You are on page 1of 16

“Tekstong Naratibo”

Ipinasa ni: Maybelyn T. Delos Reyes

Ipinasa kay: Sir John Owen Reusi


Tekstong Naratibo

 Ang tekstong naratibo o pasalaysay ay tumutukoy sa tekstong naglalahad ng katotohanan o impormasyon tungkol sa mga

pangyayaring naganap, nagaganap o magaganap pa lamang.

 Ang tekstong naratibo ay karaniwang kronolohikal o nakabatay sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, bagamat sa

tekstong literi, madalas naman ang paggamit ng flashback.

 Bagama’t karaniwa’y katotohanan at impormasyon ang nilalaman ng tekstong naratibo, maaari rin naman sumulat ng tekstong

naratibo nagsasalaysay ng mga pangyayaring pawang kathang-isip lamang.

 Ang tekstong naratibo ay ginagamit din sa mga ulat na naglalahad ng mga aktibidad ng isang kumpanya o organisasyon,

testimonya ng saksi sa isang krimen o pangyayari, tala o record ng mga obserbasyon ng isang doctor, puna o mungkahi ng

guro sa report card ng estudyante, at iba pang katulad nito.

Mga Halimbawa ng Tekstong Naratibo:

**Kasaysayan**

 Ang kasaysayan o historya ay ang pag-aaral ng nakaraan, partikular kung paano ito nakaaapekto sa mga tao sa

kasalukuyan. Ito ay ginagamit bílang isang pangkalahatang katawagan para sa impormasyon tungkol sa nakaraan, katulad ng

"heolohikang kasaysayan ng daigdig". Kapag ginagamit bílang pangalan ng isang pinag-aaralang larangan, tinutukoy ng

kasaysayan ang pag-aaral at pagpapaliwanag ng mga nakatalang lipunan ng tao, mga panayam (binigkas na kasaysayan),

at arkeolohiya. Ito ay isang umbrella term na may kinalaman sa mga nakaraang pangyayari gayundin ang mga alaala, tuklas,

koleksiyon, organisasyon, presentasyon, at interpretasyon ng impormasyon tungkol sa mga pangyayaring ito.

Halimbawa:

Kasaysayan ng Wikang Filipino

Published August 31, 2009 8:11pm

Mahalagang maintindihan ang kasaysayan ng Wikang Pambansa – kung paano ito nagsimula bilang Tagalog (kung saan umalma

ang mga Bisaya), naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na.

Isang arkipelago ang Filipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang maganda sa penomenong ito ay

nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga kritiko
katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Filipinas."

Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14

Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa

na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3)

Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa.

Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng

Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang

batayan ng “Wikang Pambansa."

Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng

wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang

pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa."

Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng

Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng

mga paaralan sa buong bansa.

Noong 1959 nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang

opisyal na tawag sa wikang pambansa.

Sa 1973 Konstitusyon noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at

3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang

wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas."

Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon

noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang

nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."
Mahalaga ang papel ng mga wikang katutubo sa pagpapayaman ng Filipino, na sa ngayon ay nagbabago ang anyo. Idinagdag sa

alfabetong galing sa Tagalog ang mga letra na f, j, q, v, at z. Dahil dito, ang dapat na maging baybay ng pangalan ng ating bansa

ay Filipinas at ng pambansang wika ay Filipino, gaya ng ipinanukala ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura Virgilio

Almario sa kaniyang librong Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa.

Tama rin na isama ang mga letrang tulad ng f at v kung gusto nating makapag-ambag talaga ang mga wikang katutubo sa wikang

pambansa. Halaw ang mga ito sa mga magagandang wika ng mga Ivatan, Ifugaw, at Manuvu na katutubong grupo sa bansa.

