na lamang ang ginawa niyang pagpapakumbaba sa sarili. Dumating na sila sa eskwelahan. Pumuwesto na sina
Tatong Bamban at Lukas sa may loudspeaker upang pituhan at palakpakan kapag narinig ang pangalang Victor del
Mundo. Sa graduation ay mayroong susunduing surpresa sina Tatong Bamban at Lukas para kay Victor. Nagtuloy na si
Victor sa loob ng pamantasan. Tinanong niya sa sarili kung sinong surpresa kaya ang tinutukoy ng kanyang mga
kaibigan.

KABANATA 22
Pumila at nag-umpisa na ang seremonya. Sunud-sunod ang pagtawag sa pangalan ng mga ga-graduate. Sunud-sunod
din ang bawat sangay ng karunungang pinagtatapusan. Matapos tawagin ang mga pangalan ng mga magna cum laude
at cumlaude, ang iba pang mga mag-aaral ay tinawag na rin. Sa pagtawag ng pangalan ni Alma at ng pangalan niya,
mayroong nabubuklod na palakpakan na nanggagaling kina Tatong Bamban at Lukas. Kitang-kita ni Victor ang
masayang ngiti sa mukha ng kanyang ina. Nagsalita ang panauhing pandangal ukol sa hamon at responsibilidad ng mag
magtatapos. Naalala niya ang kanyang pagtitiwalang ang Tundo man ay may langit din at ang langit na iyon ay dapat
niyang hanapin at pagsumikapang abutin. Ito ay hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa lahat. Ipinaalala ng
panauhing pandangal- Tundo: ang pook na kinakitaan ng liwanag ng dakilang anak- pawis na si Bonifacio, pook na
pinagtatagan ni Rizal ng La Liga Filipina. Matapos ang graduation, nagsasaya ang magkakasamang dumalo dito. Buong
pusong ibinigay ni Victor sa kanyang ina ang diploma. Makalipas ang ilang sandali, napansin niyang may kakaiba sa
mga kasamahan niya. Si Flor ang tinutukoy na surpresa ni Lukas.
KABANATA 23
Nagulat si Victor nang Makita si Flor. Natuwa siya nang makita niya ito. Pinasiya ni Flor ang tawa ni Victor. Naalala
niyang dapat ay magkikita na sila ni Alma sa lobby, ang dating tagpuan nila. Nagpaalam na ang mga kaibigan at kasama
ni Victor. Pinuntahan nila si Alma matapos ang batian. Sa lobby, si Alma ay naghahanap na din kay Victor, madaming
tao sa lugar na iyon. Habang pinagmasdan ni Alma ang mga pulutong ng
pamilyang nagsasaya, siya‘y nangulila at naiinggit dahil sa masasayang estudyanteng gumaraduate kasama ang kani-
kanilang mga pamilya. Nagkita sa wakas si Victor at Alma. Ipinakilala ng bawat isa ang mga kasama ngunit kitang kita
ang ilangan ng pamilya at ang mga kaibigan ni Victor sa kay Alma.

KABANATA 24
Nagyaya na sa kainan sina Victor at ang mga kasama. Nagmamadaling paglayo sa mga kasama ni Alma ang grupo
upang hindi na tumagal pa ang malamig na ilangan ng bawat isa. Masaya ang salu-salo. Maraming pagkain. Maraming
serbesa. Natuklasan ni Victor ang kaibahan ng daigdig niya sa daigdig niAlma. Mayaman sa mahirap. Nagbukas na ng
mga regalo si Victor sa kainan. Ang kay Flor ay relong may ukit ng pangalan ni Victor. Ang kay Alma ay fountain pens na
mayroong ukit ng “Victor-Alma”. Nakauwi na silang lahat ngunit nakaukit pa din sa isipan ni Victor ang ukit sa regalong
ibinigay ni Alma. Ayaw niyang isipan ni Victor ng kahit anong ibang kahulugan ang kanilang madikit na pangalan. Sa
pagsusulat ni Alma sa kanyang talaarawan, nagunita niyang dito niya inamin ang lihim na nais niyang sabihin kay Victor
noon. Ang dating labandera nila ay pinagnasahan ng kanyang sariling ama. Ang pangalan niya ay Dolores. Mahigit isang
taon na nang umalis ang labandera. Binayaran upang umalis, at huwag gumawa ng kahit anong isyu. Kailangan ni Alma
si Victor upang tulungan siyang hanapin ang labaderang ito. Si Dolores ay maid ni Flor sa kasalukuyan. Nagbalak
magpatayo ng dress shop sina Flor. Nagkausap ng masinsinan sina Flor at Victor. Nagpasalamat ang dalawa sa bawat
isa dahil sa tulong na ibinahagi nila at sa mga leksyon sa buhay na napulot nila sa bawat isa. Mag-aaply si Victor sa
pagtuturo. Sinabi ni Flor kay Victor na halatang minamahal siya ni Alma.
KABANATA 25
Binisita ni Alma si Victor sa kanyang trabaho. Inanyayahan ni Victor si Alma sa isang palamigan sa Avenida Rizal. Nakita
ni Alma na maraming tao sa paligid kung kaya‘t inaya niya si Victor na makipag-usap sa ibang lugar. Sumakay sila ng
taksi at nagtungo sa Luneta. Nang makarating, na nagtungo sila sa lehislatura. Napasok sa usapan si Flor sapagkat may
isang panahong ang Luneta‘y naging kaugnay ng nilikhang pangarap ni Flor at Victor. Binalita ni Victor na nagkita sila ni
Flor noong gabi bago sila nagkita ni Alma. Magtatayo daw ng isang patahian si Flor at mamumuhunan doon. Nalakad ni
Alma ang kanyang application para sa pagtuturo. Nagtaka si Victor, bakit daw niya itatali ang sarili niya sa chalk at
blackboard. Sa Tundo daw magtuturo si Alma at pinigilan siya ni Victor sapagkat hindi naman daw niya kailangan ang
sweldo, maliit kasi dahil may trabaho naman siya sa kanyang amain. Ipinagtapat ni Alma ang
nagkasala niyang ama sa isang hamak na labandera na nagngangalang Dolores. Ibig niyang hanapin ang babaing iyon
dahil nagkaroon siya ng kapatid kay Dolores at humihingi siyang tulong kay Victor.

