You are on page 1of 2

1.

Panimula

Ang pelikulang “Everything About Her” ay dinerektahan ni Joyce Bernal noong 2016. Ang simula ng
pelikula ay ang pagpapakita sa mga karakter at kung ano ang kanilang mga ugali sa pelikula, simula rin
ang parte nang malaman ni Vivian na ginampanan ni Vilma Santos na siya ay may malalang sakit.Si Jaica
naman na ginampanan ni Angel Locsin ay isang nurse, ulila sa ina dahil sila ay iniwan upang magtrabaho
sa ibang bansa.

2. Tema

Malinaw na naipakita ng pelikula ang tema nito sa mga manonood. Ang tema ng pelikulang
everything about her ay naka pokus sa isang ina at sa mga pagsubok na pinagdaanan nito na mas pinili
ang trabaho kaysa sa kaniayng pamilya. Ipinakita sa pelikula kung gaano kalaki and dulot nito sa isang
pamilya lalo na sa kaniyang mga anak na kaniyang naiwan na labis labis ang paghahanap ng pagkalinga
at panahon sa kanilang ina. Ang pag kakaroon ng galit ng mga anak sa kakulangan ng pag kalinga ng
isang ina ay ipinakita bilang isang pangunahing epekto nito sa ginawa ng kanilang ina.

3. Tauhan

Ginampaman ni Vilma Santos ang karakter na si Vivian, kilala bilang matapang, istrikta, at may
pinakamataas na posisyon sa kanyang kumpanya. Bumagay sa kanya ang karkter na ito at ito ay
nagampanan niya ng Mabuti. Xian Lim bilang Albert, nagiisang anak ni Vivian na naninirahan sa Amerika
na may hinanakit at sama ng loob sa ina. Hindi siya nasubaybayan sa paglaki dahil naging abala ang ina
nito sa kanyang propesyon. Naging maganda ang pag ganap ni Xian Lim sa kanyang karakter. Si Angel
Locsin naman ay ginampanan ang karter ni Jaica na isang Private nurse na mag aalaga kay Vivian.
Maganda ang kanyang pag arte sa pelikulang ito, natural at hindi pilit ang pag arte.

4. Editing ng Pelikula

Ang editing ng pelikula ay maayos dahil maganda ang pagkakasunod sunod ng mga eksena at
naiintindihan ng mga manonod ang buong istorya ng pelikula. Maganda ang bawat pasok ng eksena,
walang eksena na magulo ang transisyon, sa madaling salita ay maganda anmg pag kakatahi tahi ng
kuwento sa pelikula.

5. Paglalapat ng Musika at Tunog

Ang musika ay maganda at naaayon sapagkat nalalapatan ang mga eksena ng mga musika.
Ang pagkakapasok ng bawat tunog sa musika na ginamit sa pelikula ay maayos. Ganun rin sa mga
eksenang malungkot, nakakatawa, at sa mga iba pang pagkakataon kung masaya ang eksena ay masaya
rin ang musika. Bilang manonood ay nadadala rin ako sa bawat emosyon, sa bawat eksena, napaganda
ng musika ang pelikula. Isang halimbawa nalang sa eksenang si Albert ay ginagamot sa ospital dahil siya
ay naaksidente, habang si Vivian naman ay sinusubukang tawagan siya, may background music sa
eksenang iyon na “Something in me”.

6. Konklusyon at Rekomendasyon

Ang aking masasabi sa pelikulang ito ay ito ay lubos na maganda. Ang mga artista na gumanap ay
talagang napaka husay at dahil nadin sa maayos na paglalapat sa pelikula ng mga tunog musika at sa
magandang daloy ng istorya. Ang mga aral at leksyon sa pelikualng ito ay hindi lamang pang telebisyon
ito rin ay magagamit nating mga manonood sa ating sariling buhay. Ang aking mairerekomenda sa
pelikulang ito ay ang pang wakas. Ang aking nais na pang wakas ay muling magkita ang mga anak at ang
kanilang si Vivian gayundin ang kasal ni Jaica at Albert, ito ay hindi na ipinakita sa wakas ng pelikula
gayun pa man ito ay aking inaasahan na mangyayari sa pang wakas na parte ng pelikula kaya ako ay labis
na nabitin.

Panghuling Pagtataya.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Sa iyong pagkaunawa, ano ang ibig sabihin ng kasarian?

Ang kasarian ay isang salitang tumutukoy sa uri, klase, salin ng lahi o lahi na kinabibilangan ng
isang hanay ng mga bagay o nilalang na magkatulad na katangian, iyon ay, na nagbabahagi ng mga
elemento tulad ng genes, hugis o mga katangian.

2. Anu-anong mga suliranin ang kaugnay ng kasarian ang umiiral sa kasalukuyan? Magbigay ng mga
tiyak na halimbawang sitwasyon.

Ang diskriminasyon at karahasan mga kinahaharap na suliranin kaugnay ng kasarian. Ang


halimbawa ng diskriminasyon ay ang pag ekslusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang,pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan
o kalayaan. Ang karahasan ay nangyayari mapa lalake o babae ito ay hindi na bago sa ating lipunan.
Kadalasan Ito ay maaaring nangyayari mismo sa loob ng tahanan at ito ay kadalasan na ginagawa ng mga
tao na hindi pantay ang pagtingin sa kasarian.

3. Magbigay nang dalawang diyalogo na nagustuhan mo sa pelikula at ipaliwanag kung bakit mo ito
napili?

“Galit ako sayo at hindi pa ako tapos magalit sa iyo. “ ito ang binitawang salita ni Albert sa Kanyang in
ana si Vivian ng sila ay nag karoon ng komprantasyon. Makikita dito ang lungkot, pangungulila ng
kanyang emosyon na naipakita ng karakter sa pelikula.

“punyetang cancer ito, ginagawa akong nanay ulit.” Ito ang sinabi ni Vivian kay Jaica ng sila ay nag
uusap. Dito ipinakita na kahit gaano katagal nawalay ang ina sa anak ay hindi basta basta malilipasan ng
panahon ang pag mamahal ng ina sa kanyang anak.

4. Ano ang simbolismo o kaugnayan ng aso sa buhay ng pamilya ni Jaica?

Ang simbolismo ng aso sa buhay ng pamilya ni jaica ay ang kanilang nanay. Pinangalanan nila
itong NANAY sa kadahilanang sila ay nag hahanap ng kalinga at panahon na makasama ang kanilang ina.
Ang aso ay palagi ding nawawala na sumisimbolo sa kanilang ina na palaging nawawala at hindi nila
nakakasama

You might also like