You are on page 1of 4

Tawag ng Pangangailangan ni G.E.

Paez

A. Buod

Ang sanaysay ay tungkol sa interbyu ng awtor sa isang counselor sa UP Diliman Gender office
kung saan mas binigyang linaw ng counselor ang tungkol sa prostitusyon, ang mga babaeng inuugnay
dito at ang moral ng kanilang ginagawa. Nagbigay rin ang awtor ng mga pangalan ng mga bugaw at
kung paano sila napunta sa trabahong pagsales-marketing ng mga prostitute. Bingyang pansin ng
awtor ang child at human trafficking at ang mga batas na nagpapabawal nito at nagproprotekta sa
kabataan at kababaihan. Dinagdagan pa niya ang mga impormasyon at aksyon isinasagawa upang
maiwasan ang pangangalakal ng serbisyong sekswal lalo na sa mga bata. Sa huli ay nagbigay
konklusyon ang awtor kung paano dapat iwaksi ang ganitng kalakaran at kanyang binigyang diin na
ang tunay na biktima sa isyung ito ay ang mga prostitute.

B. Ang limang pinakamahusay na hirit sa Tawag ng Pangangailangan ni G.E. Paez ay...

5. Unti-unting putulin ang mga ugat: prostitusyon, kahirapan at kawalan ng hustisya, at unti-unting
palitan ito ng binhi ng katarungan, kaayusan at karangalan (P8)
4. Sa kapal ng kanilang make-up , dito nila ikinukubli ang tunay nilang nararamdaman at
pagkatao (P1)
3. mas parang naging opisyal o lehitimo pa ang sex tourism dahil nga sa ang more fun ad
ay napapakita na ang kababaihan ay isa sa mga produkto ng bansa (P2)
2. Sa mga asawang naghuhusga, bago mo sambitin ang salitang puta, sana maisip mo rin baka
isang araw, isa sa mga anak mo ang maging tulad nila, o malaman mo nalang ang asawa mo ay
isa sa mga naghahanap ng kanilang sebisyo. (P7)
At ang pinakamahusay na hirit ay
1.
May timpla ng drama, katatawananm at pantasya ang buhay ng mga batang mangagagawa subalit,
sa kabuuan, isang matingkad na trahedya ang kanilang karanasanisang karanasan dapat mawakasan
(P4)
C. Mahiwagang nilalang ang mga salita. Pagsama-samahin at magpipinta sila ng larawan.
Pahalu-haluin at magbabago ang eksena. Pero bago malaman kung ano ang kanilang ibig
sabihin, kailangan munang malaman ang kanilang kahulugan.

Bagong Salita: nakadaupang-palad

Kahulugan: pagtatagpo sa isang tao sa unang pagkakataon


Synonyms: nakasalamuha, nakilala
Etymology: malalim na tagalog
Gamit sa sarili kong pangungusap: Di ko malimutan ang pulubing aking nakadaupang palad kahapon.

