You are on page 1of 7

Bataan Peninsula State University

Balanga City, Bataan

PANUNURING PAMPELIKULA
Sa SINESOSYEDAD

Ipinasa ni:
Justine P. Campos
BTVTE-HRS 1A

Ipinasa kay:

G. Vonhoepper N. Ferrer, MAF

Petsa:
October 26 , 2023
Panunuring Pampelikula

I. Tungkol sa Pelikula
Ang “ Mga Munting Tinig” ay isang pelikulang naglalarawan sa katotohanan kung paano
namumuhay ang mga Pilipino sa lipunan. Kung paano nalulugmok sa kahirapan ang mga
Pilipoino sa kahirapan at karahasan ng tadhana. Kung saan naniniwala ang lahat na di ka
pwedeng mangarap ng kahit ano dahil nasa pinakamababang antas ka ng lipunan.
Bagaman, mayroon at mayroon paring magpapabago ng lahat ng ito. May isang tao na
kayang baliktarin ang mga pinaniniwalang tadhana ng mga tao. At ang maririnig mo ang
isang tinig na maggagabay sayo sa tamang landas.

A. Pamagat ng Pelikula: MGA MUNTING TINIG

PANIMULA:

B. (Pangalan ng Direktor)

● Gil Portes and Adolfo Alix, Jr.

C. (Pangalan ng prodyuser o mga prodyuser)

● Gil M. Portes

● Eric Manlunas

● Marissa Dames

● Rey Cuerdo
● Cresencio Bendijo

● Jose Almojuela

D. (Mga Pangunahing Tauhan:

(Pangalan ng karakter – Artistang gumanap – Paglalarawan)

1. Melinda- (Alessandra de Rossi) – Siya ang naging daan at nagpakita ng katatagan ng loob sa
mga batang may munting tinig. Si Melinda ay may matibay na paninindigan at didikasyon sa
kanyang ginagawa sa buhay. Ang mga pagsubok at maling Sistema sa paligid ay kanyang
binabago at hindi sinusukoan basta alam niyang ikakabuti ng iba.

2. Mrs. Pantalan- (Dexter Doria) – Ang gurong may mabuting hangarin ngunit nakatingin sa
maling sistema.

3. Chayong– (Gina Alajar) – Si chayong ang naging sumuporta sa mga nagiging desisyon ng
ating bida o ni Melinda. Si ay may mabuting para gampanan ang pagiging ina, nais niyang
mapabuti ang mga tao sa paligid niya at wag sumusuko sa mga hamon ng buhay.

4. Luz– (Amy Austria) – Si Luz lamang ang tanging ina na bukas ang isipan na tumulong kay
Melinda para sa ikakabuti ng mga batang may pangarap. Si luz din ay nagpakita ng katatagan
sa buhay, kahip pa nawalan ng asawat anak na tinging ito lamang ang pinagkukuhanan ng
lakas ng loob na lumaban.

5. Popoy– (Bryan Homecillo) – Ang batang may pagmamahal sa musika at may pagsusumikap
matututo sa mga bagay na kanyang nakikita at hindi nakikita.

6. Obet– (Greg Rodriguez III) – Isang batang hindi sumusuko sa kanyang mga pangarap, Ilan
taon man ang kanyang abutin. Si Obet sa pagmamahal ng isang ama. At kagaya ni popoy ay
mahilig din ito sa musika.

7. Fe– (Irma Adlawan) – Ang gurong sabik sa pagmamahal at makatagpo ng iibigin. Si Fe ay


Mabuti ring hangarin para sa mga bata.
8. Solita– (Malou Crisologo) – Ang gurong may pagtamad at laging umaasa kanyang kapwa
guro.

