You are on page 1of 14

PANITIKANG PANLIPUNAN

LIBATIQUE KRISTINR JOY U.


BEED1B

MODYUL1: ANG KATUTURAN NG PANITIKAN

Panlinang na Gawain

1. Katangian ng panitikan

WALANG
TIYAK NA UNIBERSAL
IMAHINATIBO
PANAHON

PANITIKAN

MALIKHAIN WALANG
HANGGAN
PERMANNETE

2. Paano nasasalamin ng panitikan ang Kultura ng isanmg bansa.


Sinasalammin ng panitikan ang aktwal na mga pangyayari at kultura ng
isang tao. Maaari mong maunawaan kung ano ang pang araw-araw na buhay sa
pamamagitan ng pagbabasa ng panitikan. Ito ay isang natatanging paraan ng
pagkuha ng isang sulyap sa mundo. Alamin ang tungkol sa kanilang mga takot.
Iminumungkahi din dito kubng ano ang inaasahan ng kultura sa sarili nito.

3. URI O ANYO NG PANITIKAN

Parsa /tuluyan
Ito ay ang mas natural na gamit ng mga pangungusap at talata.
Walang binibilang na mga salita o tunog na kinakailangang itugma sa iba pang
salita.
Ito ay may dalawang uri: kathang isip at di- kathang isip
Ang mga Mikling Kuwento, nobela, drama, pabula, alamat, mitolohiya, kathang isip
na tuluyan.
Mga di-kayhang isip namn ay ang mga sariling Talambuhay,
Sanaysay , at Talaarawan.

Patula
Ito ay ang mga pagpapahayag ng isang manunulat sa pamamagitan ng mga
may sukat, bilang, at espesyal na pagkakaayos upang a malikhaing paraan upang
makaakpagdala ng mensahe o ng emosyon sa mga mambabasa.
Ito ay may dalawang uri: Naratibo at Lirikal
Ang mga naratibo ay yung mga tinatawag na Epiko o Mahabang tula, Ballad o
Tulang inaawit, Awit at Korido.
Ang mga liriko o Lirikal naman ay yung mga kanta, sonet, Awit sa Luksa o Elegy,
Ode, simpleng liriko at Haiku.

Pagkakatulad ng parsa at patula


Ang mg Akdang tuluyan at patula ay nakasulat na mga kasaysayan ng mga
lumipas at kasalukuyang panahon na isinusulat ng makasining na pamamaraang,
tungkol sa buhay ng tao, karanasan, pag-ibig, pananampalataya, tradisyon at iba
pa.

SIYASAT SA PANG-UNAWA
I. PAGTUKOY
1. BIBLIYA O BANAL NA KAASULATAN
2. HOMER
3. UNCLE TOM’S CABIN NI HARRIET BECHER STONE
4. DIVINA COMEDIAN NI DANTE
5. SONETO
6. ALAMAT
7. SANAYSAY
8. TULAMG PATNIGAN
9. EPIKO
10. PABULA
II. PAGTATAPAT-TAPAT
1. D. FORMALISMO
2. B. SOSYOLOHIKAL
3. H. FEMINISMO
4. G. ARKITAYPAL
5. L. RERALISMO
6. C. SIKOLOHIKAL
7. K. ROMANTISISMO
8. I. EKSISTENSYALISMO
9. E. HUMANISMO
10. F. MARXISMO

MODYUL2: SARILING PANITIKAN BAGO ANG MGA KASTILA


I. Panlinang na gawain
1. ‘Tulak ng bibig, Kabig gng dibdib’
Dito nakasaad ang pagsasalita kung makatotohanan ba o hindi ang mga
pinagsasabi mo. Kung ano man ang lumalabas sa bibig mo (kung paano mo it I-
akto) at dito sumasalamin sa mga nilalaman ng iyong kalooban. Karaniwan din
itong ginagamit sa mga taong iba ang ipinapahiwatig ng sinasabi kaysa
ipinapakitangkilos.
2. ‘Ang punong hitik sa bunga ay madalas binabato’
Ito ay ang mag taong hindi dapat pinaparatangan ng walang ebidensiya (mga
naka-angat sa buhay dahil sa may mithiin sila). hindi dahil sa gusto nilang ipakita
na mayayamanin sila kundi ipakita na kinaya nila dahil sa tiyaga at sikap nila. At
hindi nila deserve yung mabato o paratangan ng hindinamn totoo.
3. ‘Habang maiksi pa ang kumot, matutong mamaluktot’
Dapat kailangan nating maunawain sa mga bagay-bagay kahit gaano pa
man yan kaliit o kabigat kailangan nating matiyga at magsikap para pagdating ng
araw hindi kana mamaluktot sa maiksi na kumot, ikaw ay magiging malaya na at
hindi na mamaluktot sa maiksing kumot.
4. ‘Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin’
Kung wala kang ginagawa o minimithi sa buhay ay wala kabng mapapala,
kundi isan gdisaster ng iyong sariling buhay.
5. ‘Ang pinakamahirap gawin, ay iyong walang gagawin’
Dito nakasaad ang pagdedesisyon, kung wala kang gagawin ay mas
pinapahirap mo lang yung sarili mong sitwasyon.

II. Apat na halimbawa ng Kasabihan

1.Ang mabuting ugali,masaganang 2.Ang tunay na kaibigan sa ligaya at


Bbuhay ang sukli kalungkutan, ikaw ay sasamahan

KASABIHAN

3.Ang katotohanan ang 4.Ang gumagawa ng kabutihan,


magpapalaya sa may kasalanan hindi matatakot sa kamatayan.

