You are on page 1of 13

Isinulat ni:

MARY GARCE E. DADOL


HONOR THY FATHER

Isang maaliwas na araw !!!!!!

Handa na ba kayong tukalsin ang panibagong kaalaman sa araw na ito?


Huwag na nating patagalin pa, tayo na’t matuto.

Mga inaasahang bunga

A. Natutukoy ang mga pamamaraang ginamit sa pelikula


B. Naipaliliwanang ang pangyayari sa pelikula
C. Nabibigyang-halaga ang teoryang ginamit sa pelikula sa totoong buhay

Istratehiyang ginamit sa Modyul


Design Thinking Strategy

1. Empathize (makiramay)
2. Define (pagtukoy)
3. Ideate (pagbuo ng Ideya)
4. Prototype (prototipo/pagtulad)
5. Test (pagsulit)

Panuto: Isulat sa nakalaang patlang ang iyong


PANIMULANG GAWAIN _____
nararamdaman o pakikiramay mula sa larawan na nasa
10
ibaba

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________

TUKLASIN

HONOR THY FATHER (2015)


PANIMULA
Ang pelikulang Honor Thy Father ay tungkol sa isang pamilya na humarap sa iba’t ibang pagsubok ng buhay.
Makikita rito ang pagmamahal ng amang si Edgar sa kanyang pamilya, na gagawin ang lahat maprotektahan at
masiguradong nasa maayos na kalagayan ang kanyang pamilya. Tampok sa palabras na ito ang iba’t ibang
problema at pagmamalabis na kinkaharap ng lipunan gaya na lamang ng maling pagamit ng relihiyon,
pandaraya at pagnanakaw sa ibang tao alang-alang sap era at problema ng pamilya.

Karakterisasyon/ Tauhan sa Pelikula


Mga Bidang Tauhan:
 John Llyod Cruz bilang Edgar- isang mapagmahal na asawa kay kaye.
 Meryll Soriano bilang Kaye- asawa ni Edgar
 Krystal Brimmer bilang Angel- anak ni Edgar at Kaye,isang mabuting bata
 William Martinez bilang Pastor Obet- isang alagad ng simbahan na kinakitaan ng kabutihan
 Perla Bautista bilang Nanang- ina ni Edgar. Ipinapakita ng tauhan ang pagmamahal ng isang ina sa anak
na hansa itong tulungan sa lahat ng suliraninng kinakaharap
 landerVera bilang Cedric, Khalil Ramos bilang Emil, Boom Labrusca bilang Erwin- sila ay mga kapatid ni
Edgar na tumulong sa kaniya upang mabigyang solusyon ag kaniyang suliranin

Mga Kontrabidang Tauhan:


 Tirso Cruz III bilang Obispo Tony- isang makapangyarihan at kilalang alagad ng simbahan
 Dan Fernandez bilang Manny- isa sa mga nawalan ng pera mula sa pamumuhunan sa pamilya nila kaye
 Yayo Aguila bilang Jessica- asawa ni Manny, isang babae na sumusunod lamang sa kagustuhan ng kaniyang
asawa

BANGHAY/ PLOT NG PELIKULA

Matapos ang ilang taong pamumuhay na kapos sa pera, ang mag-asawang sina Kaye at Edgar ay dumating sa
punto ng buhay na sila ay naging masagana nito. Si Kaye ay nakakuha ng milyon-milyong salapi nang ipakilala niya
ang investment scheme ng kanyang ama sa kanayang mga kaibigan at kapatid sa pananampalataya sa kanilang
simbahan ng Church of Yeshua. Ngunit gumuho ang kanilang buhay at sila ay nagsimulang mamroblema nang
isang araw ay bumisita si Edgar sa bahay ng kanyang biyenan na siyang may hawak ng pera at nadatnan niyang
wala ito roon at ang bahay ay magulo at nanakawan. Hindi nagtagal a nalaman ng mga kasamahan ni kaye ang
pangyayaring ito at sila ay nagsimulang magalit sa mag-asawa dahil sa nawalang pera. Sinubukan ng mag-asawa
na humingi ng tulong sa kanilang pastor ngunit ito ay abala sa pagtitipon ng pera sa ipapatayo nilang bagong
simbahan. Patuloy na hiningi ng mga parolyano ang kanilang pera, at nagsimulang tumanggap sina kaye at Edgar
ng mga death threaths kung hindi nila ito maibabalik. Nang sumiklab ang karahasan sa pagitan ng mag-asawa at
ng mga parokyano, nagpasya si Edgar na bumalik sa tinalikuran niyang buhay ng pagnanakaw at upang humingi ng
tulong sa kanyang pamilya.