E. Tema ng Pelikula

Ang tema ng pelikulang ito ay ang“Kahirapan ay hindi hadlang sa pangarap at pag-asa


ng mga tao lalo na nang mga kabataan”.Ang Pelikulang “Mga Munting Tinig” ay nagtataglay
ng maraming aral na higit na makabubuti sa mga manunuod lalo na sa mga bata. Sa pelikulang
ito, makikita ang mga taong hirap sa kanilang buhay Ang temang ito ay mahusay na pinakita’t
ginampanan ng mga tauhan lalong-lalo na ng pangunahing tauhan na si Melinda na ginanapan
ni Alessadra de Rossi. Masasalamin sa kaniya ang katangian ng taong masigla at puno ng pag-
asa. Ang kahirapan ay hindi hadlang sa ating mga pangarap na minimithi ng bawat isa. Ang
lahat ay nagtataglay ng biyayang talento na ipinagkaloob ng Maykapal upang gamitin sa tama
na siyang ikauunlad ng bawat isa at hindi lamang para sa sariling kapakanan. Ang kaalaman at
paniniwala ng kabataan.

II. Mga Aspektong Teknikal


A. Musika

(Nababagay ba ang mga tunog at musikang ginamit sa pelikula? Nakatulong ba ang


musika sa paguhit ng emosyon at pagpapatingkad ng kagandahan ng kwento?

Oo. Ang tunog ng gitara ay bumagay sa kwento ng mga batang pangarap at may gustong
marating sa buhay, mas naging emosyonal pa lalo ang kwento dahil sa musikang inilapat.
Aminado ako na nakuha ang aking emosyon.

B. Sinematograpiya
1. Oo

2. masyadong mapusyaw pero dahil siguro sinematograpiya ng nakaraang panahon,


naging maganda ang palabas dahil puno ng maraming eksena.
Tagpuan

(May maganda bang tagpuan ang pelikula? Nakatutulong ba ang tagpuan sa


kabuuang palabas? Angkop ba ang mga tagpuang ginamit sa tema at kwento ng pelikula?)

Naging maganda ang tagpuan ng pelikula dahil sa napaka raming eksena nito,
nakatulong sa palabas mag pagpapakita ng bawat eksena ng mayroon nakakaantig
damdamin sa tulad naming manonood, naging angkop ang bawat temang ginamit sa
palabas na ito dahil sa kwento ng mga batang gusto tuparin ang kanilang mga pangarap sa
buhay sa tulong din kanilang guro.

III. Kahalagahang Pantao

A. Paglalapat ng Teoryang Pampantikan (Historikal na Dulog)


Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang
bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong
ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang
tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay
nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira
rin sa tao.

B. Mga Aral
Hindi hadlang ang kahirapan sa pag-aaral bawat tao may ay maypag-asang makapag
aral matapos pinakita sa munting tinig na pelikula ay bawat bata ay mag-taglay ng talino
at talento na ipinagkaloob ng maykapal sa atin.

C. Kongklusyon (Buod ng Pelikula)


Panimula.
Si Melinda Santiago ay bagong guro sa Mababang Paaralan ng Malawig. Siya ang pumalit kay
Pilar na nagtungo sa ibang bansa upang doon magtrabaho at magkaroon ng mas malaking
suweldo. Si Melinda ay may talento sa pagtugtog ng“flute”.Katatapos lamang niya ng kolehiyo
sa kursong “education”. Inaasahan ng kaniyang pamilya, lalo na ng kaniyang ina, na susunod
siya sa Amerika at doon magtrabaho, ngunit ayaw niya sapagkat nais muna niyang pag-isipang
mabuti kung saan ba talaga siya nararapat tumigil. Nais niyang alamin kung ano ba talaga ang
para sa kaniya, ang magtungo sa Amerika kasama ng kaniyang ina o ang magpunta sa Malawig
at doon magturo. Nagtungo muna siya sa Malawig.

