You are on page 1of 13

I.

PAMAGAT – HONOR THY FATHER

a. Direktor

Si Erik Matti (ipinanganak noong Disyembre 21, 1970) ay isang manggagawa ng


pelikulang Filipino. Kilala siya bilang director ng mga pelikula na pinamagatang On the Job
(2013), Honor Thy Father (2015), Seklusyon (2016), at BuyBust (2018). Katulong din siya
sa pagsasagawa ng Ekis (1999), Mano Po 2 (2003), Gagamboy (2004), Tiktik: The Aswang
Chronicles (2012) at ang karugtong nito, Kubot: The Aswang Chronicles 2 (2014).

Si Erik Matti rin ang isa sa nagtatag ng kompanyang Reality Entertainment na


nagpopondo ng mga pelikula kasama si Dondon Monteverde, anak ng kilalang prodyuser
ng pelikula na si Lily Monteverde. Nagmula sa Bacolod si Erik Matti. Isa siya atheist,
mapangarapin at makatwirang tao

b. Prodyuser

Dondon Monteverde isang beteranong prodyuser ng pelikula at kilalang pangalan


sa larangan ng Pelikulang Pilipino. Siya at ang director na si Erik Matti ay magkasama sa
kompanyang Reality Entertainment na kilala sa paggawa ng mga pelikulang may mga
bagong at liberatong konsepto, ang ilan sa mga ito ay pinarangalan sa ibang bansa sa
larangan ng pelikula.

Katulong din si John Lloyd Cruz sa pagpopondo ng nasabing pelikula, isang kilalang
actor sa Pilipinas na nagkamit na ng maraming parangal sa larangan ng pelikula at
telibisyon.

II. MGA TAUHAN

a. Protagonista
 John Lloyd Cruz bilang Edgar – Isang mapagmahal na asawa kay Kaye na
ginagampanan ni Meryll Soriano, ipinakikita ng kaniyang tauhan ang mga
sakripisyo na handang gawin ng isang lalaki para sa kaniyang kabiyak o
minamahal na babae. Siya rin ay isang mapagmahal na ama sa kaniyang anak na
si Angel na ginagampanan ni Krystal Brimner, ipinakikita sa pelikula na handang
gawin ng isang ama ang lahat maprotektahan lamang ang kaniyang anak at
mabigyan ito ng magandang buhay. Sa kabuuan ng pelikula ipinakikita kung
paano naging matatag si Edgar bilang haligi ng tahanan.
 Meryll Soriano bilang Kaye – Asawa ni Edgar na ginagampanan ni John Lloyd
Cruz, isa siyang babae na bulag sa kaniyang paniniwala na naging dahilan upang
hindi siya makapagdesisyon ng tama. Siya ang dahilan sa mga hindi magandang
naranasan ng kaniyang pamilya dahil sa mga maling desisyon na kaniyang
ginawa kaugnay ng kaniyang mga paniniwala.
 Krystal Brimner bilang Angel – Anak nina Edgar (John Llod Cruz) at Kaye
(Meryll Soriano), isang mabuting bata. Kinakatawan niya ang motibasyon ng
mga magulang na maghangad ng magandang buhay o kayamanan para sa
magandang kinabukasan.
 William Martinez bilang Pastor Robert – Isang alagad ng simbahan na
kinakikitaan ng kabutihan. Kinakatawan niya ang ilang mga tao na tapat sa Diyos
at handang tumulong sa ngalan ng tamang paniniwala.
 Perla Bautista bilang Nanang (Ina ni Obet, ginampanan ni John Lloyd) –
Ipinakikita ng tauhan ang pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak na handa
itong tulungan sa lahat ng suliraning kinahaharap.
 Khalil Ramos bilang Emil, Lander Vera Perez bilang Cedric at Boom
Labrusca bilang Erwin – Sila ay mga kapatid ni Edgar na tumulong sa kaniya
upang mabigyang solusyon ang kaniyang suliranin. Kinakatawan nila ang mga
kapatid na handang magtulungan sa oras ng pangangailangan kahit pa minsan ay
hindi sang-ayon sa mga desisyon sa buhay ay mangingibabaw ang pagmamahal
sa pamilya.
b. Antagonista

