You are on page 1of 35

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

50 topics
Add to bookmark
Course settings
Modules in this course

 Mga Konseptong Pangwika


 Gamit ng Wika sa Lipunan
 Kasaysayan ng Wikang Pambansa
 Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
 Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino
 Introduksiyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Mga Konseptong Pangwika


14 topics140 questions
Topics under this module

 Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika


 Mga Teoryang Pangwika (Kahulugan at Kalikasan ng Wika Ayon sa Ilang
Dalubwika)
 Kasaysayan ng Wikang Filipino Bilang Wikang Pambansa
 Mga Konseptong Pangwika
 Mga Wikang Panturo sa Pilipinas
 Mga Opisyal na Wika sa Pilipinas
 Bilingguwalismo at Multilingguwalismo
 Register ng Wika
 Barayti ng Wika
 Homogeneous na Kalikasan ng Wika
 Heterogeneous na Kalikasan ng Wika
 Konseptong Pangwika sa Modernong Teknolohiya
 Unang Wika (Mother Tongue)
 Pangalawang Wika

PAKSA: Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

 nakikilala at naipaliliwanag mo ang iba't ibang teorya tungkol sa pinagmulan ng wika


(Biblikal at Pansiyentipiko);
 natutukoy mo ang pagkakatulad at pagkakaiba ng iba't ibang teorya sa pinagmulan ng
wika;
 natitimbang at kritikal na nasusuri mo nang may katalinuhan sa katotohanan ang iba’t
ibang teorya ng pinagmulan ng wika;
 nasusubok mo na manaliksik at makagawa o makalikha ng personal na teorya ukol sa
pinagmulan ng wika ng tao sa mundo.

 Ano-ano ang iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng wika?


 Ano-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng iba’t ibang teorya na pinagmulan ng wika?

Alamin ang mga sagot araling ito!

Pag-aralan Natin!
Sa pag-aaral ng iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng wika, mahalagang maunawaan natin ang
kahulugan ng wika at teorya.

Kahulugan ng Wika
 Binanggit ni Asenjo (2015) sa kaniyang papel na Tungo sa Multilingguwalismo at
Pagkakapantay-pantay: Wika at Kasarian sa Panitikan na ang kaniyang turing sa wika
ay ayon sa pagpapakahulugan ng Aleman na si Karl Marx. Ayon kay Marx, ang wika ay
isang kamalayang praktika. Ipinaliliwanag ng kaisipang ito na ang wika ay isang
elementong nagtutulak sa tao upang lumikha. Sa pamamamagitan ng wika, ang tao ay
nakauugnay sa daigdig.
 Ayon naman sa Introduction to Applied Linguistics ni Henry Gleason, ang wika ay
masistemang balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo na ginagamit sa komunikasyon ng mga tao sa isang tiyak na kultura.
Samakatuwid, ang wika ay isang prosesong nagsisimula sa pagbuo ng kaisipang
tinutumbasan ng makabuluhang mga tunog.

Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika

 Ang teorya ay sistematikong pagpapaliwanag tungkol sa kung paanong ang dalawa o


higit pang penomenon ay nagkauugnay sa bawat isa.
 Ang mga teorya ay haka-haka rin ng mga indibiduwal na nagtangkang magpaliwanag ng
anumang bagay na naitala sa kasaysayan.
 Tinatayang may 3,000 taon na ang nakalilipas nang magkaroon ng interes ang tao na
pag-aralan ang pinagmulan ng wika (Pena, 2015).
 Nahahati sa dalawang pangkat ang mga teorya ng pinagmulan ng wika ng tao: (1)
ang Teoryang Biblikal at (2) ang Teoryang Siyentipiko o Makaagham.

Pag-aralan Natin!
Ang Teoryang Biblikal
May dalawang tala mula sa Bibliya ang tumalakay tungkol sa paglaganap ng iba't ibang wika sa
panig ng mundo. Ito ay ang kasaysayan ng Tore ng Babel na binabanggit sa Lumang Tipan, at
ikalawa ang Pentecostes na nasa Bagong Tipan naman.

Tore ng Babel

 Lalong kilala ito sa tawag na Teorya ng Kalituhan, hango ito sa aklat ng Genesis na
sinasabing noon ay may iisang wikang ginagamit ang tao, iyon ang wikang Armaic.
 Dahil sa iisa ang wikang ginagamit ng mga tao, nagkaisa silang magtayo ng isang tore
sa kapatagan ng Shinar na sa paglalarawan sa aklat ng Genesis ay aabot sa langit, at
magiging tanyag sa daigdig.
 Ang kapangahasang ito ng mga tao ay nasaksihan ng Diyos, kaya iniba-iba Niya ang
wika (Carpio 2012).

Pentecostes

 Matatagpuan ito sa ikalawang aklat ng mga Gawa bersikulo 1-12.


 Tinutukoy nito ang Pentecostes ng pagsapit ng banal na Espiritu Santo.
 Nakasaad dito na minsang nagtipon-tipon sa isang lugar ang mga Apostol nang may
narinig na ugong na nagmumula sa langit at may tila apoy na hugis dila ang lumapag sa
bawat isa, at sila ay napuspos ng Espiritu Santo.
 Pagkatapos nito, nagsimula silang magsalita ng iba't ibang wika.

Pag-aralan Natin!
Ang Teoryang Siyentipiko o Makaagham
Nagsimula noong ika-12 siglo ang pag-aaral tungkol sa pagkakaroon ng iba’t ibang wika sa
mundo. Narito ang mga sumusunod na teorya:

Teoryang Bow-wow

 Ipinagpapalagay ng teoryang ito na nagmula ang wika sa pangagaya o panggagad ng


tao sa mga tunog na nagmumula sa kalikasan.

Halimbawa:
Tahol ng aso at tunog ng lagasgas ng tubig sa talon
Teoryang Ding-dong

 Tanyag din ang teoryang ito sa tawag na Teoryang Natibistiko.


 Ipinapalagay ng teoryang ito na nagmula ang wika mula sa pagbigay ngalan ng tao sa
mga bagay batay sa tunog na maririnig mula rito, sa ibang salita buhat sa onomatopeia
na maikakabit sa bagay.

Halimbawa:
Tunog ng kampana ay ding-dong, habang tik-tak ang salita para sa orasan

Teoryang Pooh-Pooh

 Tinataya ng teoryang ito na dahil sa matinding emosyon, nakabubulalas ang tao ng


tunog, na natuto ang tao na makipag-usap sa kagustuhan niya na maipahatid ang
kaniyang emosyon.

Halimbawa:

Sakit: Aray! Paghanga: Wow!


Teoryang Yo-he-ho

 Ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalilikha ng mga taong magkakatuwang at


magkakasama sa kanilang paggawa gaya ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay.
 Ang teoryang ito ay nakatuon sa tunog na nalilikha ng tao na nagmumula sa kaniyang
puwersang pisikal.

Halimbawa:
Tunog na nalilikha kapag nagbubuhat ng mabibigat na bato

Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay

 Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sinaunang tao sa sinaunang
sibilisasyon, sa kanilang mga ritwal at dasal.

Halimbawa:
Sa ritwal na sayaw ng mga Mangyang Alangan

Mga Paalala

 Mahalagang maunawaan na ang mga teorya ay pangkaraniwang nakabatay rin sa


personal na pagpapalagay ng mga indibidwal na nagsusulong o nagtataguyod nito.
 Maraming iskolar sa larangan ng wika ang nagtangkang ipaliwanag ang kahulugan at
katuturan ng wika gaya nina Asenjo, Marx, at Gleason.

Mahahalagang Kaalaman
 Mayoong dalawang kategorya ng mga teoryang nagpapaliwanag ukol sa pinagmulan ng
wika ng tao sa daigdig: Teoryang Biblikal at Teoryang Siyentipiko o Makaagham.
 Kabilang sa Teoryang Biblikal ang Teorya ng Tore ng Babel at Teorya ng
Pentecostes.
 Ayon sa Teorya ng Tore ng Babel, ang pagkakaroon ng wika ay naganap nang tangkain
ng mga tao na magtayo ng napakataas na tore na sisimbolo sa katanyagan ng tao.
 Ayon sa Teorya ng Pentecostes, nag-ugat ang pagkakaroon ng iba't ibang wika sa
daigdig nang nilukuban ng Espiritu Santo ang mga apostoles ni Kristo at nagsalita sila
ng iba't ibang wika.
 Kabilang naman sa mga teoryang makaagham ang mga teroyang Bow-wow, Ding-
dong, Pooh-pooh, Yo-he-ho, at Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay.
PAKSA: Mga Teoryang Pangwika (Kahulugan at Kalikasan ng Wika Ayon sa Ilang
Dalubwika)

Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

 nailalarawan mo ang gawain ng isang dalubwika;


 natutukoy mo ang iba’t ibang kahulugan ng wika; at
 napag-iiba-iba mo ang kalikasan ng wika ayon sa kahulugan ng wika ni Henry Gleason.

