You are on page 1of 2

Gawain #4

1. Panoorin ang pelikulang “Ang Babaeng Humayo”. At sagutin ang mga sumusunod na
kahingian.

Punan ang mga Elemento sa Pagsusuri ng Pelikula.

1. Panimula

Nagsimula agad ang pelikula kung saan nakakulong na si Horacia sa isang correctional
facility at binigyan ito ng curiosity ang mga manonood dahil iisipin nila kung bakit nasa
kulungan ang pangunahing tauhan sa pelikula.

2. Tema

Umikot ang kwento sa dalawa: paghihiganti at walang katarungan sa ating bansa. Ang

patuloy na pagbabalewala sa mga mamamayan dahil sa kayamanan, kasakiman at

kapangyarihan, ang pagkawala ng hustisya sa ating bansa, ang mga maduduming gawain na

nagiging normal na lang na balita para sa ating mga mamamayam.

Umikot din naman ang pelikula sa paghihiganti ni Horatia kay Rodrigo. Ngunit hindi

ito ang karaniwang paghihiganti na madalas nating mapanood na nagiging bayolente o

madrama ang pangunahing karakter o tauhan.

3. Tauhan

Umikot lamang ang mga kwento sa apat na pangunahing tauhan na sila Horacia,

Hollanda, Rodrigo at ang magbabalot. Kung titignan, hindi naging malaki ang parte sa pelikula

ang kaniyang anak. Mayroon din naming mga ekstra na tauhan na nagkaroon ng malaking

parte sa kwento kahit kakaunti lamang ang kanilang dayalogo.

4. Editing ng Pelikula

Hindi rin karaniwan ang ginawang editing ng pelikula kung kaya’t mas naging unique

o kakaiba ito kaysa sa mga kadalasang pelikula. May mga scenes o ganap kung saan ang mga

tauhan ay nakatalikod sa kamera, na hindi madalas mangyari sa pelikula. Ibang anggulo rin

ang ginamit ng director upang kuhanan ang mga pangunahing tauhan na hindi rin madalas

makita sa ibang pelikula.

Maari na maging matamlay ang dating ng pelikula dahil ang kulay nito ay black and
white ngunit habang pinapanood nito ay mauunawaan naming kung bakit ganon ang piniling

kulay ng director, at ito ay para umangkop sa intension at mensaheng nais nilang iparating.

5. Paglalapat ng Musika at Tunog

Hindi gumamit ng mga sound effects at background music kung kaya’t isa talaga itong

kakaibang pelikula kung ikukumpara sa iba. Mas binigyang pokus dito ang katahimikan,

dayalogo at natural na ingay sa pinaggaganapan ng pelikula. Mas naipakita, naipahiwatig at

naiparating sa mga manonood ang intension kahit katahimikan lang ang mayroon.

6. Paglalapat ng Dulog Pampanitikan

Ang dulog na ginamit dito ay Realismo at ginamitan ito ng dalawang uri ng realismo;

Panlipunang Realismo at Sikolohikal na Realismo.

Inilarawan sa pelikula ang buhay ni Horatia na naging biktima siya ng kawalan ng

katarungan at hustisya sa ating bansa. Ikinulong siya ng 30 na taon kahit siya ay walang sala.

Binigyang pokus din ang buhay ng kahirapan ng mga iba pang tauhan katulad nila Hollanda,

ang babae sa may simbahan at ang nagtitinda ng balot.

Bukod pa rito, inilarawan din ang naging motibasyon ni Horatia para siya ay

maghiganti at kung bakit hindi niya na tinuloy ang kaniyang paghihiganti sa huli. Ipinakita rin

bakit nagpasya si Hollanda na siya nalang ang maghiganti sa ngalan ni Horatia.

7. Konklusyon at Rekomendasyon

Maraming katanungan ang naiwan at hindi nasagot sa dulo ng pelikula o maaaring


ganon talaga ang intension ng director dahil wala talaga tayong makukuhang katapusan
hangga’t walang hustisya at pagkalaya sa ating nakaraan at ating mga nararamdaman. Sa
aking palagay ay binigyan nila ang pelikula ng isang open ending
Sa isang normal na pelikula, ang Ang Babaeng Humayo ay sobrang tagal panoorin. Ang
haba nito ay katumbas na ng dalawang pelikula. Sa aking rekomendasyon ay bawasan ang
mga dead scenes na hindi naman importante sa kwento dahil ito ang nagiging dahilan ng mga
manonood para sila ay mabored at huwag ng ituloy ang panonood.

You might also like