You are on page 1of 3

Humanismo: Dignidad, Pagpapahalaga sa sarili at sa kapwa.

HUMANISMO. Ito ay mula sa salitang english na HUMAN. Ibig sabihin TAO. OTAO sa mga jejemon,
bekemon at jologs.(buhay pa ba sila?) Teoryang Humanismo ang aralin namin sa ikaapat na taon ng
nakaraang huwebes at byernes.

Huwebes tinalakay ang akdang humanismo na Paalam sa Pagkabata,akdang salin ni Nazareno D. Baz.
Ito ay kwento sa buhay ng isang batang si Celso. Simula ng sya'y magkaisip lagi niyang nakikita ang
kanyang inang si Isidra na lihim na umuuiyak lalo na sa madaling araw. Madalas din nya itong makita na
nakaupo sa hagdanan, nakatingin sa nakasabit na lambat at panay-panay ang buntong hininga. Naalala
nya ang isang pagkakataon na nagalit ang kanyang ina at tinanggal ang lambat. Nagalit ang kanyang
amang si Tomas at sinaktan si Isidra. Mula noon naging palaisipan na sa kanya ang misteryo ng lambat.
Hanggang isang araw natuklasan nya ang misteryong ito. Siya, si Celso ay hindi anak ng kanyang
kinikilalang ama na si Tomas. Nangyayri ito isang madaling araw na napagkamalan ng kanyang ina na ang
dumating at nakaniig niya ay ang kanyang asawa, huli na nang malanan nito na ito ay ang dating nyang
manliligaw. Nang nalaman ito, nagalit ang sampung taong gulang na si Celso. Kinuha nya ang itak ng
kanyang ina sa kusina at pinagtataga ang lambat. Nagalit ang kanyang ama at siya ay sinaktan nito
hanggang sa mawalan sya ng ulirat. Nang magmulat sya ng mata, matapos ang di nya masabing
panahon, una nyang nakita ang mukha ng kanyang ama. Nakita nya sa mukha nito ang pagsisisi, pag-
unawa at higit sa lahat pagmamahal. Mga bagay na di nya nakita at naramdaman dito dati.

Byernes ang pagtalakay sa Teoryang Humanismo. Ano ang teoryang Humanismo. Ito ay pananaw na
nakasentro sa tao sa halip na sa diyos. Sa pilosopiya, ito ay ang atityud na nagbibigay diin sa DIGNIDAD
at KAHALAGAHAN ng isang INDIBIDWAL. Sa basikong salingan ng humanismo ang paniniwalang ang tao
ay nilikhang RASYONAL na taglay sa kanilang sarili ang kapasidad para sa katototohanan at
kabutuhan. Sa paglakad ng panahon lumitaw ang bagong humanismo. ayon sa mga tagasunod nito,
hindi daw dapat ipaliwanag ang kahalagahan ng tao sa pamamagitan ng HEREDITI at KAPALIGIRAN dahil
ang tao ay may malayang pagpapasya. Siya ay malayang nakakapagdedesisyon kung alin ang mabuti o
masama sa kanya.

Dignidad at kahalagahan ng isang indibidwal. Paano nga ba ito sinusukat? Pulubi at limos ang aking
binigay na halimbawa. Kung ikaw ay namamalimos para mabuhay, binibigyan mo ba ng dignidad ang
iyong sarili? Kung ikaw ay naglilimos ng coin na may butas sa gitna, ito na ba ang halaga ng taong
nililimusan mo? Para sa akin ang mga bagay na binibigay natin o nereregalo ay ang halaga sa atin ng
taong tatanggap nito. Kung coin na may butas sa gitna, piso, limamg piso, isang daan at isang milyon o
bilyon ang binibigay natin ito ba ang halaga ng taong ito? May halaga nga ba ang ating pagkatao, ang
kahalagahan natin? Sa palagay ko wala. Walang halaga na tatapat sa ating pagkatao maging sa ating
buhay. Kung ganon magkano ang dapat nating ilimos o ano ang dapat nating ilimos? Sabi sa IV-
27. "Ibigay kung ano ang meron tayo". Ibig sabihin kung meron taong isang milyon, iyon ang ibibigay
natin? Kung asawa, nanay, anak at kapatid ang meron tayo sila ang ibibigay natin? Paano natin
mabibigyan ng dignidad ang isang pulubi sa lansangan? Sabi sa IV-18, "mam, i-refer natin sila sa mga
institisyon tulad ng DSWD." Tama yon di ba? At kung wala o di mo kayang gawin ito, sa aking palagay
ang pinakamabuting gawin sa halip na tapunan sila ng coin na butas sa gitna ay isama sila lagi sa ating
mga panalangin.

Kakayahang Rasyonal. Tama! may kakayahan tayong taglay na malaman kung ano ang masama sa
mabuti. Subalit sa mga kabataan at ilan sa mga katandaan ngayon.Ano ba talaga ang mabuti at alin ang
masama sa atin. Karaniwan sa mga kabataan ngayon ang inaakala nilang mabuti ay yaong masama. Kung
alam man nilang masama ito ginagawa pa din nila ito. Sino ang magtuturo nito sa kanila? Paaano ba
natin itututro sa kanila na maging rasyonal sa halip na emosyonal. Maituturo ba natin ito o ang
karanasan ang magtuturo sa kanila?

Herediti at Kapaligiran. Ito ang bagong pananaw ng Humanismo. Di dapat kilalanin ang tao base sa
kanilang herediti at kapaligiran. Ibig sabihin, hindi totoo ang kasabihang Kung ano ang puno Sya rin ang
Bunga.Hindi magbubunga ng isang abogado ang isang magsasaka o ang isang basurero. Imposibleng
magkaanak ng bayani ang isang kriminal. Ito ang herediti. "Pwede ba kitang maging kaibigan? Tagasaan
ka nga pala?" "Okey lang. taga Tondo pala ako." ah ganun ba may gagawin pa pala ako. Ingat ha". Ano
ba naman yang mga kaibigan mo mga malalandi, malandi ka rinano?". Birds of the same feather flock
together. Ito ang kapaligiran. Pinabubulaanan ng mga humanista ang ganitong pananaw at pagkilala sa
tao, dahil lahat tayo ay may kakayahang rasyonal.

Ang ating dignidad, ang kahalagahan natin, ating pagkatao ay nakabase sa ginagawa natin para sa sarili
natin at sa ibang tao. Kung paano natin sila pahalagahan ganon din ang ibabalik sa atin. Bawat isa saatin
ay may kakaibang katangian na angat sa iba. Makakatulong sa pagpapahalaga natin sa ating sarili at
kapwa kung alam natin ito at pag-iinayuhin para sa kabutuhan ng masmakararami.

PANANAW HUMANISMO

Ang pokus ng teoryang humanismo ay ang tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan
ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng
saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng
daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran."

Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang ang
kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling
kasaysayan.

You might also like