Professional Documents
Culture Documents
Lumipas ang mga araw at mas lalong nagkamabutihan sina Victor at Alma
hanggang sa dumating ang isang araw na hindi na nila napigilan ang damdamin
ng isa’t isa at sila ay nagpasiya ng magpakasal. Pumunta si Victor sa bahay nila
Alma upang hingin ang kamay ni Alma sa ama nito. Hindi naman tumutol ang
ama ni Alma at masaya pa ito para sa dalawa. Napagpasiyahan nilang sa lalong
madaling panahon ay ikakasal sila.
Dumating ang araw ng kasal. Simple lamang ang pag-aayos dito at kakaunti lamang ang inimbitahan
ngunit sa kabila nito ay masayang idinaos nila Alma at Victor ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Sa
gabi ng kanilang kasal ay nakapag-isa ang bagong kasal. Inihandog ni Alma ang kanyang talaarawan kay
Victor at Ibinigay naman ni Victor kay Alma ang panganay nilang halik sa isa’t isa. Doon ay ipinagtapat na
ni Victor na nabasa niya ang talaarawan ni Alma. At pagkaraan ng ilan pang sandal, doon sa pook na
iyon ng Tundo’y sinimulang likhain, sa kabila ng ingay ng mga nagsusumbatang pulitiko, ng dalawang
nagkakaisa’t nagkakaugnay ng pangarap ang isang bago’t matapang na daigdig. Isang daigdig na
kaypala’y may sariling langit na biyaya ng pag-ibig.