You are on page 1of 3

KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

FIL 101

TUNGKULIN NG WIKA

Ang wika ay mahalagang instrument sa pakikipagtalastasan. Ang tungkulin ng wika


ay nag-uugat sa nabuong sistema ng isang kultura ayon sa pamantayan ng paniniwala,
tradisyon, pag-uugali at kung paano nakikisalamuha ang tao. Batay sa prinsipyo ni Ferdinand
de Saussure, isang functionalist, mas kailangan daw pagtuunan ng pansin ang anyo at paraan
ng wikang ginagamit ng isang nagsasalita sa halip na pagtuunan ang kahulugan nito. Marami
sa gumagamit ng wika ang nagbibigay-pansin sa kahulugan sa halip na sa anyo kung paano
ipinahahayag ang wikang ginagamit, subalit sa katunayan, ang kahulugan ng sinasabi ng
nagsasalita ay nakasalalay sa paraan at anyo ng pagsasalita. Ayon pa kay Saussure, sa
paggamit ng wika, kailangang maikintal sa isipan na ang bawat salitang ginagamit ay
makabuluhan at magkakaugnay. Sinumang gumagamit ng wika ay nakababatid na may
kaalaman siya sa wikang ginagamit ng kaniyang kausap sapagkat napag-uugnay-ugnay niya
ang bawat salita upang mabuo ang kaisipan at ang diwa ng pangungusap.
Ayon kay Emile Durkheim (1985), isa sa mga tagasunod ni Saussure at tinaguriang
“Ama ng Makabagong Sosyolohiya”, ang lipunan ay nabubuo sa pamamagitan ng mga taong
naninirahan sa isang pook o lokalidad at ang bawat isa ay may kanya-kanyang papel na
ginagampanan. Binibigyang-diin din ni Durkheim na ang kalikasan ng buhaymay nagmumula
sa isang maayos na lipunan.
Ang tao raw ay nabubuhay, nakikipagtalastasan at nakikisama sa lipunang
kinabibilangan niya.

Ayon naman kay Jakobson (2003), may anim na paraan ng paggamit ng wika.

1. Pagpapahayag ng damdamin(emotive)- Ginagamit ang wika ng paggamit ng wika.


Halimbawa:
Masaya ako sa baying kinagisnan ko.

2. Panghihikayat(conative)- Gigamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o


magpakilos ng taong kinakausap.
Halimbawa:
Magluto ka nang maaga dahil maagang darating ang mga panauhin.
Bilhin niyo ang sabong ito.

3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)- Ginagamit ang wika bilang panimula


ng isang usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Halimbawa:
Kumusta ka?
Saan ka nanggaling?

4. Paggamit bilang sanggunian(referential)- Ginagamit ang wikang nagmula sa aklat


at iba pang babasahin bilang sanggunian o batayan ng pinagmulan ng kaalaman.
Halimbawa:
Ayon kay Aristotle, sa kanyang aklat na Retorika, kailangang makilala
muna ng isang manunulat ang sarili bago siya magsimulang sumulat.

5. Pagbibigay ng kuro-kuro(metalinggual)- Ginagamit ang wika sa pamamagitan ng


pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o batas.

JEPPSSY MARIE C. MAALA


Criminology Department
0968-497-5511
jeppssymarie28@gmail.com
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
FIL 101

Halimbawa:
Malinaw na isinasaad ng Batas Komonwelt Blg. 184 ang pagkakatatag
ng Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon ng Wikang Filipino.

6. Patalinghaga (poetic)- Ginagamit ang wika sa masining na paraan ng pagpapahayag


gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.
Halimbawa:
Hindi sila nagkita sapagkat inihasik sa kanilang isip na ang pagkikita
nila ay masama, tukso. At sa kanilang bagong daigdig ng aklat, ng mataas na
gusali ng malayong kabataan sa kapaligiran, ang isipang iyon ay parang
tabak na nakabitin sa kanilang ulo o kaya’y tulad din ng sanga ng
punungkahoy.
-Mula sa “Bagong Paraiso” ni Efren Abueg.

Si M.A.K Halliday ay nagbigay rin ng pitong tungkulin ng wika na inilahad niya sa


Explorations in Functions of Language (1973).

Pitong Tungkulin ng Wika

1. Pang-instrumental- ito ang tungkulin ng wika upang matugunan ang mga


pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-usap sa iba lalo na kung may mga
katanungan na kailangang sagutin; pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang
produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto; paggawa ng liham
pangangalakal; liham sa patnugot, at iba pa.

2. Panregulatori- tumutukoy ito sa pagkontrol ng ugali o asl ng ibang tao. Saklaw ng


tungkuling ito ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo kung saan matatagpuan
ang isang partikular na lugar; direksyon sa paginom ng gamut; direksyon sa
pagsasagot sa pagsusulit; at direksyon sa paggawa ng anumang bagay. Halimbawa rin
ng tungkuling pangregulatori ang mga instruksyon sa mga artistang gumaganap sa
drama sapagkat kontrolado ng iskrip ang kanilang mga kilos at galaw.

3. Pang-interaksyon- ang tungkuling ito ay makikita sa paraan ng pakikipagtalakayan


ng tao sa kaniyang kapwa; pakikipagbiruan; pakikipagtalo tungkol sa partikular na
isyu; pagsasalaysay ng malulungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan o
kapalagayang loob; paggawa ng liham pangkaibigan at iba pa.

4. Pampersonal- naipahahayag sa tungkuling ito ang sariling pala-palagay o kuro-kuro


sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin ditto ang pagsulat ng talaarawan at jornal. Dito
rin naipapahayag ang pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.

5. Pang-imahinasyon- tumutukoy ito sa malikhaing guniguni ng isang tao sa paraang


pasulat o pasalita. Karaniwang mababasa ang imahinasyong nilikha ng isang tao sa
mga akdang pampanitikan gaya ng tula, maikling kwento, dula, nobela at sanaysay.
Makikita ang pagiging malikhain ng isang tao sa pagsasalaysay man o paglalarawan
at pagsasalita.

6. Pangheuristiko- ang tungkuling ito ay tumutukoy sa pagkuha o paghahanap ng


impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kabilang dito ang pag-
JEPPSSY MARIE C. MAALA
Criminology Department
0968-497-5511
jeppssymarie28@gmail.com
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
FIL 101

iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong na kailangan sa paksang pinag-


aaralan; pakikinig sa radio; panonood sa telebisyon; pagbabasa ng pahayagan at mga
aklat. Nakakukuha tayo ng mga impormasyon sa mga nabanggit na sanggunian.

7. Pang-impormatibo- ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa


paraang pasulat at pasalita. Kabilang sa bahaging ito ang ulat, pamanahong papel,
tesis, panayam at pagtuturo.

Sanggunian: Mangahis, Josefina C., et. al. 2008. Komunikasyon sa Akdemikong Filipino. C &
E Publishing, Inc. Quezon City.

JEPPSSY MARIE C. MAALA


Criminology Department
0968-497-5511
jeppssymarie28@gmail.com

You might also like