You are on page 1of 2

SYNOPSIS: ALL THE BRIGHT PLACES by Jennifer Niven Ito ay tungkol sa

dalawang tao na gustong tapusin ang kanilang mga buhay sa kadahilanang hindi na nila
makayanan ang mga bigat na kanilang nararamdaman . Ito ay sila Violet at Theodore Finch na
may parehong mabigat na pinagdadaanan sa buhay,pareho nilang binabalak na tapusin na
ang kanilang mga buhay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa mataas na gusali ng kanilang
paaralan ngunit noong balak na nilang tumalon ay bigla nilang nakita ang isa’t isa .Nagulat si
Finch dahil hindi niya inaakalang naroon din si Violet na parehong nakatayo sa gilid ng gusali.
Hindi nangyari ang balak nila dahil kinausap nila ang isat isa na huwag ng ituloy kung ano man
ang binabalak nila .

Gustong tapusin ni Violet ang kanyang buhay sa kadahilanang hindi niya matanggap
ang pagkamatay ng kanyang kapatid ,pakiramdam niya na may pananagutan siya sa
pagkaaksidente nila noon, iniisip niya na sana siya nalang ang namatay at hindi ang kanyang
kapatid. Mayroon namang deperensiya sa pag iisip si Theodore ,kung saan paiba-iba ang
kanyang kilos, dahil ito sa kanyang matinding depresyon na nagmula sa kanyang
mapangabuso na ama. Nahuhumaling siya sa pagpapakamatay , nagsusulat siya ng mga
nakakatuwang kaalaman tungkol sa pagpapatiwakal, pati na rin mga pamamaraan nito at ang
pinakamahusay na paraan upang mamatay. Sa kanilang paaralan may proyekto sila na
kailangang nilang tumuklas ng mga magagandang tanawin sa kanilang lugar. Sa proyektong
ito naging magkapares silang dalawa. Nilakbay at nilibot nila ang mga lugar na kanilang inilista
para sa kanilang proyekto . Habang napapadalas ang pagsasama nilang dalawa ay unti-unting
bumubuti ang pakiramdam ni Violet dahil kay Theodore. Ngunit habang nagiging mabuti ang
kalagayan ni Violet lumalala naman ang kalagayan ni Theodore.Bagamat, habang lumalalim
ang relasyon nilang dalawa naging tutol dito ang magulang ni Violet, hindi nila gusto na
nakikipagkita si Violet kay Theodore. Iniisip nila na masamang impluwensiya si Theodore kay
Violet . Dahil dito, nagsimula muli si Theodore na gawin ang mga bagay para tapusin ang
kanyang buhay , gaya ng pag-inom niya ng sobrang gamot. Isang araw,dumalo si Theodore sa
mga grupong sumusuporta sa mga may depresyon,kung saan sa samahang iyon nandoon din
ang kaibigan ni Violet na si Amanda.
Sa sumunod na araw ,ikwinento ni Amanda kay Violet na parang may pagtatangka sa
pagpapatiwakal si Theodore. Agad naman kinausap ni Violet si Theodore tungkol dito, gusto
niya itong tulungan ngunit humantong lamang ito sa kanilang pag-aaway at hindi
pagkakaunawaan.Sa araw na iyon naglayas si Theodore ngunit walang pakialam doon ang
kanyang pamilya dahil sanay na sila na lagi niyang ginagawa iyon. Ngunit iba si Violet, may
pakialam siya rito at gusto niya hanapin kung nasaan siya.

Mayroon pang mga lugar na dapat nilang puntahan para sa proyekto nila ngunit
pinuntahan lang lahat iyon ni Theodore ng mag isa.Sa bawat lugar na pinupuntahan ni
Theodore ay nagpapadala siya ng mensahe kay Violet. .Pagkalipas ng isang buwan ng
pagkawala ni Theodore nakatanggap ng mga mensahe ang kanyang pamilya,kaibigan at pati
narin si Violet na parang nagpapaalam na siya.Dahil dito,naisip ni Violet na puntahan ang mga
lugar na natira sa listahan nila na nauna nang pinuntahan ni Theodore. Sa pang huling lugar
ay sa may Blue Hole na parang lagoon na pinuntahan na nila dati. Nakita niya ang mga damit
ni Theodore sa may mga bato. Sinubukan niya na sisirin yung lagoon ngunit masyado itong
malalim. Tumawag siya ng mga pulis at doon natagpuan at nakuha nila ang bangkay ni
Theodore. Sa mga gamit na naiwan ni Theodore,nakita ni Violet ang isang sulat ,ito ay isang
kanta na isinulat ni Theodore para sa kanya.

You might also like