You are on page 1of 5

I.

PAMAGAT

 SEKLUSYON

Ang pelikula ay pinamagatan ng Seklusyon dahil ang paksa ng

pelikulang ito ay ang Seklusyon na kung saan ay isang paraan ng pagtitipon

ng mga dyakono(deacon) sa isang bahay o lugar na tahimik na kung saan

wala silang dapat na makita sa labas ng bahay ultimo sinag ng araw at

walang ingay na naririnig. Ito ay paraan din upang mapahiwalay sila sa ibang

tao upang makapag pokus sila sa pagdadasal at makapag isip isip ng mga

bagay bagay. At habang nasa proseso sila ng seklusyon dito makikita kung

hanggang saan sila madadala ng pananampalataya nila dahil habang nasa

loob sila ng bahay, dito papasok ang mga demonyo na kung saan nagiging

paraan pa para mapaalala sa kanila ang mga kasalanang nagawa nila. Sa

pamamagitan nito, dito masusubok ang pananampalataya at paniniwala nila

sa Diyos. Ito ay isa sa mga proseso na ginagawa ng mga magpapari upang

maging isa silang ganap na pari.

II. MGA TAUHAN

 RONNIE ALONTE – Bilang si MIGUEL, isang binatilyo na magiging pari

 ELORA ESPANO – Bilang si ERINA, ang kasintahan ni Miguel na kung saan

iniwan niya at buntis pala ito.

 DOMINIC ROQUE – Bilang si FABIAN, isang diyakono na kasama ni Miguel

sa lumang bahay(seklusyon)na kung saan iniwan niya ang kaniyang inang

baliw.

 JR VERSALES – Bilang si CARLO, kasama rin ni Miguel sa lumang

bahay(seklusyon) na kung saan ipinagkait niya sa kaniyang dalawang

nakababatang kapatid ang pagkain na meron siya.


 JOHN VIC DE GUZMAN – Bilang si MARCO, isa rin sa mga kasama ni

Miguel sa lumang bahay(seklusyon) na mahilig makipaglaro sa mga bata.

 NEIL RYAN SESE – Bilang si PADRE RICARDO, ang paring nag-iimbestiga

kay Madre Cecilia, dahil sa kaniyang galing sa pag-iimbestiga, nalaman niya

na isang biktima ng panggagahasa at may peklat ito dahil sa sunog.

 RHED BUSTAMANTE – Bilang si ANGHELA STA. ANA, ang batang may

kayang magpagaling ng may sakit at may abilidad na makabasa ng utak ng

tao. Anak siya ni Miguel at Erina.

 PHOEBE WALKER – Bilang si MADRE CECILIA, nag alaga kay Anghela sa

lumang bahay(seklusyon) at siya ay tagasunod ni Anghela.

 LOU VELOSO – Bilang si SANDOVAL, tagapamahala sa lumang

bahay(seklusyon) at dating pari.

 JERRY O’HARA – Bilang OBISPO

 TEROY GUZMAN – Bilang si PADRE FRANCISCO

III. BUOD NG PELIKULA

 Taong 1947, sa kaligitnaan ng ikalawang digmaang pandaigidig at kapanahunan ng

pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas, ipinakita ang isang rituwal na kailangang

pagdaanan ng isang diyakonong Katoliko bago siya ordinahan bilang pari—ang

Seklusyon. Pitong araw silang ipapadala sa isang liblib na lugar at kabahayan upang

doon subukin sila at patatagin sa gitna ng hamon ng mga demonyo. Si Miguel ay

magdadaan sa rituwal na ito. Habang sa isang kalapit-baryo naman ay may

sinasamba ng marami, si Anghela—isang batang nagpapagaling ng mga may

karamdaman. Naniniwala ang mga tao na ang kanyang kakayahang gumawa ng

himala ay galing sa Diyos lalo pa’t kasama niya sa kanyang gawain ang isang

madre sa katauahan ni Madre Cecilia. Habang si Padre Ricardo naman ay ipinadala


sa lugar upang imbestigahan kung si Anghela nga ba talaga ay karapat-dapat na

ituring na isang buhay na santa. Isang trahedya sa pamilya ni Anghela ang

magtutulak sa kanilang dalawa ni Madre Cecilia na mamalagi sa bahay-seklusyon.

Dito lalong masusubok ang katatagan ni Miguel ng kanyang mga kasamang

diyakono.

Makaraming araw na nakalipas napansin ni Miguel na hindi isang anghel o santa

si Anghela at nagsimula na siyang nagduda at nagpaplano na umalis sa liblib na

lugar. Nag imbestiga si Padre Ricardo, nakita niya na si Anghela ay isang demonyo.

Dali-daling bumalik si Padre sa simbahan upang pigilan si Anghela ngunit hindi niya

ito napigilan. Si Miguel ay lumaban kay Anghela, pinatay niya ito, umalis si Miguel at

hindi na nagpakita pa. Natapos na nina Fabian, Carlo, at Marco ang kanilang

pagsasanay sa pagiging pari at hindi nila namalayan na hindi sila pinagpala ng Dios,

bagkus, sila’y pinagpala ng demonyo na akala nila ay siya ang tumulong sa kanila.

IV. BANGHAY NG MGA PANGYAYARI

A. TAGPUAN

 Ang tagpuan ng pelikula ay sa lumang bahay(seklusyon) kung saan namalagi

si Miguel, Anghela, Madre Cecilia at mga kasama ni Miguel na diyakono ng

ilang araw bago tuluyang maging ganap na pari. Doon halos naganap lahat

ng pangyayari sa pelikula.

B. PROTAGONIST

 Ang bida sa pelikula na si Miguel ay maraming pagsubok na kinaharap at

masasabi ko na napakatatag ng kaniyang pananampalataya sa panginoong

diyos at kahit na ilang beses sinubok ang katapatan niya sa diyos, nanatili

siyang matapang at punong puno ng tiwala sa diyos. Hindi rin siya


nagpabulag kay Anghela at sa mga sinasabi nito sa kaniya. Sa gumanap sa

tauhang ito na si Ronnie Alonte, masasabi ko na nabigyan niya ng hustisya

ang karakter ni Miguel kahit na nagsisimula pa lamang ang karera niya sa

pag arte.

C. ANTAGONIST

 Ang kontrabida sa pelikula na si Anghela Sta. Ana ay misteryoso at

mapaghimala ngunit ito pala ang para

D. SULIRANIN

E. MGA PAGSUBOK SA PAGLUTAS NG SULIRANIN

F. MGA IBINUNGA

V. PAKSA

VI. MGA ASPEKTONG TEKNIKAL

A. SINEMATOGRAPIYA

B. MUSIKA

C. VISUAL EFFECTS

D. SET DESIGN

VII. KABUUANG MENSAHE NG PELIKULA

 Ang pelikulang Seklusyon ay nakapag-iwan ng mensahe na ang puwersa ng

kadiliman ay posibleng makapasok sa loob ng simbahan at hindi lahat ng

propeta ay puwede nating tawaging Alagad ng Diyos. Kailangan matibay ang

pananampalataya natin sa Diyos upang hindi agad tayo natutukso ng

kadiliman. Mensahe din na ang mga demonyo ay nagkakatawang Anghel at

hated ay nakakatuksong bagay pero sa huli kabutihan parin ang mananalo

kaysa sa kasamaan. At ang pag sasakripisyo ni Miguel (Ronnie Alonte)

kapalit ang kanyang pagiging ganap na pari upang mailigtas lamang ang

kanyang mga kapwa dyakono (deacon) laban sa kasamaan/kadiliman.

You might also like