1. Kapag mabuti ang iyong kalooban, tiyak na ikaw ay pagkakalooban ng


masaganang pamunmuhay.
2. Nasusukat ang pagkakaibigan hindi lang sa ligaya kung hindi pati sa
kalungkutan.
3. Kapag ikaw ay may kasalanan, sabihin mo ang totoo saoagkat ito lang ang
magpapalaya sa iyo.
4. Kaoag mabbuti ang iyong gawain, kailanama’y hindi ka matatakot na mamatay at
husgahan sa kabilang buhay.

SIYASAT AT PAG-UNAWA
1. H. NEGRITO
2. F/B. PALAWAN
3. E. BODA
4. A. SALAWIKAIN
5. D. BUGTONG
6. C. SOLIRANIN
7. J. TALINDAW
8. P. KUNDIMAN
9. L. KUMINTANG
10. K. SAMBOTANI
11. Q. PABULA
12. N. ALAMAT
13. O. BIAG NI LAM-ANG
14. M. HUDHUD AT ALIM
15. R. IBALON

MODYUL3: ,GA UNANG AKDANG FILIPINO NOONG PANAHON NG KASTILA


PANINANG NA GAWAIN
(PAGPAPALIWANAG)
1. Noong panahon ng kastila, noong sila ay sumakop sa atin, ang kalagayan nating
mga pilipino ay hindi pa ganoon kaayos, dahil tayo ay kanilang minamaltrato.
Ngunit sa kabilang banda, maraming naturo sa atin ang mga kastila sila ang
nagpalaganap ng kristiyanismo dito sa ating bansa(Pilipinas) kaya tayo ay may
kinikilalang Panginoon hanggang ngayon.

2. Paghambingin ang dalawang Dula


Dulang pantanghalan
Ang pagkawili ng mga manonood ay nasa pagsulong at kahihinatnan ng
tunggalian. Ito ay nahahati sa ilang yugto na maraming tagppo.
Iisahing yugtong dula-dulaan ( maikli na biumubuo lamang ng isang yugto).
tataluhing yugtong dula( maahaba na bumobuo ng tatlong yugto). dadalawahing
yugtong dula( katamataman lamang ang haba. Layunin nitong itanghal ang mga
tagpo sa isang tanghalan)

Dulang Panlanasangan
Isang uri ng dula na ginaganap sa lansangan.
Panunuluyan( ginaganap tuwing bisperas ng pasko, ito ay paghahanap ng bahay na
matutuluyan ng Mahla na Birhen sa Pagsilang kay Hesukristo.
Salubong ( ito ay isang prosisyon na ginaganap sa maaling araw ng linggo sa
Pagkabuhay).
Tibag ( pagasasadula ng paghahanap ng krus na pinagpakuan kay Kristo nina
Reyna Elena at Prinsipe Constantino. Ginganap tuwing Mayo sa mga lalawigan ng
Bulacan, Nueva,Ecija, Bataan at Rizal
Senakulo ( tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas
ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus.

3. Bilang isang mag-aaral kailangan nating pag-aralan ang panitikan dahil ito ay isa
ding mahalaga para sa kaalaman sa ating sariling wika.itoy kadalasang
nasasalamin ang ating kultura sa ating mga panitikan. Ang panitikan ay
kapupulutan din ito ng aral, mga moral na aral at pagiging mabuting tao na
maaring magamit natin sa tunay na buhay.

SIYASAT AT PAG-UNAWA
1. NINAY NI PEDRO PATERNNO
2. ANG DOCTRINA CRISTIANA
3. MORO MORO
4. P. MODESTO DE CASTRO
5. FLORANTE AT LAURA
6. JUEGO DE FRENDA
7. SENAKULO
8. KARAGATAN
9. SALUBONG
10. TOMAS PINPIN

MODYUL 4: PANITIKAN SA PANAHON NG KILUSANG PROPAGANDA AT


HIMAGSIKAN

PANLINANG NA GAWAIN

1. Sa mensahe ng tulang “ sa aking mga kabata” ay nagpapahiwatog ito ng


pagmamahal ng isang tao sa kanyang sariling katutubong wika. At doon sinasabi na
isisnulat yun ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa edad na walong
gulang, at dun naipakita ang kanyang pagkamabayan sa muarang edad.
Matatagpuan ang sikat na linya na palaging nababasa tuwing Linggo ng Wika. “Ang
hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay mas higit pa sa malansang isda”, sa
ikatlong taludtod ng tula

2. Gumagamit ng sagisag panulat ang manunulat sa panahong ito upang ng sa


ganong paraan natin maipaglaban ang ating kalayaan sa mga dayuhan ng hindi
mapapahamak katulad na lamang ng ginawa ni Rizal.
3. Ang mga layunin ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere ay una gusto nitong
matugon ang paninirang ipinaratang ng mga kasti;a sa mga Pilipino at sa bansa.
Upang maiulat ang kalagayang panlipuna, uri ng pamumuhay,mga paniniwala, pag-
asa, mithiin o adhikain, karaingan at kalungkutan. Maihayag ang maling paggamit
ng Relihiyon sa ginagawang dahilan o sangkalan sa paggawa ng masama. Layunin
niyang maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa di-tunay na Relihiyon. Layunin
din niyang mailarawan ang mga kamalian, maasamang hilig, kapintasan at
kahirapan sa buhay. At sa pagsulat naman niya ng El Filibusterismo layunin
nnitong mabuksaan ang mga mata ng mag Pilipina sa mga katiwalian ng kastila.

