You are on page 1of 22

Pangkat Tatlo

Lider:
Miranda, Jhoed P.

Mga Miyembro:
Leyson. Lorenz
Lucas, Josephine Rose
Mirabuna, Joanna
Mañebo, Isaac Christer
Manuel, Jogie Paulyn
Noriega, Rhozselle
Panuelos, Humprey Brent
Paz, John Ray
Pineda, Vhin Diesel
Punongbayan, April

Maikling kuwento at Nobela


1. Toto O. ni Charmaine Lasar

2. Ang Nakakabilib na si Lola Ising ni Annalyn Leyesa-Go

Pagsusuring pampanitikan sa Maikling kuwento at Nobela batay sa mga teoryang

 Realismo
 Moralistiko
 Historikal
 Eksistensiyalismo
 Humanismo
Toto O.
Ni Charmaine Lasar

Pagkilala sa May-Akda

Ang Nobelang Toto O. ay akda ni Bb. Charmaine Lasar. Ito

ay nailimbag at naisapubliko noong taong 2015 kung saan ang

nobelang ito ay nagkamit ng parangal mula sa Gawad Palanca.

Tinatalakay sa nobelang Toto O. ang tungkol sa samahan at

pagmamahalan ng maglolang sina Toto at Lola Sida, ang dalawang

pangunahing karakter ng nobela.

Sa ating pagbaybay ng panunuring ito tungkol sa nobelang Toto O. ating matutuklasan

ang istorya sa likod ng pamagat ng nobelang ito na isa sa mga nagkamit ng presterhiyosong

parangal. Ang Gawad Palanca.

Si Bb. Charmaine Lasar ang nagsulat ng nobelang Toto O. Una itong nai-publish sa

kilalang online reading platform na wattpad. Sa kaniyang unang pag-sali sa nasabing patimpalak,

ang nobelang Toto O. ang kaniyang ipinanlaban sa Gawad Palanca. Noong panahong nai-sulat

niya ang nobela, siya ay isang accountancy student sa Lyceum of the Philippines - Laguna.

Uri ng Panitikan sa Kuwento

Ang Nobelang Toto O. ay isang nobela. Sa ating pagbasa ng akdang ito, mayroon itong

labing-siyam na kabanata o chapters na isa sa mga palatandaan upang masabi na ang isang akda

ay nobela. Katulad ng ibang uri ng panitikan, layon din nitong magbigay ng aral sa mga

mambabasa.
Mga Tauhan/Karakter sa Nobela

Ang mga tauhan sa Nobelang Toto O. ay pinangungunahan ng pangunahing karakter na

si Toto. Bagamat patpatin at lampa hindi maipagkakaila kung gaano siya kamahal ng kaniyang

Lola Sida. Upang mas maging ka-abang abang ang kuwentong ito, sina Teroy, Sim at Koko ay

ang mga kaibigan ni Toto na bagamat kabataan pa lamang makikita na ang malalim nilang

pagkakaibigan. Isama mo pa si Manong Dino na kasundo ni Lola Sida at kalaunay kaniyang

magiging kasosyo sa negosyo.

Tagpuan

Nagsimula ang kwento sa Baranggay Marikit sa probinsiya ng San. Agustin kung saan si

Toto ay lumaki at namuhay kasama si Lola Sida. Noong dumating ang dagok sa kanilang buhay,

napilitang iiwan ni Lola Sida si Toto sa tiyahin nitong si Tiya Jenny na naninirahan sa Barangay

Sto. Domingo sa Balagatas kung saan ay nakilala niya ang kaniyang mga naging kaibigan na si

Jillian at Allen. Pansamantalang nanirahan si Toto sa kaniyang tiya hanggang sa siya’y sunduin

muli ng kaniyang Lola Sida upang manirahan muli sa Baranggay Marikit.

Buod

Sa nobelang ito, maraming pangyayari ang masasabi nating hango sa totoong buhay. Sa

unang bahagi ng istorya ay masasaksihan natin kung paano mag-alaga ang isang lola o ina sa

kaniyang apo o anak. Bagamat si Lola Sida lamang ang kasama ni Toto sa kanilang tahanan, ang

kaniyang Lola Sida ay kailanma’y hindi nagkulang. Mula sa pangaral at pag-aalaga sa kaniya.

Bagamat hirap sa buhay ang mag-lola, kuntento ang dalawa sa kanilang pamumuhay sa

Brgy. Marikit. Naging mas masaya ang makabuluhan pa ang pamumuhay ng mag-lola dahil sa

mga taong nakapaligid at malapit sa kanila. Sina Teroy, Koko at Sim na kaibigan ni Toto. Si
Manong Dino na laging handang tumulong sa mag-lola ay isa sa mga dahilan kung bakit mas

sumasaya pa ang masaya na niyang pamumuhay sa Brgy. Marikit.

Bata pa lamang si Toto ay iniwan na siya ng kaniyang Mama Shiela kay Lola Sida. Kaya

naman hindi maipagkakaila ang pagiging malapit ni Lola Sida at Toto. Dumating ang dagok sa

buhay ng mag-lola dahil sa pagpapasara ng likurang bahagi ng palengke kung saan ay naroon

ang puwesto ng panindang isda si Lola Sida. Kinailangan ni Lola Sida na iwan pansamantala si

Toto sa kaniyang tiyahin na si Tiya Jenny sapagkat hindi kakayanin ni Lola Sida na buhayin si

Toto kung wala siyang pagkukunan ng salapi pangtustos sa pang araw-araw nilang pamumuhay.

