You are on page 1of 3

Nobelang Pagbabago

Nobelang Tauhan

Lalaki sa Dilim ni Benjamin Pascual

 Nagsimula ang nobela sa pag-uusap ng mag-amang Rafael Cuevasat Don Benito ukol sa nalalapit
na kasal ni Rafael kay Margarita. Niyaya niNick si Rafael para pumunta sa isang bar dahil
bibigyan nila si Rafael ng isangstag party sapagkat malapit na itong ikasal. Ngunit nagkainitan
ang grupo nilaRafael at ilang mga kalalakihan sa bar dahil daw sa pambabastos ni Nick saisang
hostes, hanggang sa dumating ang mga pulis at naisipang tumakas ni Rafaeldahil ayaw nitong
masira ang apelyido niya. Paglabas niya sa kusina ng bar aynakita niyang nasundan na pala siya
ng isang pulis. Sumakay si Rafael sa isangtaxi upang iligaw ang bumubuntot na pulis.
 Habang tinatakasan pa rin ang humahabol sa kanya, nakarating si Rafael sa isang dipamilyar na
lugar. Umakyat siya sa bahayna yero at doo’y nakita niya ang isang dalaga, at ito’y mag-isa na
lamang.Hindi na nito napigilan ang sarili dahil sa sobrang kalasingan atpinagsamantalahan na
niya ang kaawaawang dalaga. Bago lisanin ni Rafael angbahay, naisip niyang bulag pala ang
babae na siyang kinaluwag ng loob niyasapagkat ligtas siya—paano nga naman kasi siya
maisusumbong ng isang babaeng dinaman nakakakita?
 Muling pinuntahan ni Rafael ang bahay na yero upang tingnan kung ano na ang lagay ng
babaeng bulag. Nakausap niya ang babae at nabighani siya sa angking kagandahan nito. Naisip
ni Rafael na bigyan na lang niya ang babaeng kanyang pinagsamantalahan ng 50,000 bilang
panghugasng kasalanan sa kanyang ginawa. Pinuntahan niyang muli ang bahay at
kaniyangipinaabot sa isang bata ang pera kasama ang isang liham na nagsasabing siya ang
nanggahasa.
 Isang araw ay biglang napatawag sa kanya si Aling Sela at ibinalita nitong nanganak na raw si
Ligaya. Bigla-bigla namangpumunta sa bahay nila si Rafael para makita ang anak nito. Nang
makita niya angkanyang anak, naisip niyang ito na lang ang nakapag-aalis ng bigat ng
problemanilang mag-asawa. Nalaman niya kay Ligaya na isinunod sa kanya ang pangalan
ngsanggol—Rafael—nang dahil na rin sa laki ng naitulong niya kina Ligaya. Ngunit hindi lang ito,
inaya rin siyang mag-ninong sa bata—ninong ng batang anak niya mismo!
 Nagkaroon ng matinding dagok sa relasyon ngmag-asawang Rafael at Margarita nang makita ni
Rafael si Margarita na kasamaang kanyang kaibigang si Nick. Hindi na napigilan pa ni Rafael ang
kanyangdamdamin at agad niyang sinuntok si Nick. Ilang araw ay nabasa ni Rafael sa
dyaryongnatagpuang patay sina Nick at Margarita, at ito ay kagagawan ni Marina.
Nalamannaman mismo ni Rafael kay Marina na kaya nito binaril ang dalawa dahil balak niNick na
kuhanin ang mga anak nila. Sinundan ni Marina si Nick sa kanilang bahayupang ipaglaban sana
ang karapatan nito bilang ina ng mga bata, ngunit hindinito naabutan ang asawa. Kaya kinuha na
lang niya ang baril sa kanilang bahaysaka niya sinundan sa hotel sila Nick, at doon niya binaril
ang dalawa.
 Natapos ang kwento nang aminin ni Rafael nasiya ang gumahasa kay Ligaya. Nagulat ang mag-
ina sa narinig, ngunit mapapansinsa mga ikinilos ni Aling Sela na ayos lang ditong si Rafael pala
ang ama nganak ni Ligaya. Matapos umamin ay niyayang magpakasal ni Rafael si Ligaya
upangpanagutan ang nagawa niya at dahil sa mahal na rin kasi niya ang dalaga. Sa
biruangkumpare at kumare nagwakas ang nobela.
Nobelang Historikal o Makasaysayan

