You are on page 1of 5

BALIWAG POLYTECHNIC COLLEGE

INSTITUTE OF ARTS AND SCIENCES

PINAL NA QUIZ
SINESOS-PELIKULANG PANLIPUNAN
PANGALAN: GEMMA G. VILLANGCA MARKA:

KURSO AT SEKSYON: BEED I-A PETSA: OKTUBRE 1, 2021

PANUNURING PAMPELIKULA BATAY KAY NENITA PAPA

I. Pamagat ng Pelikula- SISTER ESTELLA


B. Direktor- G. Mike De Leon
II. Buod

Isang pagmimisa ang nagaganap na kung saan ay isa si Sister Estella Legaspi (Vilma Santos)csa mga
dumalo. Ang kwento ay nakapokus sa kaniya. Sa pelikulang ito ipinakita ang kaniyang mga Gawain
bilang isang lingcod ng Diyos. Sa simula ay maayos ang takbo ng pamumuhay ngunit ng makita sila ng
kaiyang katukayo na madre rin (Laurice Guillen), nagbago ang kaniyang mga pananaw. Hinihikayat siya
nitong sumali sa kanilang mga kilusan na tumutulong sa pagpoprotesta ukol sa kanilang karapatan.

Nakilala ni Sister Stella si Ka Dencio (Tony Santos) na lider ng kilusan at isang manggagawa maging
ang kaniyang asawa na si Ka Auring (Anita Linda) na siyang nag-aasikaso sa pagpoprotesta. Nalagay sa
panganib ang buhay nina Ka Dencio, Sister Stella at Nick. Ginawa ito upang magsilbing pananakot sa
mga manggagawang nakikibaka. Nang mamatay si Ka Dencio, lalong umigting ang pagpoprotesta ng
kilusang manggagawa na nilahukan ng marami. Dito nagtipon-tipon ang maraming tao upang suportahan
ang kanilang adhikain.

Nagtapos ang kwento nang si Sister Stella ay magbigayng isang taumpati. Dito inilahad ni Sister
Estella tungkol sa kaniyang nasaksihang pagpapahirap kay Ka Dencio. Binigyan rin niya ng pansin ang
pagmamalabis ng mga may kapangyarihan sa pamahalaan. Ngunit sa kabila nito naroon parin ang
paninindigan na ipinaglaban ang karapatang pantao. Nakita ang katapangan at ang pagiging buo ang loob
ng mga lumahok sa kilos protesta at ni Sister Estella.

Pagsusuri
A. Uri ng Panitikan
-Pagbibigay ng uri at pagpapaliwanag tungkol dito ( uri ng pelikulang panlipunan

Ang uri ng panitikan ng pelikulang ito ay Panlipunan. Dito ipinakita ang suliraning panlipunan
na kung saanmas nagpahirap sa mga Pilipino. Ito ay ang pagmamalabis o pang-aabuso sa mga
Karapatan ng mga manggagawa na kung saan ay sinisikil ang kanilang mga karapatan. Ito ay
ang pagkakaroon ng maayos na sahod at ang matiwasay at naaayon sa batas na paghahanap
buhay.

B. Istilo ng Paglalahad
- Paraan ng paglalahad ng mga kaisipan o pangyayari (patumbalik-isip, daloy ng kaisipan, in media
res at iba pa)

Ang istilo ng paglalahad ay daloy ng isip na kung saan maayos ang pagkakasunod-sunod ng
kwento sa bawat eksena. Hindi ito nakitaan ng patumbalik-isip o media res. Mahusay rin
ang paglalahad ng mga kaganapan sa palikula. Naipabatid nila sa mga manonood ang
kanilang nais ipaabot sa lipunan.
BALIWAG POLYTECHNIC COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS AND SCIENCES

C. Sariling Rekasyon
1. Pananaig Pampanitikan/Teorya

Teoryang Sosyolohikal- Ipinakita ang kalagayan at suliranin ng lipunan na nilang


nilalabanan sa pamamagitan ng pagwewega upang maipaabot nila sa kinauukulan ang
kanilang mga hinaing at upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan bilang tao at
Kristiyano.

