You are on page 1of 5

Serato, Darwin J.

BSED 22M1 FIL

I.Pamagat

Moses, Moses

Ni Rogelio R. Sikat

II. Nilalaman

a. Mga Tauhan:

 Regina Calderon – Siya ang pangunahing tauhan sa kwento, 48 taong


gulang na nagtratrabaho bilang isang guro sa paaralan ng Torres
Highschool sa lungsod ng Maynila. Isang biyuda sapagkat namatay na
ang asawa dahil sa ito’y binirali ng hindi mga kilalang tao.

 Tony Calderon – Panganay na anak ni Regina na lalaki na tumatayong


padre de pamilya. Siya ang anak ni Regina na hindi naniniwala sa
batas at hustisya, ang kanyang paniniwala ay nakabatay sa bibliya na
kanyang nababasa.

 Aida Calderon - Ang nag iisang dalagang anak ni Regina, 18 taong


gulang. May inagdaan na hindi kaaya-aya sapagkat siya ay hinalay ng
anak ng Alkalde, dahilan kung bakit ang ina na si Regina ay
ipinapaglaban ang hustiya para sa anak.

 Ben Calderon – Bunsong anak na lalaki ni Regina, 16 taong gulang.


Mahilig magbasa ng mga libro, masunuring bata at guwapo at
alistong bata na inilawaran ng Alkalde.

 Ana Calderon “Tiya Ana” – Kapatid ni Regina na matandang dalaga na


ang edad ay 46 taong na gulang. Siya ang katuwang ni Regina sa
pagapapalaki ng kanyang mga anak at nagsisilbing tiya ng mga bata.

 Alkalde – Ang alkalde ang namumuno sa lungsod kung saan nakatira


ang pamilya Calderon. Ang Alkalde rin ang Ama ng binatang
gumahasa sa anak ni Regina na si Aida.

 Ang Konsehal –Ang konsehal ang tumatayong konsehal ng lungsod at


kumpadre ng Alkalde. Siya rin ang tumatayong abogado ng sa kaso
ng anak ng Alkalde.
 Mga pulis – Mga pulis na tumulong sa Alkalde upang hindi umusad
nang mabilis ang kaso. Sila rin ay panig at kampi sa Alkalde,
kalaunan ang naging dahilan kung bakit napatay ni Regina ang anak
na si Tony.

b. Tagpuan

Ang unang tagpuan ay ang Motel. Sa Motel naganap ang hindi


kaaya-ayang pangyayari na nagmistulang bangungot para sa anak ni
Regina na si Aida, ditto naganap ang pangahahalay, pananakit at
pambubugbog ng anak ng Alkalde kay Aida. Ang pangyayaring ito ang
naging bangungot ni Aida at naging mitsa sa lahat ng kaganapan sa
buong kwento. Samantala, ang apartment naman ang nagsilbing
Ikalawang tagpuan sa ilang mahahalagang pangyayari sa kwento ng
Dula. Ang apartment na pagmamay-ari ng pamilya Calderon ang
naging saksi sa lahat ng pinagdaanan ng pangunahing tauhan na si
Regina. Dito rin naganap ang isang karumal dumal na animoy
bangungot para kay Regina at sa ilan pa niyang mga anak na sina
Aida, Ben at kapatid na si Ana. Sapagkat sa apartment na tinitirahan
nila, dahil sa bugso ng damdamin at awa na nararamdaman ni
Regina noong nakikita niya na binubugbog, sinisipa, sinusuntok ng
mga kapulisan ang kanyang anak sa mismong loob ng kanilang
pamamahay ay nag wakas ang buhay ni Tony.