 Tirso Cruz III bilang Bishop Tony – Isang makapangyarihan at kilalang alagad
ng simbahan. Hinahangaan at sinusunod ng lahat ng deboto ngunit nagpakita ng
hindi magandang pag-uugali sa pamamagitan ng pagiging gahaman sa salapi.
Ipinakikita ng kaniyang tauhan na may mga taong maka-Diyos lamang sa
pangharap na aspeto ngunit hindi naman maganda nag pag-uugali.
 Dan Fernandez bilang Manny – Isa sa mga nawalan ng pera mula sa
pamumuhunan sa pamilya nila Kaye. Ang lalaking nanggigipt sa pamilya nila
Edgar upang maibalik ang kaniyang pera gayundin ang sa kaniyang mga
kasamahan. Kinakatawan niya ang mga taong handang gawin ang lahat maging
masama man para sa kayamanan.
 Yayo Aguila bilang Jessica – Asawa ni Manny, isang babae na nasunod lamang
sa kagustuhan ng kaniyang asawa. Siya ay naging masama dahil sa impluwensiya
ng kaniyang kabiyak sa kabila nang kinakikitaan siya ng kabutihang loob sa
kuwento.

III. BUOD

Ang pelikulang Honor Thy Father ay tungkol sa isang lalaki na handang gawin ang
lahat para sa kaniyang asawa at anak. Ang kuwento ay nakatuon sa isang pamilya na
hinamon ng maraming suliranin matapos mamatay ng ama ni Kaye na naghahawak ng pera
na pinuhunan ng maraming tao sa kanilang komunidad. Ang kanilang pamilya ay ginugulo
at sinasaktan upang ibalik nila ang mga pera na wala naman na sa kamay ng pamilya. Si
Edgar bilang haligi ng tahan ang nagdala ng lahat ng pasakit at siya rin ang naghanap ng
pamamaraan upang matugunan ang kanilang suliranin sa pamamagitan ng paglapit sa
kaniyang pamilya.

Bahagi ng kuwento ang labis na paniniwala ng mga tauhan sa pelikula sa simbahang


pinangalang Church of Yeshua kung saan marami ang nagbibigay ng salapi para sa
ikatatayo ng simbahan. Ang naisip na pamamaraan ni Edgar at ng kniyang mga kapatid ay
ang nakawan ang simbahan. Sa dami ng pinagdaanan ng mga tauhan sa huli ay hindi rin sila
nagtagumpay. Pinatay ni Edgar ang nanggigipit sa kaniya ngunit huli na para maisalba niya
ang buhay ng kaniyang asawa.

IV. BANGHAY NG MGA PANGYAYARI

a. Tagpuan

Ang kuwento ang naganap sa Lungsod ng Baguio kung saan nakatira ang mga
tauhan. Ipinakita rin sa mga tiyak na lugar ang mga pangyayari sa pelikula tulad ng sa
simbahan kung saan nananampalataya ang mga tao, tahanan kung saan ipinakita ang buhay
ng isang pamilya, minahan kung saan sila nagtatrabaho at gumagawa ng lagusan at sa
kalsada kung saan naglalakbay ang mga tauhan sa pelikula.

b. Suliranin

Ang namayaning suliranin sa kuwento ay ang pagsasauli ng mga perang piunuhunan


ng mga tao na sinasabing nasa kamay ng pamilya ni Kaye. Naging dahilan ito upang
gambalain sila ng mga taong iyo na umabot na sa karahasan. Si Edgar bilang haligi ng
tahanan ay kinakailangan gumawa ng paraan upang maisauli ang mga pera para sa
kaligtasan ng kaniyang pamilya.

c. Kaugnay na Pangyayari

Sa pelikulang Honor Thy Father ay mayroong mga pangyayari na nagpagalaw sa


kuwento at mga tauhan gaya ng mga sumusunod:

 Labis na paniniwala o debosyon sa isang relihiyon;


 Pagkawala ng salapi ng mga taong namuhunan tulad ng pamilya ni Manny at Jessica;
 Pagiging tiwali ng alagad ng simbahan tulad ni Bishop Tony;
 Pagmamahal ni Edgar sa kaniyang asawa at anak; at
 Pagmamalasakit ng pamilya ni Edgar sa kaniya;

d. Mga Ibinunga

Ang mga pangyayaring nabanggit ay naging dahilan upang maganap ang mga
sumusunod:

 Dahilan sa labis na paniniwala ng ilang tauhan sa kuwento gayundin si Kaye bilang


isa sa mga pangunahing tauhan ay naging dahilan ito upang hindi nila makita ang
mga maling nagaganap sa kanilang kinaaanibang relihiyon. Handa silang magbigay
ng malaking halaga para sa ikagagawa ng simbahan bagamat may posibilidad na
kamkamin lamang ito ng mga nasa upuan;
 Sa pagkawala ng salapi ng mga taong namuhunan gaya ng pamilya nila Manny at
Jessica ay ginawa nila ang lahat ng posibleng paraan upang ito ay maibalik kahit pa
gumamit na sila ng dahas;
 Sa pagiging tiwali ng alagad ng simbahan tulad ni Bishop Tony ay nagbubunga ito ng
maling paniniwala sa mga taong kasapi gaya ng pamamahagi ng pera ay katumbas
ng pagiging maka-Diyos;
 Sa pagmamahal ni Edgar ka kaniyang asawa at anak ay nakagawa rin siya ng mga
maling desisyon upang masiguro niyang ligtas mula sa kapahamakan ang mga ito.
Ginawa niya ang lahat maibalik lamang ang pera ng mga taong nanggigipit sa kanila;
at
 Ang pagmamalasakit kay Edgar ng kaniyang ina at mga kapatid ang nagdulot sa
kanila upang tulungan si Edgar na makakuha ng pera bilang pambayad sa nawalang
pera ng mga taong nananakit at nanggugulo sa kaniyang pamilya.

V. PAKSA O TEMA
Sa pelikulang Honor Thy Father ay may mga temang nangibabaw tulad ng
pagmamahal sa pamilya katulad ng ipinakita ng tauhan na si Edgar sa kaniyang asawa at
anak, at gaya ng ipinakita ng pamilya ni Edgar sa kaniya sa pamamagitan ng pagtulong.
Nangibabaw rin ang pananampalataya na ipinakita kung paano nito napakikilos ang mga
tao na lubos na naniniwala. Gayundin ang kasakiman sa karangyaan na ipinakita kung
paano handang gawin ng mga tauhan sa kuwento ang lahat maging masama pa ito makamit
lamang ang salapi na kanilang hinahangad.

VI. MGA ASPEKTONG TEKNIKAL

a. Sinematograpiya

Maayos ang tuon ng pagpapakita ng mga pangyayari at hindi nakahihilo.


Binibigyang pokus ng camera ang mga mahahalagang bagay na mayroong ginagampanan
kaugnay ng mga mahahalagang eksena sa pamamagitan ng pagbibigay ng higit na linaw
rito. Lumalawak ang tuon kapag kapaligiran ang binibigyang diin at lumiliit kapag detalye
ang binibigyang diin.

b. Musika

Ang pelikula ay gumamit ng mabisang musika. Naririnig ang malungkot na musika


sa mga eksenang nagpapakita ng kabiguan at siphayo, dumadagundong na tunog sa mga
kapanapanabik at nakakakabang eksena, at naakma lamang ang iba pang musika sa mga
pangyayari.

c. Visual Effects

Ang bisang pang-biswal ng pelikula ay nagpakita ng kahusayan sa pamamagitan ng


pagiginga akma sa nais nitong ipakita. Gumamit ng malaking simbahan upang ipakita ang
karangyaan ng simabahan, mga makatotohanang sugat sa katawan ng mga tauhan upang
ipakita ang pagpapakasakit at paghihirap, at mga kagamitang naaangkop sa eksena tulad ng
maraming salapi, baril, at pampasabog bilang simbolo ng karahasan. Naging kapani-
paniwala ang mga pangyayari dahil dito. Ang hitsura rin ng tagpuan gaya ng minahan,
kabundukan at maging ang sa tahanan ay nagpakita ng naaakmang kapaligiran para sa mga
panyayari sa pelikula.

d. Dayalogo

Gumamit ng iba’t ibang anyo ng dayalogo ang pelikula ngunit mayroong dalawang
nangibabaw na uri: una ang balbal na pananalita kung saan malayang nagpapahayag ang
mga karakter sa paraang tuwiran at bulgar, hindi namili ng eupemistikong pananalita ang
mga tauhan sa ilang mahahalagang pangyayari; at pangalawa ay gumamit ng retorikal o
matalinghagang pananalita upang ipakita ang mga mahahlagang aral at mga
mapanghamong tanong o pahayag sa kuwento na kakikitaan ng kakintalan at kariktan.