 Ano ang gawain ng isang dalubwika?


 Ano ang iba’t ibang kahulugan ng wika?
 Batay sa kahulugan ng wika, ano ang iba’t ibang kalikasan ng wika?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin!
Mahalaga ang wika sa pang araw-araw na buhay ng tao. Wika ang nag-uugnay sa atin upang
makipag-usap sa kapwa. Upang makita ang mas epektibong paggamit ang wika, pinag-aaralan
ito.

Gawain ng Dalubwika (Dalubhasa + Wika)


Dalubwika ang taong nagpapalalim at nagpapalawak ng kaalaman sa wika. Tinatawag
na lingguwistika ang siyentipikong pag-aaral ng wika.

Ilan sa mga pinag-aaralan ng dalubwika ay ang mga sumusunod:

 Wika at komunikasyon: apat na makrong kasanayan sa wika (pagbasa, pagsulat,


pakikinig, at pagsasalita)
 Wika at lipunan: ginagampanang papel ng wika sa iba’t ibang bahagi ng lipunan (wika sa
edukasyon, wika sa relihiyon, wika sa pangangalakal, wika sa media at internet, at iba
pa)
 Pagsasalin ng isang akda sa ibang wika

Mga Kilalang Dalubwika


Ilan sa mga kilalang dalubwika o dalubhasa sa wika sa Pilipinas ay sina:

 Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura


 Bienvenido L. Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura
 Bro. Andrew Gonzalez, FSC, dating Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon
 Pamela Constantino, propesor sa Unibersidad ng Pilipinas

Iba’t ibang Kahulugan ng Wika

 Ayon kay Henry Allan Gleason Jr. (linguist at propesor sa University of Toronto) – ang
wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng tao na bahagi ng isang kultura sa komunikasyon.
 Ayon kay Henry Sweet (philologist, phonetician, at grammarian) – ang wika ay
pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng mga pinagsama-samang tunog upang
maging salita.
 Ayon kay Ferdinand de Saussure (linguist at semiotician) – ang wika ay pormal na
sistema ng mga simbolo na sumusunod sa patakaran ng isang grammar upang
maipahayag ang komunikasyon.

Ang depinisyon ng wika ay nagbabago-bago depende sa gamit ng wika gaya ng pagpapahayag


ng ideya o mahalagang komponent ng komunikasyon.
Pag-aralan Natin!
Limang Kalikasan ng Wika batay sa Depinisyon ni Henry Gleason
Mayroong limang kalikasan ang wika batay sa depinisyon na ibinigay ni Henry Gleason:

Ang wika ay masistemang balangkas dahil ito ay organisado at may sinusundang


proseso.
Halimbawa:

(a) Hindi puwedeng “ako tahol” dahil ang tahol ay para sa aso.

(b) Laging may gitling ang salitang inuulit gaya ng sari-sari at laksa-laksa, kung walang buong
diwa ang salitang inuulit kapag nag-iisa na lamang ito.

Ang wika ay sinasalitang tunog. Lahat ng wika ay may grammar (sinusundang proseso
ng wika).
Isang halimbawa nito ay mula tunog /a/ ay magiging titik [a], mula sa titik ay magiging pantig --
a, ang pantig ay magiging salita – a|so, ang salita ay magiging parirala, ang parirala ay
magiging pangungusap

Halimbawa:

/a/ --> [a] --> a -->

/s/ --> [s] --> s --> ASO

/o/ --> [o] --> o -->

Ang wika ay arbitraryo. Ibig sabihin, nagbabago-bago ang kahulugan ng salita batay sa
mga sumusunod:

 Panahon

Halimbawa:

(a) Ang bakla noong siglo 1800 ay tumutukoy sa pagkaduwag ng isang tao.

(b) Ang bakla sa kasalukuyang panahon ay tumutukoy sa homosekswal na lalaki.

 Konteksto

Halimbawa:

(a) Sa larangan ng panitikan, ang salitang text ay nangangahulugang panitikang binabasa at/o
pinag-aaralan.

(b) Sa larangan ng telekomunikasyon, ang text ay nangangahulugang mensaheng pinadadala o


nababasa sa cell phone.

 Gumagamit

Halimbawa:

(a) Uso sa kabataan ang akronim gaya ng LOL, OOTD, at iba pa.

(b) Sa matatanda, tinatawag nilang pridyider ang refrigerator, samantalang sa


kabataan, fridge ang tawag dito.

Ang wika ay ginagamit ng tao. May kakayahan ang tao na makapagbigay ng ibang
kahulugan sa isang salita gayundin ay makabuo ng bagong salita.
Halimbawa:

(a) text, load, like, post, share

(b) lobat mula sa low batt, imba mula sa imbalance, DP mula sa default pic

Ang wika ay bahagi ng kultura.

 Repleksiyon

Halimbawa: marami tayong katawagan sa bigas

 May mga salitang sa Pilipinas lang ginagamit

Halimbawa: inin: kanin na malapit nang maluto

Mga Paalala
 Ang wika ay patuloy na nagbabago.
 Walang iisang wikang nananatiling pareho sa pagdaloy ng panahon.
 Ang lipunan, na mahalagang espasyo ng wika, ay nagbabago.

Buod
Mahalaga ang papel ng isang dalubwika upang mapalalim at maipaliwanag ang kahulugan at
kalikasan ng wika. Maraming iba’t ibang kahulugan ang wika, subalit ang kahulugan ni Henry
Gleason ang pinakamalawak at pinakabuo ang kahulugan. Mula sa kahulugan ni Gleason,
malalaman natin ang limang kalikasan ng wika.

PAKSA: Kasaysayan ng Wikang Filipino Bilang Wikang Pambansa

Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

 natatalakay mo ang iba’t ibang yugto sa kasaysayan ng wikang Filipino;


 naiisa-isa mo ang iba’t ibang personalidad na may malaking ambag sa pagkakaroon ng
wikang pambansa; at
 natutukoy mo ang batas na nagtatakda sa wikang Filipino bilang wikang pambansa.

 Ano-ano ang yugto sa kasaysayan ng wikang Filipino?


 Sino-sino ang may malaking ambag sa pagkakaroon ng wikang pambansa?
 Ano ang batas na nagtatakda sa wikang Filipino bilang wikang pambansa?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin!
Kasaysayan ng Wikang Filipino Bilang Wikang Pambansa
Wikang Filipino ang pambansang wika sa Pilipinas. Ang kasaysayan ng pag-unlad nito ay
mahalaga para higit mong maunawaan ang kahalagahan nito sa iyo at sa bansa.

Panahon ng Rebolusyong Pilipino


Sa panahon pa lamang ng Rebolusyong Pilipino ay mayroon nang unang hakbang tungo sa
pagbuo ng isang wikang pambansa.
Mahalaga ang pagkakaroon ng wikang opisyal sa pagbuo ng isang wikang pambansa.

Pag-aralan Natin!
Panahon ng Pananakop ng mga Amerikano
Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano ay nagkaroon din ng pag-unlad sa usapin ng
wikang opisyal sa mga paaralan at sa buong bansa.

1.4
Isa ring malaking hakbang sa pag-unlad ng wikang pambansa ang mga naganap sa
Kumbensyong Konstitusyonal ng 1935.

1.5

Nagkaroon din ng pagbabago sa ginagamit na wikang opisyal sa bansa noong panahon ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

1.6

Panahon ng Ikatlong Republika


Muling sumigla ang pagpapaunlad sa wikang pambansa sa panahon ng Ikatlong Republika.
1.7

Pag-aralan Natin!
Konstitusyon ng 1987
Sa pagbabalangkas ng Konstitusyon ng 1987 ay muling binigyang diin ang kahalagahan ng
pagpapaunlad ng wikang pambansa sa Pilipinas.

1.8

Mga Paalala

 Mahaba ang naging proseso bago naging Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas.
 Ang wikang Filipino ay kumakatawan sa lahat ng wika na mayroon ang
PilipinasMahahalagang Kaalaman

 Bahagi ng kasaysayan ng bansa ang mga naganap na pagbabago sa ating wika.


 Maraming personalidad ang may malaking kontribusyon sa pagtatag at pagkakaroon ng
wikang Filipino.
PAKSA: Mga Konseptong Pangwika

Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

 natatalakay mo ang iba’t ibang konseptong pangwika;


 natutukoy mo ang pagkakaiba ng mga konseptong pangwika; at
 naipaliliwanag mo ang mga konseptong pangwika batay sa mga halimbawa mula sa
telebisyon at modernong teknolohiya.

 Ano-ano ang iba’t ibang konseptong pangwika?


 Paano ipinapakita ang mga konseptong ito sa telebisyon at modernong teknolohiya?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin!
Konseptong Pangwika
Balikan natin ang depinisyon at katangian ng wika. Ang wika, ayon kay Henry Gleason ay
masistemang balangkas ng mga tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng
tao sa komunikasyon. Ang wika ay nagbabago-bago batay sa lugar at mga taong gumagamit
nito.

