You are on page 1of 6

PAGSUSURI SA DULA

I. PANIMULA

a. PAMAGAT: Makapaghihintay ang Amerika

b. MAY AKDA: Dionisio S. Salazar

Si Dionisio S. Salazar ay alagad ng Sining na tubong Nueva Ecija at hindi


matatawaran ang kaniyang husay at galing sa pagsulat ng mga nobela at dula. Marami
na rin siyang natamong mga parangal sa Carlos Palanca, National Balagtas at marami
pang iba. Nakamit din ni Salazar ang unang gantimpala sa One- Act Play sa Filipino
noong 1968 ng kaniyang isinulat ang dulang “Makapaghihintay ang Amerika.”
Naparangalan din siya bilang Outstanding Filipino Awardee sa TOFIL noong 1994. Siya
ay tunay na huwarang manunulat ng makabagong panahon. Ang kaniyang mga dula ay
isang obra maestrang maipagmamalaki nating lahat. Isa siyang premyado at walang
katulad ang husay na manunulat na dapat ipagmalaki sa lahat. Ang kaniyang mga
isinulat ay dapat tangkilikin sapagkat ito’y sariling atin.

II. BUOD

Sa bahay ng mga Cortez, sa Maynila ay makikita sa kanilang sala si Ligaya na


nakasandal sa kanilang sofa at bumabasa ng “pocketbook.” Isa siyang Propesor sa
isang malaking pamantasan sa Maynila. Habang nagbabasa ay maiinip siiya sa
kahihintay sa byenan at mga anak na nanuod ng sine. Pagkaraan ng ilang minute ay
dumating na rin ang kaniyang byenan at mga anak. Ipinagmalaki ni Boy, ang kaniyang
anak na lalaki ang kanilang napanoud sa sine. Naipahayag din ni Marta, ang kaniyang
byenan na mahusay na ang mga gumaganap na artistang Pilipino ngayong panahon.
Habang nagkukuwentuhan ay nabanggit ni Boy ang sinabi sa kaniya ng kaniyang ama
na si Fidel na kung gusto nitong pumunta sa Amerika.
Matapos ang kuwentuhan ay nagbihis ng pambahay ang mga anak ni Ligaya
habang naiwan naman sa sala ang magbyenan. Nagkuwentuhan sila tungkol sa
pagbabalak ni Fidel na pumunta ng Amerika at ang mga suliranin ng lipunan. Nag-isip
sila ng paraan para sa darating na kaarawan ni Fidel bukas. Malungkot si Ligaya dahil
muling malalayo nanaman ang kaniyang asawa sa kaniyang piling kaya naman
minabuti nan g magbyenan na kausapin si Fidel sa balak nito. Napag-usapan din nila
ang hindi patas na pagtalaga sa posisyon sapagkat napili si Fidel sa isa sa mga itataas
ang posisyon sa ospital. Ang pagbabalak ni Fidel na pumunta ng Amerika ay labis na
ipinag-aalala ni Ligaya dahil kakaiba ang uri ng pamumuhay ng mga tao doon at
panibagong buhay ang kanilang matatamasa kung doon magtratrabaho si Fidel.
Naituon naman ang kanilang usapan sa Amerika, kung anong klase ng pamumuhay
mayroon sila at ang mga sawimpalad na mga dalagang ina na bunga ng sinasabing
makabagong kabihasnan. Ang katotohanang ang ating panahon ay henerasyon ng
panggagay, panghuhuwad, panloloko, krimen, pagsasamantala at iba pang mga sakit
ng lipunan.
Dumating si Fidel na nakabarong Tagalog at masuyong hinagkan ang kabiyak
nitong si Ligaya. Tinawag naman ni Marta ang kaniyang mga apo upang magbigay
galang sa kanilang kadarating pa lamang na ama. Ikinumusta naman ni Fidel ang
panonoud ng sine ng mga anak, aktibo naman itong ibinahagi ang kanilang karanasan
at napanood. Pagkatapos ay inalok naman ni Marta ang kaniyang mga apo upang
magluto ng hapunan. Naiwan ang mag-asawa sa sala. Sinabi naman ni Fidel na may
naitalaga na bilang isang assistant director sa ospital na kaniyang pinapasukan. Saka
naman ipinilit uli ni Fidel ang kaniyang balak na pumunta ng Amerika dahil mas
giginhawa raw ang kanilang buhay sa Amerika kaysa sa Pilipinas. Hindi na masikmura
ni Fidel ang katiwaliang nagaganap sa bansa at ang kawalan ng hustisya.
Todo naman ang pagkumbinsi ni Ligaya na manatili na lamang sila sa Pilipinas
hanggang sa may narinig silang sumisigaw magnanakaw sa labas ng kanilang bahay
hanggang sa may narinig silang putok ng baril. Nagpapatunay ito sa mga sinabi ni Fidel
na pasasaan ang kanilang buhay sa Pilipinas kung kabi-kabila ay may krimeng
nagaganap. Nang tinawag na sila ni Rosa, ang kanilang anak na babae upang
maghapunan. Nabanggit ni Boy na tuwing papasok na siya sa paaralan ay ihahatid at
isusundo siya ng kaniyang ama naitanong ni Fidel kung ano ang gustong maging ni Boy
paglaki nito.
Matapos ang kumain ay naupo sa sofa si Fidel at nag-isip-isip tungkol sa mga
nasabi ng kaniyang asawa at ng kaniyang mga anak. Kinaumagahan ay lumabas ng
bahay si Fidel upang ikuha ang kanilang dyaryo. Pagbalik niya ay sinorpresa siya ng
kaniyang pamilya. Masayang ibinigay ng kaniyang mga anak at ng kaniyang ina ang
kanilang regalo kay Fidel. Nakapagdesisyon na si Fidel na huwag nang pumunta ng
Amerika at manirahan na lamang sa Pilipinas. Masayang- masaya naman na ibinigay ni
Ligaya ang kaniyang regalo kay Fidel sa pamamagitan ng pagsabi nito na
madaragdagan nanaman ang kanilang pamilya. Masaya namang naibigkas ni Ligaya
ang “Makapaghihintay ang Amerika.”

