You are on page 1of 15

HULING PAGSASANAY

Pangalan:Marjorie M. Ramos
Kurso: BS Psychology 2A
Petsa: Mayo 22,2022

I. Panuto: Pumili ng tig-iisang akdang pampanitikan ng mga manunulat sa ibaba at


gumawa nga mga pagsusuri dito (Literary Analysis) Gamitin ang gabay sa ibaba para
sa maayos na pagsusuri. Isumite ang gawain sa email na
gelian.me101292@gmail.com sa Mayo 25, 2022 na may file name na Family name,
Huling Pagsasanay,Psych 2

GABAY SA PAGSUSURI NG PANITIKAN


*note: Isulat ang pagsusuri sa paraang pasalaysay.

I. Tradisyon (suriin at ipaliwanag ang tema ng akda. Talakayin din sa bahaging ito ang
panahon kung saan naisulat ang akdang napili)
II. Paksa (talakayin ang pamagat ng akda. Bakit ito ang nagging pamagat? Ano ang
implikasyon ng pamagat sa kabuuan ng akda?)
III. Paglalarawan sa Tauhan (talakayin ang mga karakter nga mga pangunahing tauhan)
IV. Lengguwahe (paano ginamit ang wika sa akda? Maligoy ba? Direkta? Madaling
maunawaan? Gumamit ng mga tayutay?)
V. Pamamaraan (paano inilahad ang mga pangyayari?)
VI. Pagwawakas (ang bahagin ito ay nilalaman ng sariling kabuuang komento tungkol sa
akda. Maaari ring magbigay ng rekomendasyon para sa ikahuhusay pa ng akda.)

Mga Manunulat:

1. Teo Antonio
2. Edgardo Reyes
3. Rosario Guzman
4. Dr. Jose P. Rizal
5. Patricio Marianos
Doon po sa amin
ni Teo Antonio
Doon po sa amin, bayan ng Panique
Mga mamamayan ay lubhang mas'werte
Ang pulis ay pilay, ang meyor ay pipi,
Gobernor ay bulag, ang hukom ay bingi

At may isang mutyang ginahasa noon,


Ginahasang mutya'y sa pulis nagsumbong
Ang pulis na pilay, nagbulong sa meyor
Na ang sinangguni'y bulag na gobernor.

Sa hukom na bingi, ang kaso'y dinala


Kaya katibaya'y tinakwil ng tenga.
Doon po sa amin, sa Paniqueng sinta,
Bingi, bulag, pipi't pilay ang hustisya.

Sa panahong ito umusbong ang panitikang Pilipino dahil bumagsak na ang


kapangyarihan ng Hapon sa Asya. Maraming nasabik na mga manunulat na sumulat dahil
nabuksang muli ang palimbagan at nagkakaron pa ng mga patimpalak na nang akit sa mga
manunulat. Isa si Teo Antonio sa nagpamalas ng kanyang galing sa paglalaro ng mga salita.
Madami siyang naisulat na mga akdang pampanitikan ngunit napukaw ang aking atensyon sa
kanyang tulang “Doon po sa amin” na isinulat niya taong 1980. Tungkol ito sa walang
hustisyang hustisya sa mamamayan ng isang lugar na may bulok na sistema.
Pinamagatan itong “Doon po sa amin” dahil tinutukoy nito kung saan nagaganap ang
pangyayari. Sa unang pagbasa sa pamagat maiisip agad ng mambabasa na tungkol sa isang lugar
ang binibigyang tuon ng tula. Ang Panique ang tinutukoy na lugar sa pamagat. Ipinakilala din sa
tula ang pulis na pilay, Mayor na pipi, Gobernor na bulag, biktimang babae, at hukom na bingi.
Hindi ito literal na pagbibibgay depenisyon sa mga tauhan dahil ginamitan lamang ito ng tayutay
ng manunulat. Dahil dito mas naging kahanga hanga ang akda. Bagamat hindi ito literal na
pagpapakahulugan, madali lamang itong maintindihan dahil sa husay at wastong pag gamit ng
salita.
Pabaligho ang salaysay sa unang saknong, itinulay sa ikalawang saknong na masasabing
gusot ng kuwento, at magiging resulta ang ikatlo’t pangwakas na saknong. Metonimiya ang susi
sa pagtuklas ng buong estruktura ng bulok na sistema; at ang babaeng ginahasa’t niluray ang puri
ang luray na puri din na tataglayin ng Panique. Dahop sa hustisya ang nasabing pook, ayon sa
tula, at kaya maiisip na metonimiya ang Panique sa malawak na lipunan.
Sa kabuuan, ang ganitong mga paksa ay kailangan irekomenda dahil sa nilalaman nito.
Isa ito sa pwedeng pumukaw sa libo-libong tao na nabubulag pa rin sa kanilang imahinasyon.
Mula noon hanggang ngayon patuloy pa rin ang ganitong uri ng problema kaya nararapat lamang
na mas maging maalam at mas maging maingat ang mga mamamayan sa pagtitiwala. Isa ito sa
magiging dahilan upang mas maging mulat pa ang tao sa kung ano ang ating sitwasyon ngayon
at mas maging mapanuri at maging maingat sa pagpili ng pagkakatiwalaan.
Laro sa Baga
ni Edgardo Reyes