Dayalek
Ang dayalek ay ang pagbabago ng isang wika batay sa heograpikal na kondisyon ng isang
lugar. Maaaring nagbabago ito sa tono ng pananalita, impit o diin ng ilang salita, o kaya sa mga
salitang kakaiba. Ang salitang dayalek ay mula sa dalawang kataga: dia- na nangangahulugang
"mula sa iba't ibang lugar" at lect na nangangahulugang tiyak na anyo ng wika. Pansinin ang
pagkakaroon ng pagkakaiba ng dalawang dayalek ng Tagalog, mula sa magkaiban probinsyang
Bulacan at Batangas:

Pag-aralan Natin!
Sosyolek
Ang sosyolek ay tumutukoy sa uri ng wika na nagbabago dahil sa katangiang panlipunan. Mula
sa dalawang salita ang sosyolek: socio- na nangangahulugang lipunan at lect na
nangangahulugang tiyak na anyo ng wika. May iba’t ibang salik na nakaaapekto sa sosyolek.

1.9
Pag-aralan Natin!
Idyolek
Ang idyolek ay ang indibidwal na paggamit ng wika. Nagmula sa dalawang salita ang
idyolek: idio- na ngangahulugang sarili at lect na nangangahulugang tiyak na anyo ng wika.
Katulad ng thumbmark nating mga tao at ang guhit ng mga zebra sa kanilang balat, walang
dalawang tao na may iisang idyolek. Halimbawa, ang kambal, kahit na lumaki sa iisang pamilya,
may parehong kaibigan, at pareho ang pinasukang paaralan ay magkaiba pa rin ang paggamit
ng wika dahil hindi iisa ang pamamaraan at pagproseso ng bawat utak sa mga nakikitang
bagay.

Pag-aralan Natin!
Dayalek, Sosyolek, at Idyolek sa Modernong Teknolohiya
Dayalek

1.10

Sosyolek

1.11

Idyolek

Isang halimbawa upang maipakita ang pagkakaiba-iba ng paggamit ng tao sa wika ay sa


pamamagitan ng text messaging. Halimbawa, sa nais itanong na "nasaan ka na?" ay maaaring
magkaroon ng iba’t ibang pamamaraan ng pag-text sa mensaheng ito.
Mahahalagang Kaalaman

 May pagkakaiba-iba sa paggamit ng wika ang mga tao.


 Dayalek ang tawag kung ang sanhi ng pagbabago sa wika ay ang lugar.
 Sosyolek ang tawag kung ang sanhi ng pagbabago sa wika ay lipunan.
 Ang bawat tao sa mundo ay may sariling paggamit ng wika at tinatawag itong idyolek.

PAKSA: Mga Wikang Panturo sa Pilipinas

Layunin
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay dapat na:

 nakapagbibigay-kahulugan sa wikang panturo;


 nakatutukoy ng kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang panturo; at
 nakatutukoy ng pagkakaroon ng polisiya sa wikang panturo sa Pilipinas sa kasalukuyan.

 Ano ang ibig sabihin ng wikang panturo?


 Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang panturo?
 Ano ang kasalukuyang mga wikang panturo sa Pilipinas?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin!
Kahulugan ng Wikang Panturo
Mahalaga sa lipunan at kulturang Pilipino ang edukasyon. Isa sa mga sangkap ng edukasyon
ang wikang ginagamit sa pagtuturo. Sa mga dalubwika, ang wikang panturo ay (mga) wikang
ginagamit o itinatalaga ng pamahalaan para sa edukasyon. Ang (mga) wikang ito ang siyang
mahalagang ginagamit ng guro, mga administrador, at mag-aaral sa loob ng kani-kanilang
paaralan.

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang wikang panturo ay opisyal na (mga) wikang
ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa loob ng pormal na sistemang pang-edukasyon.

Sa parehong depinisyon ng wikang panturo, mahahalagang sangkap ang sumusunod:

1. Pamahalaan /Opisyal – kinakailangang may mandato ang wikang panturo mula sa


pamahalaan.
2. Sistemang pang-edukasyon – ang wikang panturo ay nakasentro lamang sa
sistemang pang-edukasyon. May pagkakataon na iba ang ang wikang panturo sa
wikang pambansa (kaso ng India at Canada).
3. Kaalaman at/o Pagkatuto– nakatuon sa pagpapalalim at pagpapalawak ng
pagkakaroon ng kakayahan ng mga mag-aaral na matutuhan ang mahahalagang
asignatura.
Pag-aralan Natin!
Kahalagahan ng Wikang Panturo
Kung babalikan ang parehong pagpapakahulugan ng wikang panturo, binibigyang-diin nito ang
wikang panturo na behikulo ng pagpapasa ng kaalaman at mahahalagang kakayahan ng isang
bata upang maging handa sa paglaki at makapagtrabaho. Ilan sa punto kung bakit mahalagang
usapin ang wikang panturo ay:

 esensyal sa kakayahan ng mag-aaral na maipahayag ang sarili;


 paraan upang makilala pang lalo ng mag-aaral ang sarili bilang mamamayan ng
kaniyang bansa;
 daluyan ng kaalaman at hindi dapat maging balakid sa mga mag-aaral sa pagkatuto;
 tulay upang magkaunawaan ang mag-aaral, guro, at ang paksang pinag-aaralan; at
 nagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng mag-aaral na matuto nang sabay-
sabay.

Pag-aralan Natin!
Kasaysayan ng mga Wikang Panturo sa Pilipinas
Ang wikang panturo sa Pilipinas ay nabuo at umunlad sa pagdaan ng panahon:

1.12

Pag-aralan Natin!
Mga Wikang Panturo sa Pilipinas sa Kasalukuyan
Batay sa Artikulo XIV, Seksiyon 6, ng Konstitusyon ng 1987, Filipino at Ingles ang wikang
panturo. Noong 2009, nagkaroon naman ng DepED Order no. 74 na nagsasaad na gagamitin
na sa pag-aaral ang mother tongue o ang unang wika ng bata. Noong 2012, pinalakas pa ito ng
DepED Order no 31, na nagsasaad na “Mother tongue shall be used as a medium of instruction
and as subject for Grades 1 to 3. English and Filipino shall be used from Grades 4 to 10.”

Ang Mother Tongue-Based Multilingual Education o MTBMLE ay naglalayong gamitin ang


unang wika ng mag-aaral sa pag-aaral sa lahat ng asignatura mula Grade 1 hanggang Grade 3,
maliban sa Filipino at English. Sa kasalukuyan, mayroong 19 na wika ang tinuturing na mother
tongue:
1.13

Paalala
Ang wikang panturo ay hindi basta pinipili. Kinakailangang may batas na magtatakda nito. Ang
batas na nagsasaad na wikang Filipino at Ingles ang wikang panturo ay ang Artikulo XIV
Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987. Samantala, ang batas na nagtatakda sa paggamit
ng mother tongue o ng unang wika bilang wikang panturo ay ang DepEd Order 31 noong
2012.Buod

Ang wikang panturo ay mahalaga upang maibahagi ng guro at matuto ang mag-aaral ng
kaalaman at kakayahan. Upang hindi basta-basta mabago ang wikang panturo, mahalagang
naisasabatas ito. Sa kasalukuyan, may tatlong wikang panturo sa bansa: mother tongue o
unang wika, Filipino, at Ingles.

PAKSA: Mga Opisyal na Wika sa Pilipinas

Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

 natatalakay mo ang kahalagahan ng opisyal na wika;


 natutukoy mo ang batas na nagtatakda ng pagkakaroon ng opisyal na wika sa Pilipinas;
at
 naiisa-isa mo ang pagkakaiba ng opisyal na wika, wikang pambansa, at wikang panturo.

 Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng opisyal na wika?


 Ano ang batas na nagtatakda ng mga opisyal na wika?
 Ano-ano ang pagkakaiba ng opisyal na wika, wikang pambansa, at wikang panturo?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!


Pag-aralan Natin!
Opisyal na Wika
Lahat ng bansa ay mayroong opisyal na wika. Kinakailangan ito upang magkaroon ng
pagkakaisa at pagkakaunawaan sa mga desisyon, patakaran, at korespondensya ng
pamahalaan. Ginagamit ang opisyal na wika sa talastasan at mga transaksyon ng pamahalaan
sa loob at labas ng mga ahensyang kabilang nito. Sa bisa ng isang batas na nakapaloob sa
Saligang Batas, napipili ang isang wikang siyang maging opisyal na wika. Dumadaan sa serye
ng konsultasyon sa iba’t ibang pangkat ng tao ang pagpili sa opisyal na wika.