SINEMATOGRAPIYA
Iskrip na nilahad at ginamit sa pelikula
Sa pamamagitan ng script, nagging organisado ang daloy ng banghay, nagging malinaw ang bawat mensaheng
nais iparating ng pelikula sa mga manunuod. Batid natin na mawawalang bahala ang banghay o ang mga
pangyayari kung wala ang script na magbibigay buhay sa bawat detalye ng pelikula.

Pag-arte ng mga Tauhan sa Pelikula

Si John Lloyd Cruz ang gumanap at nagbigay buhay sa kanyang role bilang Edgar. Alam nating lahat na ang “Box
Office King” ay kakikitaan ng mga magagandang katangiang hinahangaan ng balana, bukod pa rito, kapansin-
pansin din ang pagiging masayahin ng actor na kinatuwaan ng madami lalo na at nakuha at pinangaralan sa loob
at maging sa labas ng bansa si John Lloyd dahil sa pinakitang angking galling at husay nito sap ag-arte lalo na sa
binigay nitong Edgar bialng role sa Honor Thy Father na pelikula.
Disenyo ng Produksiyon

Inatake ng Honor Thy Father ang madla sa pamamagitan ng disenyo ng produksiyon nito na kung saan ay makinis
at mahigpit ang tangan nito sa kanyang material. Nailantad niya ang iba’t ibang anyo ng kabulukan ng Sistemang
panlipunan sa pilipinas sa natural na mga eksenatulad ng investment scams, pagnenegosyo at pagkukunwari ng
simbahanpagkapanitiko ng mga relihiyoso, kainutilan ng pulisya at korte, buwis-buhay na kalagayan ng mga
minero, sexul harassment, at iba pa. mahusay ang pagkakalubid ng istorya at mga eksena. Hindi rin gumagamit ng
flashback para alamin ang nakaraan ni Edgar; bagkus dinaan ito sa simpleng pag-uusap at reaksiyon ng mga
miyembro ng pamilya.

Tunog at Musikang Inilapat at Ginamit

Naging epektibo naman ang pagdaragdag ng kaunti lamang na tunog at musika sa pagbuo ng pelikula. Ang tunog at musika
ay ginagamit upang mas madama ang emosyong taglay ng mga artistang gumanap sa pelikula, pero dito malimit lamang ang
musikang ginamit, pero ang tunog ay walang labis walang kulang, sakto lamang ang bawat kaganapan. Nakatulong ang
kaunting mga musika at tunog sa pagpadama ng tunay na kalungkutang kalakip ng pelikulang ito. Sa pagdaragdag ng mga
angkop na tunog, mas maantig ang damdamin ng mga manonood o kaya nama’y mas makikita nila ang katotohanang bawat
emosyong nakikita sa mga tauhan ay nangyayari sa totoong buhay.

Potograpiya at Galaw ng Kamera

Gamit ang iba’t ibang anggulo ng kamera nabibigyang diin ang nais na ipakita at ipokus ng director. Tunay na may malaking
epekto sa pagbuo ng damdamin ang posisyon o paggalaw ng kamera sa larawang ating makikita sa pelikula.
Ilan sa mga Halimbawa ay ang mga sumusunod:
 Close-up Shot- ito ay kalimitang ginagamit sa pelikula sapagkat gusto ng director na maipakita ang emosyon ng mga
karakter sa pagbitaw nila ng kanilang mga linya. Halimbawa nito ay nang nag-uusap ang mag-amang Edgar at Angel
habang hinihintay si Kaye na nakikipag-usap sa mga investor.
 Wide Shot(full shot)- kalimitang ginagamit ang shot na ito sa mga eksenang nagkikita ang mga karakter. Halimbawa
ay nang pumunta sa simbahan ang pamilya ni Edgar at nakasalamuha nila ang kanilang kasamahan sa simbahan.
 ExtremeClose-up-shot- ginamita nag ganitong shot sa mga eksenang nais ipokus ng director ang facial expression at
damdamin ng mga karakter, gaya ng madamdaming nag-uusap sina Edgar at nag kanayang ina nang umuwi si Edgar
kasama ang kanyang anak sa kanila upang humungi ng tulong at nang bumulong si Bishop kay Edgar tungkol sa
pagbibigay nito ng tulong kung sakali mang mayroong sobrang donasyon mula sap era ng simbahan.
 Over-the-shoulder-shot at Two-shot- kalimitang ding ginagamit ang ganitong uri ng shot sa mga eksenang nag-
uusap ang dalawang karakter.
 High angle- ginamit ang shot na ito sa mga eksenang nais ipakita ng director ang anggulo mula sa itaas na
makatingin sa ibaba. Halimbawa nito ay nang tumalon sa bridge ang mga tao upang kunin ang mga perang ninakaw
nila Egay na nakalutang sa ilog.
 Low angle- ang kamera ay nakalagay sa ibaba ng antas ng mata, nakatingala paitaas. Halimbawa nito ay nang
nagbubungkal si Edgar ng lupa sa unang bahagi ng peliku at nang sinaksak ni Edgar ang bumugbug sa kanyang
asawa sa huling bahagi ng pelikula.
 Panning shot- ito ay isang technique kung saan sinusunod moa ng isang gumagalaw na paksa, gaya na lamang ng
pagsunod ng mata ni Edgar sa nakita niyang aso na kumuha ng kanyang atensyon sa unang bahagi ng pelikula.
Pagdidiriheng ginamit, mga teknikal na ginamit ng director