Masasabing tunay na panahon ng mga nobelang Pilipino ay nagsimula noong taong 1900
at nahati ito sa mga panahon. Si Edgardo Reyes ay nabibilang sa reyalistiko dahil pinapakita niya
sa kanyang akda ang mga reyalistikong nagaganap sa mga buhay ng taong nasa laylayan.
Naisulat ni Edgardo Reyes ang nobelang “Laro sa Baga” noong panahon ng bagong lipunan na
kung saan ay ang pagsibol ng unang bugso ng mga kontemporaryong mga akda. Ang nobelang
ito ay may paksang hindi para mga bata at hindi dapat basahin ng mga taong may sarado ang
isip. Ito ay isang kwento ng isang binata na naglaro ng pag-ibig sa iba’t-ibang bababe na nagdaan
sa kanyang buhay. Bagamat hindi tungkol sa pamahalaan ang Laro sa Baga, naipapakita dito ang
pinagdadaanan ng isang taong hindi mo aakalaing may ganitong pangyayari pala. Isa ito sa
nagmulat ng libo-libong tao at naging dahilan upang mas maging maingat tayo sa pagmamahal
dahil baka ito ang ating ikapahamak.
Bagamat gumamit ng tayutay ang akda sa pamagat, makukuha agad nito kung anong laro
ang kanyang tinutukoy. Isang laro na hindi para sa mga bata. Isang laro na delikado para sa mga
matatanda. Isang laro na pwedeng pang-isahan, pang-dalawahan o pang-tatlohan man. Isang
larong hindi nangangailangan ng rules, ng referee o ng mga audience. Isang laro na kung hindi
mo mapagbubuti ng maigi, maaaring maging kapalit nito ay ang iyong sariling kaligayahan.
Isa si Ding sa natalo sa larong ito. Siya ang pangunahing tauhan sa kwentong ito na
nakipag laro sa apoy ng iba’t-ibang babae. Bata pa lamang siya ay nagustuhan niya na si Dee,
ang anak ng kanyang Ninang Carmen. Inilayo si Dee ng kanyang Ninang Carmen sa kanya kaya
noong nagkaroon ng trabaho si Ding ay nakatagpo siya ng mga babaeng nakipaglaro sa kanya.
Kabilang na dito si Lydia na nagbigay ng sasakyan, si Teng na kinupkop niya pagkatapos
magpakamatay ang ina nito, si Emy na pinakasalan niya kasi akala niya ay siya ang nakabuntis
ditto pero ang kuya pala nito ang ama ng dinadala nito. Kalaunan ay nakipaghiwalay sya kay
Emy at bumalik siya kay di ngunit huli na ang lahat para sa kanila.
Naging maayos ang takbo ng kwento dahil maayos itong nailahad ng may akda. Konti
lamang ang tayutay na ginamit dahil siguro ay isa itong nobela. Mas mainam kung gumamit ng
mga detersong salita upang mas maintindihan ng mambabasa ang daloy ng kwento. Ang kwento
ay umikot sa masalimuot na tuwirang pagtatalakay sa buhay ng pangunahing tauhan, simula sa
nakakagulat na mga kaganapan, sa paghubog ng pagkatao, at sa mga nakakabagabag na
pangyayari.
Sa kabuuan maganda ito dahil mayroong makukuhang aral subalit dapat ay nasa wastong
gulang ka na bago mo ito basahin dahil may mga eksenang hindi pwede sa bata. Kung nais mong
makapagbasa ng mga mapaglarong mga dayalogo ay nararapat na basahin mo ito.
Kung wala na ang Tag-araw
Ni Rosario de Guzman-Lingat