Pag-aralan Natin!
Opisyal na Wika ng Pilipinas
Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 7 ng Saligang Batas ng 1987, binabanggit na, “Ukol sa layunin
ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggang
walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.” Ibig sabihin, sa kasalukuyan, mayroon tayong
dalawang opisyal na wika, ang Filipino at Ingles. Noong ika-18 ng Agosto 1988, pinirmahan ng
dating Pangulong Corazon Aquino ang Executive Order 335 na nag-uutos sa lahat ng sangay
ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino bilang opisyal na wika sa transaksyon at
komunikasyon ng mga sangay ng pamahalaan. Nilalayon din ng nasabing executive order ang
mga sumusunod:

Pag-aralan Natin!
Ang Opisyal na Wika, Wikang Pambansa, at Wikang Panturo
Ang opisyal na wika, wikang pambansa, at wikang panturo ay may iba’t ibang papel sa ating
lipunan. Ginagamit ang opisyal na wika sa opisyal na pakikipagtalastasan ng ating pamahalaan
sa loob at labas ng ahensya. Ang mga wikang ito ay mahalaga sa mas malinaw na
pakikipagkomunikasyon. Ang wikang panturo ang wikang ginagamit sa loob ng paaralan. Ito
ang mga wikang pangunahing naghahatid ng impormasyon at nagtatakda ng komunikasyon sa
pagitan ng mga kapwa guro, kapwa kamag-aral, guro at mag-aaral, at sa pagitan ng mga taong
nasa loob ng paaralan. Ang wikang pambansa naman ay binuo upang magkaroon ng
pagkakaunawaan at pagkakaisa ang mga Pilipino.

Pag-aralan Natin!
Ang Mga Opisyal, Panturo, at Pambansang Wika at Batas na Nagtakda
Ang mga talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng gamit ng opisyal na wika, wikang panturo, at
wikang pambansa at maging ang mga batas na nagtakda.
Ano ang:

Ano ang silbi ng:

Batas na nagtatakda sa:

Mga Paalala

 Laging isulong ang wikang Filipino sapagkat maliban pa sa pagiging opisyal na wika ay
ito rin ang ating pambansang wika.
 Ang wikang opisyal, wikang panturo, at wikang pambansa ay mayroong mahahalagang
papel na ginagampanan sa ating lipunan.

Mahahalagang Kaalaman

 Ang opisyal na wika sa Pilipinas ay Filipino at Ingles alinsunod sa Saligang Batas ng


1987.
 Gagamitin ang mga nasabing wika sa opisyal na komunikasyon at transaksyon ng iba’t
ibang sangay ng pamahalaan.
PAKSA: Bilingguwalismo at Multilingguwalismo

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

 natutukoy mo ang kahulugan ng bilingguwalismo at multilingguwalismo;


 nailalahad mo ang kahalagahan ng pagtalakay sa bilingguwalismo at
multilingguwalismo; at
 naiuugnay mo ang mga patakarang nagsusulong ng bilingguwalismo at
multilingguwalismo sa mas malawak na proyekto ng pagpaplanong pangwika.

 Ano ang bilingguwalismo at multilingguwalismo?


 Ano ang halaga ng mga konseptong ito sa moderno at nagbabagong panahon?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin!
Kahalagahan ng Wika sa Pagkatuto at Pagsasalin ng Kaalaman

 Ayon kay Lev Vygotsky (1978), isang Rusong sikolohista, “ang katalinuhan ay ang
kapasidad na makinabang mula sa pagtuturo, kung saan may mahalagang papel
sa pag-unlad ang wika.” Kung gayon, kinikilala ang wika bilang kasangkapan sa
pagkatuto at pantulong sa pag-unawa.
 Sa pamamagitan ng wika, naipaaabot ng nagtuturo ang kaalaman sa kaniyang
tinuturuan. Maaaring maging mainam na tulay ang wika kung bihasa ang tinuturuan sa
wikang panturo.
 Sa kabilang banda, maaari namang maging balakid sa pagkatuto ang kawalan o
kaunting kaalaman ng tinuturuan sa wikang panturo. Kung gayon, kritikal sa pagbibigay
at pagtanggap ng kaalaman ang pagpili ng wikang gagamitin bilang midyum na panturo.

Pag-aralan Natin!
Bilingguwalismo
Ang bilingguwalismo ay nangangahulugang malayang paggamit ng dalawang wika sa
pagtuturo at pakikipagtalastasan. Sa Pilipinas, ang mga wikang ito ay Filipino na ating wikang
pambansa, at Ingles na wikang global.
Pag-aralan Natin!
Multilingguwalismo
Multilingguwalismo ang tawag sa paggamit ng wikang pambansa at mga katutubong wika
bilang mga pangunahing midyum sa pagtuturo, pag-aaral, at pakikipagtalastasan, bagaman
hindi isinasantabi ang wikang global na itinuturing bilang isang mahalagang wikang panlahat.

Mga Paalala

 Ang bilingguwalismo at multilingguwalismo ay mga patakarang binuo at ipinatupad sa


bansa sa hangaring mapabuti ang kalagayan ng pag-aaral at pagkatuto ng mga Pilipino.
 Sa dalawang patakarang ito, kinikilala ang papel ng wika sa pagpapalawak ng kaalaman
at paglilinang ng kahusayan sa anumang larangan.
 Binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagpili ng wikang gagamitin bilang midyum na
panturo sa lahat ng antas.

Mahahalagang Kaalaman

 Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa pagkatuto at pagsasalin ng


kaalaman.
 Ang bilingguwalismo ay ang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo at pagsasalin ng
kaalaman: Filipino at Ingles.
 Ang multilingguwalismo ay ang paggamit ng higit pa sa dalawang wika sa pagtuturo at
pagsasalin ng kaalaman: katutubong wika, Filipino, at Ingles.
 Bagaman isinusulong ang paggamit at pagpapalaganap ng unang wika at wikang
pambansang Filipino, nililinaw rin na hindi isinasantabi ang Ingles bilang wikang global.
 Pinaniniwalaang ang pag-aaral at pagiging bihasa sa unang wika ay nagbubunsod ng
mas madaling pagkatuto ng iba pang wika.
 Ang pagsisikap na maging mahusay sa unang wika at sa kalaunan ay sa wikang
pambansa ay isang paghahanda tungo sa pagiging bihasa sa global na wika, at sa iba
pang kasanayan.

PAKSA: Register ng Wika

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

 naibibigay mo ang kahulugan ng register ng wika,


 natatalakay mo ang mga tiyak na sitwasyon kung saan ginagamit ang iba't ibang register
ng wika, at
 natutukoy mo ang papel na ginagampanan ng register ng wika sa intelektuwalisasyon ng
wikang Filipino.

 Ano ang register ng wika?


 Ano ang kahalagahan ng pagkilala sa iba’t ibang register ng wika sa pagpaplanong
pangwika sa bansa?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin!
Ang Register ng Wika
Ang heteregenous na kalikasan ng wika ay ang pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng iba’t
ibang indibidwal at pangkat na may magkakaibang uring pinagmulan, gawain, tirahan, interes,
edukasyon, at iba pang mga salik.

Ang baryasyon ng wika ay bunga ng pangangailangang tumugon sa hinihingi ng iba't ibang


sitwasyon o konteksto. Ang paggamit ng wika sa partikular na konteksto ay nakabatay rin sa
mga alituntuning pinagkakasunduan ng grupo o komunidad na gumagamit ng wika.

Nakikilala naman ang register ng wika ayon sa larangan o field. Ang mga nagsasalita sa bawat
larangan ang bumubuo sa mga bokabularyong mayroon ang bawat larangan. Ang pagbubuo ng
bokabularyo ay nangyayari kapag nagdaragdag ng mga bagong termino o salita na kakatawan
o tutukoy sa mga bagong konsepto sa nasabing larangan. Sa kabilang banda, nakalilimutan din
ang mga terminong hindi na madalas gamitin, o napapalitan ng mas kilalang katawagan sa
paglipas ng panahon.

Pag-aralan Natin!
Ang Register ng Wika sa Iba’t ibang Larangan
Narito ang isang tsart na naglalaman ng mga salitang nagbabago ang kahulugan batay sa
larangan:
Narito naman ang isang tsart na naglalaman ng mga terminolohiyang natatangi para sa mga
tiyak na larangan:

Pag-aralan Natin!
Ang Register ng Wika sa Agham at ang Wikang Filipino
Sa Pilipinas, itinakda ang pagtuturo ng asignaturang agham sa Ingles. Sa tradisyonal na
pananaw, ang Ingles ay istandardisado, nakaaangat sa iba pang wika, at itinuturing na wika ng
intelektwal. Sa mahabang panahon ay ipinalagay na Ingles lamang ang nararapat na wikang
panturo sa teknikal na larangan gaya ng agham.

Sa kabilang banda, pinaniniwalaan ng karamihan na kapos at hindi istandardisado ang wikang


Filipino, kaya’t hindi maaaring gamitin bilang wikang panturo sa agham.