Simula pa lamang ng pelikula ay kinakitaan na ito ng maayos na daloy ng mga pangyayari. Dahil dito, masasabing naging
matagumpay ang direksyon ng pelikulang ito. Litaw na litaw ang control ng director sa tagpuan, pagganap ng mga artista,
posisyon o galaw ng kamera, pagsasaayos ng baghay, at pagbabawas o pagdagdag ng script dito.

Pag-eedit

Naipakita sa pelikulang ito ang natural o makinis na daloy ng mga pangyayari. Sa mga nasaksihang pangyayari, mapapansin
ang mahusay na pagkaka-edit sapagkat hindi halata ang pagputol ng mga bahagi mula sa simula hanggang sa wakas ng
pelikula na nagbigay daan upang Makita ng mga manonood ang tunay na nilalaman nito. Ang pag-edit ay tunay na
nakatulong upang matuklasan at ganap na maunawaan ang paksa, banghay, at iba pang kaangkop nito.

Panlipunang Nilalaman/ Paglalapat ng Teorya


Ang pelikulang Honor Thy Father ay nagpapakita ng Realismo sapagkat nagsasalamin ito ng makatotohanang paglalarawn
saa realidad ng buhay. Makikita sa pelikulang ito kung paanong ang isang ama ay handng gawin ang lahat ng kanyang
makakaya maitaguyod at masisurado lamang na nasa mabutiat maayos ang kanyang pamilya. Pinapakita saa pelikulang ito
ang realidad na may mga taong nanloloko at niloloko. Gaya na lamang ng investment scheme na pinasukan nina kaye at ng
kanyang mga kasama, nagtiwala sina kaye na mayroong babalik na kita sa kanila ngunit lolokohin at nanakawaan lang pala
sila ng mga ito.

Pangalawang teoryang ginamit sa pelikula ay ang Marxismo sapakat nagpapakita ito ng kahirapan sa unang bahagi ng
kwento at kaunlaran sa wakas ng pelikula.