4. Sa aking opinyon ay si Rizal parin ang karapat dapat na maging pambansang


bayanni dahil sa kanya mayroon tayong tinatawqag na Noli Me Tangere at El
Filibustirismo na nagpapahayaag ng pang-aapi ng mananakop sa ating bansa.
Hindi kamang basta basta ang ginawa ni Rizal, madami siyang pinagdaanan sa
buhay at payapa dahil nakapagtapos naman siya. At dahil sa prinsipiyo niya at
hangarin bito at ipinaglaban ang karapatan ng ating mag Pilipino at kamtin
angkalayaan ng ating inang bayan.

SIYASAT AT PAG-UNAWA
A. Tama o Mali
1. T
2. M
3. T
4. T
5. T
6. T
7. T
8. M
9. M
10. T
B. PAGTUTKOY
1. EL FILIBUSTIRISMO
2. JOSE PALMA
3. ANDRES BONIFACIO
4. EMILIO JACINTO
5. APOLINARIO MABINI
6. EMILIO JACINTO
7. MARCELO H. DEL PILAR
8. PASCUAL POBLETE
9. MI ULTIMO ADIOS(ANG HULING PAALAM)
10. HERMINIGILDO FLORES

MODYUL 5: PANAHON NG AMERIKANO


PANLINANG NA GAWAIN
1. Ang kalagayan ng panitikan noong panahon ng Amerikano ay hindi gaanong
naging mahalaga sa matua ng mga manunulat sa Pilipino kung hindi pa rinsila
ganao na malayang makasulat ng talagang nais nilang isulat. Par sa mga
manunulat na Pilipino ang pinakamahaalgang naganap ay nakakawala sila sa
galaamay ng kaisa-isang paksang maari nilang talakayin sa panahon ng Kastila at
ito ay ang pagpunit pagbibbbigay- karangalan sa kanilang relihiyong Kristiyanismo,
at sa ilalim ng batas sa desisyon ay hindi na anong makakapagpapaalab sa
damdaming makabayan laaban sa maga Amerikano. At ang mahirap hindi sila
maaaring magsulat laban sa mga Amerikano, labansa kanilang pagmamalabis at
magaling sa kanilang mga layunin na hindi namn pawang sa kapakanang Pilipino.

2. Ang akda ng ito “ Bayan Ko” na iniakda ni Jose de Jesus, sa aking opinyon ang
gusot nitong ipahiwatig o ipaalam sa atin ay sa panahon noon kahit gaano pa man
ang paghihirap o paglaban mo ay mahirap parin tayong makaalpas dahil sa higpit
ng mga taong nilalang, tinukoy nga doon kahit nga ibong may layang lumipad at
kulungin mo ay umiiyak, kaya kahit anong gawin mo noon para sa bayan ay
mahirap palayain o payamanin dahil sa mahirap na sitwasyon ng mga pilipino.

3. Ang mga pagbabago sa buhayo pamumuhay ng mga Pilipino noong Panahon ng


Amerikano, ubna ang makabagong sistema sa pamamahala, edukasyon,
transprotasyon at komunikason, pangalawa ang makabagong estilo ng mga sining,
patakarang pangkalusugan, tyradisyin at pagpapahalaga. Daahil sa mga
pagbabagong ito ay ang dahilan at ang naghanda sa Pilipinaas upang humarap sa
modrnang panahon sa pinamunuan ng bagong kolonyalista.

4. At sa pagtakbi ng panahon tayong mga Pilipino ay may kasanayn tayong


ipagdiriwang ang mga mahahalagang pangyayari o okasyon sa ating bansa katulad
na lamang ng Araw ng Kalayaan, taon-taon natin itong ipinagdididriwang ngunit
totoo na nga bang MALAYA ang PILIPINAS o ang ating banasa. Kung titingnan natin
napakarqaming mag establisyimento na pangyayari ng mag daayuhan o taga ibang
bansa, marami oarin ang hindi bukas ang isip sa pagtangkilik ng sariling kultura,
namumuno ang Colonial Mentality sa isip nting mga mamamayang Pilipino. Isa sa
kultura, sariling produkto, at iba pa. Pero taying mga pilipino ay matatag, masipag,
madiskarte, matalino at marami pang mga ugali na maipagmalaki ng bawat isa.
Alisin ang kadenag nakagapos, at ating mahalinang sariling atin at tuluyang maging
masabungtunay na malaya.
5. Sa aking palagay ang layunin ng mgna manunulat sa panahon ng Maerikano ay
buhayin ang diwang nasyonalismo ng mga Pilipino.