Salungat ito sa kaso ng South Korea at Syria. Ang South Korea, na nangunguna sa buong
mundo sa pagsusumite ng patent at research and development, gumagamit ng wikang Koreano
sa pagtuturo ng agham. Kinikilala rin ng mga eksperto sa medisina ang kahusayan ng mga
Syrian na doktor na nag-aral ng medisina sa wikang Arabic. Pinatunayan ng mga ito na hindi
sila pahuhuli sa ibang doktor sa ibang bahagi ng mundo sa pagkuha ng mataas na marka sa
eksamen ng Educational Commission for Foreign Medical Graduates.

Noong 1966 lamang sinimulan ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sa larangan ng


agham nang bigyang-laya ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang mga guro na magpasya kung
Ingles o Filipino ang gagamiting wikang panturo sa agham at matematika. Nagkaroon din ng
ilang mga pagsisikap na bumuo ng terminolohiya sa agham tulad ng mga nakatala sa librong
isinulat nina Gonzalo del Rosario (Maugnaying Talasalitaang Pang-agham: Ingles-Pilipino,
1968), Dr. Porfirio M. Recio (Glossary of Medical Terms, 1975), Rogelio Pe-Pua (List of
Psychological Terms in Filipino, 1989), at Dr. Jose Reyes Sytangco (Scientific
Dictionary: English-Pilipino, 1977).

Gayunpaman, dahil kalat-kalat at walang sistematikong paraan ng pagbubuo, hindi ito


nagresulta sa istandardisasyon ng mga terminolohiya.
Pag-aralan Natin!
Mga Hakbang sa Istandardisasyon at Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino sa
Larangan ng Agham
Upang magkaroon ng istandardisasyon at intelektuwalisasyon ng wikang Filipino ay isinagawa
ang sumusunod na mga hakbang:

 Istandardisasyon ng pagbabaybay
 Pagsusulat at publikasyon ng mga aklat pang-agham sa wikang Filipino
 Pagsasalin at pagpapalaganap ng mga terminolohiya
 Pagpapaunlad ng kaalaman at kasanayan ng mga guro sa agham

Mga Paalala

 Panahon na upang talikdan ang paniniwalang hindi karapat-dapat gamitin ang wikang
Filipino sa pag-aaral ng agham.
 Hindi nakahahadlang ang paggamit ng sariling wika sa pagpapalawak ng kaalaman sa
agham at pagpapahusay ng kasanayan sa teknolohiya, bagkus ay nakatutulong pa nga
ito upang mas mapalalim ang kanilang pag-unawa sa aralin.

Mahahalagang Kaalaman

 Ang wika ay may heterogenous na kalikasan bunga ng pagkakaiba-iba ng mga wika o


salitang ginagamit ng iba't ibang pangkat ng tao.
 Ang register ng wika ay ang pagkakaroon ng terminolohiya o mga salitang angkop at
ginagamit sa isang partikular na larangan o field.
 Pinatunayan ng South Korea at Syria na maaaring gamitin ang sariling wika sa
paglinang ng kaalaman sa agham at teknolohiya.
 Ang istandardisasyon at intelektuwalisasyon ng wikang Filipino ay isang malaking
hakbang upang mapaunlad ang wika at maging angkop itong gamitin sa iba't ibang
larangan, maging sa agham, teknolohiya, at matematika.

PAKSA: Barayti ng Wika

Layunin
Pagkatapos ng aralin, dapat na:

 nauunawaan mo ang mga nagbabagong pananaw ukol sa pag-aaral ng wika;


 nailalarawan mo ang ugnayan ng wika at lipunan;
 naipaliliwanag mo kung paano naiiba ang wika ng iba’t ibang grupo ng tao;
 nagagamit mo ang iba’t ibang teorya sa pag-unawa ng barayti ng wika; at
 naipamamalas mo ang paggalang sa wika at kultura ng iba.

 Naiisip mo ba kung bakit iba ang paraan ng pagsasalita mo, at marahil ang mga
terminolohiyang ginagamit mo, sa kakilala mong nakatira sa ibang probinsiya?
 May mga pagkakataon bang hindi maintindihan ng iyong lolo ang mga sinasabi mo dahil
hindi niya alam ang ibig sabihin ng mga salitang ginagamit mo?
 Sa iyong palagay, bakit nagkakaiba ang wika ng mga tao?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin!
Ang Pagtuklas sa Barayti
May mga kakilala kang iba ang wikang ginagamit kumpara sa wikang ginagamit mo. May ilan
ding bagaman kapareho mo ang wika, magkaiba naman kayo ng paraan ng pagsasalita;
maaaring magkaiba ang mga salitang madalas ninyong gamitin o magkaiba ang punto ng
inyong pagsasalita. Ang ibig lang sabihin nito, magkaiba kayo ng barayti ng wikang ginagamit
ng kakilala mo.

Klasikong Pilosopo
Sang-ayon sa pangkalahatang paniniwala ng klasikong pilosopo sa lahat ng bagay sa mundo,
ang wika ay itinuturing na biyayang galing sa Dakilang Lumikha. Napasubalian ang
paniniwalang ito dahil sa obserbasyon na naiiba ang wika ng iba’t ibang tao na mula sa
magkakaibang lugar.

1.14

Pag-aralan Natin!
Empirisista at Rasyonalista
Batay sa obserbasyon na nagbabago ang wika ng iba’t ibang grupo ng tao batay sa lugar,
panahon, at kinabibilangang grupo, nabuo ang teorya na ang wika ay iniimbento at pinauunlad
ng tao. Ang pangunahing dahilan ng pag-iimbento at pagpapaunlad ng wika ay paglilipat ng
kaalaman.

Sosyo-lingguwistiko
Nabuo ang unang grupo ng mga sosyo-lingguwistiko mula sa mga emperisista at rasyonalista.
Nagpanukala sila ng tatlong pagtingin tungkol sa ugnayan ng wika at lipunang gumagamit nito:

1. Ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang tagapagsalita; umiiral lamang ito sa loob ng
isang kolektibo.
2. Ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng komunikasyon na ginagamit ng
indibidwal ayon sa isang sistema ng mga alituntunin, kundi isang kolektibong puwersa.
3. May dalawang direksiyon ang pagbabago ng wika, dimensiyong sosyal at dimensiyong
heograpikal.
Mga Barayting Nabubuo
Mula sa mga unang palagay na inilatag ng mga sosyo-lingguwistiko, nabuo ang dalawang
barayti ng wika: dayalekto at sosyolek.

1. Dayalekto - ang barayti ng wikang nabubuo sa heyograpikal na dimensiyon. Nakabatay


ang mga salitang ginagamit ng mga tao sa pang araw-araw nilang gawain at
pamumuhay na mahigpit namang nakaugnay sa kapaligirang kanilang kinikilusan. Dahil
dito, nag-iiba ang mga salitang ginagamit ng mga tao na mula sa magkaibang lugar, o
kapaligiran. Nagkakaiba rin ang paraan ng kanilang pagsasalita. Ipinakikita sa
halimbawa sa ibaba kung paano nagiging posible ang pagkakaroon ng magkaibang wika
ang dalawang magkaibang lugar. Kung ilalapat ang halimbawang ito sa kaso ng
Pilipinas, maaaring sabihin na magkaiba ang dayalekto ng probinsya ng Mountain
Province at Quezon:

1.15

2. Sosyolek - ang barayti ng wikang nabubuo sa sosyal na dimensiyon.

Halimbawa:

 Mas mayaman sa mga salitang may kinalaman sa teknolohiya ang wika ng kabataan
kaysa wika ng matatanda.
 Lumilikha ng sariling mga terminolohiya ang mga bakla. Ang mga salitang ito ay
magiging bahagi ng kanilang wika na tinatawag na Gayspeak o Bekimon.

Pag-aralan Natin!
Sa pagpapatuloy ng obserbasyon, nakitang maliban sa dayalekto at sosyolek, may dalawang
barayti pa ng wika na nabubuo dahil sa partisipasyon ng mga tao sa iba’t ibang gawain at
grupo: ang idyolek at rehistro.

1. Ang idyolek ay ang personal na paraan ng paggamit ng wika ng isang indibidwal. Bawat
indibidwal ang may personal na wika.
Halimbawa, si Rica ay isang anak, kapatid, kaibigan, kaklase, kalaro, kakilala,
estudyante, manlalaro, babae, teenager, at Caviteño. Ibig sabihin, ang kaniyang wika ay
may halu-halong sosyolek at dayalekto. Ganito rin ang kaso ni Ruel. Magkakaibang
grupo rin ang kaniyang kinabibilangan, pero may halu-halong sosyolek at dayalekto rin
ang ang personal na wika ni Ruel.
Dahil may bahagyang pagkakaiba sa mga grupong kinabibilangan nina Rica at Ruel,
may pagkakaiba rin sila sa kanilang mga personal na wika.
2. Rehistro ang tawag sa espesyal na wika ng isang partikular na larangan. Halimbawa,
ang salitang "bato" ay maaaring magkaroon ng iba't ibang kahulugan para sa iba't ibang
propesyon:

Buod
Makikita sa araling ito ang mahigpit na ugnayan ng wika at lipunan. Isa ito sa maraming patunay
na ang wika ay kaluluwa ng lipunan. Kung ano ang nasa lipunan mo, iyon ang nasa wika mo.
PAKSA: Homogeneous na Kalikasan ng Wika

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

 natatalakay at nailalarawan mo ang homogeneous na kalikasan ng wika; at


 naiuugnay mo ang kaalaman ng homogeneous na kalikasan ng wika sa iba’t ibang
sitwasyong pangkomunikasyon.

