You are on page 1of 15

PANANALIKSIK SA FILIPINO

MAIKLING KWENTO AT NOBELA

IPINASA NI: IPINASA KAY:


HEIDILYN P. GORGONIO
Talahalayan

Maikling Kwento .............................................................................................2

Mabangis na Lungsod ……………………………………………………………..3

Sa Bagong Paraiso .……………………………………………………………4

Banyaga …………………………………………………………….5

Iba-iba, Pare-pareho ……………………………………………………………..6

Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino ……………………………………………………………7

Nobela ……………………………………………………………..8

Bata,Bata, Paano Ka Ginawa ……………………………………………………………..9

Dekada 70 …………………………………………………………….10

Mga Tinapay sa Ibabaw ng Tubig …………………………………………………………...11

Moog …………………………………………………………....12

Kulang ng Isa sa Sandosena:

Ba’t Di Pa Magkasya sa Labing-isa na lang ………………………………………………….13

1
MAIKLING KWENTO

2
Mabangis na Lungsod
ni Efren R. Abueg

Buod:

May isang batang pulubi na nagngangalang adong hindi niya napapasin ang gabi dahil sa bata niyang katawan o
mumos na pagiisip. Si aling ebeng ang kanyang katabi sa simbahan. At si bruno ang sigang iniiwasan ni adong. Gabi
umuulan sa simbahan nagsisitakbuhan ang mga tao habang si adong ay nagugutom at parang naiinis sa mga taong
nandidiri at kinukya siya. Kumain siya at napawi ang kanyang kumakalam na sikmura, kinalog niya ang kanyang
bulsa para malaman kung mayroon pang natitira sa kanyang pera. Nahulog ang pera ni adong ng pinupulot niya ito
nawala na ang mga tao at nakita naman ni aling ebeng si Bruno. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan, ang
namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kaniyang bulsa.
Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kaniyang
mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina
pa ay mamamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kaniyang palad ang mga baryang napagpalimusan. Tinakbuhan
niya si bruno ngunit nahuli siya ni bruno napilitan siyang ibigay ang pera niya at naramdaman niyang walang
pakialam ang diyos o ang lungsod sa kanya. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang
kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kaniya.

3
Sa Bagong Paraiso
ni Efren R. Abueg

Buod:

Sa kwentong ito mayroong dalawang batang matalik na magkaibigan at iyon ay sina Ariel at Cleofe. Ang mundo
nila ay parang isang paraiso sa kawangis ng mapayapang langit, puno ng saya at walang iniisip na kahit anumang
problema. Noong sila’y walong taong gulang pa lamang, palagi na silang nagkakasama sa paglalaro. Madalas silang
maglaro sa kanilang looban o di kaya’y sa kanilang dalampasigan. Dahil sa palagian nilang pasasama, sila’y puring-
puri ng kanilang mga magulang at mga kanayon at minsa’y iniisip na sila ay magkakatuluyan sa paglaki nila. Nang
matapos nila ang elementarya, tumungo silang dalawa sa bayan upangmag-aral ng haiskul. Dito matatahak nila ang
unti-unting pagbabago ng kanilang nakaugalian gaya ng siglang makipaglaro sa isa’t-isa dahil sa sila’y nagbibinata
at nag dadalaga na. Dumating ang araw ng Sabado, isinama si Ariel ng kanyang tatay upang tumungo sa isang
kakilala na nagngangalang Ba Aryo. Dahil sa nagbibinata na si Ariel, sinabihan siya ng kanyang tatay na magpatuli
na upang siya’y maging isang ganap na lalaki. Ngumata siya ng dahon ng bayabas, pumikit siya at pagkaraan ng iba
pang ginawa, siya’y itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa ilog. Dumating ang panahon, nung matapos nila ang
haiskul at sila nay magkokolehiyo. Napagbawalan si Cleofe na makipagkita muna kay Ariel dahil sa nais ng
kanyang mga magulang na maging doktora siya at magpukos muna sa kanyang pag-aaral at upang maiwasan ang
tukso. Sa sumunodna mga araw hindi na tuluyang nagkita ang dalawa. Gayunpaman, sa hindi inaasahang
pangyayari, nagkasalubong sila sa isang pamilihan at doon niyaya ni Ariel si Cleofe na makipagusap muna sa kanya
at kumain sa isang restawran. Sa oras na yan, nagtapat si Ariel kay Cleofe na may nararamdaman siya para sa kanya
sabay halik sa palad ng babae. Napagdesisyonan nilang dalawa na magkita sa Luneta park at sa mga nagdaang araw
palagi na muli silang nagkikita pero di parin nila maiiwasan ang mga suliranin dulot ng mga magulang ng babae.
Nagpadala ng lihim ang nanay ni Cleofe sa kanya na nakita siyang may kahawak kamay na lalake at ‘yun ay si
Ariel. Dahil sa ayaw nilang matigil ang kanilang pagiibigan, napagdesisyonan ng dalawa na ilihim na muna ang
kanilang relasyon at ang palagiang pagkikita sa kani-kanilang mga magulang. Dahil sa patago na pagiibigan nina
Ariel at Cleofe, nagbago na ang paraisong kanilang hinahatak. Kung noon ay parang kawangis ng mapayapang
langit, ngayon ay hindi na malawak sa kanilang kalooban o kaya parang isang dalampasigang malamig kung ang
dapithapon ang silahis ng araw ay mapulang parang dugo. Bilangwakas, nagging maligaya sila sa kanilang daigdig
at sa kanilang bagong paraiso. Hanggang sa dumating ang araw, biglang may hindi naging magandang pakiramdam
ni Cleofe. Biglang sumikad ang kanyang lalamunan. Siya’y napanganga, napapikit, napaluha at sa pakakapit niya sa
palababahan ng binate ay naduwal siya. Sa huli’y napabulalas ng iyak ang dalaga.