SIYASAT AT PAG-UNAWA
I. PAGTATAPAT-TAPAT
1. C. LOPE K-SANTOS
2. I. SEVERINO REYES
3. H. VALERIANO H. PENA
4. J. ILDEFENSO SANTOS
5. K. JULIAN CRUZ BALMACEDA
6. D. JOSE CORAZON DE JESUS
7. E. AMADO D. HERNANDEZ
8. L. FAUSTINO AGUILAR
9. G. TEODOR GENER
10. I. SEVERINNO REYES

II. PAGTUKOY
1. ANG HULING TIMAWA
2. KATUBUSAN
3. BANAAG AT SIKAT
4. ANG PINUNO NG TULISAN
5. ANG SANPIN-SAPING HIMUTOK
6. AMA
7. ANG MGA ANAK BUKID
8. ANANGHI
9. NANGALUNNOD SA KATIHAN
10. DAKAGANG-UKID

MODYUL6: PANAHON NG HAPON


PANLINANG NA GAWAIN
1. Ito ay pumapatungkol sa kaibigan o isang tunay na kaibigan. Para sa akin, ang
nais nitong ipabatid ay dapat ant totoong kaibigan ay hindi dapat palstic o peke
dapat isa kang tapat at totoong nilalang at maaasahan o masasandalan sa panahon
ng kagipitan at problemang hinaharap.
2. Pumapatungko, ito sa tutubi at may mensaheng, na ang pagmamalabis ng mga
malalakas sa mga mahihina.
3. Binabatid nito ang pag-ibig o totoong pag-ibig na kung saan sinasaad na ang pag-
ibig dapt tunay at hindi pabalat, nalalasap o nararamdaman ng puso at itoy tapat.
B
TANAGA
Pag-ibig sa Bayan
Bayan kong Pilipinas
Pag-ibig ko’y wagas
Bayan kong sinilangan
Ika’y aking tahanan

Pagmamahal sa Kapwa
Dumaan man ang bagyo
Magtutulungan tayo
Tayo ay Pilipino
Sinubok ng delubyo

HAIKU
Pagkabata
Tagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Ikaaw ang taya!

Biyaya
Sa aking buhay
Pag gising at pag-asa
Ito’y biyaya

SIYASAT AT PAG-UNAWA
I. PAGTATAPAT-TAPAT
1. H. LIWAYWAY
2. E.SA PULA,SA PUTI
3. K. PANAHON NG HAPON
4. I. ANG MALAYANG PILIPINAS
5. A. HAIKU
6. F. TANAGA
7. B. NARCISO REYES
8. D. LIWAYWAY ARCEO
9. C. NUEVA ECIJA CULTURAL AND DRAMATIC
10. G. KINICHI ISAKAWA

MODYUL 7: PANIITKAN NOONG PANAHON NG BANAGONG KALAYAAN HANGGANG


SA KASALUKUYANG PANAHON

PANLILINANG NA GAWAIN

A. Sa panahong ng Batas Militar, Bagong Lipunan at Ikaapat na Republiika, ang


mga oangunahing mga paksa ay pagmulat o paggigising sa pagiging makabansa,
repporma, romantisismo sa mga nnobela at sa larangan ng panitikan, ang mga akda
ay may kaugnayan sa panlipunang reyalidad bagamat proteksyonal ito. Biolang
karagdagan, ang mga mannunulat ay malaya ng mamimmili at magsulat ng
saloobin ng anumang paksa. Datapwat itoy panahaon ng pagpoprotesta sa Batas
Militar o EDSA Revolution dito rin umusbong ang maraming akda o panitikan at
mga manunulat na Pilipino.

B.
KAHALAGAHAN NG WIKA

WIKA MO WIKANG PILIPINO WIKA NG MUNDO


Sa aking paglaki Ang pambansang wika ay Ang unibersal na lenguwahe o
ang wikang aking isang tulad ng ang Wikang ingles ay mahalaga
kinagisnan at natatanging hiyas sa pakikisalamuha at
ginagamit sa pang sapagkat ito’y ginagamit paskikitungo at
araw araw na upang magkaintindihan pakikipagtalastasan sa ibang
pakikipagtalastasan ang lahat ng Pilipino at bansa. Ito rin ay ginagamit
sa mga tao sa wikang sumisimbolo ng upang maintindihan ng lahat ng
aming lugar o bansang Pilipinas. Ang bansa ang iyong gustong iulat o
bayan ay parang o isang sandata ng isang sabbihin. Masasabbi natin na
nagsisilbing aking mamamayang Pilipino. itoy susi sa pintuan ng
mga kamay at paa, pandaigdigang arena.
ito ang nagturio sa
akin na unang
magsulat at
maglakad sa
mundo.

SIYASAT AT PAG -UNAWA


1. EFREN ABUEG
Isang Babae sa Panahon ng Pagbabangon
Ang Mundong Ito ay Lupa
2. VICENTE DIMASALANG
Dugo ng Bagong Panahon
3. LYNETH FRANCISCO
Kapligiran... Huwag Talikdan
4. LUALHATI BAUTISTA
Dekada “70”
5. CELSO A. KARUNUNGAN
Satanas sa Lupa
6. LIWAYWAY ARCEO
Maling Pook, Maling Panahon, Dito Ngayon
7. ROSARIO DE GUZMAN
Nakaluhod na Kasalanan
8. BENJAMIN PASCUAL
Gaano Kamahal ang Pag- ibig Mo
9. TEODERICO SANTOS
Ikaw at Ako
Matalim ang Kidlat sa Apoy
10. PELAGIO CRUZ
Inagaw na Pulugata

MODYUL8: Panunuring Pampanitikan:


(Maikling Kwento, Nobela, Dula at Tula)

DI MO MAISILIP ANG LANGIT- BENJAMIN PASCUAL(1981 PALANCA AWARDS)