III. kayarian

a. Dyanra

Ang kuwentong dula na “Moses, Moses” ay kinapapalooban ng


dyanrang Trahedya sapagkat ang pangunahing bida sa kuwento na si
Regina ay natalo at hindi nagtagumpay sa pagkamit ng hustisya para
sa kanyang anak na si Aida. Masasabi natin na trahedya ang
kwuentong ito dahil sa kaawa-awang sinapit ng pangunahing tauhan
sa wakas ng kuwentong ito. Sa wakas ng kuwento, sa sobrang awa ng
ina sa kanyang anak ay nauwi ito sa isang trahedya na kung saan
napilitan itong kitilan ng buhay ang panganay na anak na si Tony,
dahil dito parang nabawasan o namatay din ang pangunahing tauhan
sa kuwento sapagkat sino bang ina ang gutsong makita na naghihirap
ang anak sa kasalanang bunga rin naman ng kasalanan ng iba.
Bilang ina, hindi mahirap mawalan ng anak lalo na kung ito ang
nagbibigay sa’yo ng inspirasyon para luamaban at magpatuloy sa
buhay.
b. Teorya

Ang kuwentong dula na pinamagatang “Moses, Moses” ay


pumapaloob sa teoryang realismo. Sapagkat ang layunin teoryang
realismo ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda
sa kanyang lipunan. Katulad na lamang ng kuwentong dula na ito,
ipinapakita rito ang tunay na reyalidad pagdating sa kawalan ng
hustisya, panghahalay, pananalapi, at impluwenysa ng
kapangyarihan sa politika na sumasalamin sa kuwento at sa lipunan
ating ginagalawan. Halimabwa na lamang ay noong hinalay ng anak
ng alkalde si Aida, ginamit ng Alkalde ang kanyang impluwensya at
salapi upang pilit na pagtakpan ang kawalanghiyaan ng kanyang
anak. Ikalawa ay noong hindi nakamit g oangunahing tauhan na si
Regina ang hustiya para sa anak na si Aida. Dahil din dito,
napagtanto rin ni Regian na ang hustia ay hindi para sa mahihirap
bagkus ito ay para sa mga maimpluwensyang tao, mayaman at may
kapangyarihan sa politika. Ang mga halimbawa na mga pangyayari ito
kuwento ang napapatunay na ang kuwentong ito ay kinapapalooban
ng Teoryang Realismo.

IV. Buod

Sa isang apartment nakatira ang pamilya Calderon na sina


Regina, Ana, Tony, Aida, at Ben. Si Regian ang magulang nina Tony,
Aida at Ben, siya ay isang byuda at guro sa paaralan ng Torres
HighSchool sa lungsod ng Maynila. Sila ay lumipat mula Gagalangin
upang makipagsapalaran sa bago nilang tinitirahan. Sa hindi
inaasahang pangyayari, ang kanyang anak na si Aida ay nagahasa at
nabugbog ng anak ng Alkalde, dahil ditto nakasakit at nakaranas ng
trauma si Aida bunsod ng hindi kanais-nais na pangyayari. Dahil sa
pangayayaring iyon, nagsampa ng demanda si Regina laban sa anak
ng Alklade sa kasong rape at pananakit nito sa kanyang anak. Sa
hindi inaasahan, ang Alkalde at konsehal na abogado rin ay dumating
at dumalaw sa bahay ng Pamilyang Calderon upang pakiusapan at
suhulan ng salapi si Regina na iatras ang demanda laban sa kanyang
anak na nahaharap sa mabigat na kaso, dahil sa insultong iyon ay
sinampal ni Regina ang Alkalde at tiyaka ito pinalayas sa kanilang
tahanan.