 Ano-ano ang likas na pagkakatulad ng mga wika?


 Paano ito maiuugnay sa iba't ibang sitwasyong pangkomunikasyon?

Alamin ang sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin!
Homogeneous na Kalikasan ng Wika
Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibong
makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kulturang pinagmulan nito,
kung kaya mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at
pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito.

Mayroong mahigit sa 100 wika ang ginagamit sa 17 rehiyon sa Pilipinas. Bawat wika ay
mayroong kani-kaniyang katangian. Gayunpaman, bilang behikulong ginagamit upang
magkaunawaan ang mga tao, nagtataglay ang mga wikang ito ng mga pagkakatulad. Ito ang
tinatawag na homogeneous na kalikasan ng wika.

Ang kalikasang ito ay tumutukoy sa mga katangiang taglay ng lahat ng wika anuman ang
pinagmulan at kultura ng pamayanang inusbungan nito.

Pag-aralan Natin!
Wika: Isang Masistemang Balangkas
 Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog na binibigkas sa
isang wika.
 Morpema naman ang tawag sa makabuluhang yunit ng salita na nabuo mula sa mga
tunog.
 Ang pag-aaral ng mga ponema ay tinatawag na ponolohiya,
samantalang morpolohiya naman ang pag-aaral ng mga morpema.
 Ang wika ay isang masistemang balangkas sapagkat pinagsasama-sama at isinasaayos
ang mga salita upang makabuo ng pangungusap. Ang pagsasaayos na ito na
nagtatakda ng mensahe ng pangungusap ay tinatawag na sintaks.

Pag-aralan Natin!
Wika: Arbitraryo at Dinamiko
Lahat ng wika ay may mga katangiang arbitraryo at dinamiko.

Arbitraryo ang Wika


 Ang wika ay natututuhan sa lipunan, kung kaya kinakailangang makipag-ugnayan sa
kapwa upang mapag-aralan ang paggamit sa isang wika.
 Ang wika ay pinagkakasunduan. Nagkakaunawaan sa kahulugan ng mga salita ang mga
gumagamit nito. Hindi dinidikta ng mismong itsura at tunog ng salita ang kahulugan,
kung kaya masasabing arbitraryo ang wika. Halimbawa nito ay kung paanong ang
salitang Tagalog na "kamay" ay "ima" sa wikang Ilokano, "kamot" naman sa Bikolano, at
"gamat" naman sa Kapampangan.
Dinamiko ang Wika
 Ang wika ay patuloy na nagbabago at umuunlad. Mayroong mga salitang nagbabago
ang kahulugan o nagkakaroon ng dagdag na kahulugan sa paglipas ng panahon.
Halimbawa nito ay kung paanong ang salitang "tuyo" ay may parehong kahulugang
"hindi basa," at "isdang binilad at kinakain na bagay pang-agahan."
 Nanghihiram din tayo ng mga salitang dayuhan at nagbibigay ng sariling kahulugan dito.
Halimbawa nito ay kung paanong ang salitang "gimmick" na nasa wikang Ingles ay may
kahulugang "pakulo o paraan ng pagpukaw ng atensyon." Habang ngayon nagkaroon ito
ng kahulugan na "pamamasyal kasama ng mga kaibigan."

Pag-aralan Natin!
Wika: Bahagi ng Kultura at May Sariling Kakanyahan
Bukod sa pagiging arbitraryo at dinamiko, ang wika ay sumasalamin din sa isang bahagi ng
kultura at may sariling kakanyahan.

Bahagi ng Kultura ang Wika

 Sinasalamin ng wika ang kulturang pinagmulan nito.

Halimbawa: Sa wikang Arabe ay mayroong iba’t ibang katawagan para sa mga uri ng kamelyo.
Ang mga salitang ito ay wala sa ating wika dahil hindi bahagi ng kulturang Pilipino ang paggamit
ng mga kamelyo. Kung gayon, hindi maisasalin sa Filipino ang mga salitang Arabe para sa
salitang kamelyo dahil walang katumbas ang mga salitang ito sa ating wika.

May Sariling Kakanyahan ang Wika

 Ang lahat ng wika ay may natatanging palatunugan, leksikon, at estrukturang


panggramatika.

Halimbawa: Ang wikang Nihonggo ay sumusunod sa estrukturang "paksa-layon ng pandiwa-


pandiwa" samantalang ang Ingles ay "paksa-pandiwa-layon ng pandiwa."

Mga Paalala

 Ang wika ay mahalagang kasangkapan sa pakikipagtalastasan at pagkakaunawaan.


 May mga katangian ang lahat ng wika na siya ring halos ipinagkakatulad ng mga ito
anuman ang pamayanang pinagmulan.

Mahahalagang Kaalaman

 Ang wika ay nagtataglay ng mga pagkakatulad, ito ay tinatawag na homogeneous na


kalikasan ng wika.
 Ang wika ay may mga homogeneous na kalikasan: isang masistemang balangkas,
arbitraryo, dinamiko, bahagi ng kultura, at may sariling kakanyahan.
 Sa kabila ng pagiging arbitraryo at dinamiko ng wika ay mababakas pa rin ang likas na
pagkakatulad ng wika.
PAKSA: Heterogeneous na Kalikasan ng Wika

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

 natatalakay mo ang heterogeneous na kalikasan ng wika,


 nakikilala mo ang pagkakaiba-iba ng wika sa iba't ibang pangkat at komunidad, at
 nasusuri mo ang kahalagahan ng mga barayti ng wika sa pagbubuo at pagpapaunlad ng
wikang pambansa.

 Ano ang heterogenous na kalikasan ng wika?


 Saan ito nag-uugat?
 Ano-ano ang dalawang uri ng wika?
 Bakit mahalaga na kilalanin at pag-aralan ang mga barayting ito?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin!
Heterogeneous na Kalikasan ng Wika

 Ang salitang heterogeneous ay mula sa mga salitang Griyego na hetero, na


nangangahulugang "magkaiba," at genos, na nangangahulugang "uri o lahi."
 Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wika
bunga ng paggamit ng iba’t ibang indibiduwal, at pangkat na may magkakaibang
uring pinagmulan, edad, kasarian, gawain, tirahan, interes, edukasyon, at iba pa.

Pag-aralan Natin!
Heterogeneous na Kalikasan ng Wika Ayon sa Ilang Dalubwika
Ayon sa ilang dalubhasa, mayroong mga katangian ang wika na nagpapakita sa pagkakaiba-iba
nito o heterogeneous na kalikasan nito.

Ferdinand de Saussure (1915)

 Ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang tagapagsalita, umiiral lamang ito nang
ganap sa loob ng isang kolektibo.
 Ang pagkatuto ng wika ay produkto ng pakikisalamuha ng tao sa kaniyang kapwa.
 Ang wika ay binubuo ng isang pangkat ng tao upang magamit at tumugon sa kanilang
partikular na pangangailangan. Dahil magkakaiba ang mga tao at ang kinabibilangan ng
bawat isa, iba’t ibang anyo rin ng wika ang umusbong.
 Ang pagbuo at paggamit ng iisang wika ay isang simbolong nagbubuklod sa pangkat ng
tao.

Rosario Alonzo (1993)

 Ang barayti ng wika ay isang maliit na pangkat ng pormal o makabuluhang


katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal.
 Ang wika ay may dalawang uri o barayti: permanente at pansamantala.

Pag-aralan Natin!
Barayting Permanente
Mayroong barayti ng wika na itinuturing na permanente:
Dayalekto

 Ito ang barayting batay sa pinanggalingang lugar, panahon, at katayuan sa buhay ng


isang tao.

1.16

Idyolek

 Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal na


gumagamit ng wika.
 Bukod sa panlipunang salik, nakikilala rin ang pananalita ng isang indibiduwal batay sa
kaniyang bigkas, tono, kalidad ng boses, at pisikal na katayuan.

Pag-aralan Natin!
Barayting Pansamantala
Mayroon din namang mga wika na itinuturing na kabilang sa pansamantalang barayti.

Register

 Ito ang barayting bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang pinaggagamitan ng wika.


 Halimbawa, ang larangan ng medisina ay may sariling bokabularyo o mga teknikal na
salitang ginagamit.

Estilo

 Ito ang barayting batay sa bilang at katangian ng kinakausap, at relasyon ng nagsasalita


sa kinakausap.

Midyum

 Ito ang barayting batay sa pamamaraang gamit sa komunikasyon, maaaring pasalita o


pasulat.