4
Banyaga
ni Liwayway A. Arceo

Buod:

Mula nang dumating si Fely kanina ay hindi miminsang narinig ang tanong na iyon na tila ngayon lamang siya
nakita. Gayong umuuwi siya dalawang uli isang taon, kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O, napakadalang nga
iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumikibo at tumitingin sa kanya ay iyon
din ang katunayang wari ay nababasa niya sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap. At mula sa
salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Matagal na pinagmasdan ang kanyang
buhok. Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya. Ngumiti siya, kasabay
ang mahinang tango. Ngayon sa kanyang pagtindig ay hindi maikaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa
kanyang suot sa leeg ang kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tila
nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Napangiti siya. At ang kanyang apat na
pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siyang nakatoreador ng itim at kamisadentrong rosas.
Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula sa ulong may taling banda, sa kanyang salaaming may kulay
hanggang sa kanyang mga kukong mapula sa paa, na nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso. Biglang nauntol
ang kanyang sasabihin nang marinig niya ang mahinang tatat ni Nana Ibang. At biglang-biglang, dumaan sa
kanyang gunita ang naging anyo. Ang walang malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay
hindi siya isinabay sa kanyang pamangkin. Ibinukod siya ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na
kumot na ginawang mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay,
Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangkin na sa pangalan at larawan lalo niyang
kilala sapagka’t patuloy ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Nakasampay sa isang bisig nito ang isang
tuwalyang amoy moras. At napansin niyang nagkatinginan ang kanyang mga kaharap nang sabihin niyang
magkakamay siya. Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi, Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng
kanyang Nana Ibang. Wala na siyang balak dumalo sa parangal. Nguni’t naisip niyang ngayon lamang gagawin ang
ganyon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School, waring hindi niya matatanggihan ang
karangalang inuukol sa kanya ng samahan ng mga nagsipagtapos sa kanilang paaralan. Parangal sa unang babaing
hukom na nagtapos sa kanila. Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isang tumigil na sasakyan sa harap
ng bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan. Hindi muna niya
isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang taking. Sa paligid ng kotse ay maraming mukhang nakatingin sa
kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaking nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napakunot
ang noo niya. Pinigil niya ang buntunghininga ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na siya ay iniabot
ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Isinari ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo. Tumigas ang
mukha ni Fely. Nagtiim ang kanyang kalooban. Si Duardo ang tanging lalaking naging malapit sa kanya. Noon.
Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga
Nagsipagtapos. Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa binate
ng sasakyan ay nakita niya ang mga matang nakamasid sa kanya. Tila hindi na niya matagalan ang nakalarawan sa
mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagsungyaw. Aywan niya kung alin. At nang buksan
ni Duardo ang pinto ng kotse upang makalabas siya ay lalong nagtining ang kahungkagang nadarama niya kanina
pa. At may sumungaw na luha sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na siya makikilala pa ng
pook na binalikan niya.

5
Bangkera
ni Emmanuel Barrameda

Buod:

Naghuhugas ng nabiling isda si Cora. Magkakasunod na katok ang narinig niya. Inasahan niyang si Regina ito at ang
kung anong dalang lutong ulam, kaya itinabi niya na muna ang hindi pa natatapos na mahugasang isda sa styro.
Hindi niya mapigilang maglaway sa sabaw ng cocido habang papunta sa pinto. Pero umurong ang lahat ng laway
niya nang mabuksang walang dalang mangkok si Regina. Nakatayo lang ito sa may pintuan kasama ang hanging
hindi rin gumagalaw. Buhat niya ang kanyang mga pasa sa braso at pisngi. Natuto itong magkuwento ng mas
marami at mas malalalim pang sugat, mga sakit na hindi kayang mailarawan bilang latay o pasa. Iba ang langsang
alok ng mga luha ni Regina. Langsang tumagos sa kaluluwa ni Cora na tila ang bawat patak ay nakapagbabakbak sa
kanyang mga kaliskis na matagal nang nakalingkis sa kanyang puso. Unti-unti, habang niyayakap siya ni Regina ay
ramdam niyang dumudulas ang kanyang kaluluwa papalaya sa katawan niyang matagal nitong naging hawla.