Simula noong manirahan si Toto sa kaniyang Tiya Jenny, Nagkaroon siya ng bagong

kaibigan na kaniyang masasandalan sa oras na siya’y mayroong problema at nakakaramdam ng

kalungkutan. Dumating din ang pag-subok kay Toto kung saan ay sinubok ang pagiging tapat at

totoo niya.

Maihahalintulad natin ito bilang isa sa karaniwang kaugalian ng mga Filipino. Inuuna ang

kapakanan ng pamilya kaysa sa sarili o ibang bagay. Tunay ngang marami ang makaka-relate sa

nobelang ito. Hindi lamang tungkol sa pamilya ang tinatalakay ng nobelang ito. Tinatalakay din

nito ang kahalagahan ng pagkakaibigan at pakikisama gayundin ang pagiging totoo sa sarili.

Mga Teoryang Ginamit sa Nobela

Pagsusuring Moralistiko

Ang layunin ng Teoryang Moralistiko ay ipinapahayag na ang iba't ibang pamantayang

sumusukat mula sa moralidad ng isang tao na ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din

nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o

ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay

napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.


Si Toto ang batang tauhan sa kwento na nagpapakatotoo at masipag na bata kahit

napakahirap ng kaniyang buhay, hindi nito naisipan gumawa ng masama dahil sa taglay na

kagandahan ng ugali ni Toto kaya marami ito nagiging kaibigan kahit na sa kaniyang ina, hindi

niya pa rin sinumbatan ito dahil pinipigilan niya lamang ang kaniyang nararamdaman dahil alam

niyang masama ang sumagot sa matatanda at itago na lamang ang kaniyang lungkot na

nararamdaman. Bukod pa dito sa kwento, si Toto ay nagsasabi ng totoo ngunit may mga hindi na

lamang siya sinabi dahil baka magkaroon lamang ng gulo o away.

"Oo, tanggap ko rin naman. Mas matapang ka nga sa 'kin. 'Yong tapang
na meron ka ayan yung tapang na hindi nakakapanakit ng kapuwa.
Punching bag ka nga diba? Sinasalo mo lang lahat" Umiiling-iling ang
babae.

"Sorry. Alam kong makasarili 'tong desisyon ko"

"Nagpapatawa ka ba? Anong makasarili? Kung makasarili ka, noong


nalaman mo pa lang na nagsisinungaling si clark tungkol sa pagpasok
niya kuno, nagsalita ka na. Kung makasarili ka araw-araw ka nagtetext
sa lola mo at sasabihing inaabuso ka ng mga pinsan mo."

Sa isang eksena sa kwento nang aksidenteng matamaan ni Toto ang timba na

pinaglalagyan ng hipon ng isa sa mga tindera sa palengke:

“Agad agad naman na nanggalaiti sa galit ang babae at pagtapos


nitong masigurado na ayos pa naman ang kanyang paninda ay lumapit
kay Toto pinanglakihan siya ng mata ng babae at hinawakan sya ng
mahigpit sa kanyang braso na napakadiin, mabuti nalang at pumagitna
ang kanyang lola”

“Pasensya na’t hindi lang naman nakita ng bata” sabi ng lola ni Toto.

“Bulag ba iyang apo mo manang?! o hari ng kalsada? Sa susunod,


mag-ingat naman! Mahal pa talaga ang napiling puntiryahin”
nanggagalaiting tugon ng babae.

Matapos ang eksena na naganap sa palengke na kinasangkutan ni Toto, agad siyang

tinanong ng kaniyang lola na:


“Masakit?”

Umiling siya, “Hindi po.”

“Hindi ba’t ayoko nang nagsisinungaling ka? Masakit ba o ano?” muli


nitong tanong sa kaniya.

“Konti po.”

Matapos ang pangyayaring iyon, Nagkaroon ng usap-usapan na ipapasara ng Mayor ng

bayan na iyon ang likurang bahagi ng palengke kung saan ay nag-nenegosyo si Lola Sida. Ngunit

ang usap-usapan na iyon ay naging totoo. Naipasara nga ang likurang bahagi ng palengke.

Nang ipinasara ang pwesto nila sa palengke, napilitan ang kanyang Lola na patirahin siya

sa kanyang tiyahin na si Tiya Jenny. Doon ay nawalay siya sa kaniyang tanging magulang at

naranasan niya ang mapaglupitan ng kanyang mga pinsang lalaki. Napag isipan niya na huwag

magsumbong at natutunan niya ang importansya ng pagsasabi ng totoo ngunit hindi sa lahat ng

panahon lalo na sa mga sitwasyon na maaaring may masasaktan at may mga taong maapektuhan.

Ang mga pangyayari sa buhay ni Toto ay naging dahilan upang unti-unti niyang madiskubre ang

masamang katotohanan ng mundo.

Si Toto ay ang klase ng tao na maintindihin at marespeto sa nakakatanda sa kanya. Kahit

na nasaktan sya nung babae hindi sya umimik at nanatiling mabuti kahit na pinakitaan na siya ng

masama.

Sa ugali ni Toto ang kaniyang karakter sa buhay ay maging masaya at malaman kung

sino siya, kung tama o mali ang kaniyang ginagawa. Si Toto ay hindi makasarili sabi nga ng

kaniyang kaibigan dahil si Toto ay isang ulilang anak na nawalay sa kaniyang magulang. Kaya't

sa kabaitan ng lola nito ang kaniyang naging nakasanayan na ugali


Pagususuring Realismo

Isa sa teoryang ginamit sa akda ay ang teoryang realismo. Nilalayon ng teoryang realismo

na ilahad ang katotohanan o realidad ng buhay. Lantaran nitong ipinapakita ang mga totoong

pangyayari sa buhay ito ma’y kagandahan o kapangitan ng isang lipunan. Madalas na ipinapaksa

ng mga kuwentong gumamit ng teoryang realismo ay diskriminisasyon, kahirapan, at

katiwalian.