Teoryang Moralistiko- Inilahad dito ang pamantayan ng moral kung ano ang tama at mali.
Gumamit ng dahas ang mga kapitalista sa kabila ng mga maraming kaparaanan upang
maiwasan ito. Hindi na kailangan na umabot sa mga malinghakbang ng tao na nagdudulot
ng karahasan tulad ng pagpatay sa iba.

Teoryang Realismo- Naipakita ang tunay na kaganapan sa mga isinasagawang pagwewelga.


Naipapahayag ang suliranin at mga solusyon na nais nilang makamit sa kabila ng mga
banta sa buhay. Ipinaglalaban nila ang kanilang mga karapatan at karapatan ng mga
manggagawa.

Teoryang Feminismo-Markismo- Naipakita dito ang pakikilahok ng mga Madre at ng mga


kababaihan sa pagwewelga na kung saan nais nilang kilalanin ng lipunan ang kanilang mga
karapatan bilang mamamayan at kristiyano.

2. Mga Pansin at Puna


a. Mga Tauhan
TAUHAN TUNGKULIN

1. Vilma Santos bilang Isang madre, tumutulong sa mga


Sister Stella Legaspi pagpoprotesta

2. John Ilaga bilang Nick Dating kasintahan ni Sister Stella L at isang


Fajardo manunulat sa dyaryo.

3. Gina Alajar bilang Gigi Biktima ng mga pang-aapi ng lipunan.

4. Laurice Guillen bilang Isa ring madre sa pelikula. Katuwang sa


Sister Stella Bautista pagpoprotesta.

5. Tony Santos bilang Ka Lider ng Union ng mga manggagawa.


Dencio

6. Anita Linda bilang Asawa ni Ka Dencio. Nagaasikaso sa mga


Auring nakikilahok sa protesta

7. Liza Lorena Magazine Editor

8. Eddie Infante bilang Ka Miyembro ng union na isa rin manggagawa.


Sidring

9. Ruben Rustia Factory Manager

10. Rody Vera bilang Roger Miyembro ng union na isa rin manggagawa.

b. Galaw ng Pangyayari
BALIWAG POLYTECHNIC COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS AND SCIENCES

Naipakita ang maayos na pagkakasunod-sunod ng kwento sa bawat eksena.


May simula, tunggalian o naging suliranin at ang pangwakas kung paano ito natapos ng mmay
magandang naibahagi o aral na nakintal sa mga manonood. Hindi paulit-ulit ang mga eksena na
nagaganapsa kwento. Hindi paligoy-ligoy ang mga aral nan ais iparating ng may akda ng pelikula.

3. Bisang Pampanitikam
a. Bisa sa Isip

Naitatak sa isipan na dapat ipaglaban ang ating mga karapatan lalo na kung ito ay
tama. Ngunit sa pakikipaglaban sa karapatan, dapar handa ang ating puso at isipan sa
mga magaganap o mangyayaring hindi kanais-nais. Naipakita rin dito ang Dalisay na
pananampalataya at pakikibaka ni Sister Estella

b. Bisa sa Damdamin

Napukaw sa damdamin noong dukutin sila Sister Estella at Nick. Nakilala nila si Mang
Dencio at nasaksihan ang pagpapahirap dito. Muntik na rin halayin si Sister Estella sa
pelikulang ito. Ramdam ko ang takot at lungkot sa mga pangyayaring ito.

c. Bisa sa Kaasalan

Ipinakita ang disiplina, mga ugaling Pilipino na maka-Diyos, pagkakaisa atang tiwala sa
magagawa ng kapwa.

d. Bisa sa Lipunan

Naibahagi sa pelikula ang hirap na pinagdadaanan ng mga manggagawa, ang pang-


aabuso sa kanilang mga karapatan. Ang mga benepisyo at kaukulang sahod na hindi
ibinibigay sa mga ito. Ang naging lakas nila upang labanan ang mga kapitalista na kung
saan hanggang ngayon ay nakikita parin natin na hindi parin nabibigyan ng kaukulang
pansin ang kanilang mga hinaing at ipinaglalaban.