6
Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino
ni Eros S. Atalia

Buod:

Si Intoy ang bihasa sa lahat ng mga magtatahong sa Kalye Marino sa lungsod ng Cavite. Tinatawag siyang “Intoy
Syokoy” ng mga tao dahil para nga raw itong syokoy na nakakatagal sa ilalim ng dagat na parang may hasang ito
tulad sa isda. At kahit bagong ligo pa siya ng tabang na tubig, huwag lang pagpawisan ng kaunti ay amoy dagat agad
siya. Pinaglilingkuran niya ang kanyang amo na si Mang Amor. Isang araw ay tinamaan ng mga alig ang mga
tahungan ng mga tao sakanilang lugar. Bilang magaling na maninisid at bihasang magtatahong, si Into yang
inaasahan ng mga taong maglilinis at magsasaiba sa kanilang tanging kabuhayan mula sa mg pesteng align a
dumadalas na ang dalaw nitong mga nakaraang taon. Natutuwa si Intoy dahil kung maraming tinamaan ng alig, tiyak
bukas at hanggat sa mga susunod na araw ay maraming tahungang magpapalinis sa kaniya. Kikita siya ng malaki.
Ngunit malungkot siya, dahil bukas o sa mga susunod na araw pa siya kikita, ngayon na niya kailangan ng pera. At
ngayon sana niya aanihin ang sarili niyang tanim na tahong na pasikreto niyang ginagawa. Matatapos n asana ang
kaniyang paghihintay at magkakaayos n asana sila ni Doray. Kursunada ni Intoy si Doray kahit noong mga bata pa
lamang sila kahit alam ng buong Kalye Marino ang trabahong paglalako ng “tilapia” o katawan ni Doray sa mga
parukyano at maging sa mga mangingisda. Nagustuhan niya ito dahil mabait si Doray sa kanya dahil maliban kay
berto ay ito lang ang nagtitiyagang making sa kanyang mga kwento at pantasya. Kaya siya namomoblema ngayon
kung saan kukuha ng pera ay dahil mayusapan sila ni Doray. Gusto niyang dalihin ang “tilapia” ni Doray. Hindi niya
alam kung mamahalin o anihin lang ang babae. O baka naman mahalin at aanuhin din pagkatapos. Isang gabi ay
nakita niya si Doray na nilalako ang kaniyang “tilapia” sa mga parukyano. Gusto nang sumabay ni Doray sa
kaniyang pag-uwi at pinagbiyan naman niya ito. Nagulat si Intoy sa tinuran ng dalaga, marahil ay nasabi na ni Berto
dito ang tungkol sa kaniyang balak kay Doray. Hindi niya alam kung matutuwa siya o magagalit sa kaibigang
washer. Hindi rin niya alam kung nakikipag-syota na bas a kaniya si Doray o simpleng pinaglalakuan lang siya ng
“tilapia” nito. Hindi nakatulog si Intoy sa gabing iyon nang sabihin ni Doray na puputahan siya nito sabahay niya.
Marami sana siyang balak. Bibili sana siya ng makakain at aayusin ang sarili upang sa ganoon ay hindi nakakahiya
kay Doray. Ngunit ngayon ay pinatay na ng mga alig ang sagot sa mahabang pag-hihintay na iyon ni Intoy. Wala
siyang pera. Wala siyang ibabayad kay Doray. Ngunit paano kung gusto pala siya ng babae at hindi ito
nagpapabayad? Gabi, salamat sa paunang bayad na isang daang piso sa kaniya ng amo, nakabili siya ng pandesal at
mantikilya. Pero hindi nakahanda si Intoy. Hiya pa siya naliligo dahil sa mag-hapon na paglilinis sa tahungan.
Nakaupo siya at makikita ang mahapding sugat sa kamay. Naramdaman niya bigla ang langitngit na tulay ng
kawayan. Nakita ni Intoy si Doray na iniluwa ng dilim na bagong paligo. Naikwento niya ditto ang nangyari sa
tahungan at pesteng mga alig. Nagulat na lamang siya at hinawakan ni Dora yang kaniyang lkamay at sinuri ang
sugat. Hinalikan ito ng babae at inakay siya paloob sa bahay.

7
Nobela

8
References:

https://www.palancaawards.com.ph/index.php/directory-of-palanca-winners

http://siopauline13.blogspot.com/2016/12/buod-ng-mabangis-na-lungsod.html

https://www.answers.com/Q/Buod_ng_Ang_mabangis_na_lungsod_by_Efren_R_Abueg

https://www.scribd.com/document/393393817/Buod-Ng-Kwentong-Sa-Bagong-Paraiso-Ni-Efren-Abueg-at-Mga-Halimbawa-
Ng-Bionote

https://www.answers.com/Q/Anu_ang_buod_ng_banyaga

https://pdfslide.net/documents/intoy-syokoy-55d2980acc2aa.html

https://www.facebook.com/kataga.lit/posts/basahin-itong-patikim-mula-sa-premyadong-maikling-kwento-ni-emmanuel-
barrameda-n/1265096460284206/

You might also like