III. PAGSUSURI

A. URI NG PANITIKAN
Ang nabasang teksto ay isang uri ng dula. Ang dula ay isang uri ng panitikan na
pinakalayunin nito ay maitanghal sa isang tanghalan, nahahati ito ilang yugto na
maraming tagpo. Ang tagpo ay ang paglabas-masok ng mga tauhan sa tanghalan. Ang
yugto naman ay ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad ang tabing sa bawat
yugto upang makapagpahinga ang mga natatanghal gayon din ang mga manonood.
Ang patunay na isang uri ng dula ang “Makapaghihintay ang Amerika” ay sapagkat
mayroon itong Simula, Gitna at Wakas. Na kung saan sa Simula ay mayroon tagpuan at
ipinakilala ang mga tauhan sa kuwento. Sa Gitna naman ay ipinakita ang tunggalian na
kung saan ipinahayag ang pagbabalak na manirahan ni Fidel sa Amerika. Sa Wakas ay
mayroon itong kakalasan at kalutasan na kung saan ay napagdesisyonan ni Fidel na
manatili na lamang sa Pilipinas. Isa pang patunay ay mayroon itong tagpuan, sa bahay
ng mga Cortez, sa Maynila at mayroon din itong diyalogo.

B. ESTILO
Ang estilo ng pagkakasulat ng banghay sa kuwento ay mayroon kronolohikal na
pagkakasunod-sunod dahil ang paksa nito ay tungkol sa tao na mayroon
mahahalagang impormasyon at pangyayari na nagaganap sa kanilang paligid.
Nagsimula ang dula sa pag-uusap nina Ligaya at ng kaniyang byenan na si Marta
tungkol sa pagbabalak ni Fidel na pumunta ng Amerika. Napag-usapan din nila ang
mga bagay-bagay na nangyayari sa loob ng bansa, kung gaano na katalamak ang mga
krimeng nagaganap at ang hindi patas na pagtalaga sa posisyon. At sa pagdating ni
Fidel ay ito ang naging sanhi upang mag-usap ang mag-asawa ng masinsinan at
magkasagutan.
Kapansin-pansin din na ang dula ay nakapokus lamang sa pag-uusap ng mga
tauhan tungkol sa suliranin ng bansa at ang kaganapan sa Amerika. Kakaiba ang
naging paraan ng pagsulat ng banghay ni G. Salazar sapagkat ang atensyon ng tema
nito ay tungkol sa lipunan.
Nagsimula ang dula sa pagbukas ng tabing at makikita sa tanghalan si Ligaya na
nagbabasa ng isang “pocketbook” at hinihintay ang kaniyang pamilya na umuwi.
Malungkot at puno ng aalalahin ang mukha ni Ligaya. Nagtapos naman ito sa
pagdedesisyon ni Fidel na naging sanhi upang maging masaya si Ligaya.