--- John Iremil E. Teodoro

**Parabula**

 Ang salitang PARABULA ay buhat sa salitang Griyego na “parabole”. Ito’y matandang salita na nangangahulugang

pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin. Ang parabula ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan ng

din ang kahulugan. Ito ay madalas na hango sa Banal na Kasulatan at kuwentong umaakay sa tao sa matuwid na landas ng

buhay. Ang mga detalye at mga tauhan ay hindi nagbibigay ng malalim na kahulugan; ang binibigyan ng diin ay aral sa

kuwento. Ang parabula ay isang uri ng maikling kuwento na ang karaniwang gumaganap ay mga tao. Ito ay naglalarawan ng

katutohan o tunay na nangyayari sa ating buhay. Ang parabula ay tulad din ng pabula na kinapapalooban ng aral.

Halimbawa:

Ang Pulubi

Minsan may dalawang pulubi na nasa lansangan na namamalimos ng barya sa mga nagdaraan. Isang gabi, sila'y ginising mula sa

pagkakahimbing ng isang nakasisilaw na liwanag. At mula sa liwanag na iyon ay may namataan silang isang pambihirang nilalang.

Maganda ang damit at gawa sa mamahaling bato ang kasuotan nito. Natuwa ang dalawang pulubi. "Ito na marahil ang hari ang

mga hari," ang sabi ng isa. "Tama! Pagkakalooban niya tayo ng kayamanan, at hindi na uli tayo kailangan pang mamalimos!"

Lumapit nga sa kanila ang hari at sila'y kinausap. "Ano ang maaari ninyong ihandog sa akin?" ang tanong nito. Nagtaka and isang

pulubi. Bakit sila pa ang magbibigay? Ang naisaloob niya.

Samantalang ang ikalawang pulubi ay nagmamadaling nagbukas ng kanyang sako at kumuha ng pinakamalaking piraso ng tinapay

na mayroon siya. "Anong gagawin mo?" ang tanong ng naunang pulubi dito. "Iaalay ko sa kanya ang pinakamalaki kong tinapay."
"Nababaliw ka na ba? At papaano ka?" "Karapat-dapat lamang ipagkaloob sa hari ang nararapat para sa kanya at ito ang aking

gagawin!"

Inalay nga ng pulubing yaon ang malaking piraso ng tinapay. "Ito lang po ang aking maipagkakaloob," ang sabi pa nito sa hari."

Ngunit ito na po ang pinakamalaking bagay sa buhay ko. Nawa'y tanggapin ninyo." Tinanggap ng hari ang tinapay na alay ng

pulubi.

Nang balingan nito ang isa pang pulubi ay nakita nitong nagkukumahog ng naghahagilap ang pulubing iyon sa paghahanap ng

maipagkakaloob. Sa wakas, nakakita rin ito ng pinakamaliit na butil ng mais. Inalay nito sa hari ang naturang butil ng mais. "Heto

lang ang maaari kong ipagkaloob sa inyo," ang sabi pa nito. Iyon lang at tinanggap iyon ng hari. At bigla ngang naglaho ang liwanag

at nawala na rin ang hari. Maya-maya'y may napansin ang isang pulubi sa buhat-buhat niyang sako. Animo bumigat iyon. Nang

buksan niya iyon, laking gulat niya sa nakita! Sa loob ng sako ay may nakalagay na ginto! Isang malaking piraso ng ginto na 'sing

laki ng tinapay na ipinagkaloob niya sa hari! Napalunok ang isa pang pulubi nang makita iyon. Nang bisitahin din niya ang kanyang

sako, hindi siya nagulat nang makita niyang nakalagay na ginto doon. Gintong 'sing liit ng isang butil ng mais na ipinagkaloob niya.

MENSAHE:

Kung ano ang itinanim, siyang aanihin. Kung ano ang ipinagkaloob natin sa Diyos ay siya rin nating tatanggapin.

**Pabula**

 Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang

gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon. May natatanging

kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa.

Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.

Halimbawa:

Ang Aso at ang Uwak

May ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw.


