You are on page 1of 2

Rene Descartes

Ang teoryang ito ay hinggil sa pagiging kaiba ng tao. Hindi pangkaraniwang


hayop ang tao kung kaya’t likas sa kaniya ang gumamit ng wika na aangkop sa
kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak gayon din
sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong antas ng wika.
Halimbawa: Mula sa batong kinikiskis upang magkaroon ng apoy ay buminhi ang
salitang posporo na kinalauna’y nagbinhi ng salitang lighter sa kasalukuyan. Mga
salitang nagmula sa utak ng isang tao na ginagamit bilang mga salita ng wikang taglay.
Mga imbensyong buhat sa utak ng mga siyentista, maka-Sipnayan at iba pang larang
tulad ng Flourescent Lamp ni Agapito Flores, Cartesian Plane ni Rene Descartes, dyip
(jeepney/jeep) ng mga Filipino, Jejemon na salitang naimbento sa utak ng mga Filipino
dahil sa pag-usbong ng teknolohiya atbp.
Kalakasan: Ang mga hayop ay maaaring makaintindi sa tao ngunit kailanma’y
hindi makapag-uusal ng salita upang maintindihan ng tao. Maaaring kausapin ng
tao ang hayop ngunit hindi maaaring makausap ng hayop ang tao, patunay na
nakaangat ang tao sa hayop. Sa angking utak ng tao, may abilidad siyang
makamasid sa kapaligiran at ang bahaging ilong at bibig niyang taglay ay kasangkapan
upang makalikha ng tunog na sa kinalaunan ay makabubuo ng wika na gagamitin ng
lipunang kinabibilangan na nagpapatotoo na sa pagiging kaiba nito nagmula ang wika.
Kahinaan: Ang lahat ng tao ay kaiba sa mga hayop dahil sa angking taas ng antas sa
pag-iisip na nakalilikha ng mga tunog at salita ngunit hindi lahat ng tao ay
nakapagsasalita/nakapag-uusal tulad na lamang ng mga pipi na hindi nakapagsasalita
at hindi makaaambag sa mga salitang ginagamit sa kasalukuyan.

Sanggunian:
https://www.slideshare.net/ReymeloLeonor/mga-teorya-ng-pinagmulan-ng-wika-
120919172
Plato
Ang teoryang ito ay nalikha bunga ng pangangailangan. Ang pangangailangan
ang pundasyon sa lahat ng mga imbensyon. Sa paniniwalang ito, gaya ng damit,
tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya’t
naimbento ito ng tao.
Halimbawa: Sa pagkain: pandesal, palay, balot, isaw, taho atbp
Sa tirahan: bahay-kubo
Sa damit: Barong-Tagalog, saya, bistida atbp
Kalakasan: Ang wika ay nagmula sa mga pangangailangan ng tao dahil hindi
mabubuhay ang tao kung wala ang mga pangunahing pangangailangan at upang
matugunan ang mga pangangailangang ito ay kakambal nito ang pakikipagtalastasan
gamit ang tunog na ibubulalas na hudyat nang pagkakalikha ng wika. Ang patotoo nito
ay ang mga nomadiko (nomads) na hindi nananatili sa isang partikular na lugar dahil sa
pangangailangang pagkain niya na isa sa pangunahing pangangailangan. Ang tao ay
walang buhay, kung walang magpapanatili ng buhay (pangangailangan) at kung walang
wika siyang taglay.
Kahinaan: Hindi lamang umiikot sa pangangailangan (pagkain, damit at tirahan) ang
buhay ng isang tao upang maging saligan ng pagkakalikha ng wika.

You might also like