Ayon sa pagsusuri ni Denmark Bantique sa kasalukuyang taon dalawang libo’t

dalawampu’t isa. Ang realismo ay paniniwala na karamihan ng mga cognitive bias o kamalayang

may kinikilingan ay hindi pagkakamali, kundi lohikal at paaran ng praktikal na pangangatwiran

sa pakikitungosa "tunay na mundo". Kasáma nito ang pagpapalagay na ang mga bagay ay

mayroon pang mas malawakna kaalaman kaysa sa kung ano ang sinasabi ng mga cognitive

experimenter o mga sumusubok sa kamalayan

Ang pangunahing paksa ng libro ay katotohanan. Isa ito sa pinakamahirap gawin o

isabuhay dahil sa napakaraming dahilan. Maaaring dahil ayaw nating makasakit ng iba, o

marahil tayo ay naduduwag. Inilahad sa nobela ang simple o ordinaryong buhay ni Timothy John

Olep o Toto. Isa ito sa dahilan kaya’t naging mas madali ang pagsusuring realismo.

Ibinahagi rin dito na madalas mahirap harapin ang katotohanan na pilit nating nilalabanan

sa ating isip na sana’y hindi totoo. Marahil dahil natatakot tayo sa maaring mangyari sa oras na

tanggapin natin ito ng buo at hindi tayo matuwa sa maaring maging resulta kapag nabulgar ito.

Ngunit ang katotohanan ay isang realidad na hindi natin maaaring talikuran o matakasan,

gustuhin man natin o hindi. Katulad ng pahayag na:

“Sinabi niyang ‘wag na lang ipaabot sa kaniyang tiyahin ang dahilan


ng pag-uwi niya dahil tapos na ang lahat ngunit hindi pumayag si Lola
Sida.”
“Anong ‘wag? Dapat lang na malaman ni Jenny para madisiplina niya
ang mga anak niya. Hindi por que abala silang mag-asawa sa
pagtatrabaho, e hindi na niya gagawin ang tungkulin niya bilang ina.”

Sa kabila nito, marami pa rin ang mananatiling bulag sa katotohanan at susubukang

baguhin o paikutin ang istorya. Ito ang isa sa mapait na realidad ng buhay na lantarang ipinakita

sa nobela.

Ang pangunahing tauhan sa nobela na si Toto ay mulat sa realidad ng buhay. Namulat na

siya sa mundo ng kahirapan. Hindi man nanlilimos o taong palaboy-laboy sa lansangan pero

hirap ang kanyang lola na matustusan ang kanilang pangangailangan sa araw-araw. Lantaran

itong inilahad sa pahayag na:

“Sapat lang ang kita ng lola niya sa pagtitinda ng isda para sa pagkain
nila. Nagbabayad pa ito ng renta sa puwesto nila sa palengke. Pati ang
ipinuhunan para doon, inutang lang din nito at hinuhulugan pa rin
hanggang ngayon. Hindi naman lihim sa kaniya ang hirap ng buhay
nilang maglola. Alam niya. Alam na alam. Kaya nga nagtitipid siya
hangga’t maaari.”

Inilalahad din sa teoryang ito ang paghihirap at pakikibaka ng mga manggagawa ng

walang pagmamalabis o pagkiling. Ang naging resulta nang subukang humingi ng tulong ng mga

tindera sa palengke ukol sa naging sanhi ng pagkalugi ng maraming tindera malapit sa pwesto ng

daanang ipinasara pansamantala ng kanilang alkalde ay isang halimbawa. Sa halip na maging

maganda ang resulta ng pagdulog sa programa sa telebisyon, pinagbuntungan lamang lalo ng

galit ng alkalde ang mga nag-petisyon at tuluyang isinara o pinaalis ang mga ito sa kanilang mga

pwesto. Hindi lamang sa nobela nangyayari ang mga ganitong sitwasyon, maging sa totoong

buhay ay mapapansin mo ang katotohanan nito. Inilahad sa pangatlong kabanata ang

pangyayaring ito.
“Toto, tandaan mo, may dalawang uri ng taong mahirap kalabanin -
ang makapangyarihan at ang mapera. Sa kasamaang palad, parehong
makapangyarihan at mapera si Mayor. Sinubukan naming gumawa ng
paraan, pero napatunayan lang naming hindi palaging nananalo ang
tama at matuwid.”

Nakalulungkot man ngunit ito ang nakapanlulumong katotohanan. Mas nagwawagi ang

pera kaysa sa tama. Sa kabila nito, nanaig kay Lola Sida ang pag-asang makahahanap ng bagong

pagkakakitaan at makakabangon din mula pagkakalugmok na ito.

Isinalaysay din sa nobela ang katiwalian o kabagalan ng aksiyon o serbisyo ng mga taong

namamahala sa kanilang barangay. Hindi lingid sa marami ang sitwasyon sa ilang mga probinsya

o siyudad na may mga namumunong walang kakayahang mamahala. Ito ay isa sa mga

sitwasyong kinahaharap ng mga tauhan katulad ng pangungusap na:

“Ilang beses nang nagpetisyon ang mga tao sa kanilang Mayor.


Palaging sinasabi ni Mayor na ang kakarampot na badyet na inilalaan
sa bayan nila’y mas mahalagang mailaan sa pagpapagawa ng mga
eskuwelahan kaysa sa kuryente. Kung tatanungin naman kung nasa’n
ang eskuwelahan, wala, pinag iisipan pa raw kung paano itatayo…”

Ayon sa Teoryang Realismo, higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.