Tinangay niya ito at lumipad nang malayo.
Sa dulo ng sanga ng isang puno, sinimulan niyang kainin ang karne.
Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabi:
"Sa lahat ng ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!"
Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang nangyari ay nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito
sa lupa kung saan kaagad sinunggaban ng aso. Ngayon alam na natin na ang papuri ay maaaring uri ng panloloko rin.
Aral:
Isang papuri minsan ay isang paglilinlang.
**Maikling Kuwento**

 Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang

pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo

ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong

isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng

Maikling Kuwento". Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Halimbawa:

Ang Matalik Kong Kaibigan

Tulad ng nakagawian kong gawin, pagkarating ko sa bahay mula sa paaralan, hinanap ko ang pahayagan. Ipinatong ko ang pagod

kong mga paa sa bangkito at inumpisahan kong basahin ang kolum ni George Nava True tungkol sa kalusugan at mga sakit sa

katawan.

Sunod kong tinunghayan ang Entertainment at pagkatapos nito, sinulyapan ko ang mga pangalan ng mga namatay sa obituary.

Laking gulat ko na lang nang makita ko ang pangalan ng aking matalik na kaibigan. Bigla akong tumayo na nanikip ang dibdib.

Sinabi ko kay Nanay na namatay si Richard at pupuntahan ko agad sa St. Peter's Chapel kung saan siya nakaburol.

Sa St. Peter's, sinabi sa information na sa huling silid sa kaliwa naroon ang aking kaibigan.

Sa pagpasok ko pa lamang sa silid ay nakita ko na agad ang iba naming kabarkada. Puro sila malungkot at halos maiyak-iyak.

Di ko mapigil ang aking luha habang minamasdan ko ang mukha ni Richard sa loob ng kabaong. May mga tapal ang kanyang

pisngi at noo. Lumapit sa akin ang kapatid niyang si Kristine. "Nabundol ng trak ang kotseng sinasakyan niya."

"Saan nangyari ito?" ang tanong ko.

"Sa may Magallanes Village, sa Expressway, noong Sabado. Wala ngang nakakita kung anong plate number ng truck. Hit and run

ang nangyari."

"Nanghina ako nang mabasa ko sa pahayagan ngayong hapon. Nagmadali nga akong pumarito," ang wika ko.

Isang mabait at masayang kaibigan si Richard. Marami siyang kaibigan, mahirap at mayaman. Buhat pa ng maliliit kami ay

magkaibigan na at madalas magkasama, nagbabasketball, namamasyal, nagsisimba, at iba pang gawain ng mga bata.

Bakit kaya siya binawian agad ng buhay? Labimpitong taon pa lamang siya. Marami pa sana siyang magagawa at matutulungan.
Nasabi ko tuloy sa sarili na hindi nga pala nakatitiyak ang sinuman kung kailan daratihg ang kamatayan. Maaaring sa araw ding ito,

o sa madaling panahon.

Kailangang maging handa sa lahat ng oras. Kailangan ang paghingi lagi ng awa. at kaiinga sa Diyos, at ang pagiging mabait.

Nakilibing ako kay Richard at sa tabi ng kanyang hukay ay ipinangako ko na gagawan ko ng istorya aqg buhay niya at ang

ipapamagat ko ay "Ang Matalik Kong Kaibigan."

**Talambuhay**

 Ang talambuhay (mula sa pinagsamang mga salitang "tala" at "buhay" na may diwang "tala ng buhay") o biyograpiya ay

isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at

impormasyon.

Halimbawa:

Buod ng Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal. Labing-isa silang magkakapatid at

ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso

Realonda y Quintos. Nakita niya ang unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna.

Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco Mercado ay anak ng isang negosyanteng Instik

na nagngangalang Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay isa ring mestisang Intsik na ang pangalan ay Ines dela Rosa.

Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay nakararanas si Domingo Lam-co ng diskriminasyon kaya

upang makaiwas sa ganoong pangyayari at makasunod sa ipinag-uutos ni Gobernador Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga

pangalang Pilipino noong 1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong Kastila at pinili nila ang Mercado na nababagay sa kanya

bilang negosyante, sapagkat ang ibig sabihin ng Mercado ay palengke. Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa

bayan ng Binan, Laguna.

Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang ama ay isang magsasaka. Isa siya sa mga

kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba, Laguna.

Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bias ng Kautusan Tagapagpaganap na pinalabas ni Gob. Claveria

noong 1849 at ito’y hinango sa salitang Kastila na luntiang bukid.


Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap, matiyaga at talagang nagbabanat ng buto.

Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng abakada ng kanyang ina at napansin niyang

nagtataglay ng di-karaniwang talino at kaalaman ang anak, kahit kulang sa mga aklat ay nagawa ng ginang na ito ang paglalagay

ng unang bato na tuntungan ni Rizal sa pagtuklas niya ng iba’t ibang karunungan.

Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Padre Justiniano

Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro ay

naituro na niya kay Rizal.

Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay nagpamalas ng kahanga-hangang

talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng asignatura. Sa paaralang ito natamo

niya ang katibayang Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng Filosofia y Letras at Agham sa pagsasaka naman

sa Ateneo Municipal de Manila. Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang pamantasan. Di pa nasiyahan, nagtungo siya sa

Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana at tinapos ang kursong ito noong 1884 at

1885.

Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses pagkat sa Pilipinas pa lamang ay pinag-

aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nag-aral din siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa

paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga wikang ito sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao

roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino sa bagay na ito. At upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga baying nabanggit na

mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa kanyang mga kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na

dalubwika.

Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid noong magtatapos ang

1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang Marso,

1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang

300 piso.
Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa Gante, Belhika noong 1891.

Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang kapisanang ito ay lihim na itinatag at

layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di sa

paghihimagsik.

Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3, 1888, siya ay muling umalis sapagkat

umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo,

1892.

Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, isang maliit na

bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa

Dapitan, nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na kanyang tinuturuan.

Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang madamay sa kilusang ukol sa paghihimagsik

kaya hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan niya ng isang liham si Kapitan-Heneral Blanco na

nagpapatunay na kailanman ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa Pilipinas. Ngunit noong bago magtapos ang taong 1896,

siya’y hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas.

Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at litisin, siya ay nahatulang barilin sa

Bagumbayan.

Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios (Huling Paalam) isang tulang kakikitaan ng

magigiting na kaisipan at damdamin.

At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta.


“Tekstong Naratibo”

Ipinasa ni: Evangilyn Abayare

Ipinasa Kay: Sir. John Owen Reusi


Tekstong Naratibo

- Ang mga tekstong naratibo ay mga kwentong sinasalaysay o nasusulat. Karaniwang mayroon itong tagapagsalaysay tulad

ng mga maiikling kwento, nobela, at iba pang panitikan. Ito ay itinatanghal bilang isang sining ng isang kwento.

Mga Halimbawa ng Tekstong Naratibo:

Kasaysayan

- Ang kasaysayan ay isang kuwentong ipinahahayag sa pamamagitan ng isang sanaysay. Ang kasaysayan ay bunga ng

kagustuhan ng tao na matuto tungkol sa kanilang nakaraan. Ang kasaysayan ang nagbibigay buhay sa nakaraan.

Kinikilala ng kasaysayan ang pagbabago sa paglipas ng panahon.