Ang masamang layunin at intenyion ng Alkalde ay mas nag


udyok pa at nagpaningas sa galit na nararamdam ni Regina, dahil
ditto nag desisyon si Regina na ituloy ang kaso kahit pa maubos ang
kanilang pinagkakabhayan. Ngunit, ang desisyong iyon ay tinutulan
ng kanyang panganay na anak na si Tony. Ika ni Tony, ang pagkamit
ng hustiya ay hindi sa ganoon paraan na lamang matatapos sapagkat
buhay ang kanilang sinira kaya marapat na buhay rin ang magiging
kapalit. Dahil dito, napagtanto ni Regina na tuluyang nagbago na ang
anak at pananaw nito patungkol sa pagkamit ng hustiya, si Regina ay
nakaramdam ng takot para sa anak na si Tony. Makalipas ang ilang
oras, si Ana ay nagsalita na kailangan na ng gamut ni Aida upang
makapagpahinga na at agad naman nag asikaso si Tony upang bumili
ng gamut ni Aida sa ‘di kalayuang botika. Subalit, nang makaalis na
si Tony ay agad naman nagsabi ang bunsong anak ni Regina na may
dalang baril ang kanyang kuya na si Tony. Dahil ditto ay lubos na
nagalala si Regina sa kung ano ang maaaring gawin ni Tony sa
Alkalde. At sa ‘di inaasahan, nangyari na nga ang kinakatakutan ni
Regina, napatay ni Tony ang anak ng Alkalde na gumahasa at nanakit
sa kapatid na si Aida.

Dahil sa nagawang ‘di maganda ni Tony, ninais nito na lumayo


at magtago sa probinsya sa Nueva Ecija kasama ang kanyang ina’t
mga kapatid. Ngnuit, hindi sangayon si Regian dito kaya noong may
mga pulis na dumaing da kanilang tahanan ay isinuko niya ang
kanyang pinakamamahal na anak sa mga pulis, subalit kabaliktaran
ang nangyari. Binugbog nga mga pulis ang kawawang si Tony, dahil
sa awa na nakikita ng ina na si Regina, ay minabuti niya na lamag
wakasan ang buhay at paghihirap ni Tony sa kamay ng mga pulis,
binaril ni Regina ang kanyang anak. Matapos mabaril ang kanyang
anak ay pinusasan naman siya agad ng mga Pulis at tiyaka sinampal
ng Alkalde at nagbitaw ng katagang “pinatay ng anak mo ang anak
ko”, ang tugon naman ni Regina “Oo” at pianaty ko rin ang anak ko,
ako ang pumatay sa anak ko, ipagasisigawan ko na ako ang pumatay
sa anak ko. Sa huli, ang hustisya na ipinaglalaban ni Regian ay hindi
pa rin namakamit, at ang mga kamalian at kasamaaan ay patuloy pa
rin namamaygpag sa ating lipunan.

V. Pagsusuri

a. Gintong Aral

Ang gintong aral ng kuwentong dula na “Moses, Moses” ay


simple lamang ngunit tiyak na tatak sa isipan ng mga mambabasa.
Ang ginting aral ay bilang isang indibidwal na tao, kung tayo man ay
nakakaranas ng parehong problem ng pamilya Calderon, lagi natin
tandaan na huwag natin ilagay ang batas sa sarili natin mga kamay
sapagkat maaari natin itong pagbayaran ng mas higit pa at ito ay
kasalanan sa batas ng poong maykapal.
b. Taglay na Bisa

Ang kuwentong dula na pinamagatang “ Moses, Moses” ay may


bisang taglay sa pangkaisipan sapagkat ang mga pangyayaring
naganap sa kuwentog dulang ito ay maaari magbigay ng pagababago
sa kaisipan ng mambabasa patungkol sa tamang proseso ng pagkamit
ng hustiya at mga bagay na dapat isaalang-alang at iwasan. Dahil na
rin sa mga natutunan ng mga mambabasa sa bawat pangyayari sa
kuwentong dula na ito, sila ay makapupulot ng aral na siyang tatak
sa kanilang isipan.

c. Kamalayang Panlipunan

Ang kuwentong dula ng “Moses, Moses” ay nagpapakita ng mga


isyu at sularanin sa ating lipunang ginagalawan particular na sa sa
ugali, diskriminasyon, pananalapi, at kapangyarihan sa lipunan.
Maging sa paraan ng pagkamit ng hustisya ang iba ay gumagamit ng
dahas na sa huli’y sila rin naman ang magiging responsible.

You might also like