You are on page 1of 5

Modyul 5

Gregg Lenmer Luke Q. Santo Tomas


BS Psychology

Gawain 1.
Sa panahong ito laganap na ang pag gamit ng social media ngunit dito rin nangagaling ang mga fake
news. Kung ako man ay mabibigyan ng pagkakataong mag sulat ng isang akdang tumutuligsa sa
pamamahalaan ay gagawa ako ng research at mag iipon ng pruweba upang maipakita sakanila o sa mga
tao na tayo ay hindi na binibigyan ng pansin ng pamahalaan. Ang research ay isang magandang ehemplo
upang ipag laban ang puntong gustong iparating sa mga tao na may pahalintulat sa mga kagamitang
pwedeng gawing pruweba upang mas maintindihan ng nga tao dahil ang mga tao ay naniniwala lamang
tuwing nakikita nila kung ito ba ay tunay o kundi naman sa pamamagitan ng mga survey na galing mismo
sa sangkatauhan para sila na mismo ang makapag sabi kung ito pa ba ay tama o mali.

Gawain 3.

KASINGKAHULUGAN SALITA KASALUNGAT


magising Mamulat Pumikit
karaniwan Palasak Minsan
sikat/kilala Bantog Laos
Kumukontra Nanunuligsa sinasangayunan
paglunsad Pagtatag pagbuwag
Pagkakasapi/pagkakasama Pagkakaisa Pakikipaghiwalay
sumubok/sinikap Tinangka Binaliwala
pagnanais Pananabik pagkauyam
tumigil Humupa Tumaas/nagpatuloy
      

Gawain 4.
1. Gumagamit ang mga likhang panitikan ng mga salitang may lalim at mga salitang hindi mabigkas ng
mga mahiyain na hindi nasa anyong tula kundi sa lengwaheng ginamit. Ang uri ng panitikan ay madalas
mapanuri at mapagmasid sa kalagayan ng bayan, nagpapakita ng kamalayang panlipunan, nagtataglay ng
damdaming mapanghimagsik, matapat, hindi makasarili at nag-aanyaya ng pakikilahok at pagkilos,
matalim at mabalasik ang wikang ginagamit.
2. Ang mga pagbabagong hatid ng mga manunulat sa panitikang Pilipino ay naging mapanuri sa
kalagayan ng bayan, nagsisiwalat ng mga katiwalian at tahasang lumalabag sa kagandahang asal sa
paggamit ng mararahas na pananalita.
3. Sa aking pananaw ito ay makatwiran dahil mas nailabas nila ang kanilang saloobin, ang mga nais
iparating sa bayan at ang mga pagbabagong maaaring gawin upang matuldukan ang mga di kanais-nais
na pangyayari at Gawain ng mga mapang-aping sector ng lipunan.
4. Kung ako ay nasa panahon ng aktibismo palalawigin ko ang pagamit ng literaturang Pilipino at tutukoy
ng iba pang pamamaraan upang higit na mas magamit ito sa pag paparating ng layunin ng isinasagawang
aktibismo.
5. Ang panitikang rebulusyunaryo ay sumibol sa panitikan ng unti-unting nag alab ang damdamin ng mga
Pilipino at ginamit ang panitikan bilang midyum na pagpaparating ng kanilang hinaing. Ito ay unti-unting
nabigyang halaga at natukoy ang kahalagahan at maaaring maitulong sa matagumpay na rebulusyon.

1. Nagkaroon ng pangarap ang mga Pilipino lalo na si Pangulong Marcos ng isang bagong lipunan. Isang
lipunan nan a hindi lamang ang mga syudad ang uusbong kundi magtaguyod ng mga proyekto sa
ikauunlad ng mga kanayunan.
2. Ang mga tema ng dula na maaaring ititatanghal ng mga kabataan ay ang pangkalahatang kaunlaran ng
bansa na kung saan ang bawat rehiyon syudad man o kanayunan; lahat ng mamamayan, kabataan o mga
propesyonal at lahat ng sangay ng lipunan ay sama samang magiging dahilan ng pagbabago tungo sa
inaasam na kaginhawaan.
3. Bilang isang kabataan sisikapin kong bigyang pansin at unawain ang mga nais iparating ng mga
manunulat sa ganitong lagay mas maiintindihan ko at maaring mamulat ang aking kaisipan at mapag
sidhi ang damdamin sa kagandahang maidudulot nito.