Buong katapatan nitong inilalahad ang mga pangyayari gaano man ito kapangit. Katapangan ang

harapin ang problema at subukang solusyunan ito. Ngunit madalas higit na nakadidismaya ang

katotohanan kaysa sa inaasahan. Nasaksihan ni Toto ang iba’t ibang sitwasyon na mga hindi niya

inakala, katulad na lamang ng pagbubulakbol ng kanyang pinsan ngunit pinili na lamang niya

manahimik kahit alam niya ang totoo na hindi naman talaga ito pumasok sa paaralan dahil wala

naman talagang pasok. Ang pagkaapi ni Toto at walang sawang diskriminasyon ng magkapatid

na Clark at Kevin ay tila isang bangungot na hindi siya magising. Pinilit niyang manahimik

ngunit ikinapahamak niya lamang ito dahil siya ang sinisi ng kanyang pinsan na nagsumbong sa

magulang kahit sa totoo itinikom niya ang kanyang bibig. Ayon na rin sa sinabi ng kanyang
kaibigan, maaring sabihin niya ang totoo magalit man ang kanyang tiyahin at tiyuhin sa kanyang

pinsan, darating ang araw na magkakabati ang mga ito dahil hindi naman matitiis ng magulang

ang kanyang anak ngunit silang magpinsan maaring hindi na muli magkasundo pa. Bagamat may

lakas siya ng loob na lumaban o gumanti, nananatili pa rin siyang nakakulong sa katotohanang

nakikitira lamang siya at higit na papanigan ang kanyang mga pinsan. Isa pa inaalala niya rin ang

kanyang Lola Sida. Mababakas ito sa pahayag na:

“Lola, sabi n’yo mahirap kalaban ang mapera at makapangyarihan,


mas mahirap po palang kalaban ang sarili. May mga bagay na kahit
alam mong tama, magdadalawang-isip ka pa ring gawin kasi maraming
puwedeng maapektuhan….tulad sa pagsasabi ng katotohanan.”

Labis na pang-aapi at diskriminasyon man ang naranasan niya sa mag-anak, sana’y

isinama niya sa pagkatuto ang kaisipan na ang sakit ay paalala na tayo buhay. Kahit na gaano

man kabigat ang katotohanan at ang pagsiwalat man nito’y maaaring ikasira ng mga taong

maapektuhan, buong tapang pa rin dapat natin itong ilahad. Sa huli, katotohanan ang

nagpapalaya sa atin. Maaari mong baguhin o takasan ang katotohanan ngunit hindi ang realidad.

Sapagkat ang buhay ay paikot-ikot lamang at maraming maaaring magbago. Katulad ng pahayag

na:

“Bakit may magnanakaw? Kasi may nagpapanakaw. Bakit may nang-


uuto? Kasi may nagpapauto. Bakit may mga nambu-bully? Kasi may
nagpapa-bully! Cycle yan! Sa buhay, kung hindi ka magiging matapang,
aapakan ka ng mga nagtatapang- tapangan.”

Iba’t iba ang katalinuhan ng isang tao ika nga nila mayroong matalino na hango sa mga

libro ngunit mayroong talino na hango sa realidad ng buhay o street smart. Hindi maibabase sa

grado ang katalinuhan ng isang tao dahil iba’t iba tayo ng takbo ng pagkuha ng ating kaisipan sa

mga aralin lalo na sa paaralan, mayroong slow o advance learner at lalo pa ring iba’t iba ang

sitwasyon ng mga tao. Ngunit kadalasan ay umiiral pa rin ang diskriminasyon katulad nga na
grado pa rin ang pinagbabasehan ng kaugalian ng isang tao, kapag mataas ang grado ay

tinitingala dahil inaakalang mabuting tao ‘pagkat siya’y mahusay at may pinag-aralan

samantalang kabaliktaran naman para sa mababa ang kalidad ng pinag-aralan. Makikita ito sa

pahayag na ito:

“Ma, wala naman sa section ‘yan,” anang ng pinsan niyang si Clarisse


habang bumababa ng hagdan. May hawak pa itong notebook at ballpen
sa kaliwang kamay at kunot noong nakatingin sa nanay nito.
“Anong wala sa seksyon? ‘Pag matalino, nasa unahang seksyon! ‘Pag
aanga-anga nasa huli! Kaya pagsabihan mo ‘yang kapatid mong
magtino siya! Kung ayaw niyang gumaya sa ‘yong matalino, ‘wag
naman siya tumulad sa kuya niyang ni aya wmag-aral at pangarap
yatang maging tambay habambuhay!”

Natawa nang bahagya ang dalaga, “Ma, kalma. Kakausapin ko ‘yang si


Clark, pero mali talaga ‘yong sistema na idedepende ang antas ng
katalinuhan ng isang bata ang seksyon niya. Hindi dapat nila ginagawa
‘yon. Mas lalong tinatamad ang mga batang mag-aral kung
hinuhusgahan na sila ng paaralan nila.” Umupo ang dalaga sa sofa at
pinaglaruan ang ballpen na hawak, habang ang Tiya Jenny niya’y
nakapamaywang na nagtuloy-tuloy sa kusina.

May mga katotohanang halos sinasampal na sa atin ngunit hindi pa rin natin matanggap.