Gitna.
Tinanggap niya ang malaking hamon sa kaniyang buhay – ang magturo sa paaralan ng
Malawig kung saan salat sa kabuhayan ang mga pamilya ng mga mag-aaral sa lugar na ito,
kaya't ang mga bata ay inoobliga ng kanilang mga magulang ng responsibilidad sa bahay at sa
paghahanapbuhay. Ang sitwasyon na ito ay nakaapekto sa pananaw ng mga kabataan sa
pangarap, edukasyon, katarungan, at kababaihan na ikinabahala naman ni Melinda. Kasama sa
pagsubok na kaniyang kinaharap ay ang pagiging korupt ni Mrs. Pantalan, ang punong guro ng
paaralan ng Malawig. Siya ay nagtitinda ng “ice candy” sa mga bata at nagkaroon pa ng
pagkakataon na sinabi niya sa mga bata na kapag hindi sila bibili ay hindi nila makukuha ang
kanilang card. Ngunit nagagawa lamang ito ni Mrs. Pantalan dahil may pinag-aaral itong mga
anak na nasa kolehiyo na. Makikita sa pelikula na si Mr. Singh, isang Bumbay, ay nagpapatong
ng sampong pursyentong interes sa mga tseke ng titser dahil siya ang nagpapasuweldo sa mga
ito. Nagtitinda rin siya ng iba’t- ibang bagay na may malaking halaga. Ngunit sa kabila nito,
natutuwa pa ang mga residente sa kaniya dahil kumpleto siya sa mga pangangailangan ng mga
tao at dahil siya naman ay ubod nang mabait. Nagkaroon din ng mga bagyo at sunog na
nagsilbing dahilan ng pagkasira ng mga libro, silid-aralan, at iba pang mga kagamitan sa
eskuwelahan. Ang sitwasyong ito ay nagsilbing hamon kay Melinda. Nasubok ang kaniyang
pakikihamon nang sumali ang paaralan ng Malawig sa isang choral contest. Bagama’t nakitaan
niya ng interes at kakayahan ang mga mag-aaral, hindi naman naging
madali sa kaniya ang paghimok sa mga magulang ng mga ito na payagan silang sumali sa
paligsahan. Tanging si Luz, ina nina Popoy at Obet, ang pumayag sa kaniyang hinihiling. Si Luz
ang tumulong kay Melinda na himukin ang iba pang mga magulang na napagtagumpayan
naman nila. Nangako si Melinda na magbibigay siya ng bagong uniporme kina Popoy at Obet
upang hindi na sila maghiraman. Subalit isang araw, nadamay at napatay ang batang si Popoy
sa isang enkwentro ng NPA at military nang minsan siyang sumama sa kanyang amang si Fidel
na isa sa mga lider ng NPA. Dahil sa trahedya ay tumamlay ang dating masiglang paghahanda
ng mga bata para sa paligsahan. Ngunit sa kabila nito, napagdesisyunan pa rin nang mga
batang ipagpatuloy ang kanilang pag-eensayo maliban lang kay Obet,

Wakas.
Sa huli, nakasali pa rin si Obet sa paligsahan dahil sa pagpayag ng kaniyang ina na sundin ang
kaniyang kagustuhan. Sa kaniyang pagkahuli, nakita niya si Mr. Singh at inihatid naman siya
nito sa Central School, ang pagdarausan ng paligsahan. Nanalo ang kanilang grupo na lubos
nilang ikinagalak. Pagkalipas ng panahon, umalis si Melinda patungong Amerika at doon
naman niya sinubukang mamuhay. Iniwan ni Melinda ang baryo na puno ng inspirasyon at pag-
asa. Tinuruan niya ang bawat isa na ipaglaban ang nais na pagbabago sapagkat nasa kamay
lang natin ang lahat.

D. Rekomendasyon
Ang rekomendasyon ko lang sa pelikulang ito ay sana naging maayos ang kulay ng
palabas pero dahil maganda ang daloy ng kwento sa palabas na ito mayroon paring nakuhang
aral para sa ating lahat.

You might also like