e. Sequence Iskrip

Naipakita sa pelikulang ito ang maayos na pagkakasunod-sunod ng kwento sa


bawat eksena na kung saan may simula, tunggalian o pagsibol ng suliranain at
ang pagwawakas na may naibabahaging aral sa mga manonood.

f. Sinematograpiya

Naipamalas ang husay sa wastong pagkuha ng bawat anggulo sa mga eksena ng


pelikula. Maayos din na naipakita sa mga manonood ang wastong timpla ng ilaw
sa lente ng kamera.

g. Pananaliksik o Riserts

Makikita ang husay sa paggawa ng mga riserts o pananaliksik sapagkat


naipakita nila ang mga makatotohanang pangyayari na nagaganap sa lipunan
gaya ng mga nagaganap sa isang kilos protesta. Naibigay ang mga emosyon at
aksyon na nararapat sa pelikula.
BALIWAG POLYTECHNIC COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS AND SCIENCES

h. Pagdidirehe

Naipamalas ng director ang kaniyang husay sa paggawa ng pelikula. Naipakita


niya ang mga nais niyang mangyari at mabuo sa isipan ng mga manonood na
siyang nagbigay interes sa mga ito at siyang nagpaganda sa pelikula.

i. Pag-eedit

Naipakita ang kamangha-manghang pagpuputol at pagdurugtong dugtong ng


mga eksena na nakunan na at ang paglalapat ng mga musika sa pelikula na higit
na nakapagbigay ng mabigat na emosyon sa bawat eksena.

III. Pagpapahalaga Ayon sa Nilalaman


1. Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan

Dito makikita natin ang literal na pabrika na kung saan madalas pumapasok at naghahanap-
buhay ang mga tao. Naipakita rin dito ang pagkakaisa ng mga manggagawa sa kanilang mga
adhikain at pakikibaka.

2. Kulturang Pilipino

Ang paggamit ng mga magagalang na pananalita at ang pagrespeto sa mga Lingkod ng


simbahan, lubos na pagtitiwala sa kapwa at ang matapang na pakikibaka ng mga manggagawa.

3. Pilosopiyang Pilipino

“Maninidigan para sa karapatan.” Dito naipamalas ng mga tauhan sa pelikula ang pagkakaisa
upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

4. Simbolismong Pilipino

“Paggamit ng PO at OPO”. Ang pagaasikaso sa kapwa sa kabila ng pagiginghindi


magkakakilala nito. At ang paggalang sa Diyos at Relihiyon. Ang pagpapakita ng paggalang sa
Madre at lider ng union.

IV. Implikasyon
1. Kalagayang Panlipunan/Pambansa

Ipinapakita rito ang mahirap na kalagayan ng mga manggagawa na sa kabila ng kahirapan ay


napagkakitaan pa rin ng mga bagay na lalong nagpahirap sa kanilang buhay.

2. Kalagayang Pangkabuhayan

Sa kasalukuyang panahon, marami ang nawalan ng hanap-buhay dahil sa pakikibaka nila sa


kanilang karapatan. Sinisikil ang kanilang karapatan na makatanggap ng sahod na
makabubuhay sa kanila at kanilang pamilya. Maaari kong gawing halimbawa ang mga
Frontliners na mga Health Workers na hanggang sa ngayon ay may suliranin parin na hindi
natatanggap na mga sweldo at allowances. Nagsasagawa na rin sila ng mga kilos protesta at
mga pagwewelga ngunit tila walang sagot ang pamahalaan ukol dito o di kaya lubhang matgaal
ang proseso ng pagkuha ng mga nasabing kompensasyon.

3. Kalagayang Pansarili
BALIWAG POLYTECHNIC COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS AND SCIENCES

Ang naiwang aral nito sa akin ay ang pagiging matatag at ang pagsunod sa kung ano ang nais
ng iyong puso. Ang pagtulong sa kapwa na walang hinihinging kapalit at ang ipaglaban kung ano
ang sa ating paniniwala ay tama at tuwid.

You might also like