Marahil ay dahil hindi natin gustong iyon ang paniwalaan o baka dahil masyadong masakit na

baka may responsibilidad rin tayo sa pangyayari. Sigurado akong nakaapekto rin katotohanan sa

kanyang Tiya Jenny ngunit hindi pilit kinukubli dahil ayaw tanggapin na naging pangit ang

kaugalian ng sariling anak. Kagandahan ay hindi na pinilit ni Toto na tanggapin ng Tiya niya ito

bagkus ay naging masaya na lamang siya na nakauwi na siya sa kanyang lola at natapos na rin

ang kalbaryo sa kamay ng dalawang pinsang lalaki.

“Nang magkaalamanan, saka niya nauunawaang ang pagtanggap sa


katotohanan ay parang pagsubo rin sa isang hindi pamilyar na
pagkaing may magandang presentasyon. Sa una, nakakatakam,
nakakaengganyo tikman. Kahit walang kasiguraduhan sa lasa, kahit
may pagdududa, tutuloy pa rin sa pagsubo ang mga taong sabik. Sa
unang tikim, may mapapangiti at may mapapangiwi. Ang mga ngumiti,
tuluyang kakainin ang pagkain at lulunukin habang ang mga ngumiwi,
maaring iluwa ang isinubo o di kaya’y sapilitan itong lulunukin habang
umiinom ng tubig saka hihinga ng malalim.

“Hindi palaging madali ang patanggap ng katotohanan. Tulad nga ng


pagkain, may mga taong kapag hindi nagustuhan ang katotohanan,
walang pagdadalawang-isip na iluluwa ang nalaman – hindi
tatanggapin o aayawan.”

Katulad ng kaniyang Tiya Jenny na agad nakipagtalo sa nang malaman


ang bersyon ng kanyang katotohanan.”

Panunuring Historikal

Kung ating babaybayin at uunawain ang depenisyon ng Teoryang Historikal, Ito ay

tumatalakay sa karanasan ng isang tao na siyang sumasalamin sa kasaysayan. Layunin din nitong

ipakita ang kasaysayan sa buhay ng isang tao sa mundo.

Sa ika-apat na kabanata ng nobela ay mababasa natin kung ano nga ba ang nangyari sa

likod ng buhay ng ina ni Toto na si Mama Shiela

"Third year collehe ang nanay niya nang dalhin siya nito sa
sinapupunan. Malaking dagok iyon sa buong pamilya. Bunsong anak
ang kaniyang ina at matalino rin. Ito na lang ang anak nina Lola Sida
na nag-aaral noon. Ang tatlo kasi-isang babae at dalawang lalaki-tapos
na sa pag-aaral at may kani-kaniyang pamilya na. Kaya hindi agad
natanggap ng Lola Sida at Lola Pablo niya ang nangyari sa bunso.
Kung paanong ang matalinong anak ay nagpakatanga sa pag-ibig.
Kung paanong imbes na pag-aaral ay iba ang inatupag nito. Kalaunan
ay natanggap din ng buong pamilya ang nagyari. Hindi pinanagutan ng
kaniyang ama at kaniyang ina kaya sino pa ba ang aako sa
responsibilidad kundi ang sarili nitong pamilya?"

Nabasa natin kung ano ang istorya tungkol sa ina ni Toto, kung paanong siya ay iniwan

ng kaniyang ina at inako ni Lola Sida ang pagpapalaki sa kaniya. Sa kasalukuyan, pataas ng

pataas ang mga kabataan na maagang nabubuntis. Bukod sa pagiging bata, wala silang
kakayahan na buhayin ang kanilang anak. Kaya ang mga magulang nito ang aako ng

responsibilidad nila. Ganoon ang nangyari sa ina ni Toto.

Karaniwan na nating naririnig ang kasabihang “History repeat itself”. Sa ika-sampung

kabanata ay mababasa natin kung anong naman ang nangyari sa ate ni Allen na si Dulce kung

saan ay nasa Third Year College ito noong siya ay mabuntis.

"Nabuntis si Ate, third year college siya. Tuwang-tuwa pa naman si


Nanay kasi malapit nang makapagtapos, tapos nabuntisa lang"

Sa kabanata labing siyam ay mababasa natin na tinanggap din ng pamilya ni Allen ang

nangyari sa kaniyang Ate Dulce.

"Nabalitaan niya rin mula kina Jilian ang pag-uwi ng buntis na ate ni
Allen. Natanggap na ng buong pamilya ang nakabuntis dito at
inaasikaso na raw ang kasal."

Hindi natin maipagkakaikla kung bakit maraming tao ang naniniwala sa kasabihang

“History repeat itself” kung patuloy lamang nauulit ang mga pangyayari sa ating buhay. Sabihin

man nating nagkataon lamang o sadya, iisa lamang ang interpretasyon nila sa partikular na

pangyayari sa buhay ng isang tao.

Panunuring Eksistensyalismo

Ang Teoryang Eksistensyalismo ay ipinapahayag ang isa sa pinakamahalagang paksain

sa buhay ito ay pagkakaroon ng kalayaan ng indibidwal sa pagpili at pagdedesisyon sa kanilang

buhay. Ayon sa tanyang na pilosopo ng ika-dalawampung siglo na si Jean-Paul Sartre na nauuna

ang eksistens bago ang esens. Kaya naman kailangan sa ekisistens ang pag-pili. Maging ang

desisyon nila na hindi pumili ay isa pa ding pagpili.


Kung ating babasahin sa kabanata labing-isa, mapapansin natin dito ang teoryang

ekistensiyalismo. Alam ni Toto na wala silang pasok sa araw na iyon ngunit napag-alaman ni

Toto na pumasok si Clark sa paaralan. Kaya paano itong makakapasok sa paaralan gayong wala

namang klase sa araw na iyon. Nalaman ni Toto na nagsinungaling si Clark sa kaniyang ina.