Halimbawa:

Pagdating ni Magellan sa Pilipinas


Noong 1519, nagsimulang maglakbay si Ferdinand Magellan (Fernando Magallanes) mula sa Espanya upang isagawa ang

unang paglalayag sa paligid ng mundo. Ang panggagalugad ni Magellan ay binubuo ng limang mga barko tinatawag na San

Antonio, Santiago, Concepcion, Victoria, at Trinidad na mayroong 264 mga tauhang mandaragat.Si Magellan ay isang Portuges na

naglilingkod sa ilalim ng watawat at Hari ng Espanya. Noong Marso 16, 1521, narating ng kaniyang ekspedisyon ang pulo ng

Samar sa Cebu,kung saan tinanggap siya nina Raha Kolambu at Raha Siagu. Ang mga pulo ay pinangalanan ni Magellan bilang

Kapuluan ni San Lazaro, at inangkin ang mga lupain para sa Kaharian ng Espanya,[1] sa ilalim ng pangalan ni Haring Charles I ng

Espanya (Carlos I). Si Magellan at ang kaniyang mga kasama ang sinasabing unang mga Europeongnakarating sa

Pilipinas. Nagpatayo si Magellan ng isang krus sa nasabing mga lupain. Pagkaraang ipakilala nina Raha Kolambu at Raha Siagu si

Magellan kay Raha Humabon ng Cebu. Kasama ng humigit-kumulang sa 800 mga Cebuano, nabinyagan si Raha Humabon sa

ngalan ng Kristiyanismo. Tinulungan ni Magellan si Raha Humabon na labanan si Datu Lapu-Lapu ng pulo ng Mactan. Namatay si

Magellan sa labanang ito noong Abril 27, 1521. Ang natira pang mga Kastila sa kapuluan ay nagkaroon ng alitan, kabilang na ang

pagtatalo ni Raha Humabon at ng mga Kastila hinggil sa kababaihan. Sa isang pag-aaway, napaslang ng mga Cebuano ang 27

mga Kastila. Nilisan ng mga Kastila ang Cebu upang ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay. Nakabalik sa Espanya ang

barkong Victoria (isang barko lamang na may nalalabing 18 mga tauhan) pagkaraan ng tatlong mga taon.

Parabula

- Ang parabula ay isang uri ng maikling kuwento na ang karaniwang gumaganap ay mga tao, Ito ay naglalarawan ng

katutohan o tunay na nangyayari sa ating buhay. Ang parabula ay tulad din ng pabula na kinapapalooban ng aral.
Halimbawa:

Ang Alkansya Ni Boyet

Mahirap lamang ang pamilya ni Boyet. Ang ama niyang si Mang Delfin ay isang magsasaka subalit walang sariling lupa. Inuupahan

lamang nito ang tinatamnan ng palay. Ang ina naman niyang si Aling Pacing ay simpleng maybahay lamang. Sampung taon na si

Boyet. Siya ang panganay sa kanilang apat na magkakapatid. Sa pasukan ay nasa ika-apat na baitang na siya ng mababang

paaralan.

Kapag ganitong bakasyon ay sinasamantala ni Boyet ang pagkakataon. Gumagawa siya ng alkansiyang kawayan. Panahon ng

pamumunga ng bungangkahoy sa kanilang bakuran, dahil maluwang ang kanilang bakuran ay maraming punong namumunga.

Pinipitas nila ng kanyang inay ang ay mga bunga at itinitinda iyon sa palengke.

Mabili ang kanilang mga tindang prutas. Kapag nakaubos sila ng paninda ay agad siyang binibigyan ng pera sa kanyang inay.

"Salamat po, inay. Mayroon na naman akong panghulog sa aking alkansiya." masayang sabi ni Boyet.

"Hayaan mo anak, bago siguro maubos ang mga bunga ng ating mga puno ay mapupuno na ang alkansiya mo. Sabi ng kanyang

inay.

Napuno nga ang alkansiya ni Boyet. Masipag kasi siyang mag-ipon.

Nang malapit na ang pasukan ay nagkaroon ng malakas na bagyo nasira ang mga tanim na palay ng tatay ni Boyet. Kakaunti lang

ang kanilang inani. Nagkautang ang kanyang itay, Nag-alala naman ang inay ni Boyet. Malapit na ang pasukan at nawala ang

inaasahan nilang pangaagalingan ng pera.

"Baka hindi ka makapag-aral ngayong taong ito, anak," malungkot na sabi ng kanyang inay.