Ang Kung wala man ang Tag-araw ay na isinulat ni Lingat at nailabas itong libro taong
1967 kasabay ng Ano ngayon, Ricky? Isa si Lingat sa gumamit ng mga salita upang ipahayag
ang problemang panlipunan na kinakaharap ng nakakaraming mamamamayan. Ngunit ang paksa
ng nobelang ito ay mas tinutukan ang tungkol sa pagpapakilala ng pagkalalaking Pilipino na
maitutumbas sa Laro sa Baga ni Edgardo Reyes.
Sa palagay ko kaya ito pinamagatang Kung wala na ang Tag-araw ay dahil ang kwento
ay umikot sa buhay ni Victor noong kabataan niya. Ito ang impluwensyang nakuha niya kay
Eking, ang samantalahin ang tag-araw na tumutukoy sa kanilang kabataan upang magpaligaya ng
iba’t-ibang pag-ibig.
Hindi pangkaraniwan ang ganitong paksa noon ngunit katulad ni Reyes naging magaling
din sa pagpapakilala ng tauhan si Lingat. Sinikap niyang ipakilala ang katauhan ni Victor.
Mababakas sa kwento na marami ring nakaugnayan si Victor. Ang una ay si Anastacia na naging
kanyang asawa dahil ito ay kanyang pinakasalan at ang kanyang unang pag-ibig at nagkaroon din
sila ng apat na anak. So Carmela, ang unang pagkakamali ni Victor na impluwensya ng kanyang
kaibigan na si Eking, ngunit kalaunan ay hiniwalayan sya ni Carmela nung malaman na may
asawa na siya. Isang matapang na ginawa ng isang babaeng nagmamahal ang ginawa ni Carmela
dahil hindi naging madali sa kanya ang lahat. Sa kabilang dako naman, si Teresa na kahit alam
niyang kabit lamang sya ay hindi pa rin siya tumigil sa pakikipag relasyon kay Victor. At si Gina
na naglalarawan din ng pagtataksil dahil pumapatol siya kay Victor kahit may asawa siyang
pulis. At ang pang huli ay si Gina kung saan isang babaeng bayaran na binahay ni Victor noong
tumanda siya ngunit masasabi kong siya din ang karma ni Victor dahil iniwan nito ang huli at
sumama sa binatang drayber. Kahit ang isang anak din ni Victor na si Claudia ay parang naging
pambayad utang ni Victor sa kanyang ginawa dahil ito ay iniwan ng kanyang asawa dahil may
asawa din pala ito. Mula noon, naging masasakitin si Claudia at lagi’y pinararausahan ang sarili
dahil sa kahihiyan sa pamilya at sa kanilang komunidad.
Maayos ang pagdedetalye ni Lingat sa kanyang akda. Naipahayag niya ang mga tauhan
ng walang paglikha ng istiryotipiko. Pangahas si Lingat na hindi sumunod sa pormula ng
kuwento ng pag-ibig at mga tauhan sa nobela ng pag-ibig. Kapansin-pansin ang mainam niyang
paggamit ng puwersa ng kalikasan para ipahiwatig ang kasaysayan ng mga tauhan. Bagyo para
sa problemang sikolohikal ni Claudia. Lantang bulaklak at lindol para sa mapipintong giyera.
Tag-araw para sa kasibulan ng pagkalalaki ni Victor at sa pambabae nito. At pag-ulan bilang
paghilom at pagbabagong-buhay. Bagamat marami ang tayutay na ginamit ni Lingat naging
maayos pa rin ang takbo ng kwento dahil naging maingat siya sa pag gamit nito. Kakaiba din ang
kanyang likha dahil ang kwento ay umabot hanggang sa pagtanda ni Victor.
Maganda ito lalo na sa mambabasa na naghahanap ng thrill sa isang kwento. Madami
ding mapupulot na aral lalo na kapag nasa punto ka na din ng pag aasawa. Isa ito sa mga di
pangkaraniwang nobela dahil mahusay at maayos ang pagkakasulat dito. Bagamat matagal na
itong nailimbag kung bibigyan lang ito ng pagkakataon na imungkahe sa masa at ilagay sa mga
komersyal siguradong magiging kilala ulit ito at madami ang matatangkilik basahin ito.

El Filibusterismo
Ni Dr. Jose Rizal
Isinulat ito noong sinusulong ang ating kalayaan sa mga dayuhang sumakop sa atin.
Taong 1891 taon ng pagkamulat nailimbag ang nobelang ito. Marami ang nagtangkang
maghimagsik ngunit walang nagtagumpay sapagkat iba-iba ang layunin. Nagkaroon ng
pagbabago dahil mas namulat ang mamamayang Pilipino sa mahigpit na pagtrato sa kanila. Isa si
Rizal sa pumukaw ng mga puso ng mga mamamayang Pilipino upang mas matangkilik at mas
mahalin pa nito ang sariling atin.
Ang Filibusterismo ay mula sa salitang Filibustero at dinagdagan ng panlaping ismo na
nagresulta sa kahulugan nito bilang idiyolohiya o paraan sa pakikipaglaban, pagtuligsa o
pagkontra ng mga sinaunang Pilipino sa maling pamamaraan ng pananakop ng mga Kastila. Ito
ay ang pangalawang libro ng Noli Me Tangere, ito ay nangangahulugang ang paghahari ng
kasakiman. Sinasalamin ng akda ang abusong iniinda ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila,
Ipinapakita din kung ano ang kaibahan ng paghiganti ng pangunahing tauhan sa kwento.
Maraming tauhan ang naging kasali sa kwento katulad ni Simoun, na kilala bilang Ibarra
sa unang libro na Noli Me Tangere. Isa siyang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may
kulay, na umano’y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay nagbalik upang maghiganti
sakanyang mga kaaway. Mapapapansin din sa kwento na madaming Padre na nabanggit katulad
ni Padre Milon, Padre Camorra, Padre Salvi, Padre Sibyla, Padre Irene, Padre Fernandez, at
Padre Florentino. Malinaw na pagpapakita na mas nakakahigit ang Espanyol sa mga
mamamayang Pilipino dahil namumuno ang simbahan. Marami ding nabanggit na mga nasa
matataas na posisyon gaya nina Don Custodio, Ginoong Pasta, Ben Zayb, Donya Victorina, Don
Palaez, at Don Tiburcio na mas inuuna pa ang kanilang adbentahe kesa isipin ang mga nasa
laylayan. Kasama din ang mga may magagandang hangarin katulad ni Basilio, ang mag-aaral ng
medisina at kasintahan ni Juli. Kabesang Tales ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari
ng lupang sinasaka nainaangkin ng mga prayle. Sandoval ang kawaning Kastila na sang-ayon o
panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral.
Ang kwento ay may maayos na pagkakasunod-sunod. Nahahati ito sa iba’t-ibang
kabanata kaya mas madali itong maunawaan. Kahit gumagamit ng tayutay ang may-akda ay
naging epektibo pa rin ang mga salitang kanyang ginamit at hindi pa rin naging sagabal iyon
upang hindi maintindihan ng mambabasa ang kanyang binabasa. Maraming matututunan ang
bawattao sa akang ito at maganda ang pagkakadetalye ng kwento.
Ang nobelang ito ay isa sa mga tinalakay noong ako ay hayskul, at laking pasasalamat ko
na nabasa koi to noon pa. Ito ay makabuluhan at nakakaenganyong basahin sapagkat
sinasalaysay dito ang hindimakataong pag trato ng mga Kastila sa mga mamamayang Pilipino at
kung anong systemamayroon ang Pilipinas sa panahon ng mga Kastiula, higit sa lahat
isinasalaysay dito angkasaysayan ng Pilipinas noong panahon ng mga Kastila. Isa ito sa mga
nobelang kailangang basahin ng mga Plipino lalo na ang mga kabataan upang mas maging mulat
sila sa mga nangyayari at pumili sila ng mga nararapat na opisyales kapag sila ay may kakayahan
nang bumoto. Isa itong patunay na ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga upang makamit natin
ang kalayaan at mga bagay na nararapat para sa atin.

