“Sorry ma’am I’m late” Ang kasabihan ng mga estudyante Sa silid-aralan, halos di’ magkaintindihan Kaya’t pagnatawag ang pangalan nagbibingi-bingihan Di maipinta ang mukha sa harapan
Labas ditto, labas doon
Pagwala ang guro Kung saan-saan pumaparoon Kapag ang principal ay makakasalubong Sa paglakad mga paa’y umuurong-sulong Animoy usod pagong
Sa kantina, ang malimit na tambayan
Kwentuhan at kulitan ang kinahiligang libangan Matatanaw ang inis sa mukha ng tindera Dala ng labis na ingay na hatid ng eskwela
Mga estudyante uwian ang inaabangan
Pagkatapos ng klase sa gate nagpapaunahan Dali-daling umalis makatakas lamang sa paglilinis Wag lang mahawakan ang bunot at ang walis Ngunit sila’y di makatakas sa kaklasing sipsip
Pati sa paglalakad sila’y magkakasama
Hanggang sa bahay may kumunikasyon pa Sa kakabasa ng text nalilimutan na ang assignment Dahil sa katamaran kaya mababa ang deportment Katawa-tawa man kong pansinin Katotohanan naman kong susuriin Yan ang kadalasang buhay ng estudyante sa tula ko ito Fil 3B