You are on page 1of 3

Pagsusuring Pampelikula

1. TUNGKOL SA PELIKULA:
Ang “Jowable” ay isang pelikula noong 2019 para sa mga taong palaging
sawi sa pag-ibig. Ito ay handog ng Viva Vilms.
2. PAMAGAT NG PELIKULA
“JOWABLE” sapagkat ipinakita rito ang tunay na pinagdaraanan ng tao
kahit ito ay kamahal-mahal ngunit hindi pa rin nagkakaroon ng “jowa.”
3. DIREKTOR
Darryl Yap
4. PRODYUSER
Vincent Del Rosario III
Vic Del Rosario Jr.
Veronique Del Rosario-Corpus
Juvy Tesalona
June Torrejon-Rufino
Darryl Yap
5. PANGUNAHING TAUHAN
Kim Molina – Elsa Mangahas
Kakai Bautista – Liberty
6. TEMA NG PELIKULA
“JOWABLE”
7. BUOD NG PELIKULA
Si Elsa (Kim Molina) ay isang babae na may problema sa
paghahanap ng isang “mature” at isang magandang relasyon. Kahit na
siya siya ay napalilibutan at suportado ng kaniyang mga kaibigan si Elsa
ay nakararamdam pa rin ng lungkot at inggit kapag siya ay nakakikita
ng mga “couples” o magkarelasyon. Hanggang sa siya ay nalulong sa
kaniyang bisyo sa pag-iinom ng alak. Isang araw, isinama siya ng
kaniyang mga kaibigan sa isang “raket” na kung saan sila ay ang
magiging “tour guide” ng mga bata ng isang “orphanage.” Dahil dito,
nakilala niya si Sister Katrina (Candy Pangilinan) isang madre at nagsabi
ito ng mga hinanaing niya sa buhay bakit sa edad niyang iyon ay wala
pa rin siyang karelasyon.
Paglipas ng mga araw, palagi pa ring lasing si Elsa hanggang sa
dumaan siya sa simbahan ng lasing at pumasok dito (ang “gate” ng
simbahan ay sarado na dahil sa oras na ito ay gabi na kaya naisipan
niyang mag-over-the-bakod). Dito ay nagdasal siya na sana ay
magkaroon na siya ng karelasyon. Sinabi niya na sa Panginoon na
“marunong naman siyang magluto”, “may baranggay certificate’, “NBI
clearance” at marami pang iba pero bakit wala pa siyang mahanap na
karelasyon. Paglabas niya ng simbahan, biglang bumuhos ang malakas
na ulan kasabay nito ang pagbuhos ng kaniyang mga luha. Biglang
napadaan at tumigil ang isang Bumbay (Jerald Napoles) at binigyan siya
ng payong at isinakay sa kaniyang motorsiklo. Dumaan ang oras at sila
ay nakarating sa isang hotel. Sa pagkakataong ito, akala ni Elsa na ang
Bumbay na ang kaniyang matagal na hinitay. Nagkaroon sila dito ng
“one night stand”.
Ilang araw ang lumipas ay bigla na lamang siyang nasusuka at
naisipan niyang bumili ng pregnancy test ng palihim upang i-test kung
siya ay buntis. Iniwasan niya ang kaniyang bisyo at inalagaan ang bata
sa kaniyang sinapupunan.
Gusto lang naman ni Elsa maranasan ang mga nararanasan ng
kaniyang mga kaibigan na magkaroon ng “mature” at isang magandang
relasyon.
8. MGA ASPETONG TEKNIKAL
Nababagay ang musikang Jowable rito. Sapagkat tama ang mga liriko
nito sa mga pangyayari sa pelikula. Sa panahon ngayon, marami rin mga
tao ang naghahanap ng kanilang makakasama panghabangbuhay at
palaging sawi sa pag-ibig. Ngunit pagkatapos ng mga pangyayaring ito ay
natututo ang isang tao. Ayon nga sa liriko ng kanta, “Oh no more, Tapos
na ‘kong magpakatanga, Oh no no more, alam ko nang tunay kong
halaga, Oh I’m Jowable.”
9. SINEMATOGRAPIYA
Maayos at malinaw ang bawat eksena.
ILAW- palaging “dim” o medyo madilim ang ilaw dito. Maganda ito
sapagkat ito ay sumasabay sa emosyon na binibigay ng karakter.
ANGGULO- ang mga anggulo ay maayos ngunit sa buong pelikula, halos
mayroon lang iisang anggulo ang ginawa.
DAMIT- simple,pormal, at casual ang mga ginamit dito depende sa
karakter na gagamit dito.
10. PAGKAKASUNUD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI
Malinaw at sunod-sunod ang mga pangyayari. Kung may “flashback”
malinaw itong naipapasok at hindi “predictable” ang wakas. Mahalaga
ang bawat pagkakasunud-sunod ng pangayyari dahil dito ay naipakita
ang tunay nangyayari sa mga tao ngayon na uhaw sa pagkakaroon ng
karelasyon.
11. PAGGANAP NG ARTISTA
Magaling ang pagganap sa bawat karakter sapagkat naibigay nito kung
ano ang nais ibigay.Sa pagganap ni Kim Molina sa ibang panood lalo na
sa Kadenang Ginto ay ibang-iba rito sa pelikula mahusay niyang
nagampanan ang “role” at nabigyang buhay niya ito.
12. TAGPUAN
Ang mga tagpuan sa pelikula ay akma sa bawat scene. Makatotohanan
lahat ng tagpuan at nagsisilbi itong isang salik na maaaring
makaaepekto sa mga manonood. Masasabi ko magastos ang produksyon
nito sapagkat sa paggamit ng mga makatotohanang tagpuan. Ang
paggamit ng pagbagsak ng ulan at pagsikat ng araw(kaumagahan) ay
akma rin sa senaryo.
13. KAHALAGANG PANTAO
Teoryang Feminismo- sapagkat makikita sa pelikula na babae ang bida
at makikita rin dito kung gaano palaban sa buhay ang mga kababaihan.
Gagawin ng lahat ng mga babae ang kanilang makakaya upang matupad
ang kanilang mga pangarap. Makikita rin dito kung paano manumit ang
mga kababaihan ngayong panahon at hindi lamang kalalakihan ang
nalululong sa bisyo pati na rin ang mga kababaihan.
Teoryang Realismo- makikita rin dito ang realism sapagkat lahat ng
pangyayari rito ay makatotohanan. Ang paghahanap ng karelasyon at
pagiging mainggitin. Dito ay makikita rin ang pagbabago ng isang tao
kung may pagkakamaling nagawa.
14. ARAL
Ang pagiging uhaw sa karelasyon ay nagdudulot ng hindi magandang
bunga kung ikaw ay hindi pa handa rito.
May taong nakalaan sa atin, hindi man dumating ngayon maaring sa
takdang panahon ay magugulat tayo at nariyan na agad.
Pahalagahan ang pamilya sapagkat sa huli, sila pa rin ang iyong
matatakbuhan sa lahat ng mga problema.
15. KABUUANG PANANAW
Ang pelikula ay may magandang aral. Dahil ang lahat ay dumadating sa
tamang pagkakataon. Huwag madaliin ang pagpasok sa relasyon kung
hindi ka pa handa sa magiging bunga nito. Mairerekomenda ko ito sa
mga kabataan upang hindi sila magmadali at hindi sila malihis ng
landas. Sa pagiging bulgar ng pelikulang ito, ito ang magiging daan
upang mas maintindihan ang mga dapat pang intindihin ng mga
kabataan ngayon.

You might also like