You are on page 1of 6

1

Sharmaine Arabelle P. Marcos

Kasaysayan 1 THW2

2014-04239

October 20, 2014


Utak ng Rebolusyon Tularan ng Bawat Henerasyon

Nagsimula ang dula sa pagpapakita kay Mabini at kanyang kapatid sa Guam. Dito ay
inilahad ni Mabini ang kanyang matinding kagustuhang makabalik sa inang bayan na kinokontra
naman ng kanyang kapatid na si Prudencio sa pamamagitan ng paglalarawan ng kagandahan ng
Guam. Dumating ang mga lasing na rebolusyonaryo na pinamunuan ni Ricarte at sinuportahan
ang sinabi ng kapatid ni Mabini. Natapos ang kasiyahan at nagpaiwan ang lider ng mga
rebolusyonaryo kasama ang paralitiko upang sabihin ang balita tungkol sa kanilang kaibigang si
Aguinaldo. Ang dating rebolusyonaryo na naiwan sa Pilipinas ay lumagda daw ng alyansa sa
mga Amerikano. Iniwanan ni Ricarte si Mabini at ipinamalas ang saloobin ng magkaibigang nasa
magkabilang bansa. Nagbago ang takbo ng eksena sa pamamagitan ng pagpapakita ng pag-uwi
ng mga rebolusyonaryo sa kanilang minamahal na bayan. Ang dalawang lider, si Mabini at
Ricarte, kasama si Prudencio ay pinasakay sa hiwalay na barko kung saan sila ay kinumbinsi ni
Taft na lumagda sa alyansa. Nag-aalinlangan man noong una ay lumagda pa rin si Mabini at ang
kanyang kapatid samantalang ang kaibigan niya ay nagmatigas at ipinatapon sa Hongkong. Ang
kalagayan ni Mabini ay ibinigay sa kamay ng isang Pilipinong nars na si Salud, na may
tinatagong paghanga sa kanya. Dito ay nilinaw na hindi syphilis ang dahilan ng pagkaparalisa ng
bayani. Nakauwi din sa Pilipinas ang magkapatid ngunit ikinwento ng kanyang kapatid na
namatay siya ilang buwan lamang pagkauwi sa bayan. Nagtapos ang dula sa pagbasa ng isinulat
niyang dekalogo.

2
Nais ko mang magpokus sa isang parteng pinakamahalaga sa dula para sa akin ay di ko
magawa dahil bawat parte ay malaki ang papel sa pagpapakilala sa tunay na katauhan ni Mabini.
Sa lahat ng mga bayani sa ating bansa ay siya ang sa tingin ko ang magandang tularan. Ayon nga
sa Living a Heroic Life ni Gabriela M. Francisco, si Mabini ang pinakamala-isko sa mga
bayani ng ating bansa (Francisco, 2008). Sa komposisyong ito ay iisa-isahin ko ang mga pinakita
niyang katangian sa bawat parte ng dula na nararapat tularan ng hindi lamang kabataan, ngunit
ng lahat ng Pilipino. Bukod dito ay magbibigay din ako ng komento sa mga katauhan ng iba
pang mahahalagang karakter sa dula.
Simula pa lang ay nakagugulat na. Hindi ko inakalang mayroon palang taong sobra ang
pagmamahal sa bansa. Sa panahon ngayon ay halos wala ka nang maririnig na, Mahal ko ang
Pilipinas. Puro na lamang Proud to be a Filipino tuwing may Pilipinong nananalo sa isang
larangan katulad ni Manny Pacquiao o kayat sumisikat sa ibang pamamaraan. Saan ka pa ba
makakahanap ng taong minamahal ang kanyang bansa kahit sa kanyang panahon ay nagpasakop
lamang ito sa mga Kastila o kayay Amerikano; isang panahon kung saan ang mga mananakop
ang bida samantalang tayo ay halos sunud-sunuran lamang? Karamihan ng tao ay mas pipiliing
tumira sa ibang bansa dahil sa mas maginhawang buhay na kanilang inaasam, samantalang ang
ating bayaning si Mabini ay nag-aasam makauwi kahit binigyan siya ng pagkakataong manirahan
nang mapayapa sa Guam at isang kubo lamang ang naghihintay sa kanya sa Pilipinas.
Ang kanyang kapatid naman na si Prudencio ang nagrepresenta sa makabagong
henerasyon; takot lumaban at sumusunod na lamang sa agos ng buhay. Noong nasa Guam ay
pinilit niyang kumbisihin ang sarili at ang nakatatandang kapatid na tanggapin ang paninirahan
sa Guam dahil masaya naman doon. Hindi rin namang masasabing negatibo ang pag-uugali niya
dahil maganda ding makita ang mga bagay na positibo sa bawat pangyayari. Noong binigyan