El Filibusterismo ni Jose Rizal

Sa liku-likong daan ng Ilog Pasig ay may isang Bapor Tabo na naglalakbay. Lulan nito ang maraming
taong papunta sa Laguna. Ilan sa mga sakay ng bapor ay sina Simoun, Basilio, Isagani, at ilang mga pari.
Unang pinuntahan ni Basilio ang puntod ng kaniyang ina nang ito’y makarating sa San Diego. Doon ay
nakita niya ang mag-aalahas na si Simoun. Nang magtanggal ito ng salamin ay nakilala niyang iyon si
Juan Crisostomo Ibarra. Tinangkang patayin ni Simoun si Basilio upang hindi lumabas ang lihim nito.
Ngunit naisip niyang parehas sila ng kinahinatnan nito kaya hinimok nalang niyang makiisa si Basilio sa
planong paghihiganti sa Pamahalaang Kastila. Ngunit ito ay tinanggihan ni Basilio. Naghain ng kahilingan
sa Kapitan Heneral ang mga mag-aaral na Pilipino upang makapagtayo ng isang akademya ng wikang
Kastila. Ngunit hindi ito pinagtibay dahil mga pari ang namamahala dito.
Nang muling magkanaig ni Simoun si Basilio ay muli niyang kinumbinsi na umanib ang binata sa
gagawing paghihigmasik. Plano ni Simoun na gumawa ng isang pulutong na sapilitang papasok sa
kumbento upang agawin si Maria Clara. Sa kasawiang palad ay hindi ito nangyari dahil binawian din ng
buhay ang dalaga kinahapunan.
Samantala, nagkaroon ng pagtitipon ang mga mag-aaral, sa Panciteria na pagmamay-ari ng Intsik na si
Quiroga, dahil sa masama ang kanilang loob dala ng pagkabigo ng kanilang kahilingan patungkol sa
pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila. Nalaman ng mga pari ang tahasang pagtuligsa sa kanila ng
mga mag-aaral sa pamamagitan ng talumpatian sa loob din ng Panciteria. Kinaumagahan ay makikita ang
mga paskin sa pinto ng Pamantasan na naglalaman ng mga paghihimagsik.
Pinagbintangan ang mga mag-aaral na kasali sa kapisanan at dinakip ang mga ito kasama si Basilio. Labis
ang pagdaramdam ng kasintahan ni Basilio na si Huli.
Hinimok ni Hermana Bali na lapitan ni Huli si Padre Camorra upang humingi ng tulong sa pagpapalaya
kay Basilio. Napalaya ng mga kamag-anak nila ang mga mag-aaral maliban kay Basilio.
Hinalay ni Padre Camorra si Huli dahilan kung bakit tumalon sa bintana ang dalaga at agad namatay.
Sa kabilang dako, patuloy parin si Simoun sa kanyang plano na paghihiganti. Upang maisagawa iyon,
sumanib siya sa negosyo ni Don Timoteo Pelaez na ama ni Juanito. Ipinagkasundo niyang ipakasal si
Paulita kay Juanito.
Inanyayahan niya sa piging ang mga taong may mataas na posisyon sa pamahalaan. Lumipas ang
dalawang buwan, nakalaya na si Basilio sa tulong ni Simoun dahilan kung bakit tuluyan na siyang nakiisa
sa paghihimagsik na balak ni Simoun.
Sinamantala ni Simoun ang mangyayaring piging upang maisagawa ang paghihimagsik. Naghandog siya
ng magarang lampara para sa ikakasal.
Di-lingid sa kanilang kaalaman, ang lamparang iyon ay may lamang nitrogliserina. Sa oras na itaas ang
mitsa ay sasabog ito ng malakas.
Habang nagsasaya ang lahat ay palakad-lakad naman si Basilio sa labas. Hindi siya mapakali dahil alam
niya ang mangyayaring pagsabog.
Nakita niyang lumabas na rin si Simoun sa bahay dahil sa nalalapit na pagsabog ng lampara. Nakita din
niya si Isagani at sinabihan umalis na sa bahay na iyon.
Unti-unti nang lumalamlam ang ilaw ng lampara. Iniutos ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ang
mitsa nito ngunit mabilis itong inagaw ni Isagani at itinapon sa ilog.
Hindi natuloy ang plano ni Simoun kaya tumakas ito at nagtungo sa bahay ni Padre Florentino. Uminom
si Simoun ng lason dahil ayaw niyang mahuli siya ng mga sibil na buhay.
Nagtapat siya kay Padre Florentino ng kaniyang buhay at ang balak niyang paghihiganti.
Noong oras din na iyon ay binawian ng buhay si Simoun.
Tumungo si Padre Florentino sa bato na laging inuupuan ni Isagani malapit sa dagat at itinapon ang lahat
ng kayamanan ni Simoun.
Nobelang Romansa/Pag-Ibig

