You are on page 1of 5

I.

Pamagat

Seklusyon, ito ang naging titulo ng pelikula dahil dito umikot ang buong istorya.

Malinaw na naipakita ng mga simbolismo na ang pagsasagawa ng seklusyon ay may

kinalaman sa ating relihiyon.

II. Mga Tauhan

Ang mga sumusunod na tauhan ang nagbigay buhay sa istorya ng pelikula. Bawat

isa sa kanila ay may ibat-ibang tungkulin upang maipakita ang totoong nilalayon ng

nasabing pelikula. May mga tauhang mahirap matukoy kong sila ba ay bida or kontra-

bida, magandang halimbawa nito ay si Angela, marahil ay isa lamang itong estratehiya

ng direktor upang maging kaantig-antig ang bawat pangyayari sa pelikula.

Rhed Bustamante bilang Anghela Sta. Ana/ Anghela

Neil Ryan Sese bilang Fr. Ricardo

Ronnie Alonte bilang Miguel

Lou Veloso bilang Sandoval

Phoebe Walker bilang Sr. Cecilia

Dominic Roque bilang Fabian

Elora Españo bilang Erina

John Vic De Guzman bilang Marco

JR Versales bilang Carlo

Teroy Guzman bilang Fr. Francisco

Jerry O'Hara bilang Obispo

Sherry Lara bilang Mother Superior

III. Buod ng Pelikula

Ang pelikulang, ito ay nagsimula sa bahay-seklusyon kong saan ang apat na

deakono na naglalayong maging pari na sina Miguel, Fabian, Carlo at Marco ay

dadaan sa mga pagsubok sa seklusyon upang maging ganap na pari. Naipakita din

sa pelikula ang panghihimala sa paggagamot ng batang nagngangalang Angela Sta.

Ana. Sa mga pagmimilagro ni Angela, umikot ang kwento hanggang sa malaman

nilang isa itong huwad na propeta na bumulag sa karamihan dahil sa panggagamot

nya.
IV. Banghay ng mga Pangyayari

a. Tagpuan

Ang pelikulang ito ay inilugar sa panahon ng digmaan. Dahil sa mga ilang

eksenang pinakita ang mga sundalong nanakop sa ating bansa ilang taon na ang

nakakaraan. Makikita sa pelikula ang mga sinaunang simbahan, bahay-

ampunan, kumbento at iba pa.

b. Protagonist

Ang mga nagsilbing bida sa pelikula ay ang apat na deakono na sina; Miguel,

Sandoval, Fabian, Marco at Carlo at maging ang dalawang pari na sina; Fr.

Ricardo at Fr. Francisco na nagpatunay na huwad na propeta si Angela.

c. Antagonist

Si Angela, ang pinakitang kontra-bida sa pelikula sa kadahilanang siya ang

huwad na propeta na sinamba ng karamihan. Sa una, makikita sa pelikula na si

Angela ay isang bida dahil sa taglay niyang manggamot sa mga may

karamdaman ngunit sa kalagitnaan hanggang tapos na parte ng pelikula

makikitang umiiba ang kanyang karakter, kong kaya siya ay maituturing na

tauhang bilog.

Obispo, na naging gahaman sa kapangyarihan. Naipakita ito sa pelikula sa

pagbaliwala nya sa mga sinasabi ni Fr. Ricardo.

Madre Cecilia, na isa sa mga gumambala sa seklusyon ng apat na deakono.

Masyadong misteryoso ang ginampanan niyang karakter dahil sa nakaraan nya.

d. Suliranin

 Paggagambala ni Angela sa apat na Deakono sa Seklusyon ng mga ito.

Pagkilala kay Angela bilang diyos dahil sa taglay niyang pagpapagaling

ng anumang karamdaman. Kung kaya’t tuluyang nabulag ang mga tao sa

kaya niyang gawin hanggang umabot na sa punto na sya na ang

sinasamba ng mga tao.

 Ang apat na Deakono ay may kanya-kanyang suliraning kinaharap buhat

ng kanilang nakaraan, na patululoy silang inuusig ng konsensya at

ginagambala. Makikita na si Miguel ay may suliranin buhat ng kanyang

nakaraan. Ito ay ang pag-iwan niya sa kanyang pinakamamahal na


dalaga para sa tawag ng bokasyon at ito ay ang pagpapari. At ang

masaklap pa ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan at pinakita sa

kanyang panaginip na nagpakamatay ito. Si Fabian, naman ay suliranin

sa pag-iwan nya sa kanyang ina. Palagi itong nagpaparamdam sa

kanyang panaginip na nagsasabing hindi ito baliw. Ang isa naman na si

Carlo, ay ang suliranin dulot ng kanyang katakawan sa pagkain. At si

Marco, na may kinaharap din na suliranin ngunit hindi matukoy kong ano

ang pinahihiwatig ng mga larawang parati niyang hawak.

e. Mga pagsubok sa paglutas ng suliranin

 Ng tuluyan ng nalaman na si Angela ay huwad na propeta pinuntahan ni

Fr. Ricardo kong saan ang seklusyon ng mga Deakono at sinubukan

nyang patayin si Angela ngunit sa kasamaang palad sya pala ang

napatay ni Angela. Ng dahil sa diyan nalaman ni Miguel na huwad pala

na propeta si Angela at hindi dapat sya ang kilalanin na Diyos kong kaya’t

pinatay ni Miguel si Angela.