KABANATA 26
Ibig malaman ni Alma kung buhay ang kapatid niya kay Dolores, dalawang bagay ang gusto niyang malaman; kung may
nagsusustento sa mag-ina at kung kaninong pangalan ang dinadala ng bata. Gusto ni Alma na sa Tundo siya
magturo,dahil iuugnay niya si Dolores sa buhay Tundo. Pinangako ni Victor kay Alma na tutulungan siya sa paghahanap
kay Dolores.Tuturuan ni Alma ang mga bata tungkol sa kanilang karapatan at kapanagutan. Nais magtagtag ni Victor ng
adult education sa kanilang lugar kung hindi man siya makapagturo sa eskwelahang gusto niya. At kung ayaw man, ay
kindergarten. Nagbiruan si Victor at si Alma. Nang maghiwalay ang dalawa, namumuno sa kasiyahan ang dibdib ni
Victor. Hindi lamang dahil sa katapatan ng pagmamalasakit ni Alma para kay Dolores na iyon, sa pakiwari niya ay
masisira ang pangako niyang sa kanyang sarili na layuan si Alma. May pagtingin si Victor kay Alma gaya ng pagtingin
niya kay Flor. Abril ng magtapos sina Victor at Alma. Nagdaan pa ang mga araw,noong buwan ng Mayo, hindi sumama
si Alma sa mga paglalakbay-dagat, pagbabakasyon sa Hongkong at kung ano-ano pa. Noon din buwan ng Mayong iyon
naghahanap si Flor kay Dolores na bakit hindi dalhin ang kanyang anak sa Maynila. Inalok siya ni Flor kay Dolores na
maging tauhan sa magiging patahian nila. Naisip ni Dolores si Mr. Fuentes ng mga oras na iyon.

KABANATA 27
Hindi makatulog si Dolores. Naisip niya ang kanyang anak. Ibig ni Flor ay dalhin niya ito sa Maynila. Naalala rin ni
Dolores ang ama ng kanyang anak. Ibig ipagtapat ni Dolores kay Flor nasi Mr. Fuentes ang ama ng kanyang anak ngunit
binigyan siya ni Mr. Fuentes ng pera upang huwag na itong maghabol o mag-iskandalo. Naalala ni Dolores ang kanyang
masamang karanasan ng siya‘y mapariwara. Hanggang sa makatulog na si Dolores, hinabi siya ng isang magandang
guni-guni ng isang magandang kinabukasan ng kanyang anak. Nais niyang matupad ang kanyang inaasam: ang
makalimot sa lumipas. Para kay Alma ang “lumipas na iyon” na iyon ni Dolores ang isang kinasasalalayan ng kanyang
paghihimagsik. Gusto ni Alma na makita si Dolores ibig niyang malaman kung buhay ang kapatid niya dito. Magtatapos
na ang Mayo. Nagsisipaghandaan na ang mga magsisipagpasok sa eskwelahan. Nakakita na ng malilipatan na
apartment si Flor. Tinawagan niya si Victor kung ubra ang kanyang napili. Nagkita si Victor at si Alma, isinama niya ito sa
address na pinaglipatan ni Flor. Nakarating na sila sa kalye ng apartment na lilipatan ni Flor. Sinalubong siya ni Flor,
kinamayan niya si Alma. Tinawagan ni Flor si Dolores. Nagulat si Alma. Napansin ni Victor ang pagkagitlang iyon.
Sumungaw si Dolores sa hagdan. Napasigaw si Alma.

KABANATA 28
Nagkita sina Alma at Dolores. Namagitan ang katahimikan sa kanila. Nang mga sandaling iyon, pasulyap-sulyap si Victor
kay Alma at Dolores. Noon lamang niya napaghulong hindi alam ni Flor na ang anak ni Dolores na nasa lalawigan ay
kapatid sa ama ni Alma, na si Dolores ay disgrasyada ng ama ni Alma. Nagpatuloy si Flor sa pagbabalita tungkol sa mga
plano niya sa apartment. Iniisip ni Victor kung paano siya makatutulong upang malaman ni Alma na ang kapatid nito kay
Dolores ay buhay. Naisip niyang ipaubaya niya kay Alma ang paglutas noon. Nagawang ipagtapat ni Dolores ang
tungkol sa kanyang naging anak sa ama ni Alma ng maayos. Inihatid nina Victor at Alma sina Flor at Dolores sa
apartment nilang tinitirahan;pagkatapos, naglakad-lakad sila patungo sa Luneta, aakuin ni Alma ang pagsusustento sa
kanyang bagong kapatid. Ang araw na iyon ay mahalagang mahalaga kay Alma. Dumating siya sa bahay na ang dibdib
ay namumuno pa rin ng katuwaang may kalanghap na kalungkutan. Muli siyang nagsulat sa kanyang talaarawan, maikli
lang ang kanyang isinulat. Hindi niya matiyak ang kalooban ni Victor. Kung may pagtingin ito sa kanya, hindi nito
ipinaalam sa kanya. At hindi naman niya pinagbigyan ng kahulugan ang mga biro ni Victor, bagama‘t kung minsan. Ng
mga sumunod na araw, abalang abala si Alma sa pagtuturo.Dumalaw si Tonyo kay Flor. At nuon ibinalita ni Flor kay
Tonyo ang tungkol sa anak ni Dolores. Napatingin si Flor kay Tonyo.

KABANATA 29
Sandaling tinitigan ni Flor si Tonyo bago sumagot, sinabi ni Tonyo na sana'y bigyan siya ng karapatan sa kanyang anak.
Napakagat labi si Flor. Tumingin lamang si Tonyo sa kanya. Bago umalis si Tonyo noong gabing iyon, muling
nagpasalamat si Flor. Matagal ng nakaalis si Tonyo, iniisip pa rin niya si Flor.Hindi niya inihahambing si Tonyo sa ama ni
Alma. Mula ng matagpuan ni Alma si Dolores, ang kanyang pakikitungo sa ama ay naging lalong malamig, ngunit hindi
niya ito nilalapastangan, sa kilos o salita, katulad pa rin siya ng dati, nakangiti ngunit pilit si Alma sa mga kasama ng
kanyang ama, nagpaalam siya. Nasalubong niya ang kanyang Mommy na hindi na yata mawawalan ng hairclips sa ulo.
Naging maestra si Alma sa mataas na paaralan Torres. Maraming pumapansin sa kanya sa eskwelahan noong unang
pasukan. Sa pag-uwi ni Alma galing sa paaralan, ang dyip na sinasakyan niya‘y may lugar patungo sa Looban nila
Victor. Muling nagsulat si Alma sa kanyang diary, ang huling isinulat niya noong araw na iyon ay tungkol sa gagawin
niyang pakikipagkitang muli kay Dolores. Isang hapon ng Sabado, nagulat na lamang at sukat si Flor ng dumating si
Alma sa patahian sa Ermita. Tinanong ni Alma si Dolores. Si Alma ay nakadama ng matinding pananabik na makita ang
anak ng kanyang daddy kay Dolores. Si Dolores ang sadya ni Alma, ibig niya itong makausap. Binigyan ni Alma si
Dolores ng tseke para kay Boy. Nagpasalamat si Dolores pero sabi niya‘y hindi niya ito matatanggap. Napatingin si Alma
sa kanya.