Simbolismo
Ang mga simbolismong nagamit sa pelikula na kung saan naipakita ang mga mahahalagang bahagi ng kuwento,isa na rito
ang kanilang kasuotan na inilalarawan nito ang istilo ng buhay mayroon sila gayundin kung anong klaseng pamumuhay ang
kanilang ginagampanan sa mundo ng mga tao gaya ng kanilang pagsuot ng puti kapag pumupunta sila sa simbahan upang
sambahin ang kanilang Diyos na si Yeshua, ipinapakita nito na sila ay malinis sa palabas na anyo pero sa kalooban naman
ay taliwas sa mata ng Diyos, nailalarawan din ang pagiging pagkainusente nila pero sa totoo naman ay hindi tama ang
kanilang ginagawa dahil kapag nasa labas na sila gumagawa rin sila ng hindi naayon sa batas ng Diyos. Isa ring simbolismo
na nagpatingkad sa pelikula ay ang bulaklak na ginamit sa ilang bahagi ng palabas kung saan may taglay na kahulugan, ang
bulaklak na mayayabong at bulaklak na nabubulok. Ang inilalarawan ng bulaklak na ito ay ang mga taong namumuhay dito
sa lupa na may taglay na katauhan, ang mga taong may taglay na magaganda ang pag-uugali na siyang inilalarawan ag
mayayabong bulaklak at ang mga taong may taglay na masasama ang pag-uugali na inilalarawan naman ang nabubulok na
bulaklak. Isa ring simbolismong naipakita ay ang pagtusok ng ballpen sa mata ng kaaway na kung saan naipakita nito ang
pagging palaban at matapang sa gitna ng pakikipaglaban na hindi ring basta-basta inaapi at tinutukso bagkus kailangan
parin na lumaban upang matuto ang gumawa ng masama sa iyo. Gayundin sa mga taong gumagawa ng paraan upang
manira ng kapwa-tao. Sa panahon ngayon,maraming tao ang hindi basta- basta nagpapaapi bagkus lumalaban para sa
sarili. Isa ring mahalagang pangyayari sa kuwento na nagpatingkad sa pelikula ay ang pagmimina na sumisimbolo sa
kawalan ng disiplina sa sarili na kung saan ang mga tao ay hindi makuntento kung ano mang meron sila sa kadahilanang
paghahangad ng labis na kayamanan. Ginamit rin na simbolo ang paggamit ng baril bilang proteksyon sa mga kaaway na
mapang-api at sa pagiging desperado ni Edgar na kailangan gumawa ng paraan upang iligtas sa kapahamakan ang kanyang
asawa
Isa ring simbolo ang pagkakalbo ng buhok nina Edgar at ang kanyang anak na nagpapakita ng pakikisama at
pakikiramay ni Edgar sa kanyang minamahal na anak na kung saan hindi lamang siya nag-iisa bagkus may karamay siya
s kanyang buhay. Mabatong kalsada na sa bawat pagdaan ng mga sasakyang dumadaan at tumatahak nito na tayong
mga taong sa ating buhay ay kaiilangan muna nating harapiin ang mga problemang sumagabal sa ating buhay na
magbibigay sa atin ng hudyat upang marating natin an ating paruruonan. Ang mga simbolong nagamit sa pelikula ay
masasabi kong nagamit ng tama at nakatulong sa pagpapatingkad nito upang magbigay ng interes at hudyat sa mga
manonood para sa mga susunod pangyayari sa kuwento. Ang mga simbolong ito ay nakatulong sa pagpapalabas ng
ilang mahahalagang pangyayari sa kuwento na kung saan maraming pagpapakahulugan nito sa ating buhay na nais
ipaabot ng direhe sa mga manonood. Sobrang nakaapekto ang paggamit ng sinematograpiya sa pelikula dahil ang
kulay ay nakatugma sa ibat ibang pangyayari sa kuwento. Ang kulay na ginamit ay nagpapahayag ng matinding
problema na kinakaharap ng mga pangunahing tauhan sa pelikula. Akma ang kasuotang ginamit ng mga tauhan sa
pelikula dahil ipinakita nito kung anong klaseng tao sila, anong kultura ang kanilang kinagisnan o kung ano ang
kanilang katayuan sa buhay. Agad rin na makikita sa pelikula ang kanilang kasuotan na naglalarawan sa kanilang
pagkatao kung sila ba’y mayaman o mahirap.

TUKUYIN
_____
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. 5

1. Sino-sino ang pangunahing tauhan ng pelikulang Honor Thy Father?


a. Kaye at Edgar
b. Edwin at Kate
c. Edgar at Kate
d. Kaye at Edwin
2. Anong uring pelikula ang Honor Thy Father?
a. Katatakutan
b. Komedya
c. Drama
d. Aksyon
3. Saan ang tagpuan ng nasabing pelikula?
a. Baguio at kennon road
b. Manila at batangas
c. Cebu at Las Vigas
d. Samar at Leyte
4. Ano ang dulog o teorya ang makikita sa pelikula?
a. Humanism at Marxismo
b. Realismo at Marxismo
c. Realismo at Humanismo
d. Lahat ng nabanggit
5. Ano ang tema ng pelikulang nabanggit?
a. Tungkol sa pamilya na masaya
b. Tungkol sa pamilya na may iba’t ibang trahedya na nangyayari sa buhay
c. Tungkol sa pamilyang walang iniindang problema
d. Lahat ng nabanggit

_____
10
PAGYAMANIN
Panuto: Ipaliwanag sa iyong sariling pag-uanawa ang teoryang ginamit sa pelikulang Honor Thy Father.
Gawain 1:

HONOR THY FATHER

Realismo Marxismo
PAGYAMANIN _____
Panuto: Isulat sa Graphic Organizer ang iyong sagot batay sa mga 10
Gawain 2:
katanungang nasa ibaba.