Anak ng Dagat
Ni Patricia Mariano

Si Mariano ay isa sa nagpaunlad ng dulang Tagalog at naging bantog din siya sa


kasiningan ng dula sa panahon ng komertalisasyon. Ang sarwelang Anak ng Dagat ay isa sa mga
naitanghal sa isang Teatro taong 1921. Ang kaniyang mga isinulat ay naging mahalagang ambag
sa paggamit at pagpapahusay ng wikang Tagalog para sa dula. Ang layunin ng akda ay ang ihatid
sa mambabasa na ang karanasan ay ang magsisilbing instrumeno upang mahubog natin ang ating
pagkatao tungo sa ating tagumpay.

Sa pamagat pa lamang mahihinuha mo na kung tungkol saan ang akda, ito ay tungkol sa
isang mangingisda na hindi naubusan ng determinasyon para matupad ang pangarap. Makikita
dito na kahit gaano ka pa nagsusumikap sa buhay mahirap pa rin makamit an gating hinahangad
dahil tayo ay nasa laylayan lamang ngunit sana ay hindi iyon maging dahilan para sumuko.

Hindi gaano marami ang tauhan sa akda dahil umiikot lamang ito sa dalawang
pangunahing tauhan, Ang anak ng mangingisda kung saan naglalayag s laot at nangarp hanggang
sa nagtagumpay. At ang kanyang ama na hindi rin sumuko upang makapagtapos sa pag-aaral ang
kanyang anak. Ang dagat ay nagsilbing talinhaga ng pagsubok sa buhay. NA kahit anong unos o
bagyo pa man ang dumating sa ating buhay hindi dapat tayo pinanghihinaan ng loob. Dahil sa
bawat pagsagwan ay siguradong may patutunguhan pa rin tayo. Pinakita din dito kung ano ang
kahalagahan ng pag-aaral. Na an gating angking talino ay ang bagay na hindi mananakaw sa atin.

Gumagamit ng teoryang Historikal dahil ang isang akda ay nagpapahiwatig ng pagmuni –


muni sa kasaysayan. Nagpapahiwatig din ito sa pagbabalik sa nakaraan na kung saan binabalik
niya ang mga karanasan sa buhay. Madali maintindihan ang akda dahil maayos ang pag gamit
nito ng mga tayutay.

Magandang babasahin ito lalo na sa taong pinaghihinaan na ng loob para lumaban pa sa


buhay. Isa ito sa mga patunay na di dapat tayo sumusuko dahil ang pagsubok ay may hangganan.
Hindi tayo bibigyan ng Diyos ng pagsubok kung hindi natin ito kaya kaya dapat magpatuloy lang
tayo pars makamit natin ang ating pangarap sa buhay. Ang mga tauhan ang nagsilbing gabay
upang ilahad ang mensaheng ito kaya hanga ako sa akda kung paano niya ipinakilala ang mga
panauhin sa akda. Subalit mas mainam pa siguro kung mas binigyan niya pa ng mas mahirap at
mas masakit na kaganapan ang kanyang akda upang mas lalong maramdaman ng mambabasa na
kahit sobrang hirap ay hindi agad sumuko.
II. Panuto: Bigyang buod ang bawat panahong natalakay sa lahat ng aralin. Sundin ang
ang format na nasa ibaba para maging gabay sa pagbubuod.

Format:
I. Introduksyon
(Magbigay ng 1-2 talata para sa introduksyon. Nilalaman nito ang
pangakalahatang introduksyon para sa panahing tinatalakay)
II. Buod
(Ibigay nag buod ng panahong ito batay sa kaligirang pangkasaysayan at ang
panitikan nito. )

III. Konklusyon (2-3 na talata)


(Magbigay ng sariling opinyong tungkol sa panahon tinatalakay)

*PAALALA: Ang bawat panahon ay kinakailangan gawan ng ganitong format.