KABANATA 30
Hindi maunawaan ni Alma kung bakit tinatanggihan ni Dolores ang tsekeng ibinibigay niya para sa bata. Pinagmasdan ni
Alma si Boy, ang anak ng kanyang Daddy kay Dolores. Ngunit pilit nitong ibinigay ang tseke at kay Rafael nito ibinigay.
Nahiya si Dolores. Sinabi ni Alma na matatahimik ang aking loob kung matitiyak ko nang si Boy ay magkaroon ng
mabuti-buting pagkakataon. Nagpaalam si Alma kay Dolores at kay Flor. Nagtuloy siya sa simbahan sa Ermita.
Magdarapit hapon na ng lumabas siya sa simbahan. Si Victor naman ay walang kasiyahan pero hindi niya ito
ipinahahalata sa matatandang nasa klase niya. Tinalakay niya ang kasaysayan ng panahon ng kastila. Dumating si
Tatong Bamban at Paeng Gasti, kinumusta nila kung ayos ang klase, ipinaliwanag ni Victor sa dalawa na dapat maging
literate ang mga tao sa Looban upang umunlad at luminis ang kanilang lugar. Isang Biyernes ng hapon, umuwi ng
maaga si Victor, dinatnan na niya sa kanilang entreswelo si Opreng, ang magbibinatang anak ni Mang Ponsong Goma.
May kasamang ibang kabataan taga Looban si Opreng. Kinumbidanila si Victor na pumunta sa kwadra upang magtayo
ng club at pinaunlakan naman ito ni Victor. Pagkakain ng hapunan, nagbihis si Victor at nagpaalam, tumingin siya sa
langit, narinig niya ang mga ingay ng mga bata. Naalala niya ang kanyang pagkabata. Naalala niya si Flor at si Alma.
Nakita niya si Conrading na mukhang may haharanahin. Tiningnan niya ang harana kung okay na. si Flor at si Alma ang
nasa isip niya.

KABANATA 31
Nakadama si Victor ng malalim na pangungulila sa narinig niya ang kundimang inawit ng isang kababatang ngayon,
katulad ng maraming iba, ay walang hanapbuhay. Nagkita sina Victor at Konsehal sa restaurant ng isang Intsik. Uminon
sila ng serbesa at nalibre pa nga ang kanilang mga inorder. Nais sana ng Konsehal na makuha ang lahat ng boto ng
mga tao sa Looban. Kaya‘t inanyayahan niya si Victor na ikampanya siya. Nagdalawang-isip si Victor dahil ayaw naman
niyang magdikta sa mga tao ng kanilang nais iboto. Wala na siyang karapatang pakialaman ang boto ng taga Looban.
Nagmiting sila sa kwadra ni Mang Ipe, sa may gilid na estero. Naroon sina Opreng, Myrna, Bernarda, at kung sino sino
pang kabataan. Si Opreng ang tinalagang pangulo. Si Victor ang taga payo ng sikhay ng kabataan, imunungkahi niya na
sa halip na magkaroon ng acquaintance party ay maglinis sila ng estero. Halos lahat ay umungol, meron pang natawa.
Nagpag-usapan ang graft and corruption, at lahat ng katiwalian na nangyayari sa pulitika. Kapalit ng paghakot ng boto ni
Victor, lalakarin niya ang appointment ni Victor para magturo. Natapos ang mahabahabang pagpapalitan ng kuro-kuro.
Marami pang ibang bagay silang napag-usapan bago matapos ang klase para sa Sabadong iyon.

KABANATA 32
Isang gabi, ilang araw pagkaraan ng pagkikita ni Victor at ng konsehal, sinundo nina Tatong Bamban, Paeng Gasti at
Pilo si Lukas, may pupuntahan sila. Nasulyapan ni Victor ang kanyang inang nasa tapat ng isang luma't maliit na
bumbilya. Nililinis nito ang salamin ng mga kwadro ng mga larawan ng ama niya. Nag-usap silang mag ina tungkol sa
pagtuturo ni Victor. Hanggang sa makahiga na si Victor na iniisip-isip pa rin ang mga sinabi ng kanyang ina. Nagunita
niya noong sinisimulan niyang itatag ang adult education class sa Looban. Naroon ang mga batang nag-uusyoso at ang
mga inang may kilik na bata at sumisilip-silip sa mga bintana nang unang gabi ng kanilang klase. Nagunita ni Victor ang
kanyang mga mag-aaral sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga kalagayang pinaghimagsikan nina Rizal, del Pilar,
Bonifacio at Mabini ay totoo ngang hindi pa nababago. Nagunita rin niya si Alma at ang kanilang naging pagtatalo
tungkol sa ganoo't ganitong kalagayan sa Pilipinas noong sila'y nag-aaral. Ang pagsusuring iyon ni Victor ay pinukaw ng
mga kaluskusan at tinig sa kaltehon. Nabosesan niya si Tatong Bamban at Paeng Gasti at narinig niya ang masayang
tawa ni Lukas. Narinig din niya ang pagbangon ng kanyang ina upang buksan ang pinto ng entreswelo. Malakas na
malakas ang boses ni Lukas sa labas ng bahay. Nagtatawanan sina Tatong Bamban at Paeng Gasti. Nakarating si
Victor sa pintuan. Sumusuray-suray si Lukas, kumakanta-kanta pa ito kahit sintunado, napansin niya si Lukas sa may
pinto. Nabuwal itong kumakanta pa rin sa hagdan, kumakanta, nagmumura.