1. Sa aking palagay ay naging nmatagumpay ang mga manunulat Dahil gusto nilang maipahayag ang
kanilang punto at maipakita sa lahat na tama ang kanilang ideya at pananaw nang sa ganon ay
maimpluwensiyahan rin nila ang mga makikinig.
2. Naisakatuparan ni Pangulong Marcos ang kanyang adhikhain ng isang bagong lipunan dahil marami
ang nagsasabing umayos ang ating bansa sa kanyang pamamahala. Halimbawa rito ang maraming
naipatayong ospital, gusaling pang pamahalaan, gusaling pang kultura, mga tulay at kalsada na nag
ugnay ng buong Pilipinas. Isa pa rito ang mga proyektong pang enerhiya na nag paliwanag sa ating bansa.
Higit sa lahat pinalakas niya ang ugnayan ng Pilipinas sa iba’t-ibang bansa.
3. Ang estratehiya ng ginamit ng mga manunulat ay nagsusulat ng mga akda na magsisilbing gabay sa
mga Pilipino. Ito ay mga karagdagang impormasyon upang maging handa at may alam ang mga tao.   

Gawain 5

pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang kaalaman o mga ediya ng tao ay isinasalin sa
pamamagitan ng mga titik at simbolo. Ito ay nagbibigay-daan para maihayag ng mga tao ang kanilang
mga saloobin sa pamamagitan ng tekstuwal na pamamaraan. Ito ay isang mental at pisikal na aktibidad
na isinasakatuparan para sa iba’t-ibang layunin. Ito ay mental na aktibidad sapagkat pinapairal dito ang
kakayahan na ng isang tao na mailabas ang kanyang mga ediya sa pamamagitan ng pagsasatitik sa mga
ito. Ito naman ay matuturing na pisikal na aktibidad sapagkat ginagamitan ito ng paggalaw ng kamay.
Gawain 6.

Para sa mga Manunulat Sagot sa sariling salita


1. Ano ang ibig sabihin ng pagmamahal sa Ito ay ang pagtangkilik sa sariling akda ng mga manunulat
Literaturang Pilipino? sa ating bansa.
2. Paano ipinapakita ang pagmamahal sa Sa paraan ng pagbili at pag gamit ng nga ito sa mabuting
Literaturang Pilipino? paraan.
3. Bakit mahalagang mahalin ang sariling Dahil ito ay isa sa mga simbolo ng ating pagka Pilipino.
Literatura?

Sagot:
Ang pag bibigay galang sa ibang tao ay isang patunay ng pagiging isang makatang Pilipino.

1. Ito ay tungkol sa isang pagiging tunay na Pilipino.


2. Makatwiran ito sapagkat sila ay nagpapahayag ng mga salita at kanilang damdamin na maaring
makaimpluewensiya sa nakararami at pati na rin sa ikakaunlad ng ating bansa.
3. Oo, dahil sa mga nagdaang panahon ay nakikita ko naman na naisasakatuparan ang mga ito at nakikita
ko ang pagunlad ng ating bansa.

Gawain 8.

1. Ang pamagat ng bidyo ay “Panahon ng Aktibismo”

2. Kailangang maganap ang mga ganitong panyayari sa ating bansa ng sa gayon ay maisagawa ang layunin
ng mga aktibista na maimpluwensyahan ang mga pananaw at opinion ng mga tao upang makamit ang
mga hinahangad nila sa ating lipunan. Responsibilidad ng mga aktibista na iparating sa gobyerno na
kailangang maging patas ang kanilang pamamalakad o serbisyo.

3. Ang mga nanguna sa pangyayaring ito na nagbigay-buhay sa Panitikan sa Panahon ng Aktibismo ay sina
Rolando Tinio, Rogelio Sicat, Rogelio Mangahas, Lazaro Francisco, Efren Abueg, Virgilio Almario at
Clemante Bautista.