I.PANIMULA
A. Akdang Susuriin
Ang panitikang Susuriin ay kuwento. Ang kuwento ay Isang akdang pampanitikan
na nilikha ng guni-guni at bungang-isip na hinango sa Isang tunay na karanasan o
pangyayari sa Buhay. Nagbabasa sa Isang tagpuan. Nakapupukaw Ang damdamin,
at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan Ang kuwento.
Gumagamit ng balbal,pinapakita ang hindi tamang pagtrato sa mahirap.
B. May-akda
Si Benjamin M. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag,Ilocos Norte. Unang
nakilala bilang matinik na kuwentista si Pascual bago niya sineryoso ang pagiging
isang nobelista. Nagsimula siyangsumulat noong dekada 1950, sumubok mag-
ambag sa komiks,hanggang hiranging maging staffer ng Liwayway.
Nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang kaniyang
kwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di Ko Masilip AngLangit” (1981).
Nagtamo naman ng Grand Prize sa Cultural Center of the Philippines ang nobelang
“Utos ng Hari” noong 1975. Unang nailathala sa Liwayway ang "Lalaki sa Dilim ‟
sapamagat na "Shhhh…Ako ang Lalaki sa Dilim‟ (1976).May-akda rin siyang may
pamagat na “Sapalaran, Walang Tanungan” (1997), isang komedya ng pag-iibigan at
lingguhang isineserye ngayon ng Liwayway.

Tinatayang nakatapos ng 13 nanobela si Pascual, na pinakarurok marahil ang


Halik sa Apoy” (1985). Pwedeng sipating autobiograpiko ang naturang akda
naumiinog sa buhay at pakikipagsapalaran ng isang lalakingmanunulat. Naging
Filipino section editor si Pascual sa People’s Journal Tonight noong 1981, at ngayon
ay editor sa popular na Valentine Romances. Makalipas ang ilang dekadang
dibdibang pagsusulat ni Pascual, kinilala ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas
(UMPIL) noong 1994 ang natatanging ambag niya sa pagsusulat ng maikling
kwento, dula, at nobela. Sa edad na 69 ay hindi pa rin ito humihinto sa pagsusulat.

C. URI NG KUWENTO
Gumamit ang may akda ng istilong panumbalik o Ang tinatawag na flashbacking.
Inilahad ng kuwento Mula sa kasalukuyan Hanggang sa nagdaan biting
karanasan.ipinakita sa kuwento na isinasalaysay ng oangunahing tauhan ang Ang
dahilan ng kanyang pagkakulong.
II NILALAMAN
A. BUOD
Ang kuwento g ito ay tungkol sa lalaking nakulong dahil sa Isang oagkakamali
bunsod sa tindi ng kangyang puot at galit Mula sa dinanas diskriminasyon at
maltrato na dinanas ng mga may mataas na uri sa kaniyang pamilya. Nagsimula
ang kuwento sa pakikipag- usap niya sa kaniyang kapawa preso. Isinalaysay niya
ang kung paano siya napunta sa kulungan at naharap sa kasong arson.
Isinalaysay niya rin ang asawa na kung saan SI Luding Ang biglang humilab
ang kaniyang tiyan kung kaya napilitan siyang lumapit sa Isang malaking bahay na
pag mamay-ari ng pamilyang Cajucom. Isang diskriminasyon Ang pagtanggi ng Gng.
Cajucom. Mabuti na lng at idinala siya ni G. Cajucom sa ospital, taga BIR.
Ayon sa unang tauhan, hindi man lng tumulong angg doktor at nars nang Ang
kaniyang Asawa ay manganganak na dahil mahirap ito, pinahintay at oinabayaan
lng soon Hanggang sa malaglag Ang Bata sa semento na nagsanhi ng pagkamatay.
Ito Ang nag- udyok sa oangunahing tauhan ng mawalan ng katinuan at
nagsimulang maghiganti mula sa pag-iihi nito sa paghingaan ng mga doktor at
nars, pagsira ng gamit at nang wala na itong masira ay nagsunog ito. Sinunog nito
Ang building ng ospital at nang umusok na ay lumabas ito. Nakita siay ng Isang
Nars at hinabol. Ginulpi siya ng mga guwardiya at dinala sa prisinto. Nagwakas Ang
kuwento na hikayatin Niya ang kapwa preso na matulog na dahil malim na ang
Gabi at sinabing "Wala Kang masisilip Dito kundi pader at rehas. Ewan ko naman
kung may langit nga sa labas". Hindi na Ako bilib sa langit pare, Maaga na akong
kinalimutan ng Diyos".