KABANATA 33
Iniakyat sa bahay nina Victor, Paeng Gasti at Tatong Bamban si Lukas. Umuungul- ungol pa ito. Hindi naman daw siya
lasing. Nagpaalam na ang kanyang mga padres. Nang gabing iyon nagpasya si Victor na tanggapin ang tulong ng
pulitikong kandidato. Nagtungo si Victor sa tanggapan ng konsehal sa City Hall. Kinumusta ang kanyang pagtuturo sa
Looban ng isangpulitiko. Ngumiti lang si Victor. Nagpasalamat si Victor sa kanilang pinakamataas na manedyer
pagkatapos ay nagpaalam. Kinabukasan nagbalik sa silid ang prinsipal. Iginala ni Victor ang kanyang paningin. Alam
niyang nandoon din si Alma at posible silang magkita. Pagkadaan ni Victor sa teacher's room, nakita niya ang mga
naging guro niya dati. At biglang dumating si Alma. Nag-usap sila at kumain sa isang restawran sa Dewey Boulevard.
Umuwi silang may parehong ngiti sa kanilang mga mata. Pumasyal si Alma sa Looban kinabukasan, at nakitang nililinis
ng mga taga doon ang estero. Nagkatuwaan at nanglibre si Alma ng inumin. At hinayaan ni Victor na maglagos ang
daigdig na katuwaang iyon, at sabi pa'y " May pag-asa pa"," Ang Tundo man, may langit din.”

KABANATA 34
Wala nang pinag-usapan ang mga tao sa Looban kundi ang pagkakalinis ng kabataan ng estero sa pamumuno ni Victor.
Hindi rin makalimutan ni Alma ang nangyaring iyon, naikwento niya iyon sa pinsan niyang si Minnie. Narinig ng ama ni
Alma ang pangalang Victor, tinanong niya kung sino ba iyon. Si Minnie ang nagpakilala. Mainit ang nagaganap sa
eleksyon. Kabi-kabilang mga pulitikong gumagamit ng politikal goons. Nang mga sandaling iyon, sa dress shop ni Flor sa
Ermita, dumalaw muli si Tonyo . Natatakot siya ng dahil nagdadalantao ang asawa niya. Hindi ninanais na mabyudo si
Tonyo dahil magiging mag-asawa silang legal, ilang araw pa ang nagdaan. Naging mainitan na ang pangangampanya
sa eleksyon. Bumaba sa isang dyip si Lukas. Nagkita sila ni Tatong Bamban. Nakita ni Pasing si Lukas, namuno ang
kasiyahan sa kanyang dibdib. May sasabihin pa sana si Lukas ngunit napaudlot siya nang makita niya ang paghinto ng
isang dyip na private. Nang mga sandaling iyon, si Pasing ay tumatakbo patungo sa Looban. Ang bawatmasalubong
niya'y pinagsabihan niya. “Si Lukas sa kanto. May masamang nangyayari.” At sa kanto, sa loob ng restawran, tahimik
na tahimik ang lahat. Nakagwardiya sa pinto ang isa sa apat na lalaking pumasok. Si Victor naman ay nasa kalye hong
madilim. Nauna na siya kay Pasing. Kailangang makarating siyasa kanto bago magkagulo. Natambad sa paningin ni
Victor pagpasok niya sa loob ng restawran ang mga silyang batibot na nagkabuwal-buwal; mga nagkagulo; ang basag
na iskaparate ng mami at siopao. Ilang mesa ang nawala sa lugar. nakaupo sa isang siyang batibot. Hawak pa rin niya
sa leeg ang isang boteng beer, basag ang ilalim nito. Sa maputing-maputing porselanang ibabaw ng mesa ay matingkad
ang dugo! Nakasubsob si Lukas. Nakasampay sa silya ang kamay niyang may hawak na binasag na bote ng beer.
Madaling tumakbo si Victor kay Lukas, umuungol ito. Parang hindi nito maidilat ang kanyang mga mata. Inalis ni Victor
mula sa kamay ni Lukas ang boteng binasag nito't hinawakan sa leeg niyon. Isinandal niya ito sa silya. Wakwak at
basang basa ng dugo ang kaliwang balikat ni Lukas. Parang mahihilo si Victor sa nakita niyang pagtagas ng dugo roon.
Madaling pinangko ni Victor si Lukas. Dinala ni Victor si Lukas sa North General. Doon habang isinasalin ang dugo niya
kay Lukas, Si Victor ay nakahigang nag-iisip. Ibig niyang maluha. Naalala niya ang kamatayan ng kanyang
ama.Lumingon siya kay Lukas. Maputlang-maputla si Lukas.

KABANATA 35
Pumikit na lamang si Victor. Hindi lamang dahil sa pangangambang may masamang mangyari kay Lukas kundi dahil rin
sa paninisi sa sarili. Dumalaw sila Paeng Gasti, Tatong Bamban at Pilo sa hospital. May pinagkakaguluhan sa labas ng
hospital. Nagulat si Tatong Bamban nang matanaw nila ang dumarating. Si Paking, ang kandidatong pulitika nina Lukas.
Ibinalita ni Paking kung paano niya nalaman ang nangyari kay Lukas. Nagdaan siya sa restawran sa Tundo na pinag-
iistambayan nina Lukas. Mga bata ni Reyes ang may kagagawan.Tumawag nga si Paking sa media. kumuha ng datos
ang reporter. Gulat si Victor kay Paking. Umuungul-ungol ang mga taong nakapaligid sa kanila. Nalagay nga sa dyaryo
ang tungkol sa nangyari kay Lukas. Nang umagang iyon, ang mga dumarating sa hospital ay pasulyap-sulyap sa kama
ni Lukas. Patuloy pa rin ang pulitika sa pangangampanya sa loob ng pagamutan. Nakatingin na lamang si Victor.
Naririnig niya ang sinasabi ni Paking, ang pulitikong tumulong upang siya'y maging guro sa Torres High. Wala siyang
maipula sa sinasabi ni Paking. Hindi matiyak ni Victor sa sarili kung tapat ang mgas inasabi ni Paking. Pinagmasdan din
niya ang ibang may sakit at ang nagbabantay sa kanila. Nagulantang siya at ang kanyang inang umungol si Lukas,
nakadilat si Lukas. May pagtataka sa kanyang mga mata, tiningnan niya si Victor, tiningnan niya ang kanyang ina.

