You are on page 1of 2

NAME: GRANT KYLE DE GUZMAN DATE: SEPTEMBER 12 ,

2022

YEAR: BSMT-3 PAKSA: SINOSYEDAD


Pagsulat ng Rebyung Pampelikula
INTRODUKSYON
Petsa nang Pagpapalabas: Setyembre 28, 2016
Haba nang Pelikula: 3oras 37minuto
Direktor: Lav Diaz
Kategorya: Drama
Panulat ni: Lav Diaz
Prodyusers: Lav Diaz
Bida sa Pelikula: Charo Santos-Concio (Horacia), John Lloyd Cruz (Hollanda), Cacai Baustista (Dading),
Michael De Mesa (Rodrigo), Sharmaine Buencamino (Petra)
Taga-pamahagi: Star Cinema
Bansa: Pilipinas
Lingguwahe: Tagalog, Ingles
Inspirasyon: God Sees The truth But Waits ni Leo Tolstoy
Parangal: Best Picture sa Golden Lion Award nang 73rd Venice International Film Festival

KATAWAN
Nagsimula agad ang pelikula kung saan nakakulong na si Horacia sa isangcorrectional facility at binigyan
ito ng curiosityang mga manonood dahil iisipinnila kung bakit nasa kulungan ang pangunahing tauhan sa
pelikula. Umikot ang kwento sa dalawa: paghihiganti at walang katarungan sa atingbansa. Ang patuloy na
pagbabalewala sa mga mamamayan dahil sa kayamanan, kasakiman at kapangyarihan, ang pagkawala ng
hustisya sa ating bansa, ang mgamaduduming gawain na nagiging normal na lang na balita para sa ating
mgamamamayam.Umikot din naman ang pelikula sa paghihiganti ni Horatia kay Rodrigo.Ngunit hindi ito
ang karaniwang paghihiganti na madalas nating mapanood nanagiging bayolente o madrama ang
pangunahing karakter o tauhan. Umikot lamang ang mga kwento sa apat na pangunahing tauhan na
silaHoracia, Hollanda, Rodrigo at ang magbabalot. Kung titignan, hindi naging Malaki ang parte sa
pelikula ang kaniyang anak. Mayroon din naming mga ekstra natauhan na nagkaroon ng malaking parte
sa kwento kahit kakaunti lamang ang kanilang dayalogo. rin karaniwan ang ginawang editing ng pelikula
kung kaya't mas naging unique o kakaiba ito kaysa sa mga kadalasang pelikula. May mga scenes oganap
kung saan ang mga tauhan ay nakatalikod sa kamera, na hindi madalas mangyari sa pelikula. Ibang ang
gulo rin ang ginamit ng director upang kuhananang mga pangunahing tauhan na hindi rin madalas makita
sa ibang pelikula.Maari na maging matamlay ang dating ng pelikula dahil ang kulay nito ayblack and
white ngunit habang pinapanood nito ay mauunawaan naming kungbakit ganon ang piniling kulay ng
director, at ito ay para umangkop sa intension at mensaheng nais nilang iparating. Hindi gumamit ng mga
sound effects at background music kung kaya't isatalaga itong kakaibang pelikula kung ikukumpara sa
iba. Mas binigyang pokus ditoang katahimikan, dayalogo at natural na ingay sa pinag gaganapan ng
pelikula.Mas naipakita, naipahiwatig at naiparating sa mga manonood ang intension kahitkatahimikan
lang ang mayroon. Ang dulog na ginamit dito ay Realismo at ginamitan ito ng dalawang uri ngrealismo;
Panlipunang Realismo at Sikolohikal na Realismo. Inilarawan sa pelikula ang buhay ni Horatia na naging
biktima siya ngkawalan ng katarungan at hustisya sa ating bansa. Ikinulong siya ng 30 na taonkahit siya
ay walang sala. Binigyang pokus din ang buhay ng kahirapan ng mga ibapang tauhan katulad nila
Hollanda, ang babae sa may simbahan at ang nagtitindang balot.Bukod pa rito, inilarawan din ang naging
motibasyon ni Horatia para siyaay maghiganti at kung bakit hindi niya na tinuloy ang kaniyang
paghihiganti sahuli. Ipinakita rin bakit nagpasya si Hollanda na siya nalang ang maghiganti sangalan ni
Horatia

KONGKLUSYON

Maraming katanungan ang naiwan at hindi nasagot sa dulo ng pelikula omaaaring ganon talaga ang
intension ng director dahil wala talaga tayongmakukuhang katapusan hangga't walang hustisya at
pagkalaya sa ating nakaraanat ating mga nararamdaman. Sa aking palagay ay binigyan nila ang pelikula
ngisang open endingSa isang normal na pelikula, ang Ang Babaeng Humayoay sobrang tagalpanoorin.
Ang haba nito ay katumbas na ng dalawang pelikula. Sa akingrekomendasyon ay bawasan ang mga dead
scenesna hindi naman importante sakwento dahil ito ang nagiging dahilan ng mga manonood para sila ay
maboredathuwag ng ituloy ang panonood.

You might also like