"Nasira ang mga pananim natin dahil sa bagyo at may utang pa tayo."

"Makakapagaral po ako, inay. Puno na po ang alkansiya ko ito ang gagamitin ko sa aking pag-aaral," nakangiting sabi ni Boyet.
Nakapag-aral si Boyet ng pasukang iyon. Salamat at naisipan niyang mag-impok para sa darating na pangangailangan.

Pabula

- Ang pabula ay isang uri ng panitikang nagsasalaysay ng mga simpleng kwentong karaniwang nagtatampok sa mga hayop

bilang mga tauhan. Isang katotohanan na ang pinakamayaman ay ang taong binusog ng panitikan. At ang pabula ay isang

mahalagang bahagi ng panitikan.

Halimbawa:

Ang Agila at ang Kalapati

Mayabang na inilatag ng Agila ang malapad niyang pakpak sa kaitaasan. Nang mapansin ng aroganteng Hari ng mga Ibon na

ikinakampay din ng mabagal na kalapati ang mga putting pakpak nito ay naghamon ang Agila.

“Hoy, Kalapati. Lalaban ka ba sa akin sa pabilisan ng paglipad?

Sa sobrang yabang ng Agila ay naisip ng kalapating bigyan ng aral ang humahamon.

“Osige,” sagot ng kalapati,” kalian mo gutsong magtunggali tayo?”

Hindi ipinahalata ng Agila na nagulat siya sa matapang na kasagutan ng hinamon.

“I… ikaw ang bahala kung kalian mo gusto.”

Napansin ng kalapati na nakaamba ang maitim na ulap sa kalawakan. Alam niyang ilang sandali lamang uulan na.

“Kung payag ka ay ngayon din. Upang maging Masaya ang laban, kailangang may kagat-kagat tayong anumang bagay sa paglipad

natin. Dadalin ko paitaas ang isang tipak ng asin. Ikaw naman ay magdadala ng isang bungkos ng bulak. Payag ka ba?”

Napangiti ang Agila sa pag-aakaalang higit na magaan ang bulak sa asin.

Napagkayariang sa tuktok ng Asul na bundok magsisimula ang paglipad a magtatapos sa tuktok ng berdeng bundok.

Habang naglalaban sila sa paglipad ay bumuhos na ang malakas na ulan. Ang bulak na dala-dala ng Agila ay nabasa ng ulan at

bumigat ng bumigat. Nagpabagal ito sa paglipad ng Hari ng mga Ibon.

Ang aisn ay nalusaw naman na nagpabilis sa paglipad ng kalapati.

Sa pagwawagi ng kalapati, hindi na nagyabang mula noon ang palalong Agila.


Aral: Sa alinmang labanan, huwag tayo pakasiguro sa tagumpay.

Maikling Kuwento

- Ang maikling kwento ay naglalaman ng maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng

isa o ilang mga tauhan. Ito ay kinapupulutan ng magandang aral at kadalasang ginagamit bilang kwentong pambata.

Kabilang sa mga kilalang maikling kwento na may aral ay ang; “Si Juan at ang mga Alimango“, “Ang Sapatero at ang mga

Duwende“, “Ang Araw at ang Hangin“, at marami pang iba.

Halimbawa:

Pambansang Pintor

“Anak,” malumanay at wari’y bantulot na wika ng ina kay Fernando. “Kailangang makapagpatuloy ka ng pag-aaral. Ang iyong Tiyo

lamang ang makatutulong sa atin para makapag-aral ka. Papayag ka ba na tumira sa Tiyo Fabian mo?”

“Opo, Nanay,” walang atubiling tugon ni Fernando. “Kayo po ang masusunod; kaya lang magkakalayo po tayo.”

“Hindi bale, Anak, madadalaw naman kita paminsan-minsan,” wika ng ina na pilit pinasasaya ang mukha.