KABANATA 36
Nasamid si Flor. Lumigwak ang kape sa tasang hawak niya. “Sino kaya ang nakaalala sa kanya?”, sabi niya sa sarili.
Matagal na silang di nagkikita ni Victor. Nagtuloy si Flor sa salas. Sumakit na naman ang tiyan niya. Nagulat si Dolores
nang makita niyang gising na si Flor. Naramdaman ni Flor ang biglang panlalamig ng mukha ng tumawag ng doktor si
Dolores. Nagpunta na sila sa hospital. Iniwan nila si Boy sa isa nilang mananahi. Tiningnan ng doktor ang lagay ni Flor.
Nagpasalamat si Flor. Naglakad-lakad si Flor, kasama niyang lagi si Dolores. Inihatid ng doktor at ni Dolores si Flor sa
kanyang silid upang magpahinga. Binuksan nila ang dyaryo. Si Dolores at si Flor ay hindi magkandatuto sa nangyari
tungkol kay Lukas. Nalaman nilang nasa North General si Lukas. Tinawagan ni Dolores ang doktor. Tiningnan si Flor at
sinabing "lalaki siguro". Noong mga sandaling iyon, si Tonyo ay nakasakay sa kanyang bagong biling kotse upang
pumunta kay Flor. Binilisan niya ang takbo ng kotse. Masaya siya na ang dibdib ay puno ng katuwaan. Dinala na sa
delivery room si Flor at nasa kanyang isip si Tonyo . Sa labas ng delivery room, si Tonyo ay nakaupong naghihintay.
Alam niyang panatag ang kanyang isipan, sa kabila ng mga alon ng pangamba at pananabik sa dibdib niya. Taimtim
siyang sumambit, nanindig ang kanyang mga balahibo sa bisig. Alam niyang ang sandali ng pagsisilang ay maaaring
maging sandali rin ng kamatayan. Naturok ng kanyang pagmamahal kay Flor na ang kakambal ng buhay ay kamatayan.

KABANATA 37
Ang katahimikan sa malinis na silid na kinaroroonan ni Flor ay puno ng malulusog na uha. Nakangiti ang mga
manggagamot at nars. Lalaki ang anak ni Flor. Pagkaraan ng ilang minuto, si Tonyo ay naroon na sa harap ng nursery
upang tingnan ang anak. Hindi naman makakibo si Flor. Naalala lamang niyang tanungin ang pangalan ng bata.
Mahigpit ang paghahawakan ng dalawa. Umuwi si Tonyo na walang pangamba sa dibdib. Nagulat ang kanyang
maybahay nang makita siya. Sinabi ni Tonyo na galing siya sa hospital. Kinamusta ng asawa niya si Flor kay Tonyo, pati
ang anak nito. Niyakap ni Tonyo ang asawa bilang pasasalamat at pagmamahal. Sinabi ng asawa ni Tonyo na nagkita
na sila ni Flor at sinabi na mahal niyang talaga si Tonyo. Nagulat si Flor nang makilala niya ang babaeng pumasok
nakasama ng manggagamot, ito ay si Chabeng, ang maybahay ni Tonyo, kinumusta niya silang mag-ina, hindi akalain
iyon ni Flor. Magaan na magaan ang loob ni Flor. Hindi niya maubos maisip ang kapanatagan ng loob ng maybahay ni
Tonyo. Maya-maya'y dumating si Dolores kasama si Victor at Alma. Natulala si Victor kay Flor. Napansin ni Flor ang
pagiliw na nasa mata ni Alma para kay Victor. Ibinalita ni Flor ang nakitang mukha nila ni Lukas sa dyaryo. Pagkagaling
ni Victor at Alma sa hospital, namasyal silang dalawa, sakay sila ng kotse na regalo ng ama ni Alma. Tinanong niya si
Victor kung mahal siya o hindi.

KABANATA 38
Hindi makasagot si Victor sa tanong na iyon ni Alma.Tinanong naman ni Victor kay Alma kung ikararangal niya siya kung
siya ang kapalaran ni Alma. Nang sumagot si Alma ng oo ay iniba agad ni Victor ang usapan. Nagkibit-balikat si Victor.
Parang hindi na niya matiis ang pamumuno ng kanyang dibdib, pangamba at hinanakit ang siyang humahadlang sa
kanyang pagpapasya. Pinaandar ni Alma ang kotse, pabigla ito, bumababa na si Victor. Muling nagsulat si Alma nang
mga sandaling iyon sa kanyang talaarawan. Binabasa niya ulit ang kanyang naisulat na. Kinausap ng kanyang ama si
Alma sa kanyang kwarto tungkol sa taga Tundong si Victor at sa pagtuturo nito. Naghihinanakit si Alma sa mga narinig
niya sa kanyang ama, naghihimagsik siya. Magdamag na hindi nakatulog si Alma, ibig niyang magsulat, ngunit parang
wala siyang maisulat. Hinayaan niyang dumaloy ang luha niya. Kinabukasan sa eskwelahan, binati siya ni Victor ng
magandang umaga, ngumiti naman si Alma ngunit pilit iyon. Ipinadala ni Alma kay Victor ang gamit niya sa kanyang silid
mas mabigat iyon kaysa dati. Nabuksan ang gamit ni Alma, nakita ni Victor ang diary ni Alma, nanggigigil siyang buklatin
iyon. Tumingin-tingin si Victor sa paligid. Baka may makakita sa kanya. Hinawakan niya ang talaarawan ni Alma at ang
kanyang kamay ay nanginginig sa kasalanang gagawin.

KABANATA 39
Binuksan ni Victor ang talaarawan ni Alma. Tinunghan niya't sa isang iglap ay binasa't isinaulo ang nakasulat sa dahong
siya niyang nabuksan. Naging palaisipan kay Victor ang talatang kanyang nabasa. Muntik na siyang mahulog sa
hagdan. Nagmamadaling binasa ni Victor ang iba pang talata. Ganoon nalamang ang kaba ng kanyang dibdib, para
siyang may natuklasang lihim. Nasigurado niya na kay Alma nga ang talaarawang kanyang nabasa. Inangkin ni Victor
ang karapatang bumasa ng talaarawan ni Alma. Nang isara nito ang talaarawan, sa pakiwari niya'y nanggaling siya sa
isang paglalakbay sa kung saang daigdig na batbat ng buhay at pag-ibig. Tumunog na ang bell, nag-ayos na si Victor.
Hindi na dinatnan ni Alma si Victor sa teacher's room. Dumating ang oras ng tanghalian, tulad ng dati sa kapiterya ng
eskwelahan sila kakain ni Alma. Nagtungo na sila sa library pagkatapos kumain. Inalok ni Alma si Victor na kumain sa
labas sa Cafe Indonesia sila nananghalian. Tamilmil ang kain ni Alma. Tinanong ni Alma kung may nakita si Victor sa
kanyang bag. Sinabi ni Victor na patapusin muna siyang kumain. Lumabas sa restawran si Alma, naiwan si
Victor.Pagbalik ni Alma dala nito ang talaarawan. Naupo uli si Alma sa kanilang mesa sa sulok. Sinabi ni Victor na nakita
niya ang talaarawang iyon. Tinanong ni Alma kung binasa ni Victor ang talaarawang kanyang dala-dala.

