You are on page 1of 3

Buod

Nagmamadaling lumabas ng gate ang estudyanteng mahuhuli na sa kanyang klase. Dahil huli ng
magising ay hindi na umabot sa pasada ng jeep na maghahatid sa kaniya sa paaralan kung kaya’t wala ng
ibang pagpipilian kung di tricycle, di alintana ang mahal na sinisingil, makarating lamang sa paaralan.
Akmang sasakay nang maunahan ng isang lalakeng tadtad ng tato, puno ng dugo ang damit at kamay,
may gulok sa beywang. Dahil mahuhuli na sa klase, nilunok na lamang ang takot at sapilitang sumakay.
Habang nasa byahe ay sinambit ng drayber na na-ambush ang isang pampasaherong jeep. Kaagad
naghinala na isa sa mga tulisan ang katabing mangangahoy lalo na’t nakasimangot ito at mahigpit na
hawak ang kanyang gulok. Nang dumaan sa pinangyarihan ng krimen na maraming nakiki usyosong tao
at mga pulis. Saktong may dumaan na jeep papunta sa kanyang paaralan kaya sumakay agad ito.
Pagdating sa paaralan ay naabutan niyang pinagdarasal ng kanyang guro at mga kaklase ang nangyaring
krimen. Ng may biglang kumatok sa pintuan ang kanyang mga magulang kasama ang lalaking
mangangahoy na katabi kanina sa tricycle. Nag-usap sila ng kanyang guro at laking gulat ng i-balita sa
klase na siya ay patay na. Gustuhin mang sumigaw ay walang lumalabas sa kaniyang bibig. Sinabi pa ng
lalaking mangangahoy sa kaniyang mga magulang na nakakakita siya ng multo kaya’t nang makita ang
kaluluwa ng bidang lalaki ay sinundan ito at iniwas sa masasamang kaluluwang gustong dumagit dito.
Kaya ganon na lamang ang pinanlisik niya ng mata habang nasa byahe at hawak hawak ang gulok ay
upang takutin ang mga kaluluwa at protektahan siya.

Gintong Kaisipan

Nararapat lang na hindi tayo dapat manghusga ng kapwa base sa panlabas na anyo. Lalo na’t hindi pa
naman natin kilalang lubos ang isang tao. Naniniwala akong merong kwento ang bawat isa at dahilan.
Kaya’t piliin nating maging mabuti sa lahat ng pagkakataon. Gaya na lamang sa kung paanong
hinusgahan ni Mr. Gomez ang lalakeng mangangahoy sa pag aakalang siya ay masamang tao base sa
panlabas na anyo, na tadtad ng tattoo, parang isang kontrabida sa isang teleserye na may temang ‘serial
killer’ ika niya. Ngunit ang nangyari ay tumaliwas sa akala niya. Ang tao na akala’y masama ay siya pang
nagligtas sa kanya. Isa pang gintong kaisipan na aming nakita ay dapat nating bigyan ng pagpapahalaga
ang ating pag-aaral. Lalo na’t nasa atin ang lahat ng kakayahan upang matamo ito. Mababasa sa akda na
ang bidang lalaki ay nakatira sa liblib, dadaan pa sa mayabong na gubat, kailangan mong umalis nang
maaga kung nais mong makarating sa paaralan. Kung tutuusin ay lubhang mapanganib ngunit matapang
na sinusuong alang alang sa pag-aaral, dahilan kung bakit siya napahamak. Kaya’t ang mga kabataan ay
dapat mag aral hangga’t nasa atin lahat ng pagkakataon dahil hindi lahat ay nabibigyan nito.

Pagpapahalagang Kaisipan

Panlipunan – Ang pagpapahalagang kaisipan na panlipunan ay mayroong interaksyon ng tao sa tao, ng