IV. PANANALIG PAMPANITIKAN/TEORYA:

1. HUMANISMO - dahil nabigyang pansin ang mga saloobin ng bawat tauhan sa


kuwento.Ipinakita rin kung gaano katalino at may mabuting hangarin ang mga ito.

2. FEMINISMO -dahil ipinakita sa dula ang mga gawain ng isang babae sa isang
tahanan.

3. SOSYOLOHIKAL -dahil inilahad dito ang mga suliranin ng lipunan.


4. EKSISTENSYALISMO -dahil malayang nailalahad ng bawat tauhan ang
kanilang opinyon tungkol sa mga nangyayari sa bansa.

5. REALISMO -sapagkat ipinakita rito ang mga karanasan ng may-akda patungkol


sa lipunang kaniyang ginagalawan. Samakatuwid, ang dula ay hango sa totoong
buhay.

III: MGA PANSIN AT PUNA

A. TAUHAN:

Ligaya
Sa pagbubukas pa lamang ng tabing ay si Ligaya na agad ang makikita sa
entablado. Siya ang asawa ni Fidel at isang guro sa isang malaking pamantasan sa
Maynila. Sa simula, puro siya alalahin dahil sa pagbabalak ng kaniyang asawa na
pumunta ng Amerika sapagkat kakaiba na ang klase ng babae sa bansang iyon, ayaw
niyang nawawalay sakaniya ang kaniyang asawa at isa pa, siya ay buntis sa ikatatlo
nilang anak. Ang pinakatumatak na linya na kaniyang sinabi ay ang “Kahit saan, anak,
ay may mahusay at may mahinang klaseng guro.”

Fidel
Siya ang bana ni Ligaya, isang doktor at nagbabalak na pumunta sa Amerika. Ang
may kaarawan kinabukasan.Naisipan niyang pumunta ng Amerika dahil sa hindi
maayos na sistema ng bansa. Mayroon ding magandang oportunidad na naghihintay sa
kaniya sa Amerika. Hindi rin siya ang napili bilang assistant director sa kanilang ospital.
Kilaunan, habang nag-iisip-isip tungkol sa mga nangyari at mga nasabi ng kaniyang
anak at asawa na tama sila at huwag na lamang tumuloy sa Amerika. Ang
pinakatumatak sa akin na kaniyang linya ay “Hindi ko na masikmura ang mga
kabuluka’t katiwaliang aking nakikita, nadarama, nababasa… sayang at hindi ako
naging nobelista o mandudula, kung nagkatao’y baka sa isang Noli rin o isang
“Kahapon, Ngayon, at Bukas” ang masusulat ko.”

Marta
Ang ina ni Fidel. Naging patnugot ng isang kawanihan at sa kasalukuyan ay
pensyunada na. Kasama ang mga bata na nanuod ng sine. Nag-aalala siya sa
kaniyang anak na si Fidel sa pagbabalak nito na pumunta ng Amerika. Mahal na mahal
niya ang kaniyang anak at apo kaya gusto lamang nito na maging masaya ang
kaniyang pamilya. Ang pinaka nagustuhan kong linya ay ang “Nakakahiya, ngunit
totoong ating panahon ay henerasyon ng panggagaya, panghuhuwad, panloloko,
krimen at panggagahasa.”
Rosa
Anak na babae nina Fidel at Ligaya. 9 na taong gulang. Mapagmahal na anak at
matulungin. Ang gusto niyang kunin paglaki niya ay katulad din ng kaniyang ina, ang
maging isang guro. Napapansin din niyang mas mahal pa ng kaniyang tatay ang
kaniyang trabaho kaysa sa kanila. Ang pinatumatak sa akin na kaniyang linya ay ang
“Sa tingin ko, mas mahal mo pa’ng trabaho mo kesa sa amin.”

Boy
Anak na lalaki nina Fidel at Ligaya. 7 na taong gulang. Mapagmahal at
maunawain. Ang gusto niyang kunin paglaki ay isang pulis dahil susugpoin daw niya
ang mga masasamang tao. Gusto niyang makapiling ang ama tuwing papasok siya ng
klase katulad ng kaniyang kaibigan. Ang pinakatumatak saakin na kaniyang linya ay
ang “‘Pahuhuli kong lahat-lahat ng magnanakaw, saka mandurukot, saka ‘yung
nambabaril ng tao, saka – a basta lahat ng masama, ‘papahuli ko sa Pulis!”