B. MGA ELEMENTO
A. Paksa- Ang tunay na nagpapakita ng pagmamahal ng isang ama para sa
kaniyang Asawa at anak at poot na nadarama dahil sa kasamaan at kawalang puso
ng ginawa sa kanya ng mga taong walang puso.
B. Tagpuan- Ospital( na kung saan naganap Ang kasukdulan ng kuwento)
C. Tauhan:
Pangunahing tauhan/protagonis
Asawa no Luding- Ang nagsalaysay ng kuwento sa kaniyang Kasama na tinatawag
niyang " pare". Isang responsable at mapagmahal na asawa. Ipinahayag Niya sa
kuwento na siya ay may dignidad ngunit itoy nabago at napalitan ng galit at
sinunog Niya ang ospital dahil Hindi sa agparang natulungan Ang kaniyang Asawa.
Nakulong siay sa kasong arson.
Katunggaling tauhan/ antoganista
Nars at Doktor- mga empleyado ng ospital na nagpailaw sa nails ipahiwatig sa
kuwento. Sila Ang mga tao na Hindi tumupad sa sinumpaan at tungkulin ng
kanilang propesyon. Ipinakita nila na sino lamang Ang may salapi ang makakalasap
ng daliang serbisyo at prebilihiyo. Sila ay mga mukang-pera.
Katulong na tauhan/minor character
Luding- Ang magandang may Bahay ng pangunahing tauhan. Batay sa kuwento, si
Luding at nagdadalang tao sa sanggol na babae. Isang maalaga at maunawaing
Asawa si Luding.
Ina ni Luding- Ang Kasama ni Luding- sa kanilang tahanan. May kabingihan sa
kadahilanan na rin ng katanadaan.
Gng. Cajucom- Ang walang pake sa nangangailangan ng tulong.
G. Cajucom- Ang may- Ari ng malaking bahay na nilapitan ni Luding nang siya ay
manganganak na. Si G. Cajucom ay Isang taga BIR na nagmalasakit na tinulungan
Ang buntis at Hindi nag-atubiling tumulong.
Pare- kasamaan ng pangunahing tauhan sa preso. Hindi nabanggit Ang pangalan
nito sa kuwento.
D. BANGHAY
Panimula
Sinimulan Ang kuwento sa pag-uusap ng dalawang preso. Habang nag-uusap ay
ikinuwento ng isang preso Ang dahilan ng kaniyang pagkakulong. Isinalaysay ng
pangunahing tauhan ang na nakulong siya sa kasung arson dahil sa pagsunog Niya
sa isang pribadong ospital kung saan Isa soya sa mga karpentero at gumawa sa
gusaling ito. Binanggit Niya ang kaniyang Asawa na si Luding.

Saglit na kasiglahan
Ang saglit na kasiglahan ay Nang Araw na malaman ng tagapagsalaysay na buntis
Ang kaniyang Asawa kung kaya ay pinag- ipunan nila ito. Pinag usapan rin nila na
kung sakaling manganganak Ang kaniyang Asawa ay doon na lamang sa pribadong
ospital na ginawa Niya dahil malapit lang sa kanila at may " pridward" pa na
kakaunti lng Ang babayaran.

Pataas na Aksyon
Dito nakasaad Ang paghihirap at diskriminasyon na dinadanas ng pangunahing
tauhan at ng kaniyang Asawa na si Luding. Kasama nadin Ang mga taong walang
puso na Hindi man lang Sila binigyan ng kahit kaunting pagtulong sa kanilang mga
puso.

Kasukdulan
Inuwi ng pangunahing tauhan ang kaniyang Asawa na mababakas sa kaniyang
muka Ang lungkot at pighati. Matapos inilibing Ang kaniyang anghel ay bumalik ito
sa ospital upang magbayad gamit Ang kaniyang inutang. Nang biglang lumihis Ang
hangin at naisipang ihian Ang paghingaan ng mga Nars at Doktor. Sinira Niya rin
ang mga kagamitan sa loob, dahil sa natamo nitong mabigat na sakit dahil sa
nangyarin sa kaniyang Asawa ay parang nawalan na ito ng sariling bait. Nang
Makita nito na Wala na siyang masira ay walang kagatol-gatol na sinunog ito.

Pababang Aksyon/ Kakalasan


Lumabas siya nang magsimula Ang apoy ngunit Nakita soya ng empleyado at
hinabol ito. Siya ay binugbog ng mga guwardiya at dinala sa prisinto. Makikita Rin
Ang pagtatapos ng pagsasalaysay ng pangunahing tauhan sa kaniyang ng dahilan
at kung paano siya napunta sa preso kung saan siya nakakulong.

Wakas
Nagwakas Ang kuwento kung saan sinabi ng pangunahing tauhan sa kanyan
kapwa preso na " Wala Kang masisilip Dito kundi pader at rehas. Ewan ko naman
kung may langit nga sa labas". Hindi na Ako bilib sa langit, pare!. Matagal na akong
kinalimutan ng Diyos". Sa pagwakas ng kuwento madadama natin Ang matinding
pagkalungkot at paghihirap sa kaniyang sinapit.
Tunggalian
Tao laban sa Lipunan
Kung saan Ang pangunahing tauhan ay lumaban sa Lipunan sa kadahilanan g
dumanas Ang kaniyang pamilya sa diksriminasyon at pang mamaliit Mula sa
naghaharing-uri dahil sa kalagayan ng kanilang Buhay. Makikita na walang
karapatan Ang mga maralita na magkamit ng parehnong prebelihiyo sa kanila nito,
nails ipakota ng pangunahing tauhan ang kaniyang dignidad na kahit namatayan
siya ay marunong tumupad sa napagkasunduan.
" Siguro'y gusto ko ipakita sa ospital na kahit Ako ay mahirap, kahit hirap na hirap sa
Buhay, ehh may konti Ako na tinatawag na dignidad at nakakakilala Ako ng
masanat mabuti at marunong akong magbayad ng utang ko, kahit sa kanila na
pumatay ng sanggol ko. Ewan ko anut ano man pare, nagpunta Ako sa ospital at
binayaran ko Ang utang ko. Ipinakita ko na marunong akong magbayad ng utang at
nasiyahan Ako ng konti at sinira ko Ang promisori note sa harap ng kahero,nang
IBIGAY Niya yon sa akin nang magbayad Ako.( Sipi Mula sa kuwento)".

