You are on page 1of 5

Oktubre 2020

PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY


STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF ENGINEERING
IBA, ZAMBALES
 

Gawain 2
Ipinasa ni:
Nicko Matta
 
Ipinasa kay:
Ms. Princess Levy Dela Gente
Gawain 2: Maglista ng mga pelikulang inyong napanood na nakatuon sa alinmang isyung
panlipunan (pumili ng isyung panlipunan na hindi bababa sa lima) at talakayin ang ilang
mahahalagang pangyayari, mga pangunahing suliranin nito at kung paano mabibigyang solusyon
ang mga ito.

1. Pelikulang nakatuon sa KAHIRAPAN.


2. Pelikulang nakatuon sa EDUKASYON
3. Pelikulang nakatuon sa POLITIKA
4. Pelikulang nakatuon sa PROSTITUSYON
5. Pelikulang nakatuon sa SEKTOR – MANGGAGAWA
6. Pelikulang nakatuon sa RELIHIYON
7. Pelikulang nakatuon sa TEKNOLOHIYA
8. Pelikulang nakatuon sa KALIKASAN
9. Pelikulang nakatuon sa KASARIAN
10.Pelikulang nakatuon sa DIASPORA o MIGRASYON

Pelikulang napanood: Listahan ng mga pelikulang napanood na nakatuon sa mga sumusunod na


mga isyung panlipunan at kaunting pagtalakay sa suliranin at naging solusyon nito

1. Edukasyon-

Last sem na ni Peter (Independent student short film by Ken Leviste)

Mahahalagang pangyayari:

Nasa dakong huli na ng semestre si Peter ng tumama ang COVID-19 na naging


sanhi upang maging online ang mga pampaaralang gawain niya tulad ng presentasyon ng
kanilang mga thesis. Sa pagsusumikap ni Peter at sa kabaitan ng kaniyang mga kaklase’t
kaibigan, nairaos ni Peter ang huling semestre niya’t nakapagtapos ng kolehiyo.
Suliranin:

Kapansin pansin ang suliraning dulot ng online class na humahadlang upang


suwabeng matapos ni Peter ang kaniyang
pag-aaral. Mapapansin din ang kahirapan sa pag-kuha ng maayos na internet signal
habang nagpiprisinta si Peter ng kaniyang mga gawain. Dagdag pang mula sa mahirap na
pamilya at may iisang magulang na nagtatrabaho, naging kalbaryo ni Peter ang pag-akyat
sa bubong at magpunta sa pinakamalapit na wifi hotspot upang makapag-aral sa new
normal.

Solusyon:

Sinubukang maki-usap ni Peter sa kanilang kapit-bahay at pinagbigyan naman


siya nito. Nagpatuloy ang ganitong araw-araw na pangyayari sa pag-aaral ni Peter
hanggang sa dumating ang araw ng proklamasiyon ng mga mag-aaral na
magsisipagtapos,

2. Pulitika-

Heneral Luna (Artikulo Uno Productions)

Mahahalagang pangyayari:

Muling isinadula ang kasaysayan ng Pilipinas partikular na sa mga panahon ng


pananakop ng mga Amerikano. Ipinamalas ni Heneral Luna ang kaniyang tikas, tapang at
paninindigan para ipaglaban ang bayan ngunit sa kamay ng sariling kalahi bumagsak ang
isang magiting na heneral.

Suliranin:

Bunsod ng de-kalibreng pamumuno ni Luna na para sa ilan ay marahas at malupit,


ilan sa mga kritiko o tumutuligsa sa kaniya ay nagsagawa ng planadong pag-atake di
umano sa utos at utak ng Presidente noon na si Emilio Aguinaldo. Sa ilang bahagi ng
pelikula, ipinakita rin ng ilang gabinete ng unang Republika ang makakaliwa nilang
ideolohiya at pakikipagsabwatan sa bansang Amerika upang maging kolonya na ang
Pilipinas ng Amerika.

Solusyon:

Walang solusyong naipakita sa kabuuan ng pelikula ngunit madamdamin ang


pagsasadula ng brutal na pagpaslang sa magiting na heneral na hindi nagpadaig hanggang
sa huling hininga nito sa kabila ng bilang ng kaniyang mga kaaway.
3. Sektor ng manggagawa-

Hello Love Goodbye (sa direksiyon ni Cathy Garcia Molina)

Mahahalagang pangyayari:

Isang OFW sa Hongkong upang makapag-ipon ng at maging nars sa Canada ang


nakakakilala ng isang malapit na maging residente na kapwa Pinoy. Sabay nilang hinarap
ang hamon ng pagiging mga manggagawang Pinoy na umaaasang makaraos sa buhay sa
pamamagitan ng pangingibang bansa ngunit nahanap naman nila sa paglaon ng kanilang
pagsasama ang pag-ibig na hahamakin ang magkalayong agwat.

Suliranin:

Nais na ni Joy makapag-ipon ng pera nang sa gayon ay maipagpatuloy niya na


ang paghahanapbuhay sa ibang bansa at magamit ang kaniyang pinag-aralan sa Pinas.
Samantalang ang katambal nito ay may sigalot sa kaniyang kapatid dahil naging
miserable ang buhay nito noon dahil sa babae.

Solusyon:

Buong tapang nilang hinarap ang hamon sa kanilang pag-ibig at kapwa


naintindihan ng kanilang pangangailanagn at responsibilidad para sa kanilang mga
pamilya at sarili.

4. Kasarian-

Praybeyt Benjamin (sa direksiyon ni Wenn Deramas)

Mahahalagang Pangyayari:

Mula sa mga linya ng mga matatapang at tuwid na sundalo, isang beki ang
papasok bilang isang alagad nito na susugpo sa kriminalidad sa bansa.

Suliranin:

Marami sa kaniyang mga kabaro ang hindi nagtitiwala sa kaniyang kakayahan at


mababa ang tingin sa may ibang kasarian katulad ni Benjamin katulad na ang lolo nito.
Solusyon:

Nagpakatotoo si Benjamin sa kaniyang sarili at hindi nagpahadlang sa sinasabi ng


iba. Ipinakita niya ang kaniyang kabayanihan sa buong palabas.

5. Migrasyon o diaspora-

Mercury is Mine (sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana)

Mahahalagang pangyayari:

Nakasentro ang kuwento sa isang karinderya sa harap ng paanan ng Mt. Arayat.


Mapapadpad ang isang dayuhan at mamamasukan bilang isang serbedor kapalit ng
pansamantalang matutuluyan. Pinakiusapan ng may-ari ng karinderya ang banyagang si
Mercury na makipagtalik sa bunso niyang anak upang magkaroon ng lahing baniyaga ang
magiging apo nito.

Suliranin:

Nagtatago sa awtoridad ang karakter ni Mercury dahil sa pagpatay nito sa sariling


ama. Bukod sa wala itong matutuluyan o kahit magkanong salapi, ay walang kalam-alam
ito sa mga gawain at ugaling Pinoy.

Solusiyon:

Bilang kabayaran sa pagtanggap ni Carmen, naging serbedor siya at palahian ng


anak nito hanggang sa huling araw ng kaniyang pag-alis. Sinamantala ng karakter ni
Carmen ang kawalan ng dunong ni Mercury sa bansa.

You might also like