You are on page 1of 16

PAGSUSURI

Dulang Trahedya
Inihanda ng pangalawang pangkat
Mga Tatalakayin:
Dyanra o Uri ng Dula
( Ang katuturan at katangian)
Elemento ng Dula
(Skrip, Dayalogo,Aktor o Aktres)
Pamagat, may akda ,nilalaman, kayarian,
buod, gintong aral, kamalayang
panlipunan, taglay na bisa, at pagdulog na
ginamit.
Pagsusuri ng Dula
Pamagat
MOSES, MOSES
May- Akda
Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) ay isang
Pilipinong piksyunista, mandudula, tagasalinwika, at
tagapagturo.
Anak nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez.
Ipinanganak siya noong 26 Hunyo 1940 sa Alua, San Isidro, Nueva
Ecija, Pilipinas.
Mga Tauhan
Regina- 48 taong gulang, nanay ni Aida, isang guro at
balo.
Tony- panganay na anak, kapatid ni Aida na pumatay
sa anak ng mayor.
Ben– 16 taong gulang, Bunsong anak na nagsumbong
sa kanyang ina na may dalang baril si Tony.
Ana- 46 taong gulang, matandang dalaga na kapatid
ni Regina.
Aida– 18 taong gulang, anak ni regina, ang babaeng
nagahasa
Mga Tauhan
Alkalde– Ama ng gumahasa kay Aida, nagpapaurong
kay Regina ng kaso ng anak.
Konsehal– Kasama ng alkalde nang nakipag usap
ito kay Regina.
Ang Pulis- Kasama ng alkalde at huhuli kay Tony
Buod
Isang gabi, nag-uusap si Regina at Ana. Napag-usapan nila ang tungkol sa nangyari
kay Aida. Si Aida ay nagahasa ng anak ng Alkalde. Si Aida ngayo’y hindi parin
makapasok sa paaralan dahil siya’y na-trauma at wala siyang maiharap na mukha sa
kanayang mga kaklase. Kaya’t kumuha ng leave si Regina sa pagtuturo upang
mabantayan niya si Aida.
Tapos, biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasama ang isang Konsehal.
Naparoon sila upang humingi ng dispensa sa nagawa ng anak ng Alkalde at ninanais
nila na i-urong na lamang ni Regina ang pagsampa sa kaso. Ngunit hindi pumayag si
Regina dahil akala niya’y hustisya ang mananaig.
Nang umalis na ang Alkalde at Konsehal, nag-usap si Tony at Regina. Gusto ni Tony
na i-urong na ang pagsampa ng kaso dahil sa kalagayan ngayon, ang hustisya ay
hindi na nananaig. Ang malakas, makapangyarihan, at mayaman na ang hustisya,
sila ang laging mananaig. Ang nais na lamang ni Tony ay mapatay ang anak ng
Alkalde. Buhay sa buhay kumbaga. Pinaalala rin ni Tony ang nangyari sa kaniyang
ama. Nang namatay kasi ito, hindi nila nakamit ang hustisya. Pero, ipinagpilitan
parin ni Regina na itutuloy niya ang pagsampa ng kaso.
Buod
Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumpong nanaman si aida,
kailangan ni Aida ng tranquilizer upang siya’y kumalma. Kaya’t nagpabili ng gamot si
Regina kay Tony. Nung nakaalis na si Tony, nasabi ni Regina kay Ana na malaki na
ang pinagbago ni Tony. Biglang dumating si Ben at tinanong niya kung nakaalis naba
si Tony. Tumugon si Regina. At inamin ni Ben sa ina na may dalang baril si Tony dahil
binabalak niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si Ben na huwag itong
ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni Ben.
Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa cabinet at
naghahanap ng gamot ngunit natabig niya ang isang bote ng gamut at ito’y nabasag.
Nagising mula sa pagkaka-idlip si Regina. Sinabi ni Aida sa ina na hinahanap niya
ang gamut. Tugon naman ni Regina ay binili na ito ni Tony. Nang matanong ni
Regina kung anong oras na, nagulat siya dahil hindi niya namalayang pasado alas-
dos na ng umaga. Sinabi ni aida na hindi siya makatulog, kaya’t tinimplahan siya ni
Regina ng gatas.
Naikwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na pinapainom daw ng mga lagad
ng anak ng Alklde ang kanyang kuya Tony ng lason, kahit anung pilit daw niya na
humngi ng tawad ay patuloy parin pinapainom ng lason si Tony, ang masaklap pa sa
panaginip na iyon ay ininom ni Tony ang lason. Takot na takot na kinwento ni Aida
ang kaniyang panaginip.
Buod
Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot hanggang umaga,
biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na tumawag na si Ben ng taksi
dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony ang anak ng Alkalde, ngayo’y hinahabol na
siya ng Alkalde at ng mga pulis. Iyon lamang daw ang paraan upang makuha ang
hustisya. Ngunit sinabi ni Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si
Tony ay isa ng mamamatay-tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinabing wag silang
umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang Alkalde, tinutukan niya ng baril
si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-tulungan ng mga pulis si Tony.
Nang kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa kamay ni Regina, sa hindi sinasadyang
pangyayari ay nabaril ni Regina si Tony. At dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa
kasalanan niya.
Nilalaman
Kawalan ng katarungan ng hustisya sa ating
bansa.
Kakayahan ng mga taong may pera laban sa
mahirap.
Ang paghihirap ng mga taong na nabibiktima ng
ganitong gawain
Uri ng Dula
Ang “Moses, Moses” ay isang sikat na dulang trahedya.
Naglalaman ito ng dula na nagpapatungkol sa mga kalunos-
lunos o malungkot na mga pangyayari.
Ito ay isang dula na kung saan ipinakita ang isang mukha ng
hustisya sa bansa.
Paglalarawan sa Script at Diyalogo
Epektibo ang akdang ito sa papakita ng mga
emosyon at suliranin ng mga tauhan sa lipunan.
Naging pormal ang mga salitang ginamit at
wasto ang gramatika nito.
Madali ang mga linya maunawaan ng
mambabasa.
Masining ang pagkakalikha ng akda at kaabang
abang ang susunod pangyayari sa kuwento.
Umangkop sa panlasa ng mga mambabasa ang
kuwento dahil makatotohanan ito.
Kamalayang Panlipunan
Ipinakita ang mga pangyayaring nagaganap sa ating lipunan.
Ang pag abuso sa posisyong ginagampanan
Ang matalinong pagpili ng kandidato na ihahalal sa gobyerno.

Taglay na Bisa
Bisang pandamdamin

Dulog
Realismo
Sosyolohikal
Gintong Aral
1. Maging bukas ang 3. Matuto tayong
ating isipan tungkol Maging mahinahon
sa kalagayan ng ating
lipunan.

4. Huwag abusohin
2. Huwag natin ilagay ang kapangyarihan na
ang hustisya sa ating iyong natatamasa.
mga kamay. Datapwat gamitin ito
para makatulong at
maglingkod sa iba.
Salamat sa Pakikinig!
Katrina Amaro
Jessabhel Bosito
Krizshajane Madrinan
Joreann Robles
Sanggunian
https://youtu.be/yBitZsxyKd0

http://kingedrah.blogspot.com/2009/03/moses-moses.html

https://pdfcoffee.com/moses-moses-3-pdf-free.html

http://studybuddyonline.blogspot.com/2014/01/moses-moses-
suring-trahedya.html

You might also like