You are on page 1of 3

Earl James Vinuya

BSBA FM 2-4

Panimulang Suri: Ang Lihim ng Ultramar

Ni Rhod V. Nuncio

Sinuri ni: Earl James Vinuya

“Ang Lihim ng Ultramar” ni Rhod V. Nuncio ay maituturing isang Panitikan ng Krimen.


Napapaloob rito ang kwento ng iskandalo sa pamahalaan at kung paano matutuklasan ng mga
bida kung sino ang nasa likod ng mga pangyayari at kung paano nila malulutas ang problema. Sa
aking pagsusuri sa nobela, sa tingin ko ito ay napapanahon dahil maraming tinatalakay na mga
kaganapan sa lipunan, isyu ng politika at edukasyon sa panahon ngayon.

Bilang unang libro na inilabas ni Rhod, nakakamangha dahil parang hindi ito ang
kanyang una. Gantong-ganto ang mga nobelang aking mga hilig, hindi dahil sa uri ng panitikan
ngunit sa estilo at estetika kung paano sinulat ang panitikan na ito. Ginamit niya ang
napapanahon na estilo ng isang manunulat. Detalyado ang bawat scenario, talaga namang
maiisip mo talaga ang itsura ng setting. Sa lenggwahe naman na ginamit, kung aking tatawagin
ay impormal – na ang ibig sabihin para sakin ay parang normal na pakikisalamuha o pakikipag
usap mo sa mga tao sa isang normal na araw, kaya naman nakakaenganyo ito basahin dahil
parang ikinikwento lang din sayo ng harapan ni Rhod ang kanyang nobela sa pinaka madaling
paraan para maiintindihan mo ito. Napakagaan niya basahin, talagang napapanahon. Hindi
tatamarin ang mga studyante na tulad ko dahil hindi na ako mahihirapan intindihin ang malalalim
pang mga salita, bagkus ang kailangan ko nalang intindihin at pagtuunan ng pansin ay ang
misteryo na dala ng nobelang ito.

Sa unang bahagi ng nobela, nagsimulang magsilabasan ang mga karakter. Ang bida na si
Arvin Villa, at si Lizelle na kanyang studyante sa graduate class. Si Lizelle ay matalino, hindi
nito hinahayaan na kung ano lang ang sasabihin sa kanya ng kanyang guro ay iyon lamang ang
kanyang pakikinggan. Hilig ni Lizelle na kontrahin ang sinasabi sa kanya ng propesor, hindi niya
hinahayaan matapos ang diskurso nang hindi niya napapatunayan ang kanyang hinaing. Hindi
nakukulong ang isip niya sa isang fixed standard. Maihahalintulad mo si Lizelle sa mga
kababaihan sa panahon ngayon. Ginagamit na nila ang kanilang boses, hindi na sila nananahimik
at nagpapaapi. Alam at ipinaglalaban na nila ang kanilang mga karapatan. Si Arvin Villa naman
ang propesor ang nakakita sa isang religious brother na nakahandusay at walang malay sa tabi ng
altar sa loob ng chapel. Sa sitwasyon na ito, dahil si Arvin ang nakakakita sa Brother ay isa siya
sa mga pinaghihinalaang suspek, ganito din naman ang mga nangyayari sa mga normal crime
scene. Nang ito’y iinterviewhin na ay tumanggi ito at sinabing hihintayin niya ang kaniyang
abogado. Ang ginawang ito ni Arvin ay ang pagsunod sa Miranda Right. Ito ang karapatan ng
isang tao na manahimik at makakuha ng sariling abogado. Maraming tao ang walang ideya sa
karapatan nila na ito, kaya maraming mga insidente ng mga taong sumasama sa mga awtoridad
ng walang alam, at kung minsan ay nahahantong pa sa pagpatay katulad na lamang ng ilang
kabataan na pinatay ng mga pulis bilang mistaken identity o minsan pa ay sa di malamang
kadahilanan.

Sa mga sumunod pang kabanata, marami nang pinapakitang mga gamit na tila ba may
mga simbolismo. Unang napansin ko ay ang card na may disensyong star sa gitna. Magaling ang
paggamit sa mga simbolismo na ito. Ang mga simbolismo na ito ay tila bang walang mga gamit
o saysay sa unang bahagi ngunit sa huli ito ay napapakinabangan madalas ng bida. Kumbaga ito
ay nagiging susi para maresolba ang problema. Madalas makikita mo ang ganitong mga set-up sa
mga horror na pelikula.

Ang nobelang ito ay sumasalamin sa madaming isyu ng lipunan. Isa na rito ang isyu sa
edukasyon. Pinapakita ang represyon sa mga estudyante. Ang mga paaralan na para sana sa mga
mahihirap ay nagiging kabaligtaran dahil pataas ng pataas ang matrikula dahil pinapasok na ito
ng negosyo o ng mga capitalista. Sinasabi na nabili na raw ng Malaya Land ang kalahati ng ari-
arian ng UP. May balak pa raw itong gibain ang Up Shopping Center at palitan ng Mini Mall. Sa
aspetong ito ay parang isinusuko ng pamahalaan ang obligasyon nila para sa mura, dekalidad at
progresibong edukasyon, dahil sa Pilipinas ay hawak na rin ng mga negosyante ang mga
institusyon ng edukasyon. Maihahalintulad mo ito sa mga sinabi ni Theodore Adorno na kung
saan ang iba’t ibang sector ng lipunan ay pinamumugaran na ng mga kapitalista. Sila na ang
kumokontrol sa daloy ng pamumuhay ng mga tao.
Ang Lihim ng Ultramar ni Rhod Nuncio ay isang napakaganda at natatanging panitikan.
Napapanahon, madaling maintindihan ang wika, mabisa ang pag-ugnay sa totoong buhay.
Impormal man ang dating ngunit matalas pa rin ang nilalaman. Nailalathala nito nang mabuti ang
mga isyu ng lipunan, angkop na angkop sa kultura. Kaabang-abang ang mga susunod na
kabanata. Hindi moa lam kung may mamamatay nanaman na karakter. Kung kaugnay ba ang
bahagi na ito sa mga nauna nang naikwento. Exciting.

You might also like