4. Naging mainit ang pamamalasak ng aktibismo ng mga kabataan noong taong 1970 hanggang 1972.
Maraming mga kabataan ang naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa takbo ng pamahalaan.
Naging labis na mapangahas ang mga manunulat sa panahong ito, hindi lamang sa paksa, kundi maging
sa usapan at salitaan ng kanilang mga tauhan sa akda. Maraming akda ang naisulat sa panahong ito,
ngunit sa higpit ng pamahalaan noon, ay kakaramput na lamang ang natira ngayon.

5. Maaaring mananatiling mahigpit ang ating pamahalaan sa ngayon kung walang mga aktibista at hindi
ito nanyari. Maaaring diktador pa din ang namamahala sa ating gobyerno, na pwedeng humantong sa
pag-abuso ng kapangyarihan.

6. Masasabi kong Malaya na tayong mga Pilipino sa pansariling aspeto. Huwag nating tawaran ang mga
nagawa ng mga bayani na ipinaglaban ang ating kasarinlan. Ito ang isang konkretong halimbawa ng
kalayaan na ating tinatamasa sa ngayon. Maaaring may mga hindi kanais-nais na pagkakataon na
binubulag ang kalayaang ito. Ngunit hanggat naniniwala ka na malaya ka, walang makakapigil sa iyong
kalayaan.

7. Mahalagang gunitain ang pangyayaring ito sa ating bansa, dahil ito ang naglalarawan ng tunay na
masidhing damdamin ng bawat Pilipino. Ipinamalas nila na walang kasamaan ang magtatagumpay kung
ipaglalaban natin sa pamamagitan ng aktibismo ang ating karapatan at Kalayaan.

8. Kung bibigyan ng higit na pagtukoy ang video, masasabing ito ay nagdala ng panibagong pananaw sa
salitang, “Kalayaan”. Dito ako mas namulat na ang mga kabataan ay kailangang bigyan ng kapangyarihan
na sa kanilang sariling pamamaraan ay maipaglaban ang karapatan na makibahagi sa anumang kilos na
may layong bigyan kalinawan ang mga kaisipan ng mga kabataang Pilipino. Ang Kalayaan ay mananatiling
Kalayaan.

Paglalahat

Nang dahil sa video na aking napanood, naikintal sa aking puso’t isipan na ang mga pinagdaanan ng mga
manunulat na Pilipino noong panahon ay hindi madali dahil ang karaniwang paksain at laman ng mga
pahayagan at panitikang kanilang mga ginawa ay puno ng damdaming mapaghimagsik. Kung baga,
naging labis na mapangahas ang mga manunulat sa panahong ito hindi lamang s apaksa, kundi maging sa
usapan at salitaan ng kanilang mga tauhan sa akda.

Gawain 9.

“Sa ikakaunlad ng bayan, disiplina ang kailangan”


maituturing na maunlad ang isang bayan kung ang mga mamamayan nito ay siyang pagsisimulan o pag-
uugatan ng kaunlaran. Ang mga mamamayang disiplinado ay sumusunod sa mga alituntunin at batas na
itinatalaga ng bayan upang magkaroon ng kaayusan at kapayapaan. Kung ang kaayusan at kapayapaan ay
tinatamasa ng lipunan dahil sa mga mamamayang may pagpapahalaga rito tiyak ang kaunlarang
itatamasa ng bayan.

Gawain 10

Ang panitikan ay maituturing na makapangyarihan kung ang pag uusapan ay ang epekto nito sa
mambabasa at dulot nitong pagbabago sa sino man.

Sa larawan na kung saan ay makikita natin ang mukha ng sikat na mang-aawit na si Sarah Geronimo,
kagya't na maeengganyo ang makakakita nito at maaring makuha ng lubusan ang atensyon. Malaki ang
epekto ng makulay na magasin sa pagkaakilala natin sa kanya: isang mang-aawit, mananayaw, artista at
modelo ng kabataan.

Katulad ng panitikan, mas tatatak sa ating isipan ang mensaheng nais ipahatin kung epektibo ang
pagkakalikha at ang kabuohan na siyang mananatili sa puso at isip ng sino mang maaantig.

Mas nagsisidhi ang mapusok na damdamin ng mga kabataan kung ang panitikan ay magdadaala ng
pagbabago katulad ng epekto ng isang artista sa puso at pagtingin ng bawat tao.

   

You might also like