PANAHON NG KATUTUBO

Katulad ng kasaysayan na kung saan nagpapahayag ng tiyak na panahon at pangyayari,


ang panitikan naman ay nagpapakita ng kaaanyuan ng buhay, kultura,tradisyon, at mga
karanasan. Ito ang naging instrumento sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng isang
indibidwal upang maipakita ang kanyang damdamin. Dito din masasalamin kung paano tayo
umunlad dahil ito ang basehan ng karunungan at ng ating pinagmulan.
Ang panahon ng katutubo ay pinaniniwalaang may sariling sibilisasyon na din ang ating
mga ninuno bago pa man tayo sakupin ng mga Kastila. Kinabibilangan ng Negrito, Indones, at
Malay ang naunang mabuong sibilisasyon sa Pilipinas. Bagamat hindi pa gaano malago ang
kaisipan sa panahong ito mayroon na din silang sariling panitikan bago pa man dumating ang
mga kastila.
Karamihan sa mga panitikang nabuo sa panahong ito ay pasalin-dila gaya ng mga bulong,
tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain, awiting bayan, alamat, at mito. Dito rin nabuo ang
iba’t-ibang ritwal ng mga babaylan na naging pinaka unang anyo ng dula sa bansa. Nabanggit ko
nga kanina na hindi pa masyadong malago ang kaisipan pati ang kanilang mga bagay na maaring
gamitin upang maipreserba ang kanilang panitikan kaya karamihan sa panitikan nila ay nakasulat
lamang sa kawayan, matitibay na kahoy, at makikinis na bato. Dahil dito konti lamang ang
natagpuan sa kanilang sulatin lalo na at may kasaysayan din tayong pinasunog ang ilan sa mga
ito ng mga kastila dahil itinuring ng mga dayuhang mananakop na mababa ang uri ng ating
kultura.
Masasalamin na ang naisulat noong panahong iyon ay tungkol sa karaniwan or ang
kanilang karaniwang ginagawa sa pang araw-araw na pamumuhay. Kung ang pinagmulan ng
panitikan ay isang pangkat etniko na nakatira malapit sa dagat, madalas ay tungkol sa
pangingisda o dagat ang laman ng mga panitikan nila, gaano man kakaraniwan o kapantastiko
ang pagkakalahad (Roel. 2020).
Nakakagalak na malaman na marami na tayong panitikan noong unang panahon ngunit
nakakalungkot dahil sa kasakiman na pinairal ng mga Kastila kaya hindi naisalba ang mga ibang
sulatin. Ang panitikan noon na naisalba hanggang ngayon ay isa sa mga dahilan kung bakit mas
kailangan nating pahalagahan ang sariling atin. Wag nating kakalimutan na doble doble ang
paghihirap ng ating mga ninuno sa pagbuo nito.
PANAHON NG KASTILA

Dumating ang mga Kastila sa Pilipinas na ang pangunahing layunin ay ang palawakin
ang Kristyanismo, mang-angkin ng kayamanan lalo na ang ginto at para idagdag ang ating bansa
sa bansang kanilang nasakop. Dito nagsimula magkaproblema ang ating mga ninuno dahil ang
tingin ng mga Kastila sa mga Pilipino ay mababa kaya lahat ng tradisyon, kultura, at panitikan ay
walang halaga sa kanila. Ang diwa ng pasimulang ito ay nagpatuloy nang walang pagbabago
hanggang sa pagkakaroon ng digmaan sa Kabite noong 1872. Higit sa tatlong dantaon din ang
pananakop na ito ng mga Kastila.
Sa panahong ito ay nahati ang panitikan sa dalawa. Una ay ang panitikang pamaksang
pananampalataya dahil kristyano ang pinapalaganap ng mga Kastila sa bansa kaya marami ang
nabuong panitikan tungkol sa kabutihang asal at pananampalataya. Halimbawa sa mga ito ay ang
mga uri ng dulang senakulo, santa cruzan at tibag; tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rin
ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa
mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa –
isang patunay ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan. At ang
pangalawa naman ay ang panitikang pangrebolusyo na nagbukas ng kamalayan ng maraming
Pilipino na hindi maayos ang trato sa kanila ng mga Kastila. Dahil sa labis na pang-aalipin at
pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng
mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at
pamahalaang Kastila.
Naging mahirap sa mga Pilipino ang pamamalagi ng mga Kastila dito sa ating bansa kaya
nararapat lamang na hindi natin makalimutan ang kanilang ginawa para makamit natin ang
kalayaan na dapat sa una pa lamang ay hindi na pinaglalaban dahil atin naman ang Pilipinas.
Nakakalungkot lamang dahil maraming mga panitikan ang nawala sa atin sa panahong ito at
napalitan ng panitikan ng dayuhang sumakop. Tinangkilik ng mga Pilipino ang katoliko,
nagpabinyag, nagbago ang desenyo ng mga bahay, nagkaroon ng mga kasangkapan na hindi
gaano makikita noon sa Pilipinas.
Subalit, nangyari na ang nangyari kaya mas mainam na mas tangkilikin nalang natin ang
sariling atin upang hindi ito tuluyang mawala. Bilang mamamayan ng Pilipinas ikinagagalak
kong may malaking naitulong ang mga nangyari noon dahil mas naging mulat ang mga taong
bayan ngayon sa pagpili ng mga karapat-dapat sa posisyon. Bagamat hindi pa gaano ang mga
taong may kakayahan nito, alam kong magiging mas maayos na ang Pilipinas sa susunod.
Nagkakatotoo na muli ang sinabi ng Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
PANAHON NG PAGKAMULAT

