You are on page 1of 2

Pangalan: Margilyn C.

Dacuya 11- ABM-3

Honor Thy Father

Isang taon na ang nakaraan ng magkaroon nang problema sa pera sina Edgar at Kaye, na

sa wakas ay nalagpasan nila sa tulong nang ama ni Kaye. Kumikita si Kaye ng milyon sa

pamamagitan ng panghihikayat sa kanilang mga kasamahan sa simbahan na sumali sa investing

scheme na pag- aari ng ama nito. Ngunit isang araw may nangyari na hindi nila inaasahan. Pumunta

si Edgar sa bahay ng kaniyang biyenan ngunit hindi niya ito nakita kung hindi ang magulo nitong

bahay ang kaniyang nadatnan. Pumunta siya sa istasyon ng pulis upang isumbong ang kaniyang

nadatnan sa bahay ng kaniyang biyenan. Subalit isang magulong presinto ang kaniyang naabotan,

nagkakagulo ang mga tao at hinahanap ang kaniyang biyenan sapagkat itinakbo daw nito ang pera

nila. Hanggang sa nalaman niya na lang na patay na ito. Hindi matanggap ni kaye ang nangyari sa

kaniyang ama lalo na at hindi niya alam kung nasaan ang pera ng kaniyang mga kababayan.

Pumunta ang mga galit na galit na mga tao sa bahay nila at sapilitang pumasok sa loob ng bahay

nila upang kunin ang kanilang mga kagamitan. Walang araw na hindi sila nakakatanggap nang

pagbabanta mula sa mga ito. Hanggang isang araw bigla na lang nawala ang kanilang anak na si

Angel. Hinanap ito ni Edgar hanggang sa matagpuan niya ito sa mismong bahay nila kasama ang

mag-asawang Dela Torre. Binigyan sila ng mga ito nang isang lingo upang mabayaran ang anim

na milyong pesos na investment ng mga kaibigan nito kung hindi mayroong mangyayaring hindi

nila magugustuhan. Lumapit sila sa bishop ng kanilang simbahan upang humingi ng tulong ngunit

pinagdamutan sila ng sukab na bishop. Walang nagawa si Edagar kung hindi bumalik sa kaniyang

pamilya at humingi ng tulong dito. Ang kaniyang pamilya ay kilalang isang magnanakaw. Bumuo

sila ng plano kung paano nila mapapasok ang simbahan na may nakatagong limpak- limpak na

salapi. Dumating araw na makikipagkita siya sa mag asawang Dela Torre upang ibigay ang pera
at bawiin ang kaniyang asawa ngunit alam niya na kulang ang pera na dala niya sapagkat

nagkaroon ng problema sa pagnanakaw na ginawa nila. Upang matahimik sila ng kaniyang

pamilya pinatay niya ang mag asawa at pinalabas na aksidente ang nangyari. Habang papauwi na

sila ni Kaye kinakausap niya ito ngunit hindi ito nagsasalita. Labis na pagkabugbog ang tinamo ni

Kaye na hindi kinaya ng kaniyang katawan na naging sanhi ng kaniyang kamatayan.

You might also like