Noong natungin siya ng kaniyang Tiya kung bakit ito hindi pumasok. Pinili na lamang magkibit-

balikat si Toto at hindi niya nagawan masabi na walang pasok sa araw na iyon.

"Maayos naman daw siya, Kumakalap ng puhunan dahil magnenegosyo


raw. Pero teka, bakit hindi ka pumasok?"

"E, ano po..." Lumunok siya. "Ano."


"Tinanghali ka ng gising ano? Gabing-gabi ka na umuwi kahapon, e,"
natatawang sinabi ng pinsan niyang babae.

Alam ni Toto ang katotohanan ngunit pinili niya na lamang na manahimik upang hindi

sila magkaroon ng problema ng kaniyang pinsan na si Clark. Labag man sa kalooban niya na

hindi sabihin ang totoo sa kaniyang tiya, alang-alang sa kapakanan at kaayusan ng lahat ay hindi

na lamang niya sinabi ang katotohanan.

“HINDI siya nagsalita. Hindi niya sinabing wala silang pasok. Hindi
niya isinumbong ang kaniyang pinsan. Hindi niya alam kung bakit pero
natatakot siyang magsalita. At bukod sa natatakot, iniisip niya ring wala
siyang karapatang makialam. Kahit sa tingin niya rin ay meron talaga.
Hindi tuloy siya mapakali.”

Sa ganitong pagkilos ni Toto, makikita natin na ang tao ang mayroong kalayaang pumili.

Tama o Mali man ang kanilang piliin, karapatan nila ang pumili at magdesisyon sa kanilang

sarili
Ang Nakakabilib na si Lola Ising
Ni Bb. Annalyn Leyesa-Go

Pagkilala sa may Akda

Bb. Annalyn Leyesa-Go ang ngalan ng taong sumulat ng akdang pinamagatang “Ang

Nakakabilib na si Lola Ising.” Ang nasabing akda ay bnaisali sa ika-66th The Don Carlos Palanca

Memorial Awards for Literature o mas kilala bilang Palanca Awards noong 2016 na nagkamit ng

paunang gantimpala. Si Bb. Annalyn Leyesa-Go ay isang dating mag-aaral ng University of the

Philippines Diliman.

Uri ng Panitikan

Ang akda ni Bb. Annalyn L. Eyesa-Go na pinamagatang “Ang Nakakabilib na si Lola

Ising” ay isang Maikling Kwento. Ito ay kwentong naglalahad ng pangyayaring sa buhay ng

dalawang pangunahing tauhan na si Rico at Lola Ising.

Mga Tauhan/Karakter sa Akda

Ang akda ay umiikot sa dalawang pangunahing tauhan na sina:

Lola Ising – Ang Lola ni Rico na nagtatagalay ng husay at talent sa pagkumpuni ng mga sirang

laruan, pag-aayos ng mga kasuotang nabutas at Pagsayaw. Siya rin ang nagsisilbing guro ni ang

apong si Rico sa tahanan ito ang tagapagturo at katulong ng apo sa mga takdang aralin.

Rico – Ang batang apo ni Lola Ising na siyang pumukaw sa damdamin ng mga tao o mambabasa

dahil ipinikata nito ang pagka-bibo, pagka-masiyahin, pagiging mapag-mahal at masununirin.

Ito ay sinundan ng mga karakter na sumusuporta sa pangunahing tauhan sina ay si:


Ina – Ang anak ni Lola at Ina ni Rico sa kwento. Siya ang tumingin, gumabay at nag-alaga sa

anak na si Rico ng magkaroon ng sakit si Lola Ising.

Tiya Myra – Ang Tiya ni Rico na siyang tumutulong sa pagdala kay Lola Ising sa isang

Ospital.

Tagpuan

Batay sa pagsusuring ginawa ang nagsilbi lamang na tagpuan ay ang tahanan nina Rico

na kung saan kasama nya ang kanyang ina at lola manirahan.

Buod

Ang kwento ay maaring hinango sa totoong pangyayari sa buhay ng tao. Isa sa patunay

ay dahil makikitaan ito ng mga eksenang halos sumasalamin sa buhay ng halos lahat ng tao.

Katulad na lang ng Pagpapakita ni Lola Ising ng pag-mamahal sa kanyang apo sa paraang kaya

at alam nya at Pagpapakita ng apong si Rico ng pagmamahal sa lola nya sa pag-alalay at hindi

nito pag-iwan noong panahong napagalaman nilang ito ay may sakit.

Sinimulan ang Akda sa kwento ng batang si Rico patungkol sa kung gaano sya kamangha

sa nakakabilib na taglay ng kanyang lola Ising dahil sa kabila ng katandaan ay marami pa rin

itong bagay na kayang gawin katulad na lamang ng pag-aayos ng napunit o nabutas na kasuotan

at pag-aayos ng nasira nyang laruan.

Sinundan ito ng pangyayari na kung saan ay natuklasan nila ang sakit ni lola Ising na

kung tawagin ay Parkinson’s kung saan ay ang maliit na bhagi ng utak ng lol ana ang

naapektuhan. Ang kwento ay nagtapos sa pagpapakita ng pag-mamahal ni Rico sa Lola, nanatili

lamang ito sa tabi ng lola at sa kabila ng karamdaman ay hindi nagbago man ang paningin nito
sa kanyang Lola itinuring nya pa rin itong isang Lola na may taglay na kakayanan na tiyak

namang mapapabilib ka.

Ang pakahulugan ng pamagat ng kwento “Ang Nakakabilib na si Lola Ising” ay ang

pagtingin ng ang apo sa kanyang lola. Makikita sa kwento ang pag hanga ng apo sa kanyang lola,

na sa tingin niya’y kaya na ng lola niya gawin ang lahat ng gawain sa bahay.