B. GALAW NG PANGYAYARI

Pag-aalala ang himig na nangibabaw sa kuwento sapagkat nababahala si Ligaya


sa pagbabalak ni Fidel na pumunta ng Amerika dahil iba ang klase ng pamumuhay ng
mga tao roon at isa pa, ibang klase ang mga babae sa lugar. Mas gusto kasi ni Ligaya
na manatili na lamang sa Pilipinas kaya naman pinaintindi ni Ligaya kay Fidel na hindi
na nila kailangan pang pumunta ng Amerika para lamang umalis sa bansang walang
kaayusan. Pinapakita rin dito ang mga suliraning nagaganap sa Pilipinas ang hindi
organisadong pamamahala ng mga Politiko at talamak na krimen.
Isa ring himig nito ang pagkagalak dahil sa huling tagpo ng dula ay naintindihan na
rin ni Fidel na hindi niya naman kailangan pang pumunta ng Amerika upang makaalis
sa Pilipinas. Narito ang kaniyang pamilya at dito na siya lumaki, napagtanto rin niya ang
mga sinabi ng kaniyang mga anak. Pagkagalak sapagkat napagdesisyonan na ni Fidel
na manatili sa bansa at may isang balita siya na nagpagalak sa kaniyang kalooban, ang
pagbubuntis ni Ligaya sa kanilang pangatlong anak.
“Ikaw ay isang tanyag na siruhano. Di ba’t ang isang maysakit, gaaanuman
kalubha ang karamdaman, ay may pag-asang gumaling?” “Depende sa karamdaman,
Gay. Nakita mo, ako’y hindi nandiri kailanman sa anumang sakit, datapwa’t ang
sumasagong na ng ating lipunan ay totoong napakalansa, nakakaririmarim,
nakakasuka.” Isa ang linya ito sa patunay na ang paksa sa dulang ito ay tungkol sa
mga sakit ng lipunang nagaganap sa Pilipinas na kung saan hindi na kaya pang tignan
ni Fidel ang mga nangyayari.
Ang tagpuan ay sa tirahan ng mga Cortez, sa Maynila. Nagsimula ang kuwento sa
may loob ng bahay ng mga Cortez na kung saan naka-upo si Ligaya sa sopa at
nagbabasa ng pocketbook makikita sa loob ng bahay ang mga mamahali’t makabagong
muwebles, telebisyon, hi-fi, atbp. (iaangat ang ulo sa binabasa at titingin sa kaniyang
orasan) Aba mag-aanim at kalahati na’y wala pa si Mama, tila sila nawili sa panonood…
Si Fidel naman ay wala rin. (Itutuloy ang pagbasa)
Ginanap ito sa kasalukuyang panahon na kung saan talamak ang krimen at
kawalan ng hustisya sa bansa. Hindi organisado ang pamamahala at angat ang taong
may kapit sa taas. Kabilabilaan ang mga krimen nagaganap sa panahong ito mayroon
isang linya sa kuwento ang nagpapatunay na kahit saan ay may krimeng nagaganap.

IV: BISANG PAMPANITIKAN

A. BISA SA ISIP:
Pilipinas. kung noon bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa,
kilala na tayo bilang mga magnanakaw kaya naman kinakatakutan tayo ng mga
katabing bansa.

B. BISA SA DAMDAMIN:
Nang dumating ang Kastila ay naging alipin tayo sa sarili nating bayan, dito
nagsimula ang pangungutong, suhol at korupsyon. Malungkot man isipin ngunit
hanggang ngayon ay nangyayari pa ito sa ating bansa.

C. BISA SA KASALAN:
Kaliwa’t kanan ang mga krimeng nagaganap sa ating lipunan dahil sa mga taong
tanging iniisip lang ay ang kanilang ikaaangat sa buhay.

D. BISA SA PANLIPUNAN:
Ang dulang ito’y pinapahayag ang mga kadalasang nagyayari sa isang pamilya
at lipunan. Sa dula rin itong pinakita na ang mga materyal na bagay ay hindi siyang
lahat sa buhay ng tao. Ipagmalaki rin natin ang ating bayan at mas mahalin ang mga
taong nakapalibot sa atin.

You might also like