Suliraning Panlipunan

A. Diskriminasyon- pinakita sa kuwento Ang pagsasagawa o pagkakaroon ng special


na treatment kagaya na lamng ng gianwa ng mga Nars at Doktor sa Asawa ng
pangunahing tauhan. Ang hindi pagpansin sa mas nangngailangan, kahit mamatay
na Ang Isang tao kung wala Silang kaya o sa tingin nila ay mahirap lng Sila ay
Hindi na nila ito pinapansin at papabayaan na lamang kahit na mamatay na Ang
mga pasyenteng nangangailangan.

Paningin- ang paningin sa kuwento ay nasa ikalawang panauhan.

III. DULOG/TEORYANG PAMPANITIKAN


A. Teoryang Realismo- Ang akda ay isang teoryang realismo sapagkat ipinakita riot
Ang tunay na nangyayari sa kasalukuyang lipunan at mapait na karanasan ng
pamilyang kapus-palad sa aspetong ekonomikal,sosyolohikal at political. Nakabase
lamang Ang prebelihiyo batay sa antas ng pamumuhay at taglay na pag-aari nito o
yaman.
B.Teoryang Moralistiko- makikita sa akda Ang pagsasawalang bahala ng mga tao sa
paki-usap ng mahirap na tulungan ito sa gitna ng padaramdam ng kapanganakan.
Mas ginagalang at niyuyukuan Ang may hawak na ari-arian at kung okay dukha
lamang iakw pa Ang kadalasang biktima ng pang-aapi. Ang hindi magandang pag-
ugali na ito ay makikita sa tauhan ng akda.
C.Teoryang Sikolohikal- ipinakita sa akda Ang pagbabago ng ugali ng pangunahing
tauhan na nag-udyok Mula sa kaniyang sitwasyong dinanas. Ang nangyaring
pagsasawalang bahala ng mga taong hiningian ng tulong ng kaniyang may-bahay ay
nagdulot ng poot at hinanakit sa puso na nagresulta ng pagbabago ng isipan at
ugali ng pangunahing tauhan.

IV. BISA
A. Bisa sa Damdamin
Ako ay nakaramdam ng lungkot at galit. Lungkot dahil sa kasalukuyan umiiral
parin ang kawalan ng pagkapantay-pantay at pinag-kakait Ang prebelihiyong
karapat-dapat ding matamasa ng mga mahihirap sapagkat sila ay tao rin na
kailangang respetuhin at bugyang pagmamalasakit. Galit dahil nagsilipana Ang mga
hayok, mas pinapahalagahan pa ang Pera kaysa propessyong sinumpaan.

B. Bisa sa Asal
Ang oagkakamali ay Hindi maitatama sa isa pang pagkakamali. Walang maidudulot
Ang paghihiganti sa kanila ng anumang rason. SA kuwento, gumawa pa Ang
pangunahing tauhan ng Isang oagkakamali bilang paghihiganti sa sinapit nitong
diskriminasyon at pang-aapi sa pamamagitan ng pagsunog ng gusali na mas
kinasangkutan niya sa isa pang problema. Kung Hindi man madaan sa legal na
pamamaraan, mas pagpapalain pa Ang mapagpatawad at ipagkaloob na Lang Ang
problema sa Panginoong Maykapal.

C. Bisa sa Isip
Hindi maipagkakaila na Ang hindi pagkapantay-pantay at diskriminasyon ay
nanatiling sakit ng Lipunan. Marami sa atin Ang humuhisga sa panlabas na
katangian ng isnag tao. Marami Ang mapangmata at mapangmaliit sa mga
mahihirap na kung kayat sa huli marami Ang nalulugmok sa kahirapan. SA kanila
nito maging Isa Tayo sa mga taong may malasakit sa kapwa at tulungan Ang
nangangailangan ng walang hinihintay na kapalit. Huwag tayong maging Isa sa mga
kanser, bagkus Tayo Ang magpapanatili ng kabutihan at hindi at Hindi hayaang
kakalat Ang sakit na ito.

V. REAKSYON
Ang kuwentong ito ay nakakapanggigil dahil sa mga kaganapan sa loob ng kuwento
Lalo na Nung Hindi man lng inasikaso Ang buntis na Asawa ng pangunahing
tauhan sa kuwento,ang pagpapakita ng mga taong walang puso ng hindi kanais
nais at kawalan sa ng etiko sa kanilang propesyon. Ang kuwentong ito ay
makarealidad at Ang sakit sa Damdamin dahil Hanggang sa kasalukuyang panahon
ay nangyayari parin ito lalong Lalo na sa mahihirap na katulad ko.

PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA NI ANDRES BONIFACIO

I. Panimula
A. Pagkilala sa may Akda
Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay isang tulang isinulat ni Andres
Bonifacio upang himukin ang mga Pilipinong maging makabayan at ipaglaban ang
kanilang kalayaan. Itinuturing ito bilang pinakatanyag na tula ni Bonifacio na
nailathala noong Marso 1896 sa unang isyu ng Kalayaan, opisyal na pahayagan
ng Katipunan. Nakapangalan ang tula sa inisyal na “A. I. B.” na agad na
mauunawaang kumakatawan sa “Agapito Bagumbayan,” ang sagisag-panulat ni
Bonifacio. Kinikilala ang tulang ito bilang kauna-unahang akda sa katutubong wika
na nagpapahayag ng pag-ibig sa bayan.
Si Bonifacio ay higit na mahusay na mandirigma kaysa manunulat ngunit
pinatunayan niya na kaya niyang gumawa ng tula para sa kaniyang minamahal na
bayan. Ang tulang ito ay binubuo ng 28 taludtod at may sukat na
lalabindalawahin. 

