You are on page 1of 2

Kasakimang Dulot ng Pera

Niel Ian Galendez


(Miyerkules, 1:30PM hanggang 4:30PM)

Sa pelikulang “Ang Huling Birhen sa Lupa”, inilalarawan ang mga kababaihan na mga kalapating
mababa ang lipad o kumikita lamang sila sa pagbebenta ng kanilang katawan sa mga taga lungsod at pati rin
sa isla. Isa ito sa paraan upang sila ay magkapera at may eksena sa pelikula na pinapakita ang mga batang
babae na pinapaubaya ng kanilang mga magulang para kumita sila. Kahit labag ito sa kalooban ng mga anak
nila, hinahayaan lamang nila itong isama at gamitin upang makakuha ng maraming pera. Ito na ang naging
paraan ng hanapbuhay ng ibang pamilya sa isla na siyang naging suliranin at trauma ng mga babaeng anak
na walang magawa kundi sundin ang mga magulang nila.

Sa kabuuang konteksto, hindi ko masasabing mahina o malakas ba ang mga kababaihan sa pelikula.
Datapuwa’t, halos naman ng mga kababaihan sa pelikula ay naging mahina para ipaglaban ang kanilang
karapatan bilang tao. Halimbawa na lamang ay ang pagpilit ng mga batang babae na sumama sa mga
kalalakihan upang ibenta ang katawan nila sa lungsod. Isa ito sa patunay na naging mahina silang ipaglaban
ang kanilang sarili para lamang sa pagkamit at pagkabulag sa salapi o perang makukuha ng mga magulang
nila. Ngunit, hindi ko masasabing lahat sila dahil sa kapitan ng isla na isang babae na may malakas na
katangian. Ginampanan niyang papel sa pelikula ay may malakas na katangian sa pamumuno at pagpaplano
ng hindi kaaya-ayang gawain na nagdulot ng pagluluksa ng pamilya ni Cion. May malakas siyang katangian
dahil pinamunuan niya ang isla at isa siya sa gumamit kay Cion upang makuha ang hinahangad na kaunlaran.
Bukod dito, nagawa din nila sa utos ng kapitan na pumatay ng taong masasabi nilang hadlang sa kanilang
mga plano. Kaya, sa pangkalahatang pag-aanalisa, may katangiang mahina ang mga kababaihan sa pelikula
at meron ding pinakita na malakas na kapangyarihang kinatawan ng isang babae sa pelikula.

Isang kalakasan ng pelikula ay ang mga artista nito lalong lalo na kung paano nila ginampanan ang
papel nila sa pelikula. Napakanatural ang acting nilang lahat at hindi ko napansin na sila ay may ilangan sa
isa’t isa. Maraming eksena sa pelikula na malaswa at napakagaling nilang lahat sa paraang hindi nila inisip
masyado ang masasabi ng mga tao kung mapanood ito. Mula sa pag iyak, pagsigaw at paglalahad ng
ekspresyon ng mga aktor, makikita mo ang galing at husay nila sa bawat eksena sa pelikula. Bukod dito,
isang kalakasan din ng pelikula ay ang disenyong pamproduksiyon. Kahanga-hanga ito dahil sa mismong
location/set na alam kong mahirap ang pagpunta roon at napakaganda ng napili nilang lokasyon. Sa mga
kasuotan naman, simple lang ito at hindi gaanong grande dahil sa estado ng pamumuhay ng mga tao sa
pelikula kaya madadala at masasabing mahusay din ang pagplano sa kanilang kasuotan. Ang huli ay ang mga
props na nakakamangha rin lalong lalo na ang munting kapilya na ginawa nila para sa pelikula. Pati na rin ang
mga bangka na ginamit at iba pang props na nagpaganda ng pelikula.

Ang pelikulang ang “Ang Huling Birhen sa Lupa” ay nagpapakita ng isang makatotohanang
pangyayari sa mundo. Ipinapahiwatig ng pelikula ang masaklap na katotohanan kung paano nabulag ang
mga tao sa pera na nagdulot sa kanila ng kasakiman. Isa na sa patunay ang nagpanggap ng isang pari para
makapag hanapbuhay. Siya ay isang kriminal na siyang pumatay sa totoong pari sana ng isla sa tunguhin na
magkapera. Isang kasakiman ito sa paraang inuto niya ang mga taong tunay na nananalig at nagtitiwala sa
kanya at sa Panginoon. Bukod dito, isa rin sa nabulag sa katotohanan para lang magkapera ay ang naibigan
nito na si Lorena. Siya ay naging isang kalapating mababa ang lipad na ang ibig sabihin ay binibenta niya
ang kanyang katawan para magkaroon ng pera. Ang panghuli naman ay ang kapitan ng isla at ang kasapi
nito. Sila ay nabulag din sa pera na siyang nagdulot ng kasakiman tulad ng pagpatay at paggamit kay Cion
upang maraming donasyon ang mapunta sa kanya at pati na rin sa mga kasamahan nito. Hindi natin
matanggi na makabuluhan pa rin sa kasalukuyan ang paksa ng pelikula. Marami pa ring mga tao na nasisilaw
sa kayamanan o pera na isa sa mga dahilan at ugat ng kasakiman.

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa nakaraan, kasalukuyan at pati rin sa hinaharap.
Mailalarawan ko ang lipunan batay sa pelikula sa pamamagitan ng pagsuri ng masinsinan. Umiral na ang
kasakiman noon pa dahil sa per ana humahantong sa pagpatay ng tao, walang awa sa mga maaring mangyari
sa kanila at pagkaitan ng karapatan sa buhay. Ang paksa sa pelikula ay isa ring suliraning pangkasalukayan.
Dito natin masasabing may malaking dulot ng kasamaan talaga ang pagkasilaw sa pera at pagkabulag sa
katotohanan. Kung gayun, nailalarawan pa rin ng pelikula ang kasalukuyang suliraning hindi pa rin
maiiwasan ng maraming tao. Isa sa halimbawa nito ay tuwing eleksyon kung saan ang mga tatakbong
kandidato sa kung anong posisyon ay nagbibigay ng pera na naging daan upang manalo. Nagpapahiwatig
ito na nabubulag agad ang mga tao sa perang ibinigay sa kanila at direkta nilang mapagdesisyonan na iboboto
nila ito. Hindi nila naisip ang kapakanan ng bansa at kaunlaran nito. Bukod dito, isa rin ang korapsyon na
isinasagisag ng pelikula lalong lalo na sa kapitan ng isla. Naging hanapbuhay niya ang mismong himalang
naganap sa lugar nito para sa pansariling interes. Nabibigyan din naman niya ng pansin at pagpaganda ng
isla ngunit ang pangunahing layunin nito ay para sa pagpapayaman niya.

Hindi lamang sa ating henerasyon o sa kasalukuyan maaaring makaapekto ang suliraning ipinakita
sa pelikula. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya o sa madaling salita ay
sa hinaharap kung hindi natin imulat ang ating mga mata sa katotohanan. Masaya ang magkapera, ngunit
mas masaya kung ito ay pinaghirapan na ayon sa kabutihan. Marapat lamang na hanggang maaga ay
matauhan tayong lahat at kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang
kinakaharap. Samakatuwid, malaki ang ambag ng bawat isa sa pakakaroon ng mabuti at malinis na hangarin
sa pera pati na sa buhay. Huwag na sana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa mga
pangyayaring tulad nito sa hinaharap.

You might also like