You are on page 1of 2

Juliana Y.

Matulin
1CMT1F – NSTP1

Pamagat ng pelikula: Tatlo, dalawa, Isa.


Mga Artista: Mario O’Hara, Anita Linda, Jay Ilagan, Hilda Koronel, Laurice Guillen, Soxie
Topacio, Lolita Rodriguez, Nanding Josef, Perla Bautista, Roger Mariscal, Pio De Castro III,
Jojo Abella, Mary Walter, Lito Tiongson, Lily Miraflor, Bembol Roco, Estrella Kuenzler
Direktor: Lino Brocka
Buod:
Ang unang palabas pinamagatang “Mga Hugis ng Pag-asa” ito may grupo ng mga kalalakihan
na nag eehersisyo at nag lilinis sa isang kwarto ng sabay-sabay. Nagsimula ang kwento sa
isang lalaking honor student ng ateneo at pumasok sa babuyan unibersidad siya ay
kasalukuyang pinapahayag ang sarili sa mga kasama ngunit kinukutya lamang siya at siya’y
galit na galit. Gusto lamang ng mga kasama niyang ipahayag ang totoo niyang pagkatao.
Upang pagtibayin ang pag uugali at pagiging pagka lalaki. Nasa lugar sila na malayo sa
sibilisayon at napapagiliran ng mga bundok. Ang bida sa kwento ay isang mahina at lampa.
Nilagay siya ng kaniyang ina sa isang universidad na iyon upang maging malakas at
magkaroon ng kumpanyansa sa sarili. Ito ay nakalabas na sa kaniyang paaralan at tuluyang
nag palayo sa lugar na iyon. Natutunan niyang tangapin kung ano ang kaniyang tunay na
pagkatao, mahalin ang sarili at lalo na ang kaniyang ina.
Sa pangalawang bahagi naman ng palabas na may pamagat na “Hellow Soldier” Nagsisimula
ang kwento sa isang babae na nangangalang Gina. Si gina ay isang babaeng nag tratrabaho
sa typing job at may tatay na nag trabaho sa amerika, ito ay may bago ng asawa. Nakatira
sila Gina at ang kaniyang ina sa isang lugar na maraming tao at madaming tsismosa. Umuwi
ang kaniyang tatay galing sa amerika upang siya ay kunin at isama sa amerika. Sa kabila nito,
may ina siyang nag-nga-ngalang Lucia na hinahangad na umalis ang kaniyang anak ngunit
hindi pa rin kayang harapin ang ideya na mawalay rito.
Sa huling bahagi naman na palabas na “Bukas, Madilim, Bukas”, nagsisimula ang kwento sa
isang matandang babae. Ang kwento ay sinisimulan sa isang alala na pag kwento ng isang
babae na naka kilala ng lalaki na si Miguelito n isang hardenero halos araw araw silang nag
kikita at naguusap. Ang anak na babae lamang ang nag aalaga sa kaniyang matandang ina.
Sa kabilang banda, ‘di maipagkaila na ang senyora ay nabighani kay Miguelito.
Implikasyon:
Ang Implikasyon ng tatlong palabas ay pare-parehas na may kinakaharap na problema. Isa
na rito ang pagkatakot na ihayag ang kanilang sarili sa ibang tao. Takot na kilalanin ang sarili
at kung ano ang tunay na pagkatao. Pinapakita din dito ang pagmamahal ng isang ina sa
kaniyang anak. Handang isakripisyo at gawin ang lahat para lang sa ikakabuti nito. Ngunit sa
kabilang banda nito, hindi lahat ay ganito ang nararanasan. Karamihan ay may karanasan na
ginagawa lamang ng kanilang ina ‘yon para sa pang-sariling kagustuhan. Na hindi nila alam
ang nararamdaman at kahihinatnan ng isang sitwasyon.
Hamon:
Ang hamon ay ang pagpapahayag ng iyong sarili at kung ano ang tunay na pagikatao. Ito ay
ang sining ng pagkonekta sa iba. Marahil ay nais mong makipag-usap sa iba ngunit mayroon
kang mga problema sa pagpapahayag ng iyong sarili nang maayos. Ang pagpapahayag ng
iyong sarili nang maayos ay nangangailangan ng konsentrasyon at polish ang ilang mga lugar
kung saan maaari kang mabigo. Tinutulungan tayo ng wastong wika na ipaliwanag at
maunawaan ang mga bagay. Sa ganitong paraan nalalaman natin ang mensahe na nais
iparating at ang natanggap, na may kongkretong impormasyon. Ang mga hamon na
ipinahayag ng nasa pelikula ay maaring maging aral sa ating lahat. Natutunan ko na
mahalaga na maging totoo ka sa iba, lalo na sa ‘yong sarili. Ang kaalaman sa sarili ay
ginagawa kang independyente sa mga opinyon ng iba. Kung alam mo kung ano ang
gumagana para sa iyo - kung ano ang mabuti para sa iyo at, samakatuwid, kung ano ang
hindi - ito ay walang katuturan kung ano ang maaaring isipin at payo ng iba. Sa
pamamagitan ng pag-alam kung sino ka at kung ano ang iyong paninindigan sa buhay ay
maaaring makatulong na magbigay sa iyo ng isang malakas na pakiramdam ng tiwala sa
sarili.

You might also like