Mga Teoryang Ginamit sa Nobela

Panunuring Humanismo

Noong panahon ng Rennaisance o Muling Pagsilang ay nakilala ang tradissyong

pampanitikan na Humanismo sa lugar ng Europa. Maraming Sining at Panitikan ang nailimbag

gamit ang Humanismo at ang mga manunulat ang may malaking ambag dito katulad na lamang

nina Francesco Petrach at Goivanni Boccacio na matalik na mag-kaibigan na kilala sa larangan

ng sining at panitikan.

Layunin ng teoryang Humanismo ay maipakita na ang sentro ng mundo ay ang mga Tao.

Sa teoryang ito binibigyang pansin ang mabubuting katangian ng tao gaya ng husay, talento at

talino. Isa rin ang kabutihang loob ng tao ang maaring bigyang pansin ng teoryang Humanismo.

Sa akdang ang “Ang Nakakabilib na si Lola Ising,” isa ang Pagsusuring Humanismo ang

makikita dahil dito makikita kung paano binigyang pansin ang husay ng tao.

“Iyan ang aking nakabibilib na Lola Ising. Siya ang umaayos ng mga
nasira kong laruan. Nang natanggal ang harapan ng laruan kong kotse,
nang naputol ang aking espada, nang nasadsad sa lupa ang aking
eroplano, si Lola Ising ang lahat ng umayos nito.”
Sa talatang nasa itaas ay ang isang halimbawa ng Humanismo na makikita sa akda. Sa talatang

ito ay pinakita kung paano binigyang pansin ni Rico ang Husay ng kanyang Lola sap ag-gawa ng

mga sirang laruan.


“ Hindi lamang iyan ang kayang gawin ng aking pambihirang lola.
Magaling din sumayaw at gumiling si Lola Ising. Kapag kasama ako sa
mga napiling magsayaw sa paaralan, si Lola Ising ang aking kapareha
kapag nage-ensayo ako sa bahay. Hakbang sa kaliwa, hakbang sa
kanan, iikot at magpapalit ng posisyon! Alam na alam ni Lola Ising ang
mga sayaw. Kaya naman kapag may programa sa paaralan, palagi
akong pinipili ng mga guro. Magaling daw kasi akong sumayaw, hindi
nila alam masmagaling ang kapareha ko sa page-ensayo.”

Ang talatang ito ay pangalawa sa halimbawa ng humanismo na makikita sa akda. Ang

talata ay ang kwento ng batang si Rico patungkol sa talento ng kanyang Lola sa pagsasayaw.

“Si Lola Ising din ang palaging nagtuturo sa akin ng takdang-aralin,


lalo na kapag ginagabi si Nanay sa trabaho. Isusulat niya sa papel ang
mga tanong at sasagutin ko naman. Minsan, napapakamot ako sa aking
ulo at hindi mapigilang magreklamo, ang hirap kasi ng Math! Itse-tsek
niya ang aking mga sagot na para bang siya ang aking guro.”

Ang pangatlong talata naman ay ang pagbibigay pansin ni Rico sa kabutihang loob ng

kanyang Lola. Dito iniliahad ni Rico na bukod sa pag-gawa ng kanyang Lola sa mga sira nynag

laruan at mga butas nyang suotin ito rin ang tumutulong sa kanya sa pag-gawa ng kanyang

takdang-aralin.

Panunuring Realismo

Sa teoryang realsimo ipinapakita at ipinaglalaban ang kahalagahan o importantansya ng

katotohanan kaysa sa kagandahan. Ang mga akda o sulatin na pumapailam sa teoryang realismo

ay hango sa totoong sa pangyayari sa buhay ng tao na inilihad sa epektibo at masining na paraan

ng manunulat kung kaya't ito ay hindi purong katotohanan.

Layunin nito na maipahatid o maihayag sa makakatotohanang paglalarawan ang mga

karanasan o nasaksihan ng manunulat. Sa teoryang ito ang istilo ng pag-sulat ang syang mas

binibugyang pansin at hindi ang paksa ng isang akda.


“Maraming magbabago, Rico, dahil sa aking sakit.”
Ang katagang ito ay isang kataga ni Lola Ising na sinabi nya sa kanyang Apong si Rico

sa kwentong "Ang Nakakabilib na si Lola Ising," kung unang babasahin ay aakalain mong isa

lamang itong patungkol sa mga pagbabago na pwedeng mangyari dahil sa sakit na meron sya,

pero kung uuli't-ulitin maaring masabing hindi lamang pagbabago sa sarili ang nais na iparating

ni Lola Ising pwede rin itong patungkol sa buhay dahil sa buhay ng tao walang permanente.

Kasabay ng pagtakbo ng oras ay ang maraming pagbabago kung saan walang kontrol ang tao.

Ang Teoryang Realismo ay pagsasalamin sa katotohanang kaganapan sa lipunan, mga

pangyayari na talaga namang lahat ay maaaring makaranas. Ito ay nakikita at nagaganap sa

komunidad na nagsisilbing salamin ng bawat isa para sa mas maganda ka kapaki-pakinabang

higit lalo sa mga nakararanas nito at tulong na rin sa mga mambabasa.

Panunuring Moralistiko

Ang teroyang moralistiko ay ipinahayag noong panahon ng Kastila at makbagong

panahon. Ipinapakita nito na ang bawat tao ay makatwiran at nilikha ng may malawak na pag-

iisip at kusang loob. Nakatuon ito sa bisa ng panitikan sa kaasalan, damdamin ng tao, at kaisipan.