B.Akdang Susuriin
Ang akdang ito ay isang espesyal na tula. Ang tulang ito ay isinulat niya
upang himukin ang kapwa Pilipino na maging makabayan. Tamang tama ang tulang
ito upang pukawin ang pagmamahal natin sa bayan. Ang pagmamahal sa bayan ay
isang malaking tungkulin na dapat gampanan ng bawat Pinoy. Ito ay dapat na
isaisip at isapuso nating lahat. Ang pagmamahal sa bayan ay isang bagay na dapat
huwag nating ikahiya at dapat natin itong ipagmalaki. Kahit sa pinaka-simpleng
paraan ay mahalagang ipakita natin ang pag-ibig natin sa Inang Bayan.

II. NILALAMAN
A. Kaanyuan
Ang akda ay Tulang Soneto saapgkat nagpapahayag ito hinggil sa damdamin
at kaisipan. Ang persona sa tula ay nagpapahayag ng kanyang kaisipan ukol sa
pangyayari at matamo ang kalayaan.
B. Estruktura
Sukat, saknong, at taludtod
Ang tulang “Pag-ibig sa tinubuang Lupa” ay masasabing nasa espesyal na
taludturan na kung saan ito ay may sinusundan na sukat at isinasa -alang-ala ang
tugma sa bawat taludtod.
C. Talinghaga
Ang tulang ito ay masasabi na malaman at makahulugan na kung saan ang
mga salitang ginamit ay nagpapakita ng katangian ng pagiging marangal at
mapagmahal sa bayan.
D. Imahen o Larawang Diwa
Naipakita ng tulang ito ang katangian ng isang tunay na Pilipino
pagmamahal sa bayan at pagbibigay ng daan upang maimulat ang bawat mata ng
mga Pilipino sa ating Inang Bayan.
E. Simbolo
Pagmamahal - sumisimbolo ito dahil sa labis ng pagmamahal nito sa ating
bayan at tinulungan ang sambayanang Pilipino upang maimulat ang mga mata.
Kalayaan- dito makikita kung paano naipakita ang pagmamahal ng may
akda sa bayan at natamo ang kalayaan.
F. Tono
Ang tulang ito ay may tono na nakakalungkot dahil sa kadilimang dinanas
ng bawat Pilipino, mga karumaldumal nanagyari sa kanilang buhay.
G. Persona
Ang persona ng tula ay isang masidhing pangyayari at nakaka panumbay na
pagsasakripisyo/pagbuwis ng mga buhay para lang sakalayaan na hinahangad ng
lahat. At pinakita nito kung gaano ang pagmamahal ng may akda sa ating inang
bayan at iniulat ang simpleng mensahe para maimulat ang ating mga mata kaya
ating pagsilbihan at mahalin ang ating inang bayan.
H. Suliraning Panlipunan
Ang suliranin ng tula ay ang patuloy na paghihirap ng dinadanas ng mga
Pilipino ngunit sa mga dinanas ng mga ay ito ay tila hindi pa rin nila alam ang
katunayan na nangyayari sa totoong buhay kahit patuloy silang nahihirapan ay
hindi nila maimulat ang kanilang mga mata nang sa ganon ay mas mapabilis ang
kanilang pagdama sa kalayaan. Kaya gusto ng akda na ipakita at imulat ang mga
natin para mamulat ang matagal na tinatamo nating kalayaan.
III. Dulog o Tearyang Pampanitikan
Ang tulang “ Pag-ibig sa Tinubuang Bayan” ay may teoryang realismo dahil
pinapakita ng may akda ang mga pangyayaring maka realidad sa ating lipunan, lalo
na sa bawat taludtod ng tula ay makikita mo kung gaano naghirap ang mga
Pilipino.
Nasa teoryang naturalismo ito dahil nakasaad dito kung saan ang buhay ay
tila marumi, mabangin, at walng awing kagubatan, makikita natin dito at
konektado sila sa kung saan nabanggit sa katawan ng tula ang kahirapang nadanas
ng mga Pilipino.
IV. Bisa
 Bisang pangkaisipan- ang tula ay tungkol sa walang kamalayang pagranas ng
mga madudugong kaganapan. Ang kasidhi-sidhing pangyayari na pangyayari sa
buhay ng mga pilipino.
 Bisang pandamdamin- ang mga Pilipino ay nakakalungkot dahil sa mga
kaganapan na di- maiwalat dahil sa madugong kanilang dinanas, at halos
nawala ang karapatan nila maging ang pagmamahal nila sa ating inang bayan
dahil sa nakakalungkot at nakakasidhing pangyayari sa kannilang buhay.
V. Reaksiyon
Ang tulang ito ay bibigyan ka nito ng magandang aral sa buhay at aakayin
ka nitong na dapat nating mahalin ang ating inang bayan ating imulat ang ating
mga mata at hanapin at abutin ang ating minimithi sa buhay huwag padala sa mga
paghihirap na ating dinadanas dahil wala tayung patutunguhan kung tayo ay
papadala sa mga ganyang bagay.

You might also like