Para higit nating maunawaan ang pagkakaiba ng tatlong pansamantalang barayti, pag-aralan
ang tsart sa ibaba:
1.17

Paalala

 Bagaman ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay naiuugnay sa di pagkakapantay-


pantay na pagtingin sa mga tao (e.g., diskriminasyon dahil sa punto o accent ng
nagsasalita, o dahil sa paggamit ng mga salitang kanto) ay mahalagang idiin na walang
barayting mas mabuti at mas nakaaangat sa iba. Pantay-pantay lahat ng mga wika.
 Ang pagkilala ng pagkakaroon ng barayti ng wikang Filipino ay isang panimulang
hakbang sa paglalangkap ng mga wikang hindi matatagpuan sa mga sentrong politikal
(at dahil dito’y hindi itinuturing na prestihiyoso at standard) sa pagpaplano ng wikang
pambansa.
 Dapat tandaan na ang bawat isa ay bahagi ng paglinang at pagpapayabong ng wikang
Filipino, anuman ang pangkat na kinabibilangan at katayuan sa buhay.

Mahalagang Kaalaman

 Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wikang


ginagamit ng mga pangkat ng tao dahil sa pagkakaiba nila ng edad, kasarian, tirahan,
gawain, at iba pang salik.

PAKSA: Konseptong Pangwika sa Modernong Teknolohiya

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

 natutukoy mo ang papel ng wika sa isang komunidad; at


 nasusuri mo ang iba’t ibang uri ng teknolohiya na nagpapalaganap at nagpapaunlad sa
wikang ito.

 Ano ang lingguwistikong komunidad?


 Ano ang papel ng teknolohiya sa isang lingguwistikong komunidad?
 Paano ito nakatutulong sa mas malalim na pag-unawa sa mga konseptong pangwika sa
modernong panahon?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!


Pag-aralan Natin!
Maikling Kasaysayan ng Wikang Pambansa

 Ipinanukala sa 1934 Kumbensiyong Konstitusyonal ang paglikha ng isang wikang


pambansa.
 Ayon kay Felipe R. Jose, isa sa mga delegadong nagtanggol sa panukala, nararapat
nang ipakilala sa buong mundo na hindi na sakop ng mga Espanyol at Amerikano ang
Pilipinas. Ayon sa kaniya, magiging karapat-dapat lamang tayo sa natamong kalayaan
kung maipagtatanggol natin ang sariling wika.
 Pinirmahan ni Pangulong Manuel L. Quezon noong ika-30 ng Disyembre 1937
ang Executive Order (EO)134 na nagdedeklara sa Tagalog bilang batayan ng wikang
pambansa.
 Tinawag itong Pilipino noong 1959.
 Itinakda naman sa Konstitusyon ng 1973 na hindi na lamang Tagalog, kundi lahat ng
wika sa Pilipinas, kabilang ang Ingles at Espanyol, ang batayan ng wikang pambansa.
 Pinagtibay naman sa Konstitusyon ng 1987 na opisyal na tatawaging “Filipino” ang
wikang pambansa ng Pilipinas.

Pag-aralan Natin!
Ang Lingua Franca at ang Lingguwistikong Komunidad
Lingua franca ang wikang ginagamit upang magkaintindihan ang mga taong may
magkakaibang unang wika. Tinatawag din itong common language, bridge language,
o vehicular language.

Halimbawa: May kakayahang mag-usap ang isang babaeng mula sa Pangasinan at isang
lalaking mula sa Davao bagama’t magkaiba ang kanilang wika. Sa konsepto ng lingua franca
ibinatay ang wikang pambansa, na kinikilala natin ngayon sa tawag na “Filipino.”

Lingguwistikong komunidad naman ang tawag sa isang grupo ng taong gumagamit ng iisang
barayti ng wika at bumubuo ng partikular na mga alituntunin sa paggamit at pagpapakahulugan
dito.

Matatagpuan sa Pilipinas ang maraming lingguwistikong komunidad. Ang isang komunidad ay


maaaring pagbuklurin ng iisang dayalekto (hal., Tagalog Batangas), larangan (hal. medisina),
edad (hal. millenials), at uring panlipunan (hal. middle class).

Bagaman magkakaiba, nagagawang pagkaisahin ng wikang pambansa ang mga


lingguwistikong komunidad sa Pilipinas dahil sa pagkakatulad ng mga ito bunsod ng
sumusunod:

 Pagkakahawig ng bokabularyo ng mga wika sa Pilipinas dahil sa iisang pamilyang


pangwika na pinagmulan (Malayo Polynesian)
 Karanasan sa pakikipagkalakalan at kolonisasyon (paggamit ng mga salitang banyaga
sa pang araw-araw na pakikipag-usap)
 Pagpapalawak at pagpapaunlad ng wikang ginagamit dahil sa mass media, paaralan, at
makabagong teknolohiya.

Pag-aralan Natin!
Ang Wikang Pambansa at ang Modernong Teknolohiya
Sa panahong kay bilis ng mga pagbabago, dapat ding tiyakin na napapaunlad ang sariling wika.
Sa pamamagitan ng teknolohiya ay maaari pa ring mapaunlad at mapalawak ang gamit ng ating
wika.
Ang sumusunod ay mga kongkretong halimbawa kung paano nagagamit ang modernong
teknolohiya sa pagpapaunlad ng wikang Filipino:

1. WIKApedia – Ito ay isang kalipunan ng mga aralin at paglilinaw hinggil sa wastong


paggamit ng wikang Filipino na inilalathala sa Facebook. Layunin nitong tumugon sa
mga katanungan at maghain ng lunan na maaaring pasimulan ng isang makabuluhang
diskurso sa Filipino.
2. Kikomachine – Inilalathala ng ilustrador na si Manix Abrera ang ilang sipi mula sa
kaniyang komiks na Kikomachine sa Facebook. Sa mga komiks na ito, maoobserbahan
ang paggamit ng iba’t ibang barayti ng wikang Filipino.
3. Mga Online na Diksyunaryong Ingles-Filipino – Bagaman hindi pa napipino at
nagagawang istandard ang mga diksyunaryong ito, mainam itong hakbangin sa
pagbubuo ng isang istandardisadong bokularyo sa Filipino. Gayundin, dagdag na tulong
ito sa pagpapaunlad ng larangan ng pagsasalin sa bansa.

Pag-aralan Natin!
Ang Tunguhin ng Wikang Pambansa
Dahil sa mabilis na usad ng panahon, dapat maging pangunahing layunin ang nasyonalisasyon
ng Filipino. Paano natin makakamit ang hangaring ito?

 Pagpapalawak ng bokabularyong pangkultura – Hindi lamang ang paglalangkap ng


mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika sa Pilipinas ang mahalaga. Dapat ding
kilalanin natin at maunawaan ang mga kulturang kinapapalooban ng mga wikang ito.
 Paghahanap ng panumbas sa terminolohiyang banyaga mula sa katutubong
wika – Mayaman ang bokabularyo ng mga wika sa Pilipinas. Kung gayon, imbes na
gamitin ang mga banyagang salita, mabuting humanap ng katumbas na salita sa mga
wika sa bansa.
 Pagpapalaganap ng wika sa pamamagitan ng publikasyon o sa madalas na
paggamit – Kilalanin natin bilang wika ng literacy ang wikang Filipino, na magagamit sa
mga scholarly na talakayan at lathalain.

Higit sa lahat, nararapat nating tingnan ang wikang Filipino bilang isang mahalagang tulay tungo
sa pagkamit ng pambansang kaakuhan. Nakaugat ang Filipino sa ating kamalayan, karanasan
at kultura. Walang ibang wikang maaaring tumayo bilang simbolo ng pagkakaisa ng mga
Pilipino kundi ang wikang sariling atin.

Paalala
Ang nasyonalisasyon ng Filipino ay makakamit lamang kung magtulung-tulungan ang lahat.
Lalagpasan natin ang pansariling interes at makikibahagi tayo sa pagnanais na mapabuti at
malinang ang wikang ipinaglaban natin bilang isang bansa sa mahabang panahon.

Buod
Bagaman sa heograpiya ay watak-watak ang mga bahagi ng Pilipinas, nagkakaisa ang mga
lingguwistikong komunidad na nananahan dito dahil sa iisang wikang pambansa.

Sa makabagong panahon, higit ang pangangailangang pangalagaan at paunlarin natin ang


wikang Filipino. Mahalaga ang gampanin ng modernong teknolohiya sa tunguhing ito.

Sa pamamagitan ng teknolohiya, nagkakaroon tayo ng mas malawak na lunan upang


maipalaganap ang kaalaman sa wika, gayundin upang makapaghain ng talakayan sa
napapanahong mga isyung may malaking epekto sa lipunang Pilipino sa pangkalahatan.
PAKSA: Unang Wika (Mother Tongue)

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

 nabibigyang kahulugan mo ang konsepto ng unang wika; at


 natatalakay mo ang mga paraan kung paano haharapin ang mga hamong kinakaharap
sa paggamit ng unang wika sa pagtuturo.

