You are on page 1of 4

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSI SA WIKA AT KULTURANG PILINO

ARALIN 4: GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN


Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali,
ideya, saloobin at namumuhay sa tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang
isang yunit. Ang wika, pasalita man o pasulat, ang instrumentong ginagamit ng mga tao
sa loob ng lipunang ito upang makipag-ugnayan sa isa't isa. Ngunit ano nga ba ang
gamit ng wika sa lipunan? Marami-rami rin ang nagtangkang uriin ang mga tungkulin ng
wika batay sa gampanin nito sa ating buhay. Isa rito si M.A.K. Halliday na naglahad sa
anim na tungkulin ng wika na sumusunod

1. INSTRUMENTAL
- Ito ay tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya nga pakikipag-
ugnayan sa iba. Ang paggawa ng liham pangangalakal, liham sa patnugot at
pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng
gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito.
HALIMBAWA:
Liham Patalastas

2. REGULATORYO
- Pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng
direksyon sa pagluluto ng ulam, direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit at
marami pang iba.
HALIMBAWA:
Mga babala kagay nito (Beware of Dogs) (Bawal Umihi rito)

3. INTERAKSIYONAL
- Nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa;
pakikipagbiruan; pagkukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari;
paggawa ng liham- pangkaibigan at iba pa.
HALIMBAWA:
Pakikipagbiruan Pakikipagpapalitan ng kuro-kuro
4. PERSONAL
- Ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-
uusapan. Kasama rin dito ang pagsusulat ng talaarawan at journal at ang
pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
HALIMBAWA:
Pagsulat ng journal o diary

5. HEURISTIKO
- Ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa
paksang pinag-aaralan. Halimbawa rito ay ang pag-iinterbyu, pakikinig sa
radyo, panonood sa telebisyon, at pagbabasa ng pahayagan, blog at aklat.
HALIMBAWA:
Panonood sa telebisyon ng mga balita

6. IMPORMATIBO
- Ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o
paghahanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng
impormasyon sa paraang pasulat at pasalita.
HALIMBAWA:
Talaan ng nilalaman Pagbibigay-ulat

Ang wika ay mahalaga sa isang pamayanan sa sumusunod na kadahilanan:


1. Ito ay gamit sa pakikipagtalastasan..
2. Ito ay gamit upang maipahayag ang sarili.
3. Ito ay gamit upang magkaroon ng pagkakaunawaan.
4. Ito ay gamit upang magkaroon ng kaunlaran ang isang lipunan.

Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon ng komunikasyon ang mga


tao at nagiging produktibo ang mga mamamayan. Kapag produktibo
ang mga tao, gaganahan silang gumawa at kumilos para sa ikabubuti ng buong
pamayanan.
Mga Tungkulin ng Wika ni Roman Jakobson
1. PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN (EMOTIVE) - Ito ang pagpapahayag ng mga
saloobin, damdamin, at emosyon.
Halimbawa: a. Umiiyak b. Nagagalit

2. PANGHIHIKAYAT (CONATIVE) - Ito ay ang tungkul ng wika upang makahimok


at makaimpluwensiya ng ibang tao.
Halimbawa:
Dapat na tayo ay sumalampataya sa Diyos dahil nakita niyo naman ang
delubyong hatid ng mga sakunang ating nararanasan ngayon.

Ang mga drug addicts ay salot sa lipunan kaya marapat na lamang sila ay alisin
at patayin.

Tingnan niyo naman kahit pagod na ang ating Pangulo ay nagtatrabaho parin
siya para sa ating bayan.

3. PAGSISIMULA NG PAKIKIPAG-UGNAYAN (PHATIC) - Ito ang tungkulin ng wika


na ginagamit upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
Halimbawa: Kamusta ka? Magandang umaga po. Saan ka galing?

4. PAGGAMIT BILANG SANGGUNIAN (REFERENTIAL) - Ipinakikita nito ang gamit


ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman
upang magparating ng mensahe at impormasyon.
Halimbawa: "Ayon sa Google at Wikipedia..." "Ayon sa aklat na sinulat ni Jose
Rizal..."

5. PAGGAMIT NG KURO-KURO (METALINGUAL) - Ginagamit ang wika sa


pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o batas.
Halimbawa: Malinaw na isinasaad sa Batas Komonwelt Blg. 184 ang pagkakatatag
ng Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon ng Wikang Filipino
6. PATALINGHAGA (POETIC) - Masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng
sanaysay, prosa at iba pa.
Halimbawa: Isang tula tungkol sa isang tren

You might also like