VII. DULOG
 Kaye: Kung gusto ni Yeshua na bumalik ka sa dati, sana matagal na niya tayong
pinabayaan.”
Edgar: Naiisip ko lang sila minsan.
Kaye: Hindi naman kita pinipigilan bumisita r’on. Ang akin lang huwag mo lang
dadalhin si Angel. (oras 9:23-9:44)

Kinakikitaan ang eksena na teoryang eksistensiyalismo sapagkat pinapakita na


kagustuhan ng mga tauhan na talikuran na ang dating pamumuhay at huwag nang
masangkot pa ang kanilang anak dito.
 “Gusto rin po naming pasalamatan si Mr. Juancho Buenavudes ng COYS (Church of
Yeshua Sect) Pampanga Chapter nagdonate po siya ng isang milyon. Dumlao family
one hundred fifty.” – Pastor Robert (oras 14:36-14:55)

Teoryang iskema ang nangibabaw sa pangyayari sapagkat ang pagbanggit ng mga


pangalan ng taong nagbibigay ng donasyon sa simbahan ay isang salik na nag-uudyok sa
mga tao upang sila rin ay magbigay ng donasyon. Ito ang bagay na nagpapakilos sa mga
tauhan.

 Edgar: Anong ginagawa mo?


Kaye: Hindi ko na alam gagawin ko e. Natatakot na ko.
Edgar: Akin na ‘yan! (patungkol sa kutsilyong hawak ni Kaye). Isipin mo ang anak
mo. Anong palagay mong pakiramdam niya ngayon ha? Kaye umayos ka! Umayos
ka! Tangina Huwag kang papakita ng ganiyan sa anak mo! (oras 24:42-25:08)

Sa unang bahagi ng usapan ay ipinapakita nag teoryang feminismo sapagkat


ipanapakita ang kahinaan ng loob ng isang babae pagdating sa mga suliranin. Kasangkot
din nito ang teoryang sikolohikal kung saan may mga bagy na nag-uudyok upang gawin
ang isang desisyon. Nais magpakamatay ng tauhang si Kaye sapagkat sila ay humaharap sa
matinding suliranin.

 Edgar: Hindi ba sabi ko sa’yo huwag mo nang gagalawin yung perang itinabi na
natin.
Kaye: Kakapasok ko lang ngayong buwan e. Nagbabakasakali lang ako. Hindi ko
naman alam na…
Edgar: Putangina. Sabihin mo kasi di ka makuntento. (oras 27:00-27:19)

Realismo ang teoryang makikita sa usapan sapagkat ipinakikita ang katotohanan na


ang isang tao ay mapaghangad kahit pa gaano na kalaki ang mayroon siya na maaari pang
humantong sa pagkawala nito sa halip na dumami. Handang sumugal para sa higit na
kayamanan.

 Kaye: Umalis na kasi tayo dito.


Edgar: Bakit? Bakit ka mahihiya? Ba’t nagnakaw ka ba?
Kaye: Hindi pero…
Edgar: Kung gayon walang aalis. Lahat tayo dito lang tayo. (oras 27:20-27:36)

Sinasalamin ng usapan ang teoryang idealismo kung saan ipinakikita na maaari


namang umalis na lamang upang tumakas sa problema ang mga tauhan ngunit higit na
binigyang diin ang pananatili upang ipakita na sila ay walang sala. Ipinkikita ng prinsipyo
ng tauhang si Edgar.

 “Desperado na ‘ko. Baka ano magawa ko kapag ‘di mo ko mapagbigyan. Babayaran


kita o babalik ko ‘to (baril) sa’yo ‘to? Mamili ka? Pero salita ko lang pwede mong
panghawakan.” – Edgar (oras 37:36-37:47)

Ipinapakita sa linya ang ang teoryang humanismo kung saan binibigyang diin ang
katangian ng isang tao na dumating sa punto na nagiging desperado sa paggawa ng mga
desisyon higit sa mga pagkakataong alanganin ang mga mahal sa buhay.