 Ano ang unang wika?


 Bakit mahalaga ang paggamit ng unang wika sa pagtuturo?

Pag-aralan Natin!
Ang Unang Wika
Unang wika ang tawag sa unang wikang natutuhang gamitin ng isang tao magmula sa
kaniyang pagkabata o sa isang kritikal na yugto ng pagkatuto hanggang sa umabot sa puntong
bihasa na siyang gamitin ang wikang ito. Ang unang wika ay karaniwan ding batayan ng
sosyolingguwistikong pagkakakilanlan ng isang tao.

Mas nagiging madali para sa mga bata ang pag-unawa sa tekstong kanilang nababasa o
naririnig kung ito ay nasa kanilang unang wika. Ayon nga kina Norma Duguiang at Diane
Dekker, mga nagsagawa ng pag-aaral ukol sa Mother Tongue-Based Multilingual Education,
mahalaga ang papel na ginagampanan ng wikang panturo sa pagkatuto ng isang bata.
Nagiging mas madali ang pag-angkop ng mga bata sa pagpasok sa eskuwelahan kung
pamilyar sila sa wikang ginagamit ng guro.

Ang Lubuagan Experiment


Ito ay isang pag-aaral na isinagawa ng grupo nina Steve Walter at Diane Dekker sa Lubuagan,
Kalinga. Sa komunidad na ito, Lilubuagan ang unang wika ng mga bata at natututo sila ng
Ingles at Filipino sa pagpasok sa eskuwelahan.

Layunin nitong imbestigahan ang epekto ng Mother Tongue-Based Multilingual


Education (MTB-MLE) sa unang baitang ng pag-aaral.

Sa umpisa, may takot ang mga magulang na ang paggamit ng unang wika sa pagtuturo ay
magresulta sa hindi pagkatuto ng mga bata ng Ingles. Nag-uugat ang pananaw na ito sa
malalim na impluwensiya ng mga misyonerong Belgian at mga Amerikanong guro na nagtatag
ng eskuwelahan sa Lubuagan at nagpalaganap ng Kanluraning kultura at paraan ng pagtuturo.
Dahil dito, itinuring ng mga tagaroon na nakaaangat sa sarili nilang kultura ang kultura ng
Kanluran, at kaugnay nito, ang mas mababa ring pagtingin nila sa kanilang wika kumpara sa
wikang Ingles.

Sa pag-aaral na ito, nabatid na bagaman mas mataas lang nang bahagya ang performance ng
mga batang nasa eksperimental na mga klase (gumagamit ng unang wika) kaysa mga batang
nasa regular na klase (gumagamit ng Ingles at Filipino), kapansin-pansin namang papaangat ito
nang papaangat bawat taon, mas aktibo sila sa klase, mas receptive, at mas mababa ang
porsiyento ng pagliban sa klase.

Ang Polisiya ng Gobyerno Hinggil sa Unang Wika


Sa pamamagitan ng Dep. Ed. Order No. 74 s. 2009, idineklara ng Department of Education
(DepEd) ang institusyonalisasyon ng Mother Tongue-Based Multilingual Education. Ipinag-uutos
nito ang paggamit ng higit pa sa dalawang wika sa pagtuturo at ang paggamit ng mga mag-
aaral ng unang wika sa mga unang taon ng pag-aaral.

Resulta ito ng mga kabatirang natamo sa Lingua Franca Project at sa Lubuagan Experiment na:

 Higit na mabilis matutong magbasa ang mga bata gamit ang kanilang unang wika.
 Higit na mabilis matutong magsalita, magbasa, at magsulat sa pangalawa at pangatlong
wika ang mga batang natutong magbasa at magsulat sa kanilang unang wika kaysa sa
mga batang unang tinuruan gamit ang pangalawa o pangatlong wika.
 Mas mabilis ang kognitibong pag-unlad sa iba pang mga akademikong larangan ng mga
batang natutong magbasa at magsulat sa kanilang unang wika.

Mga Hakbang sa Pagpapalakas ng Unang Wika Bilang Midyum ng Pagtuturo

 Paghirang ng mga respetadong nagsasalita ng unang wika mula sa komunidad na


tutulong sa pagbuo ng programa at mga materyal na panturo
 Paglalatag ng mga gabay sa paggawa ng kurikulum na ipamamahagi sa mga
komunidad
 Pagsasagawa ng preliminaryong pananaliksik upang makakalap ng mahahalagang
impormasyon mula sa komunidad
 Pagsasagawa ng mga aktibidad na nagtataas sa kamalayan at humihikayat ng suporta
sa loob at labas ng komunidad
 Pagbuo ng ortograpiya ng wika gaya ng diksyunaryo ng mga termino sa agham at
matematika na nasa unang wika at pagbuo ng kurikulum at mga materyal na panturo
 Pagsasagawa ng mga training at workshop para sa mga guro
 Paghihikayat ng kooperasyon mula sa mga ahensya ng gobyerno, non-governmental
organizations (NGOs), at mga akademikong institusyon
 Paghihikayat ng pakikilahok mula sa komunidad gaya ng paghingi ng suporta at
pakikibahagi ng mga magulang sa pagkatuto ng kanilang anak

Mga Paalala

 Sa gitna ng globalisasyon at modernisasyon, higit ang pangangailangang isulong ang


paggamit ng unang wika upang maitaguyod ang mayamang kultura ng komunidad at
malinang ang sariling kaakuhan ng bawat Pilipino.
 Magiging matagumpay ang paggamit ng unang wika sa pagtuturo kung may
pagtutulungan mula sa gobyerno, non-governmental organizations (NGOs), mga
akademikong institusyon, at mga lokal na komunidad.

Mahahalagang Kaalaman

 Isang mahalagang yugto sa edukasyon sa Pilipinas ang pagkakadeklara ng


institusyonalisasyon ng Mother Tongue-Based Multilingual Education.
 Ang unang wika ang pinakamainam na midyum ng pagtuturo sa unang taon ng pag-
aaral sapagkat nagiging mas madali sa mga bata na umangkop sa eskuwelahan,
maging aktibo sa klase, at maiwasan ang pagliban kung bihasa sila sa wikang gagamitin
sa pagsisimula ng pag-aaral.

PAKSA: Pangalawang Wika


Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na:

 nakapagbibigay-kahulugan sa konsepto ng pangalawang wika; at


 nakatutukoy ang mga isyung nakapaloob sa pagtuturo ng pangalawang wika.

 Ano ang pangalawang wika?


 Ano ang halaga nito sa pagkatuto?
 Ano ang mga hamon sa pagtuturo ng pangalawang wika?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Ang Pangalawang Wika


Ang pangalawang wika ay tumutukoy sa wikang natutuhan ng isang tao matapos matutuhan
ang kaniyang unang wika. Ito ay nauunawaan ng mga taong nasa komunidad na kinabibilangan
niya kung saan ginagamit ang pangalawang wika bilang opisyal na gamit sa komunikasyon,
edukasyon, pakikipagkalakalan, at iba pang gawain.

May tatlong pangunahing perspektiba o pananaw sa pagtuturo ng pangalawang wika:

1. lingguwistika
2. sosyolingguwistiko
3. pulitikal/ideolohikal

Lingguwistikong Perspektiba
Sa tradisyonal na pananaw, pinaniniwalaang ang pinakamainam na paraan upang matuto ang
isang tao ng anumang wikang hindi niya unang wika ay sa pagkatuto ng mga salita. Nakatuon
ito sa pagtuturo ng:

Sosyolingguwistikong Perspektiba
Naninindigan ito na mahalagang maunawaan ang ugnayan ng pag-aaral at paggamit ng
pangalawang wika at ng kontekstong panlipunang kinabibilangan nito.

1.18

Pag-aralan Natin!
Pulitikal/Ideolohikal na Perspektiba
Ang perspektibang ito ay nakatuon sa wika bilang tagapagdala ng ideolohiya, pananaw-mundo
(worldview), kulturang banyaga, at relihiyon.
Namamalayan man o hindi, ang pagtuturo ng wika ay may kaakibat na pagtataguyod ng mga
partikular na pananaw na naipapasa sa mga mag-aaral.
Mahahalagang Kaalaman

 Ang pangalawang wika ay wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang matutuhan
ang kaniyang unang wika.
 May tatlong pangunahing perspektiba sa pag-aaral ng pangalawang wika: lingguwistika,
sosyolingguwistika, at pulitikal/ideolohikal.
 Mahalagang mabatid ng isang mag-aaral ng wika na hindi sapat na malaman lamang
niya at masunod ang alituntunin sa istruktura at gramatika.
 Nararapat na malaman ng mag-aaral ng wika na bahagi siya ng mas malawak na
lipunan at magkakaroon siya ng kamalayan sa iba’t ibang kahulugan ng pananalita at
pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
 Kinakailangang ang sinumang mag-aaral ng wika ay magtanong at magsuri ng
mahahalagang usapin sa wika at sa lipunan sa pangkalahatan.

You might also like