KABANATA 40
Inilapag ni Alma ang talaarawan sa mesa. Sinabi ni Victor na hindi naman niya binasa ang nasa loob niyon. Muling
tinanong ni Alma kung binasa ang diary niya. Napakagat labi si Alma, nagpupuyos ang kalooban nito. Hindi niya
malaman kung nabasa ni Victor ang kanyang talaarawan. Inalok ni Alma kay Victor kung gusto niyang basahin ang diary
niya. Umiling si Victor. At pagkatapos nga ng klase nila sa hapon, namasyal sina Victor at Alma. Nais ni Alma na malibot
ang buong Tundo at ginawa nga nila iyon mula sa Manuguit hanggang Solis. Nagtuloy sila sa kalye Dagupan, umikot sa
Moriones, tumawid patungong North Harbor at Asuncion Extension, nagbalik sila sa simbahan ng Tundo. Pinasyalan nila
Alma at Victor ang mga tanawin ng kanyang kabataan. Nadatnan nila ang isang matandang babae.Madali ng nakatagpo
ng miting si Victor at si Alma. Napakinggan nila ang talumpati ni Paking. Naroon ang pangakong pagpapatayo ng
marami pang eskwelahan. Muling tinanong ni Alma kay Victor kung nabasa niya ang kanyang diary at muli din niyang
inalok na ipabasa. Hindi tinanggap ni Victor ang talaarawang inaabot sa kanya ni Alma. Nagpasalamat si Victor kay
Alma.
KABANATA 41
Pinatakbong mabilis ni Alma ang kanyang kotse. Nasa isip niya si Victor. Inis na inis, suyang-suya't galit na galit siya.
Hindi niya iniisip kung saan ang punta niya. Kaya lamang napansin ni Alma na siya'y lumuluha ay nang biglang lumabo
ang salamin sa kanyang harapan. Umuwi siyang sakbibi ng masidhing lumbay at pangungulila. Ang dinatnan niya sa
bahay ay ang kanyang mommy at si Minnie. Pinabasa ni Alma kay Minnie ang kanyang talarawan. Ipinagtapat ni Alma
kung anong nangyari nang araw na iyon. Ang mga sumusunod na araw ay pagbibigay ng eksamen sa mga bata. Isang
hapon ay inanyayahan ni Alma si Victor. Inihinto ni Alma ang kotse sa malapit sa Cafe Indonesia. Nagtungo sa
paboritong kainan. Hanggang sa maka-order na ng sanwits at kape si Alma ay wala pa ring kibo si Victor. Nakatapos na
silang magmirinal. Nagyayang maglakad si Alma sa tabi ng dagat, tumahimik si Alma. Alam niyang nagdaramdam si
Alma. Mahal niya si Alma. At alam niya ang hinihintay ni Alma. Iyon ang nasa isip ni Victor nang pumihit siya. Sa pagpihit
niyang iyon, nasanggi niya ang kamay ni Alma. Tapos ay hawak na ni Victor ang kamay ni Alma.

KABANATA 42
Tinugon ni Alma ang pagpisil sa kanyang kamay ni Victor. Waring sa pagsasagutang iyon ng kanilang mga kamay upang
ang pananabik ng isa sa isa ay maipagtapat at maipaunawa. Nagpatuloy sila sa ganoong paglalakad. Hindi na paghusto
ni Alma sa kamay ni Victor, noong gabing iyon ay dadalaw si Paking. Nakarating sila sa Tundo. At habang patungo sila
sa kalyeng bababaan ni Victor, isinalaysay niya ang ilang tagpong natatandaan niya sa ganito't ganoong pook. Ibinaba ni
Alma si Victor sa labasan. Nakita ni Victor si Pasing, ang weytres na nililigawan ng kanyang matandang kapatid na si
Lukas. Tinanaw ni Victor ang kotse ni Alma hanggang lumiko ito sa bago umakyat ng tulay ng pritil patungo sa Tayuman.
Nagdaan muna si Victor sa restawran sa kanto upang bumili ng sigarilyo. Lumapit si Pasing, ang weytres. Nagtuloy na
sa Looban si Victor. Mapupuyat siya ngayong gabi. Ngunit hindi marahil daw sa Caucus. Nasa isip niya si Alma, at ang
pangako niyang dadalaw siya sa darating ba Sabado sa bahay nito

KABANATA 43
Ang nakatatandang kapatid ni Victor na si Lukas at kinukumpanya ang kandidatong si Paking. Nagkaroon ng
pagpupulong o caucus sa Tundo at tinalakay ni Paking ang kalinisan ng Tundo bilang isa sa kanyang mga proyekto
kapag siya'y nanalo. Sa pinsalang nadulot ni Lukas ay aaregluhin iyon ng pinakapinuno ng pangkat na nagtulong-tulong
kay Lukas. Hindi maunawaan ni Victor na nasisilaw sa pera ang kanyang kapatid na si Lukas.

KABANATA 44
Napag-usapan ni Alma at Victor ang tungkol kay Lukas at napag-usapan din nila ang tungkol sa kanilang dalawa. Sinabi
ni Victor ang malaking hadlang sa kanilang dalawa. Sinabi niya na malaking-malaki agwat ng mahirap at mayaman dito
sa ating bayan.

KABANATA 45
Isang Sabado ng hapon, tulad ng ipinangako ni Victor ay dapat papunta siya sa tahanan ni Alma ngunit may nagbalita sa
kanya na naka-engkwentro ni Lukas ang mga bata ni Reyes, ang kalaban ni Paking sa pulitika, si Chabeng
naman ay nag-uusap tungkol kay Flor. Si Flor at Dolores naman ay nag-uusap naman tungkol sa kanilang kasalukuyang
buhay bilang ina. Dala ni Dolores ang kanyang anak na si Boy. Napag-usapan din nila si Tonyo. Naalala ni Flor ang mga
ala-ala nila ni Victor noon.