Isinasaad ng mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay isang nilalang na maraming

kaalaman. Sinasabi rito na ginagamit ng manunulat bilang isang instrumento ang kanilang akda

upang paghanguan ng mga aral na gagabay sa pang araw-araw na buhay at desisyon ng kanilang

mambabasa. Kaya maaari niyang dalhin ang kaniyang mambabasa sa mabuti at masamang

landas.
Sinasabi rin dito na may kapangyarihan ang may akda na mag lahad o mag paayag ng

hindi lamang literal na katotohanan kundi ng mga panghabambuhay at unibersal na mga

katotohanan at di mapawingpag papahalaga o ang ang mas kilala sa tawag na (Values).

Pinahahalagahan ang panitikan hindi dahil sa kanilang partikular na katangian bilang

likhang isip na may sinusund na sariling prinsipyo at batas, kundi dahil sa mga aral na naidudulot

nito sa mga makikinig at mambabasa.

Ang layunin ng teoryang moralistiko ay ilahad ang iba't ibang pamantayan na sumusukat

sa moralidad ng isang indibidwal o ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga

pilisopiya o proposisyong nagsasabi ng tama o kamaliang kilos o ugali ayon sa pamantayang

intinakda ng lipunan. Napag kakasunduan ang moralidad sa kaantasang ito.

Makikita na nagamit ang teoryang Moralistiko sa maikling kwentong pinamagatan "Ang

nakakabilib na si Lola Ising" kung saan ipinaliwanag ng magulang ni Rico ang sakit na dumapo

sa kaniyang Lola Ising na tinatawag na "Parkinson's disease" kung saan meron parte ng kaniyang

utak ang hindi na gumagana ng maayos.

“May sakit daw si Lola mo, Parkinson’s ang tawag sa sakit niya,”
paliwanag ni Nanay. Park? Park? Sakit ba ito ng malimit pumunta sa
parke o hindi pumupunta sa parke? Nahawa ba siya sa akin noong
nilagnat ako? Bahagyang natawa si Nanay sa mga tanong ko.
“Hindi nakakahawa ang sakit na Parkinson’s. Kapag may ganun sakit,
ibig sabihin may maliit na bahagi ng utak ni Lola ang may problema
kaya minsan hindi niya mapigilan ang panginginig niya,” paliwanag ni
Nanay. Gagaling pa ba si Lola? Mawawala pa ba ang panginginig
niya?
“Hindi na,” malungkot na sabi ni Nanay.
“Pero mayroon naman siyang mga gamot na iinumin. Minsan may mga
araw na hindi siya manginginig masyado, minsan may mga araw na
mahihirapan siyang tumayo.”
Isa pang halimbawa ng pag gamit ng teoryang moralistiko sa maikling kwentong ito ay

kung saan sinabi ni Rico na si "Inson" na may-ari ng parke ang may kasalanan sa pagkakaron ng

sakit ng kaniyang Lola. Ipinaliwanag naman ng magulang niya at ng kaniyang Lola na hindi si

"Inson" ang mag kagagawan, at itinama ang maling paniniwala ni Rico kahit ito ay mag dudulot

ng kalungkutan sa kaniya.

Hindi ko napigilan at ako napaimik,


“Kasalanan ito ni Inson!”
Nagtataka si Nanay na napatingin sa akin,
“Sino naman si Inson?”
“Si Inson yung may-ari ng Parke kung bakit nagkasakit si Lola!”
Matagal silang napatingin sa akin, si Nanay at si Lola, bago sila
humagalpak ng tawa. “Hahahaahaha!”
Ang lakas ng tawa ni Lola Ising. Malutong na parang chicharon ang kanyang mga

halakhak. Matagal ko ng hindi naririnig ang kanyang malakas na tawa. Napasaya ko si Lola

Ising! Niyakap ako ni Lola Ising matapos punasan ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

“Parkinson’s,” ang marahang sabi ni Lola.


“Iyan ang sakit ko at hindi ko yan nakuha kung saan mang parke. At
lalong hindi yun galing kay Inson.”
Ipinapakita rito na kahit masakit para kay Rico dahil siya ay bata pa ay dapat na niyang

malaman ang katotohanan upang kaniyang lubos na maunawaan ang pinag dadaanan ng

kaniyang Lola Ising. Makikitang hindi nila pinag takpan gamit ang mga salitang hindi nararapat

kagaya na lamang ng "Gagaling din ang iyong Lola Ising, Rico,magpakabait ka lamang" Mas

pinili nilang sabihin ang katotohanan dahil iyon ang tama at nararapat.

Mula sa talata ng kwento:


“Lumulukso ang puso? Eh di, ilalapit ko ang tenga ko sa dibdib mo
para pakinggan kung lumulukso ang puso mo. Kahit hindi ka makangiti
Lola Ising, wala yung problema. Ako ang ngingiti para sa ating
dalawa.’
Ngumiti si Lola Ising at niyakap ako ng mahigpit.
“Maraming magbabago, Rico, dahil sa aking sakit.”
Niyakap ko din siya ng mahigpit. Kahit maraming magbago, siya pa rin
ang nakabibilib kong Lola Ising.
Naipapakita rito, ang katangian ni Rico na mayroong mapagmahal, inosente at busilak na

puso na hinulma mula sa magandang pagpapalaki ng kaniyang pamilya. Tunay ngang ang

pagiging mabuting modelo ay nagbubunga rin ng mabuti. Makikita rito ang pagpapahalaga ni

Rico sa kaniyang Lola Ising simbolo ng kaniyang moralidad at pananaw sa buhay.

You might also like