 Kaye: Edgar! Edgar! Edgar, pati ba naman si Bishop (patungkol sa pananakal ni


Edgar kay Bishop)? Wala ka bang takot sa Diyos? Edgar!
Edgar: Putangina. Tangina. Ha? Ha? Tangina. Sawang-sawa na ‘ko sa kaka-Diyos mo!
Tangina. Tigilan mo na ‘yan ha! Pakinggan mo sarili mo sige. Ha? Pakinggan mo sa
rili mo. Kasalanan mo ‘to Kaye. Kasalanan mo ‘to! Lahat ng ‘to! Alam mong may
nangyayari na e pero nagtanga-tangahan ka kasi hindi mo kayang tanggapin yung
totoo. Pare-pareho kayo ng mga hayop na ‘yan. Sige! Ngayon hingin mo kay Yeshua
ha na sana putangina tulungan tayo ng pamilya ko. (oras 47:50-48:38)
Ang eksena ay kakikitaan ng teoryang moralistiko sa pamamagitan ng pagkuwestiyon
ni Kaye sa kaniyang asawa na si Edgar mula sa mali nitong ginawa sa alagad ng simbahan.
Gayundin sa pamamagitan ng pagkuwestiyon ni Edgar kung tama pa ba ang pinaniniwalaan
ng kaniyang asawang si Kaye.

 Edgar: Anak sasama ka sa akin. Ayoko ng iyak nang iyak ha?! Tayo ka na diyan.
Aayusin ko buhok mo.
Angel: Ayoko. Dito lang ako.
Edgar: Ayaw mong Makita si Lolo? Si Lola? Yung mga pinsan mo sa Bontoc? Di ba
sabi mo gusto mo ng kalaro? Maraming bata do’n.
Angel: Ayoko. Sasabihin nila ang pangit ko. Makikita nila kalbo ako. (oras 49:50-
50:23)

Teoryang saykolohikal ang ipinamamalas ng usapan sapagkat ipinakikita rito na dahil


sa pisikal na kaunyuan ng batang si Angel ay nahihiya na itong makisalamuha sa iba kaiba
sa natural nitong pag-uugali. May isang salik na nakaaapekto sa paraan ng pag-iisip ng
isang tao na nagpapakilos sa kaniya tungo sa isang gawi.

 Edgar: Naalala mo yung sinasabi ko sa’yo noon tungkol sa kaklase mong si Jonathan?
Yung batang tinusok mo yung mata?
Angel: Sabi niyo huwag ko nang uulitin.
Edgar: Nagsinungaling si Papa no’n. Tama yung ginawa mo kasi kung hinayaan mo
siya sigurado ang susunod no’n hihipuan ka tapos malay natin baka kung ano pang
kahalayan gawin sa’yo… Anong ginawa niya noong mag-sorry ka sa kaniya?
Angel: Tumakbo siya noong nakita niya ko e.k
Edgar: Kita mo na? Pero sigurado ko maghahanap pa ‘yon ng ibang mabibiktima
yung kayang-kaya niya. Yung hindi tutusukin sa mata.
Angel: Hindi niya na ko sinisilipan Papa.
Edgar: Mabait na ‘yon sa’yo ‘nak kasi alam niyang hindi ka niya kaya na hindi siya
uubra sa’yo. Ganiyan dito ‘nak palakasan, kung mahina ka, kakainin ka nang buhay.
(oras51:00-52:32)

Ipinakikita sa pangyayari ang teoryang markismo sa pamamgitan ng paglalahad ng


katotohanang nakaaapekto sa pamumuhay at pag-iisip ng tao ang tunggaliiin sa
pamamagitan ng lakas. Binigyang diin na naaapi ang taong hindi marunong ipagtanggol ang
kaniyang sarili mula sa mga taong higit na malakas.

 Kapatid ni Edgar: Ikaw anong ginawa mo sa pera mo?