D. Pakikipag-usap sa mambabasa
Habang akoy nagababasa, akoy nagsusulat. Habang nagsusulat, akoy nagbabasa. Ito ang mga
pumasok sa aking isip habang binabasa ang sanaysay.
Ang sanaysay na ito ay tungkol sa paghahanap ng awtor g katotohanan at mga opinyon mula sa
mga eksperto hanggang sa mga taong nakapaloob sa industriya ng prostitusyon. Positibo ang mga
unang naikwento ng awtor, magaan ang diskusyon niya sa paglalarawan ng prostitusyon at kung paano
niya ito inugnay sa realidad. Unang salaysay pa lamang ay hinuhugot niya na ang damdamin at untiunti na niyang nilalapat ang mga seryosong pananaw ukol sa paksa. Maganda at nakakahanga ang mga
salitang ginamit ng awtor at kung paano niya ito ginami upang mas maging relate ang mga
mambabasa.
Ginawa rin niyang informatibo sa kanyang mga gitnang salaysay sa kanyang pagdagdag ng mga
konkretong batas na ukol sa pagproprotekta sa kabataan at kababaihan saganitong kalakalan at abuso.
Naging persuasibo din ang kanyang sanaysay dahil sa kanyang interbyu sa isang eksperto, isang
counselor mula UP Diliman Gender Office, at dahil ito ay mas nabigyan ng impormasyon ang mga
mambabasa sa emosyonal at moral na aspero sa mga indibidwal na gumagawa ng ganitong trabaho.
Nagkaroon din ng kaalaman ang mga mababasa sa perspektibo ng mga bugaw o sa mga direktang tao
na nabuhuhay sa ganitong kalakalan.
Sa pangkalahatan, naramdaman ko ang di paggsang-ayon ng awtor sa paksang prostitusyon.
Kanyang pinatunayan at sinuporthana ang kanyang pananaw sa pamamagitan ng mga konkretong
paningin ng isang eksperto, at sa mga batas na layong tapusin ang abusong ito. Naging medyo cliche
man ang mga panghuling salaysay na binitawan ng awtor ay mararamdaman mo bilang mambabasa ang
emosyon at paningin ng awtor sa mga tunay na biktima, ang mga prostistute. Kanyang iniwan sa isip at
puso ng kanyang mambabasa ang impresyn na di dapat husgahan ang mga indibidwal na ito, at
binigyang diin ang pagtatanggol sa mga biktimang ito.
E. Pagsusuri ayon kay Tongson at Adarna

1.

Paghuli sa Adarna
a.
Ano ang naiparating? Naiparating kung paano di dapat husgahan ang mga taong
nabubuhay sa ganitng kalakaran at ang importansya na mapatigil na ang industriyang

ito.
b.
Paano ito ipinarating? Ikinwento ng awtor ang pangyayari at dinagdagan niya ng
mga konkretong batas at opinyon mula sa eksperto na mauugnay dito.
c.
Para kanino ang likhang sining na ito? Ang likhang sining na ito ay para sa lahat
ng tao at indibidwal, pakat tayo ay parte ng lipunan kung saan laganap ang ganitong
kalakaran. Bilang isang mamamayan, tungkulin nating gumawa ng aksyon upang
matigil na ang industriyag ito.
2.

Formalist Approach
a.

What is represented? Mimesis

b.

How is it represented: Narrative Mode

c.
What specific means and devices were employed for the
representation? Imagery, binigyang gamit niya ang imaginasyon
at inilarawan ang mga nangyari sa abot ng kanyang makakaya.
d.
What is the emotional effect of the representation?
Nabigyang kaalaman at madadala ka sa opinyon ng awtor na itigil
na ang kalakarang ito.
F. Pagsusuri Ayon sa Likha

Ang sanaysay na ito ay gumamit ng sanhi at bunga sa pahina 6: Ang tulad nila (mga
prostitutes ay minsang gumagamit ng droga, nagpapakalasing, o di kaya'y tumitira muna o
humithit ng droga. At mula pahina 6 hanggang 7: dahil sa hirap ng buhay at dala ng
matinding pangangailangan, kanilang pinasok ang ganitong gawain.

G. Lihis na Pangangatwiran
Habang tayo'y nakatindig at taas-noong panindigan ang ating mga prinsipyo sa buhay,
ang katulad nila ay habambuhay na nakayuko at paminsan-minsan kang tinitingala dahil ikaw
ay nakaangat- pahina 7

H. Ano ang ideolohiya? Ano ang ideolohiya ng Sanaysay?

Ang ideolohiya ng sanaysa ay tungkol sa di panghuhusga sa mga indibidwal na


nabubuhay sa ganitong trabaho. Binigyang diin ng awtor na ang mga taong ito ay ang tunay na
biktima sapagkat para mabuhay ay kailangan nilang kumapit sa patalim at ibenta ang kanilang
laman. Nakakababa man ito ng moral ay kanilang tinitiis dahil sa mga pangangailangan sa araw
araw na oamumuhay. Sumasang-ayon ako sa tawag ng awtor na putulin ang kalakarang ito at
bigyang pansin upang mabigyan pa ng pag-asa at tulong ang mga biktimang ito.

Inihanda ni:

HILLARY CAMILLE M. ABANDULA

You might also like