Nagkaroon ng mga iba’t-ibang negosyo sa panahong ito dahil naging unti-inti nang
lumalaya ang Pilipinas. Naging maunlad na din ang agrikultura at industriya sa bansa at maging
ang ibang bagay. Mababatid na sa panahong ito naging Malaya ang Pilipinas dahil maraming
mga bagay ang nagbago noong nawalan na ng kapangyarihan ang mga Kastila sa bansa.
Naging mabilis ang kalakalan sa panahong ito dahil naging mabilis ang paglalakbay sa
Europa at nagkaroon ng rebulusyong industriyal. Nabuksan ang Suez Canal punung-puno ito ng
matatandang kaaralang nagsisilbing gabay ng mga tao noong panahon nila Maraming
mamamayan na galing sa bukid ang pumunta sa lungsok upang makapagtrabaho sa pabrika na
mas nakatulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao. Ang panahong ito ang panahon ng
pagkamulat ng mga Pilipino sa pang-aalipin at pambubusabos ng mga Kastila. At marami ang
namulat ang damdamin na mas mahalin pa lalo ang bansa. Namayagpag ang kaisipan na huwag
na muling magpaalipin sa mga dayuhan pagkatapos sa pagkagarote sa tatlong paring martir na
sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora noong taong 1872.
Ang panahong ito ang patunay gaano lumaban ng ating karapatan an gating mga bayani.
Ipinaglaban nila ang pagkapantay-pantay ng mga Pilipino at Kastila sa harap ng batas. Nakamit
nila na bigyang pagkakataon na magkaroon ng kinaatawang Pilipino sa Kortes ng Espana. At
maging ang kalayaang pangkatauhan sa pamamahayag, pananalita at pagtitipon ay kanila ring
naipanalo. Napakasaya na sa kabila ng paghihirap ng ating mga ninuno noong panahong iyon ay
nagkaroon sila ng tagumapay.
Sana ay mamulat ang mga tao ngayon na pahalagahan an gating inang bayan dahil
madami ang nag-alay ng dugo para n=lamang makamit natin an gating kalayaang nagagawa
ngayon. Sana maisip nila na hindi na dapat magdusa ang ating bansa kaya kung maaari ay
magtiwala at maging mapanuri sa taong pagkakatiwalaang humawak ng ating gobyerno dahil isa
ito sa rason bakit naghihirap ang mamamayang nasa laylayan.

PANAHON NG HIMAGSIKAN

Mahabang panahon bago makuha ang kalayaan ng ating bansa sa kamay ng dayuhan at sa
panahong ito nakuha na ng tuluyan ng ating mga bayani ang sariling atin sa kamay ng kastila.
Ang Paksa ng kanilang panitikan at humingi ng pagbabago o reporma sa pamamalakad ng
simbahan at pamaalaan. Pangalawa ay ang diwang makabayan. At ang huli ay ang pag-asam o
pagnais ng kalayaan.
Nagkaroon ng kilusang propaganda na binubuo ng mga intelektwal sa gitnang uri tulad
nina Jose Rizal, Marcelo del Pilar, Graciano Lopez, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro
Paterno atbp. Ang kilusang ito ay may layunin na humingi ng reporma sa pagbabago.
Nagising pagkatapos ng higit tatlong daang taong pagkakahimlay ang mga natutulog na
damdamin ng mga mamamayang Pilipino nang isangkot sa digmaan sa Kabite ang tatlong paring
sina Gomez, Burgos, at Zamora. Nang naging aktibo ang mga Katipunero, gabi- gabi’y may
pagpupulng sila at nadarama ng mga Kastila na may nagaganap sa kapaligiran lalo na sa
Kamaynilaan at sa Gitnang Luzon. Naragdagan pa ito nang makapasok dito ang diwang
liberalism sa pamamagitan ng pagkakabukas ng Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan, at ang
pagkakapadala sa kapuluan ng liberal na lider na tulad ni Gob. Carlos Maria dela Torre.
Masasabi kong napaka makapangyarihan ng mga letra sa panahong ito dahil naging
mabisa sa panahong ito ang mga katha. Ang mga sanaysay at pahayagan ay naging instrument
upang ipabatid ng mga tao ang tunay na nangayayari noon. Nakakamangha dahil ito ay naging
mabisang tagaakay sa mga tao upang tahakin ang landas tungo sa pagkakaron ng kalayaan.