Pinaglahuan ni Faustino Aguilar

Ito ay isang nobela na isinulat ni Faustino Aguilar, na nagpapakita ng tunay na kalagayan ng lipunan.
Pinakita dito ang dalawang klase ng pamumuhay sa lipunan. Isang buhay at kalagayan ng mayayaman at
sa kabilang banda naman ay buhay ng mahihirap. Kwento ito ng dalawang taong nagmamahalan na nasa
magkaibang mundo. Ang lalaki ay mahirap at ang babae naman ay galing sa mayamang pamilya.
Makikita rito ang mariing pagtutol ng ama ng babae dahil mahirap ang lalaki naiibigan niya. Pero kung
realidad din naman, ang ganitong klase ng pag-iibigan ay hindi naman kadalasan nangyayari sa totoong
buhay na ang isang mayaman ay maiinlove sa isang mahirap dahil kapag mayaman ka, halos lahat ng
mga kasama, kaibigan at taong nasa paligid mo ay iyong mga kauri mo din kaya bihirang makakilala ka
na nakakapalagayan mo ng loob at iibigin mo. Hindi ko naman sinasabi na hindi mangyayari bagkus
bihira itong mangyari sa kasalukuyan.
Ang tema at takbo ng kwentong nito ay naging patok pagdating sa pagpukaw ng atensyon ng
mambabasa, isang patunay nito ay ang halimbawang teleseryeng tinutukan ng marami na Ikaw Lamang
ng Abs-Cbn na pinagbidahan ni Coco Martin at Kim Chui kung saan ang tema at takbo ng istorya ay
pareho. Ang ganitong klase ng kwento ay naging pattern na ng ilang mga teleseryeng pumatok.

Tunggalian ng uri ang ipinakita sa nobela. Makikita ang hati kung saan nagkakaroon ng pagkakaiba
depende sa kung saan uri ng lipunan ka nabibilang. Sa kalagayan ngayon ng lipunan natin, alam naman
na ang mayayaman at may kapangyarihan ang nasa mataas na uri habang ang masa naman ang nasa
mababang uri. Ito ang isa sa malaking problema sa lipunan na hindi masolusyonan. Kung maari lang
sana na wala ng naghahati sa dalawang klase ng lipunan na ito na wala ng mababa at mataas bagkus
lahat ay pantay. Pero hangga’t nariyan ang politika na hindi naman mawawala sa lahat ng bagay ay hindi
mangyayari ang ganitong hangarin. Hindi nawawala ang politika sa lahat ng bagay maging sa pag-ibig.
Ang karakter ni Luis Gatbuhay dito ay sumasalamin sa masa kung saan namumuhay at nagtatrabaho
para makaraos lang sa araw-araw pero minsan ay hindi pa din talaga sapat para kay Luis ang kanyang
ginagawang pagsisikap para lang makapantay at mabagay sa mundo ng kanyang minamahal. Hindi din
pwede isantabi ang kalagayan ng ama ni Danding na maaring sumasalamin naman sa pamahalaan na
sagabal sa pag-angat at pinapangarap ka kaligayahan ng katulad ni Luis. May mga politiko tayo na
nakakalimutan ang tamang gawain para lang masalba ang kanilang mga sarili. Si Danding ang ginawang
pambayad ng kanyang ama dahil malaki ang pagkakautang nito kay Rojalde, ipinakakasal niya si Danding
bilang kabayaran. Nariyan din ang panahon kung saan nakulong si Luis dahil kay Rojalde at namatay sas
kulungan si Luis nagpapakita ng mapait na katotohanan na kahit ano gawin mo o kahit wala ka pa gawin
ay kaya kang apakan at apihin ng mga taong mas mataas sa iyo at may pera. Ang aral at realisasyon na
nais iparating ng akdang ito na hindi dapat maging mapansamantala ang mga nasa nakatataas sa
lipunan. Hindi pera at kapangyarihan ang lisensya para mang-api ng kapwa. Na sa huli, hindi lang pera
ang importante bagkus ang moral at paggawa ng tama pa rin ang dapat gawin at sundin.

You might also like