tao sa lipunan, at ng tao sa kanyang kapiligiran. Sa akda ay mayroong interaksyon ng tao sa lipunan.
Suliraning panlipunang may malaking kaugnayan sa kanyang pagkabigo at tagumpay. At sa akda ay ang
ay may malaking ginampanan sa pagkabigo ng bidang lalaki. Sa kadahilanang kakulangan ng akses ng
kabataan sa edukasyon at kakulangan ng kaukulang proteksyon sa mamamayan na ito ay mga
obligasyon ng gobyerno ay nasawi ang isang kabataan.
Kaisipan – Sa pagpapahalagang pangkaisipan ay binibigyang-diin ang pakikipaglaban ng tauhan sa
sariling isipan. Kung tama ba o mali ang desisyon, at ang kanyang gagawin o ginagawa. Sa akday ay
nabuo ang isang kaisipan sa bidang lalaki kung tama ba ang desisyon niyang sumakay sa traysikel kung
saan natatakot siya sa itsura ng kanyang kasabay na lalaki kung saan ito ay tadtad ng tato, puno ng dugo
ang damit at may gulok sa beywang. Lalong tumindi ang tanong na ito sa sarili lalo na noong sinabi pa ng
drayber na may tumakas na tulisan. Napapatanong siya sa sarili kung mas mahalaga pa bang makakuha
siya ng eksamen kaysa sa kaniyang kaligtasan.

Moralistiko – Dito ay isinasaalang-alang ang aral, ugali, kilos, at panahong ikinapangyari. Ang akda ay
kapupulutan ng hindi lang isa, kung hindi dalawang aral na importanteng malaman ng mga mambabasa.
Ang una ay ang pagiging mapanghusga ng ang batayan ay ang panlabas na kaanyuan na kung saan ay
iwasan ng bawat isa. Gaya ng akda, ang akala nating mananakit sa bidang lalaki ay siya pa palang
nagligtas dito. Pangalawa ay dapat matutong magpahalaga sa pag-aaral. Dahil hindi lahat ay binibigyan
ng pagkakataon at kung meron man, ay mahirap. Sa kung paanong ka-delikado ang binabyahe ni Mr.
Gomez araw-araw makarating lamang sa paalan. Na sa kasamaang palad, naging dahilan ng kanyang
kasawian.

Sariling Reaksyon

Sa pamagat palang ay nakuha na ng akda ang aming atensyon sapagkat masasabi mo nang ito ay may
kinalaman sa misteryo dahil sa aking pananaw ang gulok ay ginagamit sa pagkitil ng buhay, maging
halaman man o sa tao. At hindi nga ako nagkamali. Pagkatapos ko mabasa ang akda, ay gugustuhin kong
basahin muli. Basahing muli sa mas detalyado at may mas malalim na pagkakaunawa. Napahanga ako sa
pagkakalahad ng kwento dahil hindi mo mahihinuha kung ano kahihinatnan ng bida. Nakapananabik ang
susunod na maaaring mangyari at nakakabitin ang akda dahil hindi sapat ang inilahad ng awtor upang
masagot ang mga katanungang nabuo sa iyong isipan.

Sariling Puna

Aming napuna na ang akda ay nag iiwan ng maraming katanungan sa isip ng mambabasa. Maaaring iba
iba ang maging interpretasyon depende sa pagkakaunawa nito. Isa pang naiwang ideya ay maaaring
hindi nagsasabi ng totoo ang lalaking mangangahoy. Balikan muli natin sa umpisa. Kung mapapansin ay
nakakausap pa ng traysikel drayber ang bidang lalaki kaya't maaaring ito ay totoong buhay pa
tumataliwas sa sinabing kaluluwa noong lalaki. Dahil sa huling bahagi ng akda ay wala namang
nakakarinig sa kaluluwa noong bidang lalaki. Ang nakasabay na lalaking mangangahoy ang pwedeng
tumatakas na tulisan na binanggit ng drayber lalo na't puno ng dugo ang suot nito. Napansin nito na
naghihinala na sa kanya ang bata. At naalarma siya ng biglaang bumaba ang batang lalaki kung nasaan
ang mga pulis. Maaaring sinundan ito at doon pinatay. Matalino ang stratehiya ng mangangahoy dahil
siya ang nagdala dito sa ospital, nang sa gayo'y hindi siya pagbintangan ng mga pulis.
Mungkahi

Aming mungkahi na ipabasa ito sa mga studyante at ilagay sa mga silid aklatan dahil bukod
nakapagpapalawak ng imahinasyon gaya ng ibang panitikan ay nag-iiwan pa ito ng tanong sa isip ng
mambabasa. Sa lawak ng imahinasyon at kung paano husgahan ang bawat karakter naka base kung ano
para sa kanila ang katapusan ng “Gulok”. Dahil sa nakakabitin, nagbibigay din ito ng inspirasyon upang
sumulat ng kani kanilang akda.

You might also like