PANAHON NG AMERIKANO
Muling naiwagayway ang bandila ng Pipipinas taong 1898, tanda ng pagkamit sa
pinaglabang kalayaan. Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng
Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y naging panandalian lamang sapagkat
biglang lumusob ang mga Amerikano.
Pagkatapos ng pananakop ng kastila, mga amerikanong dayuhan naman ang sumakop sa ating
bansa. Taong 1903-1941 ang kanilang pamamalagi dito sa Pilipinas. Nahinuha ng mga Pilipino
na magkakaroon sila ng panibagong pag-asa sa kamay ng mga Amerikano ngunit nagkamali sila
ng akala, bagamat nakadama sila ng bahagyang kalayaan sa panahong ito. Ingles ang wikang
ginamit na wikang panturo sa panahong ito buhat sa antas ng primarya hanggang kolehiyo.
Nagkaroon ng Digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel
Malvar noong 1903. Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaan ay nagsimula noong pang
1900. Ang kanilang panitikan ay may paksa ulit na naghahangad ng kalayaan, pagmamahal sa
bayan, at pagtutol sa kolonyalismo at imperialism.
Hindi man maganda na nasakop tayong muli ngunit nagpapasalamat na lamang ako na hindi
gaano ang kanilang paghihirap kumpara sa mga kamay ng mga Kastila. Nagkaroon tayo ng mga
paaralan bagamat binago nito ang sistema ng edukasyon. Nakakagalak din malaman na
napaunlad dito ang kalusugan at kalinisan. Naging kasapi na din ang Pilipino sa pamamalakad ng
pamahalaan.
Sa kabuuan ipinapakita ng yugtong ito ang simulain ng mga pagtatanghal na hinaluan ng iba’t
ibang palabas na siyang magpapaganda sa daloy ng istorya. Hanggang sa ngayon ay kitang-kita
ang impluwensya ng mga Amerikano sa pagtatanghal sa entablado, tulad na lamang ng palabas
sa telebisyon hindi lamang nakatuon sa iisang anyo ng pagtatanghal kundi mas nilawakan pa ang
barayti sa nilalaman ng palabas. Iilan lamang ito sa mga katibayan na ang bansang Pilipinas ay
may karunungang nakuha mula sa pananakop ng Amerikano.

PANAHON NG ILAW AT PANITIK


Ito ang panahon ng pagpapalaganap o papolarisasyon. Sa panahong ito ay patuloy pa ring
kinawiwilihan ng mga mambabasa ang mgakuwentong natutungkol sa pag-ibig, lalo na ang mga
tapat at dakilang pag-ibig. Namamayani pa rinang romantisismo bagamat masasabing may mga
manunulat na nagkaroon ng pag-iisip at lakas ngloob na kabakahin ito at gumawa sila ng mga
hakbang upang maiangat ang pamantayan at pataasinang kilatis ng mga nasusulat ng panahong
iyon.
Maliwanag na mababakas noon na ang magasing Liwayway ay ang dahilan kung bakit
mas naging patok ang panitikan magpahanggang sumunod na panahon. Tunay na ang paglitaw
ng magasing Liwayway sa panahong ito ay nagbigay ng pagkakataon sa mga nobelista na
makapaglathala nang payugtu-yugto ng kanilang mga isinulat ngunit dahil sa mga pagpiling
ginawa at pagbibigay ng gantimpala sa mga maririkit na maikling katha ng taon, hindi gaanong
naging masigla ang pagtanggap sa mganobel Patuloy na nanatil ang sirkulasyon nito habang ang
mga nauna o ang kasabayan ng magasing ito ay unti-unting nawala sa industriya. Ang panahon
ng ilaw at panitik ay nagwakas taong 1934, sa pagkakatatag ng Panitikan, isang kapisanang
itinuturing na siyang sakdalista at aristokrata ng panulatang Pilipino. Masasabi na ring masigla at
masigabo ang pagsusulat at pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa maikling katha bagamat
patuloy ang pamamalasak ng romantisismo.
Nakakalungkot lamang ay kahit na ang paglitaw ng magasing liwayway sa panahong ito
ay nagbigay ng pagkakataon sa mga nobelista na makapaglathala nang payugto-yugtong
kanilang mga isinulat ngunit dahil sa mga pagpiling ginawa a tpagbibigay ng gantimpala sa mga
maririkit na maikling katha ng taon, hindi gaanong naging masigla ang pagtanggap sa nobela.
Sa kabilang banda ang dula naman ay kung ano ang sigla ng pagtanggap ng sambayanang
Pilipino sa mga sarswela noong unang panahon ng Aklatang-bayan ay siya namang panlalamig
nila sa panahong ito ng Ilaw at Panitik. Ang dula ay tila tuluyan ng inilaan na lamang para sa
tanghalan.

PANAHON NG HAPON
Sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas taong 1942 hanggang 1945. Dito nangyaring
nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na pinamumunuan ng Estados Unidos at nagana
pang ikalawang digmaang pangdaigdig.
Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga Hapones ang Pearl Harbor,
Hawaii, at Estados Unidos, Pagkaraan ng ilang mga linggo, umatras sina Heneral Douglas
MacArthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan bilang
Pangulo ng Pilipinas. Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2 1942. Sumuko
ang Bataan at ang mga bilanggo ay pinalakad ng mga Hapones papunta sa isang kampo sa
lalawigan ng Tarlac. Bagamat sinakop nga tayo ng mga Hapon maraming manunulat na mga
Pilipino ang nagpasalamat sa pangyayaring iyon. Dahil sa panahong ito mas sumibol pa lalo ang
panitikan ng bansa dahil ipinagbawal ng mga hapon na gamitin ang wikang Ingles at ipinagamit
ang mga wikang katutubo ng bansa upang ito ay mas lalo pang pagyamanin. Itinuring itong
Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino dahil malaya ang mga Pilipino sa pagsanib ng kultura,
paniniwala, at kaugalian ng mga Pilipino.
Sa panahong ito masasabi kong may magandang naidudulot minsan ang isang akala natin
ay gulo lang ang mangyayari. Bagamat sinakop tayo ng mga Hapon ,isang daan naman ito upang
makalaya tayo sa mga Amerikano at nagkaroon tayo ng kalayaan upang mas paunlarin pa lalo
ang ating panitikan.
Marami ding nadagdag sa ating panitikan katulad ng Haiku. Mapapansin din ang
kalayaan ng Pilipinas dahil karaniwan sa mga panitikan katulad ng dula ay may paksang buhay
Pilipino, buhay lungsod o nayon, at ang mga kaugalian ng mga Pilipino.

