You are on page 1of 2

Banila, Maripet L.

Panitikang Filipino
BSEDEN 2-1N Prof. Marvin Lobos

Pagtalakay sa Panitikang Bayan at kung Paano ito Maituturo

Ang palalahad nito ay Reoryentasyon ng Panitikan na siyang pinangunahan ng


Komisyon ng Wikang Filipino. Dito ay inihirang na tagapagsalita si Dr. Alvin B. Yap. Siya ay
isang propesor, direktor at isang manunulat. Isinalaysay din ang tatlong balanghay ng pagtuturo
ng PAnitikang Bayan.Dito, ipinakita ang ibig sabihin ng panitikang bayan; pagkakaiba nito sa
maikling kwento; at ang pagtalakay nito gamit ang banghay.
Unang ipinaliwanag kung ano nga ba ang Panitikan Bayan. Bilang isang estudnyante na
isang dekada at kalahati ng nag-aaral, nakakahiyang sabihin na ngayon ko lamang tuluyang
naintindihan ang ibig sabihin nito. Ngayon ko lamang din natutunan ang pagkakaiba ng mito sa
alamat at kwentong bayan. Maganda ang pagsisiwalt ng mga ito at malinaw kong nakita ang
kanilang likas na deskripsyon. Ang mito ay sumasalamin sa kung paanong nagsimula ang
sangkatauhan at kung bakit ganito ang isang lipunan. Itinuturing din itong makatotohanan.
Kaparehas nito ang alamat. Nagkaiba lamang sila dahil ang alamat ay gumagalaw naman sa
kaayusang itinakda ng mito. Salungat sa dalawang uri ng akda na itinuturing na
makatotohanan, ang maikling kwento naman ay sinasabing hindi makatotohanan. Ito ang mga
kwento na kathang-isip lamang at nagbibigay kasiyahan. Ang mga halimbawa nito ay ang
pabula , kwentong katatawanan at iba. Bukod sa mga naisiwalat na karakterismo ng mga ito,
ako ay nabighaning tunay sa bagong impormasyon na aking nalaman. Sinabi ni Dr. Yap na ang
persona ay maaaring ring maging distinksyon ng mito, alamat, ay kwentong bayan. Ang mito at
alamt ay ginagamit ng mga lider(raha, datu atbp) upang katwiranan ang kanilang pamumuno.
Samantala, ang kwentong bayan naman ginagamit ng mga mamamayan upang sumalamin sa
pagtuligsa at hindi pagsang-ayon sa kanilang mga lider. Ito ay para bang makalumang
pagpopretesta ng mga mamamayan.

Sunod na pinag-aralan ang pagkakaiba ng panitikang bayan sa aikling kwento. Dit ay


nagkaroon din ako ng mga bagong kaalaman tungkol sa mga paksa. Nalaman ko ang kaibihan
ng dalawa. Ang panitikang bayan ay isang pabigkas na tradisyon. Ayon sa aking pagkakaintindi,
ito ay naisasalin sa salita. Sa kabilang banda, ang maikling kwento naman ay sa pasulat na
tradisyon. Dito maipapasok ang pagsulat at paglimbag ng mga kwento upang maipakalat ito.
Isang ring pagkakaiba ng dalawa ay ang pagkakaroon ng Fichtorean Curve. Ito ay ang daloy ng
kwento mula sa simula, papataas na aksyon. Climax, kakalakasan at ang katapusan ng kwento.
Ayon kay Dr. Yap, ang maikling kwento ay mayroong malinaw na Fichtorean Curve. Sa kabilang
banda, ang panitikang bayan ay walang malinaw na daloy ng mga suliranin nito. Maaaring bigla
na lamang ito mangyari nang walang malinaw na dahilan kung bakit.

Paano nga ba natin masusuri o maituturo ang Panitikang Bayan kaiba sa Maikling
kwento gamit ang banghay? Unang itinuro ang pagsusuri sa mga paulit-ulit na ulan sa mga
panitikang bayan. Sumunod naman ay ang pagbabasa sa loob ng kwadro ng padron na
nagawa at ibase ito sa kultura ng pinagmulang lipunan. Pangatlo ay dapat na mayroon tayong
kaalaman sa kultura ng pinagmulang lipunan ng Panitikang bayan. Sa lagay na iyon, mas
maiintindihan antin ang konteksto ng bawat pangyayari sa kwento. Kaugnay dito, nagbigay ng
mga payo si Dr.Yap ukol sa pagkuha ng datos tungkol dito. Una niyang sinabi ang pagkilala sa
mga lokal na panitikan. Hindi rin niya nirerekomenda ang pagderekta sa internet upang
magsaliksik. Bagkus, mas maganda kung kikilalalanin ang mga lokal na eskolar sa ating lugar.
Sa panahon ngayon, mas madali na itong mangyari dahil sa pagtaas ng bilang ng mga
nag-aaral ng sariling nating wika.

Sa huling parte, nagbigay puntos ang propesor kung paano makapagtuturo nang
epektibo ang mga guro ng Panitikang Bayan. Ang binigay nyang metodo ay paghahati-hati ng
banghay sa yunit. Ang isang yunit ay katumbas ng isang galaw. Halimbawa rito ang iba’bang
kwento tungkol kay Maria. Mayroon tayong Maria Makiling, Maria Cacao at iba pa. Sa lahat ng
ito, hinati ang galaw sa tatlong yunit. Ang una ay ang pagtulong ni Maria sa tao o ang
pagkakaroon ng koneksyon ng tao kay Maria. Pangalawa ay ang pagtatryador o pang-aabuso
ng mga tao kay Maria. Huli ay ang galit ni Maria dahilan upang iwanan ang mga tao at di na
magparamdam muli. Sa pagtatalakay nito, naikonekta rin ang mga karanasan o pangyayari sa
panahon ng kolonyalismo.

You might also like