You are on page 1of 37

Gamit ng Wika sa

Lipunan
Kilala mo ba si Tarzan?
Katangian ni Paraan ng
Tarzan Pakikipag-usap ni
Tarzan
Ang Wika at Ang Lipunan
-Ang wika ay mahalagang
instrumentong nag-uugnay sa
bawat isa sa lipunan.
-Ayon kay Durkheim (1985),
isang sociologist, nabubuo
ang lipunan ng mga taong
naninirahan sa isang pook.
-Hindi maikakaila ang wika
ay nag-uugnay sa mga tao sa
isang kultura. Ito ang
kanilang identidad at
pagkakakilanlan.
Tungkulin ng Wika (W.P. Robinson)

1. Pagkilala sa estado ng
damdamin at pagkatao,
panlipunang
pagkakakilanlan, at ugnayan;
2. Pagtukoy sa antas ng buhay
sa lipunan
Tungkulin ng Wika (M.A.K. Halliday)
1. Instrumental
-tumutugon sa mga pangangailangan ng
tao gaya nga pakikipag-ugnayan sa iba.
-Ang paggawa ng
liham pangangalakal,liham sa patnugot
-at    pagpapakita ng mga patalastas tungkol
sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at
halaga ng produkto ay mga halimbawa ng
tungkuling ito.
2. Regulatoryo
-pagkontrol sa ugali o asal ng
ibang tao.Ang pagbibigay ng
direksiyon gaya ng direksyon sa
pagluluto ng ulam,direksiyon sa
pagsagot sa pagsusulit, at
marami pang iba
3. Interaksiyonal
-ay nakikita sa paraan ng
pakikipag-ugnayan ng tao sa
kanyang kapwa;pakikipagbiruan;
pakukuwento ng malulungkot o
masasayang pangyayari; paggawa
ng liham- pangkaibigan; at iba pa.
4. Personal
-ang pagpapahayag ng sariling
opinyon o kuro-kuro sa paksang
pinag-uusapan. Kasama rin dito ang
pagsusulat ng talaarawan at journal,
at ang pagpapahayag ng
pagpapahalaga sa anumang anyo ng
panitikan.
5. Heuristiko
 ginagamit sa pagkuha o paghahanap
ng impormasyong may kinalaman sa
paksang pinag-aaralan.
 Halimbawa rito ay ang pag-iinterbyu,
pakikinig sa radyo, panonood sa
telebisyon, at pagbabasa ng
pahayagan,blog at aklat.
6. Impormatibo
- ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung
ang heuristiko ay pagkuha o
paghahanap ng impormasyon, ito
naman ay may kinalaman sa pagbibigay
ng impormasyon sa paraang pasulat at
pasalita. Halimbawa nito ay pagbibigay-
ulat, tesis,panayam, at pagtuturo.
Si Jackobson (2003)
naman ay nagbahagi rin
ng anim na paraan ng
pagbabahagi ng wika.
1. Pagpapahayag ng
damdamin (emotive)
- pagpapahayag ng
damdamin, saloobin at
emosyon.
2. Panghihikayat (conative)
- upang makahimok at makaimpluwensya
sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at
pakiusap.
3. Pagsisimula ng pakikipag-
ugnayan (phatic)
- upang makipag-ugnayan sa kapwa at
makapagsimula ng usapan.
4. Paggamit bilang
sanggunian (referential)
-ipinapakita nito ang gamit ng wikang
nagmula sa aklat at iba pang sangguniang
pinagmulan ng kaalaman upang
magparating ng mensahe at impormasyon.
5. Paggamit ng kuro-kuro (metalingual)
- lumilinaw sa mga suliranin sa
pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa
isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga (poetic)
- masining na paraan ng pagpapahayag gaya
ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.
Tukuyin ang gamit ng wika at
ipaliwanag kung bakit ito ang
iyong napili
1. “Akala ko ba ay okay na?
Nagddrama ka na naman. ‘Di ba nga
pagdating sa kapakanan ng pamilya,
walang panga-panganay, walang
ate-ate, walang bunso-bunso ang
meron lang … kapit-bisig!”
-Maya, BCWMH
2. “Minsan gusto ko nang
ipagsigawan, kaya lang, ako lang
naman ang magmumukhang tanga.
Bakit ba naman kasi ang
complicated magmahal”
-Basha, OMC
Mace: Gaano katagal bago mo siya
nakalimutan?
Anthony:Matagal
Mace: Gaano nga katagal? One year,
two? Three?four? Five?
Anthony: Importante pa ba yun? Ang
mahalaga, nakalimutan.
MatA, TTCT
Emotive
May isang taong matagal mo nang lihim
na minamahal subalit hindi mo masabi
ang iyong nararamdaman. Ilahad sa ibaba
ang sasabihin mo sa kanya kung sakaling
magkaroon ka ng lakas ng loob na
ipahayag ito.
Conative
Gusto mong hikayatin ang mga
producer at director ng pelikulang
Pilipino upang bumuo ng matitino
at mahuhusay na pelikula tulad ng
Heneral Luna sapagkat sawang
sawa ka na sa mga paksang paulit-
ulit na tinatalakay sa pinalakang
tabing. Paano mo sila hihikayatin?
Phatic
Isang bagong lipat na kamag-aral ang nakita
mong nag-iisa at wala pang kaibigan.
Lumapit ka at magsimla ng usapan para
mapalagay ang loob niya.
Referential
Lagi mong sinasabi sa kapatid mong tigilan
na niya ang labis na pagkain sa fastfood
dahil hindi ito nakabubuti sa kalusugan.
Ngayon ay gumamit ka ng sanggunian para
makita niyang hindi o lang opinion ang
sinasabi mo sa kanya kundi may
sangguniang magpatunay rito.
Metalingual
Ang buwis na binabayaran sa Pilipinas ay
pinakamtaas sa buong Asya subalit hindi
nararamdaman ng karamihan ang
serbisyong ibinabalik sa taumbayan kapalit
ng mataas na buwis na ito. Magpahayag ka
ng iyong kuro-kuro. Magpahayag ka ng
iyong kuro-kuro kaugnay ng usaping ito
Poetic
Muling isipin ang taong matagal mo nang
lihim na minamahal. Lumikha ka ngayon
ng pagpapahayag ng iyong damdamin para
sa kanya sa patalinghagang paraan.
Maaaring isang maikling tula ang ialay para
sa kanya.

You might also like