Edgar: Ipinangbili ko ng bahay. Kinulang pa nga e pero naigapang naming ni Kaye.
Kapatid ni Edgar: Teka nga. Talaga bang nagsisimba ka? Iba talaga impluwensiya ng
babae. (oras 1:02:50-1:03:05)

Teoryang romantisismo ang inilalahad sa usapan sapagkat binabanggit na natutong


magsimba o sa ibang pananalita ay may nagbago sa pag-uugali ng isang tao dahil sa
kaniyang minamahal na babae o kabiyak. Ipinakikita lamang nito na naiimpluwensiyahan
ng pag-ibig ang isang tao.

 Kapatid ni Edgar: E ba’t ‘di mo sinama si Manang?


Edgar: Hindi. Hindi pwede.
Kapatid ni Edgar: Sabi ko na nga ba. Uuwi ka lang dahil may problema. Anong
problema?
Kapatid ni Edgar: Tama talaga si Tatang. Iba sila sa atin, hindi kayo magkakasundo.
Ano hiniwalayan ka na? Ano? (oras 1:03:15-1:03:46)

Ipinapamalas sa eksena ang teoryang kultural sa pamamagitan ng pagsasabing hindi


magkakasundo ang dalawang taong magkaiba o sa higit na pagpapaliwanang ay ang
dalawang taong magkaiba nag kinagisnang kultura at paniniwala. Sa kabila ng pag-iibigan
ay nagiging hadlang sa ilang pagkakataon ang kanilang kultural na aspekto.
 “Sabi ni Angel gusto niya magdoktor Nang, kaya nga pinag-iipunan na naming ni
Kaye kasi magastos daw. Hindi ko kinahihiya ang pamilya natin pero gusto ko sana
mag-iba ang anak ko. Yung bang pwede siyang mamili kung anong gusto niya. Hindi
yung napipilitan lang siya dahil yun lang ang pwede.” – Edgar (oras 1:06:35-
1:07:09)

Teoryang eksistensiyalismo ang masasalamin sa pahayag ng tauhan sapagkat sinasabi


niya ang pagnanais na makapili ang kaniyang anak ng kaniyang nais higit pa sa kung ano
lamang ang nakasanayan o ang mayroon. Binibigyang diin ang malayang pagkakaroon ng
landas na tatahakin sa hinaharap at paglalaan ng suporta upang makamit ito.

 “Pagpasensiyahan mo na yung mga taong hindi marunong umintindi. Ang bukang-


bibig Diyos pero demonyo naman. Galit! Pero sila pa ‘tong gahaman at mukhang
pera. Sino ba ako para maghusga? – Pastor Robert (oras 1:09:58-1:10:28)

Realismo ang teoryang ipinakikita ng pahayag sapagkat ipinakikita nito ang


katotohanan sa lipunan na minsan ay ang mga taong laman ng simbahan ay ang mga taong
nakagagawa pa ng kasalanan sa kanilang kapuwa. May mga pagkakataon na ang mga
inaakalang mabubuti ay ang mga taong tatalikod pa sa iyo sa oras ng panganagilangan at
ang mga taong higit na mapanghusga.

 Pastor Robert: Edgar hindi ka ganiyang tao. May pag-asa ka pa.


Edgar: Hindi mo ko kilala pero ‘di ba sabi mo maiintindihan naman ako ng Diyos.
(oras 1:37:11-1:37:26)

Kakikitaan ng teoryang moralistiko ang usapan sa paglalahad ni Pastor Robert na hindi


masamang tao si Edgar at may kakayanan pa itong magbago. Binibigyang diin ang
pagsunod sa tama. Gayundin ipinakikita hindi masamang tao si Edgar bagkus may malalim
na dahilan ang kaniyang mga kinikilos.
VIII. MENSAHE

Sa kabuuan ng pelikula ay nangibabaw ang aral na huwag maghangad ng higit pa sa


kayang ibigay sapagkat nagdudulot ito ng masamang kaisipan na huwag makuntento sa
buhay na nagdudulot ng hindi pagiging masaya at mapagpasalamat na nag-uudyok sa tao
na gumawa ng mga masasamang bagay at mabuti ang may pinaniniwalaan ngunit huwag
maging bulag na aabot sa puntong ito ay iyong ikapapahamak, maging ng mga tao sa iyong
paligid. Ang pananampalataya ay nararapat na bukas pa rin sa pagtanggap ng kamalian.

You might also like