Maglalabindalawang taon na si Fernando Amorsolo nang magsimulang tumira siya sa kanyang Tiyo. Pinapag-aral siya sa Liceo de

Manila. Sa isang paligsahan sa pagguhit, nagkamit siya ng unang gantimpala at pangatlong gantimpala naman sa aritmetika.

Ang kanyang angking talino sa pagguhit ay lalong naging matibay pagkat sa tuwi na’y namamasid niya ang mga paraan sa

pagguhit ng kanyang Tiyo Fabian na may pangalan na rin sa larangang ito.

Nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at isa siya sa kauna-unahang nagtapos ng sining sa pagguhit noong

1914. Nakita ng isang pilantropo na si Ginoong Enriquez Zobel ang kakayahan ni Fernando sa pagguhit, kung kaya’t siya’y

pinagkalooban ng libreng pag-aaral sa Espanya.

Ang iba’t ibang pagkakataong makapag-aral sa ibang bansa ay nabuksan sa kanya dahil sa kaakit-akit na mga likha niya. Ang

karaniwang paksa niya ay ang mga tanawing bukid, makasaysayang pangyayari at iba’t ibang mga larawan ng tao tulad ng isang

matanda o mayuming dalagang nayon.


Kapuri-puri ang kasanayan niya sa pagbibigay pansin sa pinanggalingan ng liwanag sa mga iginuguhit niya. Ito ang dahilan kung

bakit naiiba ang kanyang mga likha at ipinahayag na siya ang pintor noong mga pandalampuang taon (1920’s) hanggang sa

sumunod na mga taon pa.

Naging director siya ng School of Fine Arts ng Pamantasan ng Pilipinas hanggang sa kanyang pagreretiro noong 1957. Ang

kanyang naiwang mga alaala na bunga ng sipag at pagtitiyaga ang siyang susi sa pagiging isang Pambansang Pintor.

Aral:

 May mga bagay talagang kaylangang isakripisyo pagdating sa pag-abot ng pangarap. Sa kwento ni Amorsolo, saglit man siyang

nawalay sa piling ng ina ngunit nagbunga naman ito ng maganda at naging daan pa upang matupad ang pangarap niya at ng

kanyang ina para sa kanya.

 Lakasan ang loob at maging matibay sa mga hamon ng buhay. Ilan lamang ito sa mga sangkap upang maabot ng isang tao ang

kanyang minimithi sa buhay.

Talambuhay

- Ang talambuhay ay isang anyo ng kasaysayan tungkol sa buhay ng isang tao na sinulat ng ibang tao at tumatalakay sa

mga pangyayaring nangyari mula nang isilang ang pinapaksa hanggang sa kasalukuyan o kamatayan.

Halimbawa:

Talambuhay ni Apolinario Mabini

Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina

Inocencio Mabini at Dionisia Maranan, sa baryo Talaga, Tanauan, Batangas.

Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pag-aaral. Sa Maynila noong 1881,

nakamit niya ang isang partial scholarship na nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran.

Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula

1888 hanggang 1894.

Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma. Noong taong

1896 naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng mga

gwardiya sibil noong 10 Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga repormista. Sumailalim siya sa house

arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon.
Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo 1898, pinasundo niya si Mabini sa Laguna at matapos ang kanilang

pagpupulong noong 12 Hunyo 1898, si Mabini ay naging punong tagapayo ni Aguinaldo.

Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis ng Diktadurya ng pamahalaan ni Aguinaldo at ang

pagpapalit nito sa isang rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi rin siya sa kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng

nga Kalihim at bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang

Programa Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang iminungkahi para sa Republika ng Pilipinas. Ang

introduksyon sa balangkas ng konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat upang gisingin ang makabayang diwa ng

mga Pilipino.

Nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga

Amerikano sa Cuyapo noong 10 Disyembre 1898. Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900. Nanirahan siya sa

isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan. Ang artikulo

niyang El Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang muling pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga

Pilipino. Habang nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion Filipina.

Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang na 39 dahil sa kolera.

You might also like