PANAHON NG REPUBLIKA
Mas napalago dito ang panitikan matapos bumagsak ang kapangyarihan ng Hapon sa
Asya. Marami ang nagkaroon ulit ng kaginhawaan at nasabik sa pagsulat ng mga panitikan
mapatagalog man o Ingles. Nagkaroon muli ng pagkakataon makapaglimbag ang mga manunulat
dahil sa pagbukas ng mga palimbagan sa panahong ito. Marami din ang naging opurtunidad sa
mga manunulat kaya masyado silang naakit sa mga patimpalak.
Ang mga naging paksain sa panahong ito ay tungkol sa kalupitan ng mga Hapon sa mga
Pilipino, ang kahirapan ng pamumuhay noo, ang pamamahala ng mga Hapon , at kabayanihan ng
mga gerilya. Sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos idineklara nya ang batas
Militar. Ito ang nagpasimula ng pagpapakilala ng Pangulo sa tunguhin ng kanyang pamahalaan
na pagkakamit ng bansa ng kaunlaran sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang bagong
Lipunan! kayat maraming mga kathang nalathala na nauukol sa pagtataguyod ng mga layunin ng
bagong lipunan. May mga lathalain ding naglalarawan ng tunay na nadarama ng
marami sa Pilipino
nang panahong iyon. Ang mga nasabing akda ay nagpapahiwatig ng mapanghimagsik nadamdam
ing namamayani at pagtutol sa nadaramang pagsupil sa ilang karapatang pantao
katulad ng kalayaan sa pagpapahayag at pamamahayag. Palihim o pailalim na nalathalaang mga
naturang akda.
Sa panahon ng batas-Militar ay ipinagbawal ang mga di-opisyal na diskurso, ang bawats
ambit ay dapat naaayon sa diskurso ng nakakapangyayari. Nagkaroon ng paglilinis ng mga
palabras, brodkast at limbag na midya.
Masasabi kong ang panahong ito ang pinakamalungkot dahil kapwa Pilipino na ng ating
kalaban. Hindi na mananakop kundi atin nang kababayan. Naging mahirap sa mga manunulat
ipabatid ang kanilang opinyon dahil ang kanilang kamay ay hinahawakan ng may mas
makapangyarihan.

PANAHON NG BAGONG LIPUNAN


Nagsimula ang panahong ito sa taong 1972. Nagtatag ang Pamahalaang Militar ng
bagong kagawaran na tinawag na “Ministri ng Kabatirang Pangmadla” upang siyang mamahala
at sumubaybay sa mga pahayagan, aklat, at mga iba pang babasahing panlipunan. Naging
laganap din ang pag-aawit noon sa wikang Pilipino. Maging ang mga ipinadadala sa ibang bansa
ay awiting Pilipino rin ang inaawit.
Muling ibinalik ng Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos sa pagpapanibagong-buhay
ang ating mga sinaunang dula tulad ng Senakulo, Sarsuela, Embayoka ng mga Muslim at iba pa.
-Ipinatayo niya ang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theatre, at maging ang
Metropolitan Theater ay muli rin niyang ipinagawa upang mapagtanghalan ng mga dulang
Pilipino. Naging paksa rin ng tula ang pagkakaisa, tiyaga, pagpapahalaga sa pamnasang kultura,
ugali, kagandahan ng kapaligiran, at iba pa. Ang radyo ay patuloy pa ring tinatangkilik nang
panahong ito. Ang kanyang dugtungang “Si Matar”, “Dahlia”, “Ito ang Palad Ko,” at “Mr.
Lonely,” at iba pa ang naging pampalipas oras o libangang pakinggan ng ating mga kabataan. -
Subalit di maikakaila na maraming artista sa radyo na lumipat sa telebisyon sa dahilang mas
malaki ang bayad ng pagganap sa telebisyon kaysa sa radyo.
Maraming nagkaroon ng pagkakataon ipakita ang kanilang talento sa madla dahil marami
ang naging bukas sa larangan ng midya. Halos tungkol sa ikauunlad ng bayan ang naging
karaniwang paksain ng mga akda tulad ng Luntiang Rebolusyon (Green Revolution), pagpaplano
ng pamilya, wastong pagkain (nutrition), “drug addiction,” polusyon, at iba pa.
Masasabing mas yumaman an gating kultura dito, subalit madami ang naging isyu sa
panahong ito na kinabibilangan ng mga taong nagbukas din ng mga opurtunidad. Maraming
nagsasabi na hindi ito utang na loob dahil pera naman ito ng bayan ngunit may ilan pa ring
iniidolo siya sa kanyang mga nagawa.

You might also like