3
naman ng pagkakataong makauwi sa Pilipinas ay handa siyang lumagda sa alyansa. Maaari
siyang maihalintulad kay Aguinaldo. Kung ihahambing ang dalawa ay mapupunang halos
parehas sila ng mga desisyong ginawa. Hindi lamang masyadong napapansin si Prudencio
sapagkat siya ay isa lamang sibilyang walang mataas na katungkulan. Makikitang dati pa lamang
ay ganoon na ang pokus ng midya; ang mga taong kilala. Kahit parehong lumagda ang
magkapatid na Mabini ay si Apolinario lamang ang kinuhanan ng litrato.
Isang mabuting kaibigan si Mabini. Gumawa man si Aguinaldo ng isang bagay na hindi
niya sinang-ayunan noong una, ang paglagda sa alyansa, ay inintindi niya ang maaaring
kadahilanan ng kaibigan at hindi siya nagalit dito. Mayroon siyang tiwala sa dating kapwa
rebolusyonaryo at ninais niya pa ding maganda ang patunguhan ng desisyon nito.
Ang pagpapakababa ni Mabini sa harap ni Taft ay may magandang nailahad. Bukod sa
makikita ang mababang-loob ng bayani ay malalaman din na hindi lahat ng Amerikano ay
masama; na hindi dapat natin sila nilalahat. Ganito din ang sitwasyon noong panahon ng Kastila
na inilahad ni Rizal sa pamamagitan ng kanyang mga nobela. Kalaban man ang turing ay may
sari-sarili pa rin silang katauhan. Hindi dapat husgahan ang tao base sa pinanggalingang bansa.
.Ang mga masamang sinasabi ng iba ay hindi na dapat pinapansin. Paulit-ulit man tayong
tawagin ng iba na aktibista, sumasama man tayo sa mga rally o hindi, ay hindi na dapat tayo
pumatol. Kasama na sa pagkakaroon ng tungkulin ang mga kasiraan sa imahe. Isa sa
kahalagahan ng pagpasok ng karakter ni Salud, hindi man siya tunay na kasama sa ating
kasaysayan, ay ang paglinis ng pangalan ni Mabini; ang paglilinaw na hindi syphilis ang dahilan
ng kanyang pagkaparalisa. Wala man silang ebidensiya ay nagawa nilang ikalat na mayroon daw
sakit na nanggaling sa pagkakaroon ng maselang interaksyon si Mabini. Ganoon kabilis masira

4
ang imahe ng isang tao. Ang dating kamatayan na kinatatakutan ng mga lumalaban ay pagkasira
na ng imahe ngayon. Sumama ka lamang sa isang rally ay babansagan ka agad na aktibista at
unti-unting mag-iiba na ang tingin sa iyo. Gagamitin na iyon bilang eksplanasyon sa iyong mga
aksyon. Kung hindi ganito ang sitwasyon natin ngayon sa bansa, ay marahil maraming hindi
maduduwag na ipaglaban ang kanilang pinaniniwalaan.
Ang hindi pagbibigay ni Mabini ng masamang komento tungkol sa pagkuha ni Salud ng
kanyang edukasyon mula sa Amerikano ang nagpapakita ng kanyang bukas na isipan. Hindi
sarado ang isip niya sa mga mabubuting nagawa ng mga Amerikano. Si Salud ay maaaring
masabing miyembro ng bagong henerasyon noong panahong iyon. Mas matanda man at mas
maraming masamang karanasan si Mabini ay hindi niya nilason ang utak ni Salud sa
pamamagitan ng pagsabi ng masasamang bagay tungkol sa mga mananakop. Sa halip ay
binigyan niya pa ito ng dahilang pagbutihin ang ginagawa. Hindi mahalaga kung saan
nanggaling ang edukasyon. Ayon nga sa ating pambansang bayani na si Rizal ay, ang mahalaga
ay kung paano gagamitin ang edukasyong taglay. Maaaring ganito din ang pinaniniwalaan ni
Mabini, at nais niyang ikintal sa utak ng nars na gamitin ang edukasyon upang makatulong sa
bayan.
Sa mabilis na pagkamatay ni Mabini pagkatapos ng sandaling panahon na paninirahan
muli sa Pilipinas ang nagpakitang hanggang kahuli-hulihan ng kanyang buhay ay nagamit niya
pa din ang kanyang talino. Sinabi nga ng kanyang kapatid na hinintay niya lamang makabalik sa
mahal niyang bansa bago mamatay. Pinakita nito na hanggang kanyang kamatayan ay marahil
napag-isipan niya na; na hindi lang basta-basta ang desisyong niyang lumagda sa alyansa.

5
Sa pagbasa ng dekalogo sa huling parte ng dula ay malalaman ang mga pinahahalagahan
ni Mabini; ang Diyos, ang bayan, at ang kapwa. Hanggang sa ating panahon ay ito pa rin ang
mga bagay na nararapat nating pahalagahan ngunit halos wala nang nagpapahalaga sa ikalawa, sa
bayan. Dahil ba malaya na tayo at hindi na nanganganib na masakop ay mawawala na rin ang
pagkamakabayan? Tayo lamang ang bansang ikinahihiya ang mga bagay na taglay natin, mula sa
mga gamit hanggang sa wika.
Bilang isang iskolar ng bayan, si Mabini ay nararapat tularan; matalino at may
paninindigan. Sa kabuuan ng palabas ay makikitang ang talino ni Mabini ay hindi lamang
ginagamit sa rebolusyon. Ginagamit niya ito sa pagdedesisyon sa kanyang personal na buhay. Ito
ay isang bagay na hindi na natin napahahalagahan. Marami ang mailalarawang matalino dahil sa
matataas na grado na nakukuha sa paaralan ngunit hindi naman ito nadadala sa tunay na buhay.
Ginagamit nila ang talino sa eskwelahan o kayay sa trabaho ngunit pagdating sa personal na
buhay ay hindi na napag-iisipang mabuti ang mga desisyon. Mayroon silang mga ideyang
makatutulong sa bansa ngunit hindi nila ito pinaninindigan dahil maaari sa takot sa mga opisyal
o kayay sa takot na masira ang kanilang imahe. Kung tayo lamang ay magiging mga munting
Mabini ay madadala natin ang ating bansa sa inaasam nitong kaunlaran.

6
References:

Francisco, Gabriela. "Living a Heroic Life". Quezon City: UP Diliman General Commencement
Exercises, 2008.

You might also like