You are on page 1of 2

Ken jerico sy

Grade 11

Guro: Ms jana

MGA MUNTING TINIG

Ito ang pamagat ng kwento dahil tungkol ito sa buhay ng mga bata na nagsusumikap na pumasok
para sa kanilang pangarap.at pag asa sa mga kabataan. Ang tema ng kwento ay nakakamangha
dahil nasa kamay nila ang pagbabago ng buhay ng mga bata. Kahit na nasa kalagayan sila ng
kahirapan. Isang baguha substitute teacher si Melinda Santiago sa malawig elemtary school.
Hirap sa buhay ang mga pamilya ng mga mag-aaral sa lugar na ito, kaya’t ang mga bata ay
inuubliga ng kanilang mga magulang ng responsibilidad sa bahay at sa pag hahanap buhay. Ang
ganitong kalagayan ay nakaapekto sa pananaw ng mga kabataan sa pangarap, edukasyon,
katarungan, at kababaihan na ikinabahala ni melinda. Ang sitwasyong ito ay nagsilbing hamon sa
kanya, at na subok ang kanyang pakikihamon sa nang sumali ang paaralan sa isang choral
contest. Bagamat nakitaan nya ng interes at kakayanan ang mga mag-aaral ay hindi naman
naging madali sa kanya sa paghimok sa mga magulang nito na payagan silang sumali sa
paligsahan. Tanging si luz na ina nina popoy, at obet ang bukas ang isipan ukol dito at tumulong
kay Melinda na himukin ang iba pang mga magulang. Subalit nadamay at napatay ang batang si
popoy sa isang enkwentro ng NPA at militar nang minsan siyang sumama sa kanyang ama na isa
sa lider ng mga NPA. Dahil sa trahedya ay tumamlay ang dating masiglang pag hahanda ng mga
bata para sa paligsahan.
Malinaw ang mensahe ng pelikula sa paghahatid nito ng pag-asa at mapagpalayang pag harap sa
hamon ng kahirapan at bulok sa sistema ng lipunan lalo na sa edukasyon. Nabigyan diin ang mga
karapat dapat pag ukulan ng pag papahalaga katulad ng pamilya, kabuhayan, edukasyon,
pangarap, tinig ng kababaihan, relihiyon at pag linang sa malikhaing kakayahan ng mga
kabataan, sa ilang punto ay aakalain na pinababa ang kalagayanng mga guro sa pelikula ngunit sa
bandan huli ay makikita ang kanilang kadakilaan. mahusay ang pagkakahubog sa katauhan ni
Melinda bilang isang taong may paninindigan at tanto ang hinahanap sa buhay. Makabuluhan
ang diyalogo at puno ng simbolismo ang mga pag papalit ng eksena. Magagaling ang mga
nagsiganap mula sa mga pangunahin. Sa kabuuan ay simpleng kuwento na may malalalim na
damdamin at positobong mensahe ang pelikula. Bawat isa ay hinahamon na maging tagapaghatid
ng pagbabago at bigyang daan ang pag asa. Ang munting tinig ay isang obra maestra na
napapanahon at dapat tangkilin ng publiko. At ang mga tauhan nito Ay si Melinda na isang
substitute teacher na nagbigay daan sa mga pangarap ng mga kanyang estudyante, mr singh isang
bumbay na nag papautang sa mga guro at laging maaasahan pag ikaw ay may problema ,popoy
isang batang masipag at may pangarap sa buhay subalit sya ay namatay dahil sya ay sumama sa
kanyang ama at di inaasahang napatay

You might also like