Honor Thy Father ( 2015)

1. Bakit mahalagang mayroong script ang pelikula? 2. Ano ang layunin ng direktor sa
paggamit at tunog at musika sa
pelikula?

3. Paano inatake ng direktor ang disenyo ng


produksyon ng Pelikula?

4. ano-ano ang iba’t ibang paraan na


ginamit ng direktor upang makuhanan ng
maayos at malinaw na anggulo?

5. ano ang pinakamahalagang


katangian ang dapat taglayin ang
isang aktor?

6. Kung ikaw ay nanonood ng pelikula, ano ang iyong


unang napapansin sa pagsisimula ng pelikula? Bakit?
TAYAHIN
_____
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot 5

1. Sino ang gumanap bilang Edgar sa pelikulang Honor Thy Father?


a. John Llyod Cruz
b. Khalil Ramos
c. Tirso Cruz
d. Dan Fernandez
2. Isa sa mga ginamit na Potograpiya at Galaw ng kamera ng pelikula na kung saan
napapakita ang emosyon ng mga karakter sa pagbitaw nila ng kanilang mga linya.
a. Wide shot
b. Close-up-shot
c. Extreme close-up-shot
d. Two shot
3. Paano naging natural o makinis ang daloy ng mga pangyayari ng pelikula?
a. Dahil sa pagdidiriheng ginamit ng pelikula
b. Dahil sa teknikal na ginamit ng pelikula
c. Dahil sap ag-eedit na ginamit ng pilikula
d. Lahat ng nabanggit
4. Ito ay teoryang ginamit ng pelikula na kung saan masasalamin ang makatotohanang
paglalarawan sa realidad ng buhay?
a. Marxismo
b. Humanismo
c. Feminismo
d. Realismo
5. Mahalaga ang paggamit ng simbolismo sa isang pelikula. Sa pelikulang Honor Thy Father
ano ang simbolismong ginamit dito?
a. Kasuotan at pamumuhay
b. Pananampalataya at kagasanaan
c. Kultura at tradisyon
d. Lahat ng nabanggit
Simple ang buhay ng mag-asawang Edgar at Kaye kasama ang anak nilang si Angel. Si Kaye ay isang titser at ang
kanyang asawa naman ay isang hardinero. Dahil sa kahirapan ng buhay hindi naging sapat ang kinikita ng mag-
asawa kaya naisipan ni Kaye na pasukin ang negosyo ng kanyang ama na investment scheme. Naging masagana
ang buhay nilang mag-asawa dahil sa negosyong ito kaya hinikayat na rin ni Kaye ang kanyang mga kaibigan at
kasamahan sa kongregasyon na sumali sanasabing investment scheme. Malaki ang naipon nina Kaye at ng
kanyang mga kasama na ininvest sa negosyo. Isang araw, nang bisitahin ni Edgar ang kanyang biyenan sa
tahanan nito nadatnan niyang wala ito sa bahay at nakitang napakagulo ng tahanan. Hinanap ni Egay ang
kanyang biyenan at nalamang ito pala ay pinatay at ninakawan. Dahil siya ang humahawak ng perang ininvest
nina Kaye at ng mga kaibigan nito at ito ay ninakaw mula sa kanya, nabaon sa utang ang kanyang anak.Nang
malaman ng kanilang mga kasamahan na namatay ang ama ni Kaye at ang investment nila ay nanakaw, agad
silang sumugod sa bahay nila Kaye. Ipinaliwanag niya na siya rin ay biktima sa investment na iyon ngunit pinasok
nila ang bahay ng mag-asawa para makuha ang lahat ng ari-arian na makikita nila, at bago umalis ay binugbog
pa nila si Edgar. Kinasuhan sila ng mga namumuhunan na naging biktima ng scheme, ngunit ipinatibay ng
imbestigasyon na pati sina Kaye ay naging biktima nito. Hindi pa rin ito maintindihan ng mga kasamahan ni Kaye
na nabiktima at sila’y galit pa rin samag-asawa. Isang araw dinukot ng mag-asawang Jessica at Manny si Angel at
dinala sa kanilang tahanan. Nang malaman ito ni Edgar agad itong sumugod sa bahay nila. Doon nadatnan
niyang umiiyak ang kanyang anak dahil siya ay ginupitan at nakaupo ang kanyang asawa na takot na takot.
Nakipagkasundo ang mag-asawang Jessica at Manny na bibigyan lamang nila ng dalawang linggo si Edgar upang
mabayaran ang anim na milyong nawala sa kanila. Dahil walang malapitan ng tulong si Edgar napilitan siyang
umuwi sa pamilyang kanyang kinagisnan. Labag man sa kanyang kalooban na balikan ang nakaraang pilit niyang
tinalikuran wala siyang magawa sapagkat nasa bingit ng kamatayan ang kaniyang pamilya.