 Makikitang nahihirapan na ang apat na Deakono sa pagpokus sa

kanilang pagdadasal. Ngunit patuloy nila itong nilabanan.

f. Mga ibinunga

 Dahil sa pagpatay ni Miguel kay Angela hindi sya naging ganap na pari.

Ngunit ng dahil don tuluyan ng nagising ang lahat na ang sinamba pala

nilang diyos na si Angela ay isa palang huwad na propeta.

 Sina Fabian, Carlo at Marco ang naging ganap na pari.

V. Paksa

Ang pelikulang ito ay kapupulutan ng aral ng mga manonood dahil ito ay tungkol sa

Seklusyon na isinasagawa ng simbahan sa mga Deakono bago ordinahan bilang isang

ganap na isang pari. Ang mga naturang deakono ay maninirahan muna sa isang

pribadong lugar sa loob ng isang linggo, bawal silang mag-usap-usap, wala silang ibang

gagawin kundi ang magpokus sa pagdadasal at kapag napagtagumpayan nila ang mga

panggagambala sa kanila ng mga di mapaliwanag nilang karanasan ng nakaraan, tiyak

na magtatagumpay sila at tuluyang kilalaning ganap na pari.


VI. Mga Aspektong Teknikal

a. Sinematograpiya

Angkop ang mga kulay na ginamit upang maging katakot-takot para sa mga

manonood. May mga eksenang madidilim at maliwanag na umaakma sa bawat

pangyayari.

b. Musika

Ang musikang ginamit sa pelikula ay ang mga dasal na nakakapaggimbal sa

bawat pangyayari. Lahat ng ginamit na musika ay angkop sa uri ng nasabing

pelikula.

c. Visual Effects

Napakasimple ng Visual Effects ng pelikula kumpara sa mga ibang nakakatakot

na pelikula. Napakamaabilidad lang ng gumawa nito sapagkat natural lang na

effects ang mga ginamit na angkop naman para maging isa itong nakakatakot na

pelikula. Mapapansin namang kamera lang at editing ang ginawa nila tanging

inangkop lang nila ang mga effects sa madilim at maliwanag na set-up.

d. Set Design

Magaling na ipinakita sa pelikula ang ibat-ibang set-up upang maging katakot-

takot. Kagaya ng mga anino, nakakatakot na santo at mga nakakatakot na tunog

upang magimbal ang manonood sa takot.

VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula

Pinahihiwatig ng Pelikulang ito kong paano tayo nabubuhay sa realidad kong saan

hindi natin maiiwasang mangibabaw ang kasamaan kaysa sa kabutihan dulot ng iba’t

ibang tentasyon na kinakaharap natin sa pang-araw-araw nating buhay.Sa pelikulang ito

malinaw na ipinakita ang mga ginagawa natin sa kasalukuyan kagaya ng pagsamba

natin sa mga huwad na diyos. Totoong nangyayari ito sa ngayon, hindi nating

magawang masuri kong sino ba yong dapat nating sinasamba, sa kadahilanang ayaw

nating mahirapan, ang tanging nais ng bawat isa sa atin ay yong mapadali ang proseso

ng ating buhay. Madali tayong maniwala sa mga panghihimala ng mga huwad na

propeta. Kakitaan lang natin ng panandaliang paghihimala tuluyan na nating

kakalimutan at tatalikuran ang totoong Diyos na dapat nating sambahin at paniwalaan.


Ipinakita din sa pelikula na hindi ganun kadali ang mga pinagdadaanan ng mga

naghahangad maging pari at hindi lahat ng mga miyembro ng simbahan ay nasa tama

ang pananampalataya, kagaya ng Obispo na masyadong naging gahaman sa kanyang

kapangyarihan ni hindi nya pinapakinggan ang sinasabi ni Fr. Ricardo. Kong kaya, ang

pelikulang ito ay nagsisilbing gabay sa atin upang magbago bilang isang Kristiyano na

may totoong pagsamba sa Diyos Ama sa halip na sa mga huwad na mga propeta.

You might also like