KABANATA 46
Nakabihis na si Misis Fuertes. May pulong ang organisasyon ng kababaihang kanyang kinabibilangan. Wala pa si Victor.
Naalala ni Mister Fuertes ang kanilang paghaharap ni Alma: ang pagtatapat ni Alma tungkol sa nalalaman nito kay
Dolores. At noong banggitin niya sa kanyang anak ang tungkol sa sasabihin ng mga kaibigan nila kung malaman ng mga
ito na siya, ay may pagtatangi. Tumayo si Mr. Fuertes. Binuksan niya ang ilaw sa kanilang malaking silid. Hindi niya
napansin ang pagdatal ng dilim. Pupuntahan na sana ni Mr. Fuertes si Alma sa nang marinig niya ang paghinto ng
isang taksing parang nagmamadali sa harapan ng kanilang bahay. Nang inakala ni Alma na hindi na makakarating si
Victor ay bigla namang nagdoorbell si Victor at pagkatapos ay binalita na kay Alma ang nangyari sa kapatid. Ipinakilala
na Alma si Victor sa kanyang ama at sinabing sila ay engaged na.

KABANATA 47
Natuwa ang ama ni Alma at kaagad tinanong kung kailan na magiging maluwag, ang pagtanggap ng kanyang ama kay
Victor, kahit ito'y mahirap lamang. Nang mga sandaling iyon, si Chabeng at ay binisita naman si Flor. Nagpasiya si
Flor na putulin na ang pagsasama nila ni at sinabing nais si Anton (ang kanilang anak) ang una't huling bunga ng
kanilang pagsasama.

KABANATA 48
Nais lamang ni Alma na magkaroon ng isang simpleng kasal seremonya nila ni Victor. Si Aling Sion ay binigyan sina
Alma at Victor ng kanyang naipon na pera para sa pagsisimula ng mag-asawa. Si Lukas naman ay niregaluhan sila ng
apartment at binayaran ang isang taong renta nila. At si Alma at si Victor ay nagpakasal at nangakong magsasama sa
hirap at ginhawa."Ang langit ko'y ikaw; ikaw ang langit ng aking bagong daigdig, daigdig na nasa Tundo, nasa iyo.

V. MGA TAUHAN
a. PANGUNAHING TAUHAN

Victor
 Taga –Tundo at naniniwalang may pag-asa sa lugar nila
 Kaibigan at kaklase ni Alma
 Nag-aaral ng kursong Liberal arts at Education

Alma

 Kaklase at kaibigan ni Victor kahit na madalas na nagkakatampuhan ang dalawa


 Angkan siya ng pamilyang mayayaman
 Hinahangaan si Victor

Flor

 Kaibigan ni Victor mula pa noong bata pa sila


 Misis ni Tonyo
 Siya ay nakatira sa isang apartment sa Ermita.

b. PANGALAWANG TAUHAN

Dolores
 Labandera nila Alma
 Nabuntis ng tatay ni Alma
 Kasalukuyang katulong ni Flor

Tonyo

 May unang asawa maliban kay Flor


 May apat na anak kay Chabeng

Lukas

 Nakatatandang kapatid ni Victor


 Binilhan si Victor ng toga

Paeng Gasti

Tatong Bamban

c. PANTULONG NA TAUHAN

 Pilo
 Anton
 Chabeng
 Aling Sion
 Monching
 Minnie

VI. TAGPUAN

Tundo
 Kilala ang Tundo bilang isang magulo, madumi,maraming tao, puno ng mga krimen at sinasabing wala ng
nagiging pag-asa kung patuloy na paiiralin ang mga hindi kanais-nais na mga pag uugali. Ngunit sa
nobelang ito,ninanais na mabigyang buhay, mahanap at mapatunayan na ang tagpuang ito ay matatawag
din na kalangitan. Sakabila man ng mga katangiang taglay ng lugar na ito natila mahirap tanggapin sa ating
lipunan, patuloy pa ring isinusulong na maitaguyod ang pagbabago na dapat ay natatamasa na ng tagpuang
ito.

Apartment nina Flor at Tonyo


 Matapos ang pagpapasya ni Flor na lisanin ang Tundo, nanirahan na siya kasama ang kanyang asawa na
si Tonyo sa isang apartmet. Kung susuriin, dito ay pag nagkikita sina Flor at Victor upang madalaw ang
bawat isa. Naging saksi ang tagpuang ito sa pagnanasa ni Flor na maakit si Victor at makipag-isasa piling
ng bawat isa.
Pamantasan
 Sina Victor at Alma ay kapwa mag-aaral sa iisang pribadong pamantasan. Sila din ay parehong kumukuha
ng kursong pagtuturo na may espesyalisasyon sa kasaysayan. Sa tagpuang ito makikita ang mga alitan
sapagitan nina Victor at Alma tungkol sa pagseselos nitokay Flor na dating kasintahan ni Victor. Ang
pamantasang ito ay ang siyang gumabay sa mga pangunahing tauhan kung saan ito ang nagsilbing
pundasyon na tumulong sakanila upang makamit ang kanilang mga pangarap bilang isang mahuhusay na
mga tagapagturo.

Isang palamigan sa Quiapo


 Dito ay kalimitang nagkikita sina Flor at Victor noong sila pa ay pinag-iisang pagmamahal bilang magsing-
irog. Mapapansin na sa lugar na ito nabuo ang ilang masasayang bahagi ng mga pangarap nila Victor at
Flor. Dito din ay mapapansin ang kalagayan ng Quiapo. Marami ang mga pilang tindahan nanag-aalok ng
iba‘t-ibang produkto gayundin ng mga serbisyo. Naglalarawan ito ng mga masasaya at mgamakukulay na
pamumuhay ngunit sa likod nito ay may mga ilang hindi mabubuting kalagayang panlipunan ang nagaganap
sa lugar na ito.

Opisina sa printing press


 Sa tagpuang ito naghahanap buhay si Victor upang siya ay may maitustos sa kanyang pag-aaral sa
kolehiyo. Nakatulong ng malaki ang lugar na ito nang sa gayon ay maipagpatuloy niya ang kanyang
pagtatapos bilang isang guro.

Restawran sa Looban ng Tundo


 Ito ang kalimitang puntahan at tambayan ng mga naninirahan sa Tundo.Dito makikita ang iba‘tibang uri ng
mga tao sa lipunan na nais takasan kahit sandal ang mga problema nila sa buhay. Nagsilbi itong lugar
aliwan para sa kanila.