SUSI SA PAGWAWASTO

PANIMULANG GAWAIN: PAGYAMANIN GAWAIN 1 at GAWAIN 2:

 Nakadependi sa pagwawasto ng guro  Nakadependi sa pagwawasto ng guro

TUKUYIN TAYAHIN

1. A 1. A
2. C 2. B
3. A 3. C
4. B 4. D
5. B 5. A
Ako si Mary Grace E. Dadol, dalawampu’t tatlong taong gulang at pinanganak noong ika-31,
1997 sa Valencia Bukidnon. Kasalukuyang naninirahan sa Baganipay,Talusan,Zamboanga
Sibugay.

Nakapagtapos sa kursong Bachelor of Secondary Education major in Filipino sa taong 2018


sa Western Mindanao State University. Kasaalukuyang nagtuturo sa mataas na paaralan ng
Mabuhay, Mabuhay Zamboanga Sibugay.
Mga Sanggunian:

https://www.slideshare.net/MsSandyB/paragraph-story-map-organizer
https://www.scribd.com/doc/302933207/Honor-Thy-Father
https://www.scribd.com/document/428995823/Honor-Thy-Father
https://www.scribd.com/presentation/509575333/Honor-Thy-Father
https://www.google.com/search?q=namatay&tbm=isch&ved=2ahUKEwi3vqSyh4rzAhUKhpQKHU0QCmwQ2-
cCegQIABAA&oq=namatay&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzIFCAAQgAQyBAgAEEMyBAgAEEMyBQgAEIAEMgUIABCAB
DIECAAQQzIECAAQQzIFCAAQgAQyBQgAEIAEOggIABCxAxCDAToICAAQgAQQsQNQuURYhUtgt1BoAHAAeACAAboCiAH
4DZIBBTItNS4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=ZalGYff3HoqM0gTNoKjgBg&bih=625&biw=1
366&hl=en#imgrc=IvNpQT7VwyG3RM
https://www.google.com/search?q=mahirap+na+pamilya&tbm=isch&ved=2ahUKEwiF6tTIh4rzAhUdzIsBHWaiBgsQ2-
cCegQIABAA&oq=mahirap+na+pamilya&gs_lcp=CgNpbWcQAzIFCAAQgAQyBQgAEIAEMgUIABCABDIFCAAQgAQyBQgA
EIAEMgUIABCABDIGCAAQBRAeMgYIABAFEB4yBggAEAUQHjIGCAAQBRAeOgYIABAHEB46CAgAEAgQBxAeOggIABAHEA
UQHjoGCAAQCBAeUPYSWME1YK84aABwAHgAgAGZAogB8xKSAQUwLjUuNpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&
sclient=img&ei=lKlGYYXQGp2Yr7wP5sSaWA&bih=625&biw=1366&hl=en#imgrc=WCXH8EiAsXhnLM
https://www.google.com/search?q=bata+sa+lansangan&tbm=isch&ved=2ahUKEwjxmZTNh4rzAhVhE6YKHZ7_AmYQ2
-
cCegQIABAA&oq=bata+sa+lansangan&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQzoFCAAQgAQ6CAgAEIAEELEDOgoIABCxAxCDAR
BDOgsIABCABBCxAxCDAToHCAAQsQMQQzoICAAQsQMQgwE6BggAEAUQHjoGCAAQCBAeUKbkAVipiQJg-
YsCaABwAHgBgAGdBIgBpiOSAQswLjYuOC4yLjEuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEAwAEB&sclient=img&ei=nal
GYbHXNOGmmAWe_4uwBg&bih=625&biw=1366&hl=en#imgrc=1l_sHrNqgMoI4M

You might also like