You are on page 1of 1

Panahon ng Kastila Konseptong Pangwika sa Panahong Ito:

1. Pagiging bilingguwal ng mga Pilipino.


2. Pagpapatayo ni Haring Felipe II ng paaralan na magtuturo ng
Español.
1593 - Paglimbag ng Doctrina Christiana
Panahon ng Rebolusyong Konseptong Pangwika sa Panahong Ito:
Pilipino 1. Nakapasok ang DIWANG MALAYA O LIBERAL sa
pagpapahintulot ng mga Kastila ng kalakalang pandaigdigan.
2. Ginamit ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan (KKK).
1869 - Hudyat ng kamalayan ay ang pagbukas ng Canal Suez.
1872 - Ang panahon ng paggarote sa 3 paring martir.
1897 - Pagmamandato na ang Tagalog bilang wikang opisyal.
Enero 21, 1899 - Sa Konstitusyong Malolos noong Enero 21, 1899 itinadhanang gamitin
ang Espanyol bilang opisyal na wika at opsyonal ang wikang Tagalog.
Panahon ng Amerikano Konseptong Pangwika sa Panahong Ito:
1. Ingles ang wikang opisyal.
2. Pagbabawal ng paggamit ng wikang Español.
3. Simula ng edukasyong panlahat sa mga Pilipino.
4. Pinigyang pagpapahalaga ang “Watawat”—Batas Watawat.
Disyembre 10, 1898 - Araw na nagkaroon ng kasunduang Kastila-Amerikano. Ang simula ng
pananakop ng mga Amerikano.
Marso 4, 1899 - Wikang Ingles ang panturo batay sa Komisyong Schurman.
Panahon ng Hapon Konseptong Pangwika sa Panahong Ito:
1. Ang pagpapahalaga ng wikang angkin—TAGALOG.
2. Ang GINTONG PANAHON NG TAGALOG at PANITKAN.
Panahon ng Pagsasarili Konseptong Pangwika sa Panahong Ito:
1. Paghudyat ng kaisipang kaakuhan partikular sa wika.
2. Pagbuo ng komitiba at komisyong tataguyod sa wika.
Mayo 14, 1935 Artikulo XIII, Sek. 3
“ Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo
sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang pangkalahatang pambansang
wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”

Oktubre 27, 1936 - Plano nang pagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP).
 Layunin ng SWP: Makapagpaunlad ng wikang katutubo at
makapagbigay ng isang wikang panlahat sa isang wikang umiiral
sa isang bansa.
Nobyembre 13, 1936 - Pinagtibay ang batas Komonwelt Blg. 184, ang kapangyarihan at
tungkulin ng SURIAN.
Enero 12, 1937 - Pagtata-lalaga ng Kagawad ng Surian alinsunod sa Seksyon 1, Batas
Komonwelt 185
Mga Kagawad:
Jaime C.de Veyra(S-L) Pangulo
Kgwd. Santiago A. Fonacier (I)
Kgwd.Filemon Sotto (C)
Kgwd. Casimiro F. Perfecto (B)
Kgwd.Felix S. Salas Rodriguez (P)
Kgwd. Cecilio Lopez (T)
Nobyembre 7, 1937 - Inilabas ng Surian ang resolusyon na TAGALOG ang gawing batayan ng
pambansang wika alinsunod sa B. Komonwelt 184 noong Disyembre 30,
1937.
Marso 6, 1954 - Nilagdaan ni Pang. Magsaysay ang Proklamasyon Blg.12 para sa
pagdiriwang ng Wikang Pambansa mula MARSO 29 hanggang ABRIL 4
taon-taon.
- Nabago ang linggo ng wika at naging Agosto 13 hanggang 19 taon-taon.
Agosto 3, 1959 - Kautusan Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakdang “kailanma’t tutukuyin
ang Wikang Pambansa, ito ay tatawaging Pilipino.
1987 Konstitusyon ng Pilipinas - Artikulo XIV, Seksiyon 6—Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
FILIPINO.

You might also like