Patahian nina Flor at Dolores


 Ang tagpuang ito ay siyang sumisimbolo sa pagsusumikap at pagtitiyaga nina Flor at Dolores sa buhay kung
kaya‘t sila ay nakapagtaguyod ng ganitong uring paghahanap buhay. Nilalarawan din nito na sinumang tao
na may nais na umahon sa kahirapan at mabuhay ng marangal ay dapat na may positibong pananaw upang
magtagumpay.

VII. TEORYANG NAKAPALOOB

VIII. PAKSANG DIWA


Ang tanging kakailanganin lamang ay tiyaga, paninidigan at pananampalataya. Hindi kakailanganin na
magsimula sa malaking bagay upang magsimula ang pagbabago. Sa nobela, ipinakita ito sa katauhan ni Victor
na nagsumikap upang magbago at maianggat ang sarili ang magiging unang hakbang tungo sa isang
magandang kinabukasan.

Magmula dito ay makapagbibigay ng pag asa sa nakararami ang mga taong nakaahon. Kasunod nito ay ang
pag angkin ng respeto sa sarili at sa lugar na pinanggalingan. Dahil dito ay maari ng maisip na kaya rin pala ng
mga mahirap makatapos na kahit mahirap ang isang tao ay mayroon silang paninindigan sa tama.
IX. ISTILO AT PAGKAMASINING

Naantig ang aking puso at napukaw ang aking isipan nang mabasa ko ito. Pag-ibig ang nangingi-babaw sa
nobelang ito kaya naman ako ay nagalak dahil ako ay ang tipo ng mambabasa na mabilis tangayin ng
damdaming nangingibabaw sa akin sa tuwing ako ay nagbabasa. Kaya naman kung ang eksena ay nakakakilig,
ako ay talaga namang nakakakilig. Kapag ako ay natatawa, ako ay huma hagikgik. Kaya maraming nag-akala
na ako ay nasisiraan na ng bait sapagkat ako ay tumatawang mag-isa o kaya naman nagpapakita ng kakaibang
kilos.

Talaga namang hinahangaan ko si Andres Cristobal Cruz dahil nakalikha siya ng isang nobelang gumising sa
aking damdamin. Isa siyang napaka- masining na manunulat ng isang nobela.

X. PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN


A. KAHALAGAHANG SOSYAL AT PANG-KABUHAYAN

Sinasabi dito na sa kabila na binabadya ng madumi at magulong lugar na puno ng mga tao ay matatagpuan pa rin dito
ang pagasa at mga pangarap.Sa panahon ngayon maraming lugar saating bansa ang nalulugmok sa kahirapan.
Hanggang ngayon ay minamata pa rin ng ibang mayayaman yaong mahihirap. Tila hinuhusgahan na kaagad ng iba ang
mga nanggaling sa mahirap na lugar. Marami pa rin ang nawawalan ng pag asa na maari pa tayong muling
makabangon. Ang ating kalagayan ngayon ay sinisimbolo ng ng Tundo sapagkat ito‘y isa sa mahihirap nalugar kung
saan ang paniniwala ng marami ay ―matira matibay.

B. KULTURANG FILIPINO
Ipinakita sa nobelang ito ang ibat ibang kulturang nakasanayan na nating mag Filipino. Tulad na lamang ang pagpunta
sa mga salo-salo o handaan. Hindi natin maitatanggi na ang ganitong selebrasyon ay lagi na nating ginagawa sa tuwing
sasapit ang buwan o araw ng pagtitipon na iyon.
Ang pagmamano sa mga matatanda hindi lamang puro pangit ang pinakita sa nobelang ito, kundi ipinakita rin ang
pagiging magalang nating mga Filipino.
Tulad ni Victor lubos ko siyang hinahangaan sa pag- uugaling iyon at dahil dun natupad niya ang kanyang mga
pangarap.

C. SIMBOLISMONG FILIPINO

Sinisimbolo nito ang mga minamata at pinagsasamantalahan ng karamihan sa nakatataas. Imahe ito ng kawalang pag
asa na umangat sa buhay na kinalulugmukan.
Ngunit sa nobelang ito makikitang iba ang paniniwala ng pangunahing tauhang si Victor. Sa kanyang pananaw ay sa
Tundo man may langit din.Naniniwala siya na mayroon pang pag asa na balang araw ay maaari pang makaahon sa
kahirapan ang mga mahihirap. Umaasa siya na kahit sa Tundo ay maaari pang makita ang kahit kaunting liwanag na
magbibigay daan sa pagbabago.
D. KAHALAGAHANG PANG-KATAUHAN

Sa una ay parang ayaw ko basahin ang librong ito dahil kasi parang hindi ito ang tipo na gusto kong basahin. Sa
katunayan ay ito ang una kong pagkakataon na bumasa ng isang aklat sa loob ng isang linggo. Ito ay naging isang
malaking tulong sa pag-unawa ng nobela. Marami akong natutunan sa buhay na hindi kayang higitan ng kahit anong
magasin na aking mga nabasa.Nalaman ko na kailangan ko talagang magsikap upang makamit ang aking mga nais.
Hindi dapat magmadali at kailangan ko magkaroon ng direksyon sa pagtupad nito. Mapapatunayan ko dito na ang
madalas na sabihin ng iba na ―Love conquers all Totoo nga.!
Walang mayaman o mahirap sa pag-iibigan. Dapat ay tanggap mo kung sino ka o kung sino ang iyong minamahal. Ang
pagmamahalang walang pag-iimbot. Mayroon din namang mga pagkakamali at hindi ayon. Masasabi ko na ngayon na
walang perpektong pamilya at lahat ay nagkakasala.Dito ko naintindihan ang aking sitwasyon sa buhay. Natutuhan kong
maging maluwag sa pagtanggap ng katotohanang iyon.Nalaman ko din na kailangan kong matutunan ang katotohanan
na mahalin at irespeto ang aking mga magulang sa abot ng aking makakaya. Na hindi sila pagbubuhatan ng kamay at
sasagutin .Marami po talaga akong nalaman at mga kaisipang natanto mula sa nobela. Natutuhan kong unawaan ang
aking kalagayan sa pamamagitan ng mga tauhan nobelang ―Ang Tundo Man May Langit Din.
Kaya naman katulad ko, sa pahina ng nobela nakangiti kong isinara ang libro at ibinulong na ―hahanapin ko din
ang langit ko.

XI. PARAAN NG PAGKAKASULAT


XII. PAGWAWASTO NG MAIKLING KUWENTO
XIII. PANGKALAHATANG PUNA AT MUNGKAHI

You might also like