Professional Documents
Culture Documents
Mercado Date:
John Rey R. Celeste Sinesosyedad (Pelikulang Filipino)
I. Pamagat
III. Pagsusuri
a. Paglalarawang Tauhan:
John Loyd Cruz (Edgar)
- Para sa kaniya ang kaniyang pamilya ay bagong pag asa sa kabila ng kaniyang
nakaraan, na kung saan gagawin niya ang lahat para sa kaligtasan ng pamilya.
d. Pamamaraan: Foreshadowing
e. Simbolismo: Pera
a. Bakit iyan ang pamagat: Ang orihinal na pamagat nito ay Conman subalit nung ito
ay natangap sa Toronto International Film Festival napagdesisyunan nila na palitan
at gawin nalang itong Honor Thy Father. Napili itong naging pamagat dahil na rin sa
inilahad dito na karapat-dapat din bigyan ng karangalan ang mga ama dahil sa mga
sakripisyo nito upang maprotektahan ang kanyang pamilya.
b. Implikasyon:
Sa pelikulang ito maari kang maiyak mainis o sumaya sa mga pangyayari dahil
sinasalamin nito ang katotohanan na ayon nga sa mga gumanap ay may mga tao
na hindi ito magugustuhan dahil malalim ang gustong ipahiwatig.
Nakakatuwa din ito dahil na rin minsan lang ipakita ang importansya ng isang
ama sa pelikula na sa karaniwan ay ang ina ang ginagamit upang ipakita ang
kahalagahan ng magulang sa pamilya
c. Pagpapahalaga:
Mahalaga ito hindi lamang sa mga manonood kundi pati na rin sa lahat ng
tao,na ang pera ay hindi sagot sa kasiyahan, minsan ang pera nagdadala na din
ng kapahamakan lalo na at di mo alam ang mga susunod na mangyayari sa buhay.
d. Repleksyon / Konklusyon
Ito ay isang buhay ng isang tao (ama) na nahihirapan hanapin ang tamang
daan tungo sa ikabubuti ng kaniyang buhay, ang problema nga lang ay nangaling
siya sa masamang nakaraan. At kinalimutan niya ang mga iyon dahil sa gusto na
nitong magbagong buhay at magkaroon ng maayos at kumpletong pamilya.
Subalit sa hirap ng buhay at mga dumadating na problema ang mga desisyon ay
minsan napupunta na rin sa pag kapit sa patalim na karaniwang nararanasan na
ng mga tao ngayon sa mga iba’t ibang sitwasyon.
Ang Honor Thy Father ay nagpapakita kumbaga ng kakaibang genre, dito natin
makikita na kayang mag produce o gumawa ng mga Pilipino ng hindi lamang puro
katatawanan kundi pagpapakita ng katotohanan.